webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · realistisch
Zu wenig Bewertungen
366 Chs

Punching Bag

Chapter 15. Punching Bag

       

    

KAHIT gustong mangumusta ni Dice ay hindi niya ginawa. Ilang taong puro sulyap at palakpak lamang ang iginagawad niya kay Kanon mula nang magkita sila tuwing Athletic Meet, kung saan naglalaban-laban ang mga pribadong eskwela ng buong distrito patungkol sa sports at board games, pati cheering competition. Noong mga panahon ding iyong nag-boom ang social media kaya isa iyon sa naging source niya para maging updated sa hinahangaan niyang dalagita.

He learnt that upto that school, Kanon was also a celebrity. Hindi dahil kabilang ito sa mga theatre play o sports kundi dahil sa Cheering Squad. Noon pa ma'y kasali na ito tuwing kailangang magtanghal ng sayaw sa paaralan. Kaya nga mas napukaw nito ang atensyon niya dahil parati silang nagkikita tuwing may practice ng sayaw, parati rin kasi siyang kasali. Idagdag pa na magkaklase sila ng ilang taon nang elementarya sila.

Noon pa ma'y mahilig na siya sa sayaw at tuwing summer ay ine-enroll siya sa dance classes ng kanyang ina, kaya may background siya tungkol sa mga sayaw.

At hindi niya napigilang mamangha nang husto dahil mas gumaling si Kanon at mas naging malinis ang paggalaw nito.

"Muling ibalik na ba?"

Gusto niyang batukan ang umakbay sa kanya't nagtanong. Isa si Hugo sa mga kaibigan niya noong elementary na iniwasan niya. But eventually, he became his friend again when he reached out and apologized.

Grade nine na sila at Athletic Meet Season na naman. Katatapos lang magtanghal ng ng mga taga-Gonzales para sa Cheering Squad Battle.

"Tumangkad si del Rio, 'no? Parang kailan lang noong bansot siya. Damn, those legs, nakakasilaw." Kumanta pa ito ng lumang kanta. "Legs, legs, legs mo ay nakak—"

Tuluyan na niya itong binatukan para magtigil na sa katutukso. "Ang manyak mo!"

"Hey, that's a foul word! Pinupuri ko lang naman ang crush mo."

Hindi siya umimik ukol doon at nagdahilan na hindi si Kanon ang tinitingnan niya.

"Your eyes were focused on their cheerleader, tapos sasabihin mong hindi ka sa kanya nakatitig? 'Lol!"

Para paniwalaan siya nito na matagal na siyang naka-move on sa pagsintang pururot niya kay Kanon ay nilapitan niya ang isa sa mga miyembro ng cheering squad ng GHS. Niligawan niya ito kahit kabe-break pa lang nila ng past girlfriend niya. Hindi na bago sa mga nakakakilala sa kanya ang pagpalit-palit ng girlfriend. Wala namang masama roon, dahil para sa kanya, ang masama ay iyong pagsabay-sabayin ang mga gine-girlfriend.

Matapos ng Athletic Meet ay parehas silang naging abala ng bagong girlfriend niya kaya hindi sila nagtagal nito't nakipag-break din ito kalaunan. Idinahilan nito na strict ang parents nito. Ayos lang sa kanya tutal ay bata pa naman siya't wala pa talaga sa isipan ang pagpasok sa serysosong relasyon.

"Paano kung si del Rio ang girlfriend mo?"

Natigilan siya sa tinanong na iyon ni Hugo nang sabihin niya ritong wala na sila ng girlfriend niya.

If Kanon was her girlfriend, then, he must do everything to make her stay in their relationship. Kasehodang bata pa sila at sabihin ng ilan na kadalasan sa mga high school relationships ay walang nagtatagal. Sisiguraduhin niyang magtatagal ang kanila. Panghabambuhay pa nga, eh.

"Eh, kaso hindi ko girlfriend."

"Hindi ka pa rin nakapag-move on, brad! Patay na patay ka pa rin sa kanya," kantiyaw nito sa kanya at tinampal ang balikat niya.

Imbes na sumagot ay tumiim ang bagang niya. Kahit totoo naman iyon ay wala pa rin siyang gagawin. Kanon said before that they were still kids, and if he tried again, she would only pushed him away. Kaya nga ito nag-transfer ng iskul dahil ayaw nitong makipag-relasyon sa kanya noon.

But that's bullshit! Especially during their tenth grade, the rumor said that one of his schoolmates, his teammate in basketball team, was still head over heels to her, and that, the feeling was mutual from her.

"Bakit noong ako, ang sabi niya'y bata pa kami? Pero bakit sa lalaking iyon, pwede?"

"Baka kasi nag-iba na siya ng pananaw. Ilang taon na rin naman ang lumipas." Dinamayan siya ni Hugo sa gym at pinagsusuntok niya ang punching bag.

"Dahil ba basketbolista si Martinez? Nasa team din naman ako, ah? Dapat ba'y maging MVP na lang din ako? Magfo-focus na lang ako sa pagba-basketball kung ganoon!"

"Akala ko ba, first love mo ang dancing?"

Nagtagis ang bagang niya at sinuntok ulit ang bag.

"Ay, mali, si del Rio nga pala ang first love mo."

"Tumahimik ka!" Nanggigigil na bulalas niya kasabay nang pagsuntok sa punching bag na puno rin ng panggigigil.

"Tama na nga iyan. Talagang maaga tayong pumasok para lang pagsusuntukin mo iyang punching bag, 'no? Baka hindi ka na makapasok sa laro niyan kapag namaga iyang kamao mo kasusuntok diyan. Ni hindi ka man lang nag-boxing gloves."

Tumigil na siya't iniwan siya ni Hugo para bumili ng makakaing almusal. Dahil sa SBA naman gaganapin ang mga ball games nang araw na iyon ay hindi na nila kailangang umalis pa roon. Maghihintay na lang sila ng oras hanggang sa magsimula na ang mga laro.

At nang maglaban na ang team nila at ng mga taga-Gonzales ay hindi siya naglaro. Nasa bangko siya't nanonood lang ng laban—o mas tamang sabihin pinanonood ang paninitig ni Kanon sa ka-team niyang si Ram. Kunut na kunot niyang minamasdan kung paano itong namula at pasimpleng inipit ang takas na buhok sa tainga. He had enough. Hindi na siya maghihintay dahil lamang sa sinabi ni Kanon noon na bata pa sila. Kung magkakagusto ito, gagawa siya ng paraan para mapansin ulit nito at siya ang magustuhan. Kahit simpleng crush lang, okey na. Siya na ang bahala sa lahat.

Nang mapansing umalis ito ay iniwan niya ang game para sundan ito at pumunta sa café. Tutal ay alam naman niyang hindi siya maglalaro noong araw na iyon dahil masakit ang mga kamay niya sa kasusuntok niya ng punching bag kaninang umaga't nahalata ni coach ang bahagyang pamamaga ng mga kamao niya.

He felt really light when they shared the table. But he messed the situation up and he was taken aback when he noticed her eyes pooling with unshed tears.

Shit! Ano na naman bang sinabi ko?

Napansin din niyang sa kanila lang nakatingin ang mga taong nandoon, at mukhang karamihan ay alam ang tungkol sa nakaraan nila nito base sa narinig niyang bulung-bulungan. Pinagmasdam niya si Kanon ay kitang-kita niya kung paanong hindi nito nagustuhan ang nangyari kaya umalis na lang bigla. Hinanap niya ito pero mukhang umuwi na ang huli.

He sighed and someone from the other school approached him. Alam niyang masama pero ginamit niyang pagkakataon iyon para matakbuhan ang sariling damdamin. Sa isipan niya kasi'y kung magkakaroon siya ng girlfriend ay hindi niya maiisipang lapitan si Kanon dahil ayaw niyang magloko siya kung sakali.

Tutal, mukhang ayaw naman talaga nito sa kanya, kaya roon na lang siya sa mga gusto siya.

But why did that thought where Kanon didn't like him hurt a bit?