webnovel

Hell Space

Redakteur: LiberReverieGroup

Hindi makapaniwala ang Ophanim!

Lahat ng nalalaman niya tungkol kay Marvin ay nanggaling kay Glynos.

Kahit na nakasagupa na ng Shadow Prince si Marvin nang ilang beses, hindi talaga alam nito ang tunay na lakas ni Marvin.

Ang unang beses niya itong nakalaban ay noong gabing iyon sa White River Valley, noong naging Asuran Bear si Marvin at binugbog niya ang Crimson Patriarch hanggang sa mamatay ito.

Pero ang laban na iyon ay isa ring malungkot na gabi para kay Glynos.

Dumating siya sa Feinan at nagdusa siya sa pinagsama pwersa nina Inheim, Owl, at Hathaway.

Bukod sa naagaw sa kanya ang Time Molt, nalaman din ng Moon Goddess na si Faniya ang tungkol sa pagnanakaw niya ng lingerie nito.

Sa ganoong sitwasyon, kung saan ni wala siyang oras para tumakas, paano pa niya mabibigyang pansin si Marvin?

Ang ikalawang pagtatagpo nila ay noong digmaan sa Decaying Plateau. At dito na nga napukaw ni Marvin ang atensyon ni Glynos.

Isang mortal na hindi man lang isang Legend ay nagawang patayin si Diggles gamit ang Golden Scissors.

Malinaw na hindi lang siya isang pangkaraniwang mortal.

Sa kasamaang palad, napunta muli ang atensyon niya kina Inheim at sa iba pa, kaya naman, hindi niya nakitang maging isang Asuran Bear si Marvin, kaya hindi niya alam ang tungkol dito.

Sa katunayan, nagtagpo na ang kanilang landas dati pero hindi lang ito alam ni Glynos. Nang sinubukan niyang patayin si Hathaway pagkatapos ng turneyo, si Marvin ang nagbababala dito. Pero dahil sa naroon ang ibang mga Legend, hindi niya pinansin ang presensya ng isang mortal kaya hindi niya naisip na si Marvin ito.

At dahil dito, kahit na naaalala niya ang itsura ni Marvin at gusto niyang imbestigahan ito, dahil sa Universe Magic Pool at sa makapal na hamog, hindi siya gaanong nakakuha ng impormasyon.

Kaya naman, sa kabuoan, kakaunti lang ang nalalaman niya kay Marvin. Level 18 Ranger o Assassin? Kaya niyang gumamit ng skill ng Battle Gunner? At maaaring hawak niya ang [Brilliant Purple] ni Constantine?

Ito lang ang nalalaman niya kay Marvin.

At ito lang rin ang natanggap na impormasyon ng Ophanim.

Inakala niyang madali niya lang mapapatay si Marvin, pero sinampal siya ng mapait na katotohanan, pati na ni Marvin!

Sinadya ni Marvin na labanan ang Ophanim sa isag melee battle para sa pagkakataon na ito.

Hinayaan niyang ibaba ng kanyang kalaban ang depensa nito at maganda naman ang naging resulta. Talaga ngang walang utak at mapagmataas lang na nilalang ang mga Angel.

Talagang mahusay si Marvin na samantalahin ang bawat pagkakataon.

Nang lumitaw ang Fierce Asuran Bear, namutla ang Ophanim!

Kung narito ang tunay niyang katawan, hindi siya gaanong matatakot sa isang hayop gaya ng Fierce Asuran Bear, pero masyado siyang nagmadali na mag-Descent. Ang katawan na ito ay nasa 40% lang ng kanyang lakas.

Hinampas siya ni Marvin!

"Bang!"

Ang Ophanim na nababalot ng kumikisap-kisap na ginton ilaw ay tumalsik sa mga bato!

Nahulog naman ang mga Judgement Sword.

Talagang malaki ang agwat ng kanilang mga lakas!

Kadalasan, kapag ang kalaban ng Ophanim ay mga nilalang na gaya ng Fierce Asuran Bear, gagamitin niya ang abilidad niya sa paglipad para malamangan ito.

Pero hindi siya binibigyan ni Marvin na pagkakataon para gawin ito.

Sadyang hindi hahayaan ni Marvin na makalipad siya.

Hindi lang mas malaki kesa dati ang Fierce Asuran Bear, pero ang kanyang Strenght at Dexterity ay malaki ang itinaas.

Pinagpatuloy ni Marvin ang pag-atake at natuwa siya dito!

Dahil sa laban niya sa Crimson Patriarch, mas mahusay na siya sa pagtantya ng tyempo ng mga Divine Spell.

Talagang hindi makakuha ng pagkakataon ang Ophanim na gumamit ng Divine Spell.

Sa tuwing natatapos na maipon ang Divine Power, muling sasabog ito dahil sap ag-atake ng Asuran Bear!

Nagsimula nang humina at lumamlam ang ginintuang liwanag sa kanyang katawan.

Sinubukan niyang lumaban pero wala siyang nagawa!

Sa sumundo na segundo, mabagsik na hinampas siya ni Marvin gamit ang kanang kamao nito!

"Bang!"

Kumalat at sumabog na ang Divine Power na nakabalit sa katawan ng Ophanim.

Makikita ang takot sa kanyang mukha.

Hindi niya inasahan na noong binalak niyang tapusin ang buhay ng isang mortal gamit ang kanyang Judgement Swords, haharapin niya pala ang isang Celestial Monster!

Sising-sisi siya. Kung naging mas maingat lang siya, kung pinili na lang niyang lumaban sa ere… Pero nangyari na ang nangyari.

Mabilis na humina ang liwanag ng Ophanim.

Hinuli ng Fierce Asuran Bear ang Ophanim at hinawakan ang mga pakpak nito!

"Hindi!" Nagmamakaawang sigaw ni Gwen.

Hindi siya pinansin ni Marvin at binunot ang kanyang mga pakpak!

Ang dalawang pakpak niya na may ginintuang liwanag na kumikisap-kisap at tinanggal ni Marvin.

Nagkalat ang mga balahibo nito na mayroong patak ng ginintuang dugo.

Ang Divinity na makikita sa mga mat ani Gwen ay nagsimula nang mawala.

Umatungal si Marvin sa kalangitan. Hindi na kagilas-gilas tulad kanina ang Angel na ito matapos mawala nag pakpak nito.

At mabilis namang tinapos ng Asuran Bear ang Angel!

Napatay na ang Hight Priestess!

Nabasag na ang Idol!

At wala na ang Angel!

Ngayong gabi, nasaksihan ng Royal City ang isang maalamat na laban. Tunay na malakas at mabagsik ang Fierce Asuran Bear.

Pero masaya sila sa pagkamatay ng Angel!

Hindi naman na siguro makakabalik ang Shrin, hindi ba?

Sa huli, ang Nottingheim ay kaharian ng mga tao.

Sa nasirang kapilya, muling bumalik sa dati ang katawan ni Marvin.

Dama niya ang sakit sa buong katawan niya at nanghihina.

Mabigat ang epekto ng pagiging Fierce Asuran Bear habang may pinsala ang kanyang katawan.

Isa pa, bahagya rin siyang naapektuhan ng Divine Power na inilabas ni Ophanim bago ito namatay.

Pero nakangiti pa rin ito.

'Tapos na rin, sa wakas.'

'Kung wala ang Holy Children, wala nang Angel ang makakapag-Descent. Isang magandang halimbawa talaga ang Gwen na 'yon ng katangahan.'

Kahit na nagsisisi siyang hindi niya nailigtas ang mga sanggol. Masaya naman si Marvin sa kinalabasan ng kanilang laban.

Kahit na nakakalipad ang Angel, hindi pa rin nito kayang tapatan ang Asuran Bear, pero mapanganib din ito.

Dahil dito, nagustuhan ni Marvin ang paglabasn sa mga Angel at Demon. Ang dalawang uri ng nilalang na ito ay may direktang pamamaraan ng pakikipaglaban, at bibihirang gumamit ng kahit anong panlilinlang.

Iba naman ang mga Devil at Evil Spirit. Sasakit ang ulo ni Marvin sa paglaban sa mga iyon.

Lumabas naman mula sa sulok ang Hellhound.

Pinanuod nito ang buong laban.

Makikita niyang nirerespeto siya ng tutang ito.

Ang respetong ito ay hindi galing sa awra ng Archdevil sa kanyang katawan, sa halip, dahil ito sa pagkilala ng Hellhound sa lakas ni Marvin.

Kahit pa buo ang lakas ng Hellhound, baka hindi niya pa rin natalo ang Angel. Pero nagawa ito ni Marvin nang walan kahirap-hirap.

Kaya naman pakiramdam ng Hellhound na malalim at hindi masusukat ang lakas ng kanyang amo.

Wala sa bokabolaryo ng mga Hellhound ang taktika.

Naisip naman ito ni Marvin at hindi mapigilang tumawa nang malakas.

Siguradong ibubuhos agad ng isang Ophanim ang lakas nito at magiging maingat kapag Hellhound ang nakatapat nito. Pero naging kampante ito dahil sa mortal ang kanyang kalaban.

At iyon ang dahilan ng kanyang pagkatalo.

Naupo si Marvin sa lapag para magpahinga, Bigla siyang may napansin.

Nagliliwanag pa rin ang mga Judgement Sword.

Sumimangot si Marvin. Hindi maganda 'to.

Kung kukunin niya ito, para na rin siyang nagdala ng isang bagay na makakapag sabi ng lokasyon niya kay Glynos, dahil magagawa siyang hanapin nito gamit ang Fake Artifact.

Pero hindi rin naman ligtas kung itatapon niya lang ito dahil mapanganib ang bagay na ito.

'Kailangan kong madispatya ng maayos ang mga espada na 'to…'

Nag-isip siya nang malalim.

Bigla namang tumahol nang dalawang beses ang Hellhound at nilapitan ito.

Saglit na natigilan si Marvin. Hindi niya alam kung ano ang binabalak ng Hellhound.

Nang malapitan nito ang mga espada, sinimulan nitong dilaan ang mga espada!

Bago pa man malaman kung ano ang nangyayari, nilamo na ng Hellhound nang buo ang mga espada!

"Teka…"

"Hindi ko naman alam na matakaw ka pala…"

"Kinain mo talaga 'yon?" Nagulat si Marvin.

Umiling ang Hellhound at idinura ang mga Judgement Sword.

Tumango naman agad si Marvin.

May Storage ang sikmura nito!

Tiningnan ni Marvin muli ang mga alaala ng Hellhound, at nalaman niya na may isang magandang surpresa ang Hellhound na ito!

[External Hell Space]: Ang Hellohond na ito ay may natural na Hell Space na tatlong cubic meter ang laki. Ang mga item sa Hell Space na ito ay hindi makikita ng mga nilalang na hindi nagmula sa Hell.

Kayang harangin ng Hell Space ang Divine Perception?

Siguradong mapapakinabangan ito ni Marvin.

Masayang-masaya si Marvin at agad na sinabi sa Hellhound na itago na ang mg Judgement Sword.

Ang mga Fake Artifact ay Artifact pa rin. Kahit na marami ganoon ang Shadow Prince, at kahit na hindi gaanong mataas ang kalidad ng mga ito, para kay Marvin, isa pa rin itong makaangyarihang bagay.

Ang masama lang dito ay malalaman ni Glynos kung nasaan siya sa tuwing gagamitin niya ito.

Wala naman nang ibang problema bukod doon. Nakay Marvin naman na ang lahat ng kailangan para magamit niya ang Fake Artifact na ito.

Ito ang nagagawa ng Divinity.

Mataming tao na walang Divinity ang hindi nakakagamit ng Legendary item, Fake Artifact, at mga Genuine Artifact!

Nang maitabi na ang mga Judgement Sword, ipinagpatuloy na ni Marvin ang paghahanap,

Wala nang naiwang buhay sa Shadow God Palace.

Naglibot siya at kalaunan ay nahanap na niya ang daan papunta sa ibaba.

Mabuti na lang at hindi naapektuhan ang lugar na ito ng kanilang laban, at nagawang makababa ni Marvin dito nang walang problema.

Sinundan lang ni Marvin ang madilim na lagusan at nakaabot sa isang lugar na sinelyohan.

Sa harap niya ay isang lamesa na mayroong iba't ibang mga bagay,

Ang pinakanapansin ni Marvin ay isang maliit na iskultura ng Cyclops.

Lumapit si Marvin at hinawakan ang iskultura. Pagkatapos ay gumamit siya ng kutsilyo para dukutin ang mata nito.

Sa wakas ay nasa kanya na ang Shadow Diamon!

'Mas nalalapit na ko sa pagiging Ruler of the Night.'

Sa timog-kanlurang bahagi ng Arborea. Isang maliit na templo ang nakatayo sa isang liblib na lugar.

Ang templo na ito ay matagal na panahon nang nakatago.

Walang sino man sa Nottingheim Kingdom ang nakakaalam ng tungkol dito.

Ang templo na ito ay inabandona na at walang makikita sa loob… Tanging isang Idol lang na walang bakas ng ispiritwalidad ang narito.

Pero ngayong gabi, isang pamibihirang bisita ang nagpunta sa templo.

'Kakaiba ang pakiramdam kapag tinitingnan mo ang sarili mong Shrine.'

Isang lalaking nakabalabal ang biglang lumitaw mula sa kawalan.

'Walang kwenta si Gwen. Kailangan pa atang ako mismo ang kumilos.'

'Matagal-tagal na rin noong huling akong naging level 18. Dapat siguro maghanap ako ng ilang tao na pwede kong gamitin sa pag-eensayo.'

'Marvin…. Hehe, ang mortal na 'yon. Ako, si Glynos, na mismo ang papatay sayo.'