webnovel

Please, Laniel

A transexual woman's story

pencoloredman · LGBT+
Not enough ratings
18 Chs

V.

"GOOD morning," mahinang bati nito sa akin.

Inaantok pa ako pero halos tumalon ako sa hinihigaan ko dahil sa lalaking ngayon ay malapad ang ngiti.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo rito?!" gulat na tanong ko rito.

Natawa siya nang bahagya. "Masama bang nandito ako para makita kita? Si tita ang nagpapasok sa akin dito."

Kumunot ang aking noo. Tama, si mama lang naman ang magpapapasok sa kaniya dahil kung si papa, e baka nataga na ito ng itak namin.

"Ano bang sadya mo rito, ha?" mataray kong tanong rito.

"Wala bang 'Good morning too, Laniel'? Ang sungit. Mayroon ka ba ngayon?" At nang-asar pa talaga, ano? Sana nga magkaroon ako.

Naalala ko tuloy bigla ang isinulat kong sulat kagabi. Napatingin ako sa lamesa ko at wala roon ang sulat. Nagpanic na ako nang makitang wala ang sulat sa ibabaw ng lamesa. Tumayo ako at tinungo ang lamesa. Hinanap ko ito at laking pasasalamat ko nang natabunan lang ng mga nagkalat na papel. Siguro dahil sa pagod at antok kaya nakalimutan kong nagulo ko ang lamesa at nagkalat ang mga papel dito.

"Are you okay?" takang tanong nito. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kama ko at tinitignan ako ng mayroong pagtataka.

"Yeah, medyo tulog pa siguro ako," sagot ko rito.

"Are we cool?" he asked and I answer, "yes."

Umalis din naman si Laniel at dinaanan niya lang daw talaga ako dahil dito rin naman daw ang daan papuntang opisina ng kaniyang ama.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Risza. Ilang ring pa bago nito sagutin ang tawag.

"O, ang aga mo masyado!" bulyaw nito mula sa kabilang linya.

"Hindi ba puwedeng 'Good morning, bes'? Seryoso ka sa paninigaw mo?" sagot ko rito.

"Ano ba kasi ang kailangan mo?" tanong nito na bakas ang pagkairita.

"Tawag na lang ako siguro kapag okay na ang mood mo makipag-usap," ani ko na bagsak ang itsura.

Akmang papatayin ko na sana ang tawag pero narinig ko pa siyang nagsalita. "Bes, hindi ka naman mabiro. Nagpapractice lang naman ako na maging mataray at sa tingin ko gumana siya," sabi nito. "Punta ako ngayon diyan. Hintayin mo ang pagdating ng mala-diyosa ang ganda."

Natawa naman ako sa sinabi nito at napahinga ako ng malalim dahil sa ginawa niyang pagtataray sa akin. "Okay. Ingat ka sa biyahe!"

Tumayo ako at pumunta sa banyo para maghilamos. Buti na lang talaga at nakapajama ako ng makapal kanina dahil kung hindi nakakahiya talaga. Si Laniel pa naman iyon.

"Ang ganda mo Carina kaysa noon," puri ko sa sarili nang makita ko ang itsura sa salamin ay napahanga ako ng doctor na nag-ayos sa akin galing Thailand.

"Carina!" sigaw ng boses ni mama.

"Bababa na po!" sagot ko rito.

Mabilisan lang ako na nagtootbrush at naghilamos. Masyado akong maganda para tumagal dito. Nang matapos ay lumabas na ako sa banyo at kuwarto ko.

"Good morning!" bati ko rito saka halik kay mama at papa. Buti na lang at naabutan ko si papa na nandito pa. Madalas kasi ay paggising ko ay nakaalis na siya.

"Good morning, honey," balik na bati ni papa.

Halos maluha ako nang may iabot si papa na isang envelop. Hindi ko pa man ito nakikita pero alam ko na kaagad ang laman nito,

Niyakap koi to nang mahigpit. "I love you so much, papa."

"I love you too, honey."

Lumapit sa amin si mama at niyakap niya kaming dalawa. This is the kind of family that I dream of.

"Sa wakas ay makakaalis na ako!" masayang sambit ko.

"Sorry, honey to tell, pero next week pa ang alis mo," bakas kay papa ang lungkot pero nanatili akong nakangiti.

"Its okay papa," ani ko rito.

"It's getting late. I need to go. Bye!"

Mabilis na umalis si papa. Narinig ko pa na nagstart engine ang sasakyan nito at tuluyang nawala.

"Mama, si Risza ay darating. Pasabihan na lang po na pumasok na lang siya sa kuwarto ko," bilin k okay mama. Tumango ito bilang tugon.

Mabilis kong kinain ang agahan at hinugasan ko na ang aming pinagkainan. Ito ang kinaaasaran ko sa paghuhugasan ng pinggan. Isang plato, isang baso, isang kutsara at tinidor pero isang katerba ang hugasin mo.

Matapos kong hugasan ang hugasin ay dumiretso na ako sa kuwarto at pumunta sa paborito kong lugar— ang lamesa kung saan ako nagsusulat. Nagsulat lang naman ulit ako ng isang saknong nabinubuo ng apat na taludturan.

"Sa kalawakan ng tala,

Isang nangungusap na mata.

Hihingi ng pag-asa;

Pag-asa na muling pagbigayan sana."

Ginawa kong eroplano ang piraso ng papel. Kaunting panahon pa ay makakaalis na ako at matatakasan ko na si Laniel. Kahit ang presensiya na lang ni Laniel ang matakasan ko at hindi ang katotohanang malalaman din naman ni Laniel ang tungkol sa akin.

Kumuha ako ng isang libro sa book shelf ko. Nicholas Sparks, ha?

Binasa ko ang isang libro nito na pinamagatang 'Safe Haven' at natutuwa ako na akala ko talaga ay kriminal ang babae pero nagkamali ako. Nicholas gave me a 'What' look.

Makalipas ang ilang oras ay dumating na si Risza. May dala itong isang plastic bag. Hindi ko alam kung anong laman nito pero hindi na ako nag-abala pang alamin dahil sasabihin niya rin naman.

"Dinalhan kita ng makakain. Pasado Alas dose na ng tanghali pero nandiyan ka at nagbabasa," sabi nito at tumabi sa akin saka inilabas ang mga pagkain na dala nito. Sabi na at sasabihin niya rin ang laman ng plastic bag, e.

"Actually, hindi ako ang nagdala niyan. Ipinadala talaga ni mommy iyan kasi alam niyang gusto ko ng kakanin na puro toppings," dugtong pa nito.

"Alam ko naman ang bagay na iyan. Ikaw? Pagdadalhan ako ng pagkain? Baka nagpadasal na ako no'n, bes!" sabi ko rito.

"Grabe ka naman. Pero gano'n na nga."

Nagtawanan kaming dalawa. Umalis ako at kumuha ng kutsara sa kusina. Nang makabalik ay kaagad kong binuksan ang isang tupperware ng kakanin na binudburan ng pagkadami-raming latik.

I feel her gaze at my side. So, I decided to turn to her. "Why are you looking at me like my kakanin? Sticky."