webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Realistic
Not enough ratings
366 Chs

Six

Chapter 14. Six

       

          

DICE had been in love with Kanon for years now. Inakala niya na simpleng paghanga lang iyon noong mga bata pa sila. Elementary pa lamang ay natatandaan niyang parati siyang napalilibutan ng mga kaklaseng babae, palaging inuulan ng love letters na nakaipit sa mga libro o notebook, maging sa loob ng bag niya. Natuto siya sa crush crush na iyan noong grade five siya. At ang student-teacher nila ang natatandaan niyang unang hinangaan niya.

He had his first girlfriend at fifth grade, too. Kahit sabihing masyado pang bata, the fact na nanligaw siya at sinagot siya ng niligawan ay masasabi niyang naging girlfriend niya nga ito.

Kaklase na niya mula Grade three si Kanon at hindi ito ang tipo niyang maging crush. He remembered he had a thing with morena girls before. Malayung-malayo sa mala-kremang kutis nito. Parang laging maysakit dahil maputla ang may kakapalang nitong labi. Hindi nga niya makita ang sinasabi ng iba na magandang bata si Kanon dahil para sa kanya ay wala namang kakaiba rito. Walang espesyal.

Pero nilunok niya ang lahat nang mag-grade six sila.

"Ang cute cute mo pala talaga, Kan," hindi napigilang puri niya nang ito ng naging muse ng klase nila at naging representative noong United Nations Month. She was Miss Japan because probably, she looked a bit like one. Idagdag pa na gaya ng papa niya, ay may dugo rin palang Hapon ang lola nito sa side ng papa nito.

"Sabi mo noon, pangit ako?" kunot-noong tanong nito, nanunulis ang nguso. Cute.

Ngumiti siya. "Noon iyon. Ngayon hindi na. Crush na nga kita, eh."

Pinamulaan ito ng mukha at hindi pa niya alam ang ibig sabihin niyon noon kaya pinansin niyang makapal ang makeup nito hanggang sa maiyak ito. Mukhang nagkamali siya sa mga sinabi.

At dahil parati siyang nakakatanggap ng love letters noon ay sinubukan niya ang estilong iyon sa crush niya. Nagpatulong siyang magpagawa sa ate niya at pinakisuyuan niya ang kaklaseng malapit sa kanya na iabot ang mga iyon dito.

Pero sa huli, inakala ni Kanon na galing ang mga love letters sa kaklase nila dahil ito nga ang nagbibigay ng mga iyon. Kasalanan naman niya dahil hindi siya nagpakilala sa mga liham ng paghangang ibinigay niya rito.

Hindi niya tinigilan ang babaeng pumukaw sa bata niyang puso, kaya kahit pang-aasar ay lagi niyang ginagawa rito. Hindi kasi niya alam kung ano o paano sisimulan ang pakikipag-usap dito. Pero sa tuwing inaasar niya ay napapansin siya nito. Kaya nga lang, tinigilan niya, dahil imbes na mas mapalapit sa kanya ay lumayo naman ito. Marahil ay nailang, o mas tamang sabihing nainis.

Until it was Valentine's Day, the school had a program, and Kanon performed a declamation speech that she'd been practicing for weeks. Manghang-mangha siya sa galing nito, dalang-dala sa malamyos at punung-puno ng emosyong nitong tinig na naaangkop sa piyesa. Kaya pinuri niya ito ng taos sa loob niya matapos nitong magtanghal.

It seemed like his praises had touched her heart because after that day, they became closer amd she treated him as one of her friends. Pero alam niyang hanggang ganoon lang ang pagtingin sa kanya ni Kanon sa kanya. Subalit hindi siya sumuko. First week of March nang magtapat ulit siya ng paghanga rito.

The young Kanon Grace Pacelo del Rio was so adorable while blushing as she listened to him, declaring his admiration towards her through the poem that he made only for her.

It was a cloudy afternoon and they had a P. E. Class. Inayos niya ang pagkaka-tuck in ng t-shirt sa jogging pants niya at ch-in-eck ang sarili sa salamin. Hindi nagulo ang buhok niyang pinalagyan niya ng pomade sa ama niya kaninang bago pumasok sa paaralan. Nang makuntento ay lumabas siya ng banyo, at dumiretso sa open field ng St. Benedict Academy.

Nang makitang papalapit si Kanon ay sinalubong niya ito. Kagagaling lamang nitong tumakbo sampu ng mga kaklase nilang babae at pabalik na sa bleachers para silang mga lalaki naman ang tatakbo sa field.

Pawis na pawis ito, namumula ang buong mukha at hinihingal.

"Ano iyon?"

Tumikhim muna siya at umatras ng ilang baitang para makita ang kabuuan nito habang tumutula.

O, Kanon,

Ika'y tila anghel

Na hulog ng langit.

Sa t'wing ika'y nakikita,

Dumaraan sa aking harapan,

Kapaligira'y nagliliwanag.

Ikaw ay kahanga-hanga,

Kaya ang puso kong ito

Ay talaga namang nabihag mo.

Hindi perpekto ang tula pero ibinuhos niya ang tunay na damdamin doon. Mas lalong namula si Kanon nang magtudyuhan ang mga kaklase nila. At habang sinasambit ang bawat katagang minemorya niya ng ilang araw ay kapansin-pansin ang bulungan ng ilang mga kaklase niyang malapit sa kanya. Ang mga ito ay ang itinuturing niyang mga kaibigan.

"P-pupunta lang akong clinic, masakit ang sikmura ko."

Hindi niya na napigilan si Kanon nang tumakbo ito palayo sa open field. Umugong ang tuksuhan kaya kahit ang pagsuway ng P.E. Teacher nila ay nalunod na't napangiti na lamang nang lumingon sa kanya. Hindi nito malaman kung pagagalitan ba siya o hahayaan na lang.

Pagkuwa'y tuluyan na silang sinuway ng titser nila at kinailangan nang ipagpatuloy ang pagtakbo nila ng limang laps. Pagkatapoa ay kaagad na pinuntahan niya si Kanon sa clinic pero wala na ito roon nang makapasok siya. Siguro'y nasa silid-aralan na't naghahanda sa susunod na klase.

"Ang galing mo, Usui!"

Hindi niya namalayang sinundan pala siya ng mga kaibigan niya.

"Nakakahiya iyong ginawa mo pero salamat!"

Nangunot ang noo niyang bumaling dito. "Salamat saan?"

"Nanalo kaming dalawa sa pustahan." Umakbay ito sa unang nagsalita. "Natalo ang tatlong unggoy na ito." He was scowling as he glanced at the one who was scratching the back of her head, while the other two girls were just smirking. Maloko talaga ang mga ito.

Lahat sila ay napapitlag nang may marahas na humawi sa kurtinang tumatabing sa kama. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Kanon iyon.

Wala naman siyang kasalanan pero parang kinakain siya ng konsensya niya dahil nakasimangot ito at paiyak na. Hindi ito nagsalita at umalis na lang doon.

Dahil sa nangyaring iyon ay naging mailap na naman ang hinahangaan sa kanya. Hanggang sa isang araw ay lumapit ito sa kanya habang mag-isa siya sa bleachers nang P. E. class nila. Hindi na kasi niya kasa-kasama ang mga tinuring niyang kaibigan noon matapos silang pagpustahan ni Kanon na para bang mga bagay lamang silang dalawa.

"Kan!"

Inirapan siya nito pero umupo pa rin sa tabi niya.

"Promise, cross my heart, wala akong alam sa pustahan pustahan na iyon."

Tumingin ito sa kabilang banda kaya lumipat siya roon. Nag-iwas naman ulit ito ng tingin.

"'Kita mo nga, hindi ko na sila kasama. Mag-isa na lang ako."

"Bakit?" Lumingon ito sa kanya na nakakunot ang noo.

"Kasi nga pinagpustahan nila tayo."

Her eyes looked down, avoiding his gazes.

"Sorry."

Nag-angat ito ng tingin, puno nang pagdududa. "Bakit ka nagso-sorry? Totoo ba talagang wala kang alam sa pustahan?" she asked in her soft voice.

Mabilis siyang umiling. "Wala akong alam doon. Totoong crush kita. At gusto kitang maging girlfriend."

"Pero Grade six pa lang tayo."

"Nagka-girlfriend ako nang Grade five tayo."

Umiling ito. "Hindi iyon totoong girlfriend. Nakiuso ka lang yata kasi ganoon ang mga kaibigan mo."

"Medyo nga. Pero naging girlfriend ko naman talaga."

"Naging girlfriend mo naman pala, bakit hindi na lang ulit siya? Bakit ako?"

"Kasi ikaw ang crush ko."

"Kung magka-crush ka ulit ng iba, hindi mo na ako papansinin."

"Hindi—"

"Hindi, Daisuke. Hindi ako pumapayag sa gusto mo. Ang sabi ni Mama, pang-adult ang boyfriend, kaya nga kapag eighteen na ako, 'tsaka pa lang ako magpapaligaw."

"Pero love kita. Gusto kitang nakikita araw-araw."

"Ang bata-bata pa natin sa love love na iyan. Hindi mo ako magiging girlfriend. Pero friend pa rin kita kahit bad ang ibang friends mo."

Natahimik na lang siya dahil mukhang seryoso ito. Hindi na niya ipinilit ang sarili kung ayaw muna nito.

Hanggang sa mag-graduate sila ay hindi na nabalik sa rati ang closeness nila nito. Iniisip pa nga niyang hindi na bale dahil magkikita naman sila nito next school year. At, nagkita nga sila—pero noong Athletic Meet na lang.

Because she transferred schools, and he knew that he was the one to blame why all of the sudden, Kanon Grace left their Alma Mater.