webnovel

Path Of Love

Fresh from break-up, Kriendel Heath Vellila, promised herself that she won't ever enter a relationship again. And now her priority is her family and friends. Sometimes, she also wanted to experience again the feeling of being loved. Pero paano mangyayari yon kung ayaw niya ng masaktan at mag mahal muli, dahil sa trauma niya. Susubukan n'ya ba ulit mag mahal? O hahayaan n'ya nalang ang sarili na tumandang dalaga?

cyidraa · Teenager
Zu wenig Bewertungen
5 Chs

Prologue

"Oo, papunta nako d'yan. Sorry medyo na traffic kase ko eh."

  

"Nasan ka na 'ba? Dala mo 'ba yung sasakyan mo?" rinig kong sagot nung lalaki sa telepono.

  

"Hindi, iniwan ko nalang muna sa bahay at nag commute. Nasiraan ako kahapon habang pauwi kaya ayon 'di parin nagagawa. Pero dadalhin naman daw dito nila Zen kapag nagawa na para may magamit ako pauwi"

  

"Pasabi na'din na ba'ka ma late ako, thanks!"

'Sobrang bango naman ata ng unan ko ngayon. Parang hindi naman ganito ang amoy ng mga punda namin sa bahay, dahil nasisigurado kong mas ma bango pa 'to sa downy.'

 

Teka! Parang ka'y tigas naman nitong unan ko? Hindi naman ganito 'to, dahil malambot ang mga unan ko. Sandali at kapain ko nga, para kaseng iba talaga eh.

"What the fuck!" sigaw ng lalaki. Agad akong napabalikwas sa pag tulog at agad agad na binukas ang mga mata, dahil wala pa 'ko sa ulirat.

  

Shocks! Sino ba 'tong katabi ko? Kanina bago ko matulog yung matandang babae pa ang katabi ko. At wait, siya yung kayakap ko?  Myghad ano ba 'yan, nakakahiya! Ba 'ka mamaya may tulo laway pa 'ko. Aishhh! Kaya mahirap ang antukin sa byahe eh. Kahiya! Tch.

"Aba! Ikaw pa 'tong may ganang sumigaw eh ikaw nga 'tong nakahawak pa sa balikat ko!" singhal ko sa lalaki na feel na feel pa yung pag hawak sa balikat ko. Naka chansing pa ang hinayupak!

  

"Ikaw pa ang may ganang magalit miss, eh ikaw nga 'tong may pa yakap yakap pa sa braso ko" he chuckled. Sabay tingin sa nakayakap kong kamay sa braso nya.

Agad ko namang tinanggal yon at inayos ang pag kaka upo. Ano ba 'tong pinag gagagawa ko sa buhay! Juice ko! Pag nalaman 'to ni Harvix patay ako nito!

"Tsaka mukhang antukin ka talaga sa byahe miss o puyat lang? Kung ibang lalaki siguro ang naka upo dito sa tabi mo kung ano na siguro nangyari sayo. Buti nalang at hindi ako ganon" mayabang niyang sabi at diniin pa talaga ang huling salitang binigkas nya.

  

"By the way, I'm Ellis" sabay lahad nya ng kamay sa 'akin, umiwas nalang ako ng tingin dahil hindi naman ako interesado sa kanya, wala talaga ko sa mood ngayon dahil naistorbo ang tulog ko. Pero parang familiar yung name n'ya, tsaka parang narinig ko na din yun.

Tumingin nalang ako sa bintana nitong bus at tinignan ang aming dinaraanan. Madami na'kong nakikitang mga paninda at natitiyak kong malapit na'ko sa bayan.

 

Hindi talaga ako madalas sumakay ng bus dahil nga antukin ako sa byahe, papunta ako ngayon sa probinsya namin dahil dadalawin ko doon ang lola ko. At madalas din na kasama kong pumunta dito ang mga kaibigan ko, para mag bakasyon. Nag 'ka taon naman na may emergency sa kanila. Kaya ayon napilitan ako mag commute mag-isa, susunod nalang daw sila dito.

  

"Ahm, hindi ka talaga mag sasalita miss?" kulit talaga ng lalaki na'to. Di nya ba alam na wala akong interes sa kanya? Mukha naman si'yang mabait pero ewan 'ko ba at naiinis ako sa kanya.

  

"Don't worry wala naman akong ginawang masama sayo, bukod sa pag hawak ko sa balikat mo. Inalalayan ko lang yung ulo mo dahil muntik ka ng masubsob at mauntog d'yan sa bintana. Inalalayan ko lang, okay?"

Pag uulit n'ya sabay ngiti ulit.

'Alam kong maputi at maganda ang ngipin n'ya hindi n'ya na kailangan ngumiti ng ngumiti. Tch. Hindi kaya siya na ngangawit kaka ngiti?'

  

Dahil nahihirapan nako mag sungit at mukhang nangangawit na din s'ya tinanggap ko nalang ang kamay n'yang nakalahad sa a'kin kanina pa. Kahit wala talaga ko sa mood.

  

"Tsaka mukhang napasarap din ang tulog mo, dahil napayakap ka pa sakin." dagdag pa nya. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"Oh kalma! Biro lang" sabi nya sabay tawa. Makatawa naman tong hinayupak na 'to kala mo namang close kami. Tch.

  

"Oh okay? I'm Hea--" naputol ang sasabihin ko ng biglang pumreno ng malakas ang sinasakyan naming bus. Agad nag sigawan ang mga taong kasabay namin.

  

"Anong nangyayare?" tanong ng lalaki nasa kabilang upuan, na mukhang naistorbo sa pagtulog nya.

  

"Ano ba 'yan hindi nag i-ingat" reklamo nung matabang babae habang inaayos ang mga gamit n'yang nagkalaglagan sa sahig.

Madami pang mga nag reklamo dahil sa lakas ng pag preno ng driver nitong bus, pwera nalang sa mag jowang nag lalampungan sa dulo.

'Mga walang pakielam sa mundo!'

  

"Nasaktan ka ba?" ani Ellis habang inaayos ang sarili, dahil pati kami ay muntikan ng masubsob sa upuan.

  

"Ayos lang ako, salamat sa concern" sagot ko.

  

"Pasensya na po, may bigla kaseng tumawid na mag babakal bote kaya na-ipreno ko ng malakas"  sabi ng driver.

  

   "May nasaktan po ba sa'inyo?" nag aalalang tanong nung konduktor sa'amin.