webnovel

Ako naman ang magpo-protekta sa inyong dalawa

Editor: LiberReverieGroup

Sinubukan ni Ye Shao Ting na itago ang namumula niyang mga mata para hindi makita ng mga tao ang tunay niyang nararamdaman.

Nanibago si Ye Mu Fan nang tiningnan niya ang kanyang kapatid na tila nagbago ang pagkatao nito. Nalilito siya habang nananahimik pero halata sa kanyang mata ang bahid ng pangangamba.

Napatingin si Ye Wan Wan sa kanyang tatay. "Papa… sorry po… alam ko ang mga nagawa kong mali… Ako ang nagpasakit sa iyo… ganito ang kalagayan ng buhay mo dahil sinubukan mo akong iligtas palayo sa katotohanan… naging magulo ang buhay ng pamilyang ito dahil sa akin…"

Nabigla si Ye Shao Ting sa sinabi ni Ye Wan Wan, lumalim ang tono ng gulat niyang boses at sinabi, "Pa… paano mo nalaman? Sinong nagsabi sayo?!"

Naisip ni Ye Wan Wan na nagkamali siya. Walang makatarangungang sagot kung paano niya nalaman ito, kaya humarap siya kay Ye Mu Fan at sinabi, "Ge ge… sinabi ni ge ge sa akin…"

Mas maganda na kung sisisihin niya ang kanyang kapatid...

Si Ye Mu Fan na abala sa kanyang ginagawa habang umiinom ng alak ay nagulat nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan. Naramdaman niyang hinampas ng tatay niya ang kanyang likod, bago pa siya makasagot. "Mokong ka! Hindi ba sinabi ko sayo na 'wag na 'wag mong sasabihin sa kapatid mo ha?"

"Wala akong sinabi sa kanya, bakit ako?!"

"Hindi ba ikaw ang nagsabi? Sige, paano pala nalaman ng kapatid mo?" hindi naniwala sa kanya si Ye Shao Ting.

Sinisi rin siya ni Liang Wan Jun. "Loko-loko ka Mu Fan! Paano kung may nangyari kay Wan Wan…"

Galit na tumingin si Ye Mu Fan kay Ye Wan Wan. "Hindi talaga ako ang nagsabi sa kanya! Nagsisinungaling si Wan Wan!"

Niyakap ng mahigpit ni Ye Wan Wan ang kanyang nanay at maluha-luhang sinabi niya, "Hindi ako nagsisinungaling, si ge ge yung hindi nagsasabi ng totoo…"

"Loko! Nagsisinungaling ka pa rin!" hinampas ulit ng tatay nila si Ye Mu Fan.

"Punyeta naman! Bakit siya ang pinaniniwalaan niyo at hindi ako?!" nagbu-bunganga si Ye Mu Fan sa sobrang dahil pinagdududahan pa rin siya ng kanyang magulang.

Kahit binabalot sila ng ingay ang paligid nila, lalong nagkaunawaan at nagkaintindihan ang pamilya nila.

Ngayon, naintindihan na nila kung bakit malaki ang pinagbago ni Ye Wan Wan.

Ngunit sa mga oras rin na iyon, lubhang nag-aalala sila Liang Wan Jun at Ye Shao Ting-- nag-aalala sila na baka nakaranas ng matinding trauma ang kanilang babaeng anak hanggang sa hindi niya na kinaya ito.

Ramdam ni Ye Wan Wan ang pag-aalala sa mga mata ng kanyang nagmamahal na magulang, kahit papano ay gumaan ang loob niya dahil dito. "Papa, mama, 'wag na po kayong mag-alala--okay lang po ako. Nahirapan akong tanggapi ang katotohanan noong una, pero naisip ko walang magagawang tama kung masasaktan lang ako. Kailangan kong mag-aral ng maigi para maipagmalaki niyo ako bilang anak, nagta-trabaho rin ako ngayon para hindi na kayo mag-alala sa pagkain niyo at kung may mai-susuot pa kayo. Kailangan kong buhatin ang responsibilidad na ito dahil ako ang dahil sa hirap na nararanasan niyo ngayon. Ibabalik ko lahat ng pagmamay-ari ng Ye family!"

Hindi nakapag timpi si Ye Mu Fan na tingnan ang kanyang kapatid...

Kung sa noon ito nangyari, malamang mangungutya lang siya sa sinabi ni Ye Wan Wan. Ngunit ngayon, dahil nakapasok na si Ye Wan Wan sa Imperial Media at nasa mataas na grado ang kanyang resulta, malaki rin ang pinagbago ng kanyang pag-uugali. Gayunpaman, nahihirapan pa rin siyang paniwalaan ni Ye Mu Fan dahil sa nangyari noong nakaraan...

Puno ng galak ang puso ni Liang Wan Jun at Ye Shao Ting nang makita nila ang mabilis na pagbabago ng kanilang anak, pero nawawasak pa rin ang kanilang puso...

Marami siguro siyang pinagdaanang hinanakit dahil humantong siya sa napakalaking pagbabago.

Nagbuntong hininga si Ye Shao Ting. "Hindi mo ito kasalanan Wan Wan. Kasalanan ito ni papa. Hindi ka pinrotektahan ng maayos ni papa!"

Nawarak ang puso ni Liang Wan Jun. "Hindi mo kailangang maghirap ng ganito Wan Wan, okay lang naman si papa at mama. Gusto lang namin na mapabuti ka anak…"

Pinunasan ni Ye Wan Wan ang tumutulo niyang luha. Ang aninag ng ilaw sa kanyang mga mata ay parang sampung-libong mga bituin sa langit. "Papa, mama, 'wag niyo na akong itrato na parang bata! Matanda na ako at kaya ko nang protektahan kayong dalawa!"

Namula ang mga mata ng magulang niya habang buong puso siyang pinapakinggan ng mga ito.