webnovel

Nakapapanabik na regalo

Redakteur: LiberReverieGroup

Medyo lasing na si Ye Mu Fan. Binalot ng pamamahiya ang kanyang mga mata nang bigla siyang nangasar siya gamit ang malalim niyang boses, "Tsk, protektahan? Ikaw lang mag-isa? Paano mo po-protektahan ang pamilya natin…? Tapos na tayo… tapos na ang lahat noon pa man… matagal nang nawala ang lahat sa atin…"

Wala kahit ano ang pamilya nila ngayon, kaya ano ang gagamitin nila bilang panlaban sa pamilya ng second-uncle nila? Paano nila makukuha ang karapat-dapat ay sa kanila…?

Tsk… napaka babaw mo Ye Wan Wan.

Binalot muli ng katahimikan sa lamesa nila matapos magsalita ni Ye Mu Fan.

Sa oras ding iyon, ang mga tao sa main table ay napahingal sobrang hanga at narinig ito sa buong lugar.

Biglang naglingunan ang mga bisita sa main table.

May inilabas si Ye Yiyi at Gu Yue Ze na calligraphy painting at naghahanda silang ilantad ito sa lahat.

Parang palamuti lang ang mga nakasulat na salita sa painting, pero nakakakuha ito ng atensyon ng mga nakatingin. Para bang makakapasok sila sa loob ng painting at mararanasan nila ang tanawin noong unang panahon.

Matagal na tinitigan ni Ye Hong Wei ang painting at makikita ang bakas ng pagkamangha sa mga mata niya.

Napatalon papunta sa tabi ni Ye Hong Wei ang mga matatandang mahilig sa calligraphy painting, para tingnan ito. Namangha sila matapos nilang enspeksyunin ang painting.

"Ang galing! Sulat kamay talaga ito ng nag-iisang si Mei Jing Zhou, ang great master Mei!" Masayang sinabi ng isang matandang lalaki.

Nakatatak ang tunay na selyo ni Mei Jing Zhou sa bandang ilalim ng painting.

"Dapithapon ng Taglagas sa Bulubundukin?" hindi umaalis ang mga mata ni Ye Hong Wei sa calligraphy painting.

Malapit ang puso ni Ye Hong Wei sa calligraphy at makalumang mga painting. Nasa tuktok sa mga paborito niya ang calligraphy painting. Sa ngayon, ang taong kinagigiliwan niya ay ang kayamanan ng bansa na pintor, si great master Mei Jing Zhou.

Malaki ang halaga ng bawat calligraphy painting ni Mei Jing Zhou; walang tao sa buong bansa ang kayang humigit sa talento niya.

"Opo lolo, ito nga po ang Dapithapon na Taglagas sa Bulubundukin," mahinhin na sinabi ni Ye Yiyi.

"Alam ni Ye Yiyi na malapit ang puso mo sa calligraphy painting ni master Mei at pagkatapos niyang subukang makahanap nito, tagumpay niyang nahanap ng painting na ito na galing kay great master Mei." natuwa si Gu Yue Ze.

Noong nakaraan, ginamit ni Gu Yue Ze ang estado niya sa Gu Group at ang pangalan ng kanyang tatay para makuha ang painting na ito. Gusto niya noong una na anyayahan si great master Mei na magpakita sa salu-salo na ito pero nakakalungkot sabihin na mahirap siyang imbitahin, sinabi lamang niya na maaari siyang bumisita ngunit hindi klaro kung kailan.

Umaasa pa noong una sila Gu Yue Ze at Ye Yiyi pero hanggang ngayon, wala pa ring sagot si great master Mei sa kanila.

"Nahirapan ka sugiro, Ye Yiyi," Namamangha tumingin sj Ye Hong Wei kay Ye Yiyi.

"Kuntento na ako basta't nagustuhan ninyo ito, lolo," sumagot si Ye Yiyi.

"Ito ang pinaka magandang suprise na natanggap ni lolo at ito rin ang paborito kong regalo sa kaarawan ko. Mabuting mga bata, napaka-maalalahanin ninyo sa akin," Ngumiti si Ye Hong Wei.

Sa oras na iyon, mabilis na pumunta si housekeeper Huang Ming Kun sa tabi ni Ye Yiyi at tila may ibinulong ito sa kanya.

"Talaga?!"

Bumalot ang gulat sa mukha ni Ye Yiyi.

Ang sinabi ni Huang Ming Kun sa kanya, personal raw na dumating si great master Mei at may dala rin itong regalo.

"Yue Ze… andirito si great master Mei!" Hinila ni Ye Yiyi sa gilid si Gu Yue Ze at masaya niyang sinabi ito.

Nabigla si Gu Yue Ze sa narinig niya at nagtanong siya ng may pagdududa, "Dumalo talaga si great master Mei?"

"Oo..." tumango si Ye Yiyi. "Kararating niya lang daw sa bahay kaya malapit na rin siyang makapunta dito."

Malambing na ngumiti si Gu Yue Ze kay Ye Yiyi at sinabi niya, "Sinabi ko naman sayo na hindi magkakaroon ng problema."

Binalot ng kasiyahan si Ye Yiyi habang nakatingin siya sa mga mata ni Gu Yue Ze ng puno ng paghanga. "Pasalamat na lang dahil sa reputasyon ni tito!"

Mabilis na bumaling ang mga mata ng lahat sa may likuran ng hall.

May matandang lalaki na nasa edad na 60 ang nakasuot ng grey at puti na Tang suit ang naglakad sa loob ng hall na may kasama pa siyang assistant.

"Wow…"