webnovel

Sword of Judgement

Editor: LiberReverieGroup

Hindi lubos maisip ng mag-asawa na magiging Angel ang kanilang anak.

Noong ipinanganak ito, ito ang hiniling nila kaya pinangalanan nila itong Angela.

Pero ngayon na naging isang tunay na Angel na ito, masakit ito sa kanilang kalooban.

Dahil naramdaman nila ang kawalan ng emosyon nito habang tinitingnan ang mga mata nito sa ulap.

Galit ito sa sarili nitong buhay.

Hindi ito ang kanilang anak.

'Sabi na nga ba, isang Ophani.'

'Ang pinakamakapangyarihang War Angel ay hindi pwedeng pumasok sa mundong 'to kasi hindi tatanggapin ng plane na ito ang lakas nila.'

'Pero masasabi pa ring malalakas ang mga Ophanim.'

Tinitigan ni Marvin ang Ophanim. Ang pakpak nito ay nabuo lang sa pamamagitan ng essence, habang ang nasa likod naman ng ginintuang liwanag na iyon ay pekeng pakpak.

Ang mga Ophanim ay ginagamit ng mga God para bantayan ang mundo ng mga mortal.

Kumpara sa mga Seraphim at iba pa, ang mga Ophanim ay mas madaling mabuo sa mga plane.

Pero para makapag=Descent, kailangan nilang makahanap ng tamang katawan.

Sa kabuoan, ang pangkaraniwang pamamaraan ng pag-Descent ay ang paglalagay ng Shrine ng basbas sa mga batang ito. Kasabay nito, mamimili ang nasabing Angel kung hahayaan ba nitong manatili ang kamalayan ng bata o pag-isahin ito. Pero kung hind imaging matagumpay ang kanilang pag-Descent, makakatanggap mismo ang Angel ng pinsala.

Hindi lahat ng bata ay angkop para sa isang Pure Angel.

Para patayin si Marvin, hinayaan niyang gumamit ng mabilis na paraan ng pag-Descent ang Ophanim.

At ito ang pagbalewala sa proseso at direktang subukan ang katawan ng bawat sangol na nasa loob ng Barrier.

Isa pa, malinaw na pinili niyang lamunin ang kamalayan ng sanggol.

Nang sa ganoon, mas malakas na kapangyarihan ang maipamamalas niya, pero masisira din ang katawan nito!

 Mahirap para sa Ophanim na panatilihin ang kasalukuyang katawan nito.

Pagpatapos ng isang buwan, babalik na ito sa God Realm at ang katawang iiwan niya ay tuluyan nang mamamatay.

Dahil nilamon na nito ang kaluluwa ng sanggol.

Ang pag-Descent ng mga Angel ay wala ring pinagkaiba sa paglamon ng kaluluwa na ginagawa ng mga nilalang ng Hell.

Mapagmataas na tumingala ang Ophanim, tiningnan nito si Marvin na may paghamak.

Sa sumunod na sandali, iwinagayway nito ang kanyang kamay at nabasag ang Divine Barrier!

Mabilis na kumilos si Marvin habang sinusubukang iligtas ang mga sanggol.

Pero biglang ngumiti nang kakaiba ang Ophanim.

"Isa lang ang Angel sa mundong ito."

"Hindi na kailangan ang mga Holy Children na 'to."

"Tandaan niyo ang pangalan ko, Gwen."

"Sa ngalan ng Shadow God, liinisin ko kayong mga makasalanan!"

Kasunod ng kanyang pagsasalita, sumabog ang katawan ng mga natitirang sanggol!

Sa isang iglap, nagkalat ang dugo sa gumuhong kapilya.

Tumalsik ang dugo sa mukha ni MArvin!

"Anong problema? Mortal?"

Mahinhin na tumawa si Gwen. "Malungkot ka ba sa pagkamatay ng mga langgam na 'to?"

"Wala ka nang panahon na kaawaan pa sila dahil higit isang daang beses na mas malaging ang magiging katapusan mo. Ipapako ang kaluluwa mo sa Shadow Real, at maghapon-magdamag kang susunugin ng amin God hanggang sa wakas ng panahon!"

Kinuyom ni Marvin ang kanyang kamao at bahagyang namutla.

Sa inaasal ni Gwen sa kanya, isa lang ang sagot ni Marvin sa kanya:

"Mamatay ka na!"

Hawak ang dalawang dagger, kumilos na kasing bilis ng kidlat si Marvin at mabangis na sinugod si Gwen!

Humarang ang kanyang pakpak sa kanyang harapan kasabay ng pagbulong niya, "Bone Crush!"

Sa sumunod na sandali, nakaramdam ng matinding sakit si Marvin!

Iniipit ang kanyang katawan ng isang malakas na pwersa!

Mabuti na lang at mataas ang kanyang Divinity at mataas din ang Resistance niya sa Divine Spell. Nagawa niyang tumagal sa sakit na dulot ng Bone Crush at mabilis na napunta sa harapan ni Gwen!

Makikita ang gulat sa mukha ng Ophanim.

Hindi tinatablan ng kanyang Divine Spell ang mortal na 'to?

Hindi ito tinablan kahit kaunti!

Dapat ay nadurog na ng Bone Crush ang kanyang kamay, paa, at ang iba pa ay mababawasan ang pisikal na epekto nito!

Pero, hindi siya natakot.

'Isang walang kwentang mortal na sinasamantala ang lahat ng pagkakataon na makakuha ng lakas. Hindi nito matatapatan ang kapangyarihan ko.'

'Masyadong mahina ang High Priestess ng plane na ito. Kailangan pumili ng mas malakas sa susunod!'

Nanatili si Gwen sa kanyang kinalalagyan, hinarap niya ang atake ni Marvin nang hindi lumilipad palayo.

Kumapa ang dalawang kamay niya sa kanyang pakpak at bumunot ng dalawang matalim na espada!

Judgement Swords!

Mga Fake Artifact na ginawa ni Glynos.

Mayroong Divine Spell ito, at tinatawag itong Final Judgement. Noong una, ang Divine Spell na ito ay ginawa para linisin ang mga plane.

Kung gagamitin niya ang Divine Spell na ito, mahaharap sa isang malaking delubyo ang buong Arborea Plane!

Mauubos ang mga tao.

Walang emosyon namang hinawakan ni Gwen ang dalawang espada sa magkabilang kamay, at biglang umabante.

Hindi pa oras para gamitin ang Final Judgement.

Kung gagamitin na niya ang Final Judgement, mamamatay man ang lahat ng tao sa plane, pero may posibilidad pa rin na makatakas ang taong ito na nasa harapan niya.

Sapat na ang lakas ng taong ito para posibleng mabuhay pagkatapos ng isang matinding delubyo.

Kailangan niya munang patayin ito, kunin ang kanyang kaluluwa, saka niya lilinisin ang plane na ito.

Ito ang utos ni Glynos.

Klang! Klang!

Nagsalubong na ang mga Judgment Sword at mga Blazing Furry Dagger!

Labanan ito ng lakas.

 Tumalsik si Marvin at nakaramdam ng matinding sakit sa kanyang kamay.

Tiningnan niya ang ito at nakitang ang likod ng Blazing Fury sa kanyang kaliwang kamay ay nagkaroon ng lamat!

'Malaki nga naman ang agwat ng mga Magic Weapon at mga Fake Artifact.'

'Mukhang kailangan ko na ng mas malakas na sandata pagtapos nito!' Pumasok ito sa isip ni Marvin pero hindi tumigil ang kanyang mga kamay.

Para siyang baliw na piniling kalabanin ang Ophanim ng harapan at malapitan.

Hindi naman nagpatinag ang Ophanim.

Kahit na hindi siya maikukumpara sa mga War Angel, na sadyang makapangyariham, malakas pa rin naman sa pakikipaglaban ang mga Ophanim.

Patuloy na nagpalitan ng atake si Marvin at ang Ophanim. Inasahan ni Marvin ang kanyang Godly Dexterity para magawang makipagsabayan dito.

Makikita ang galit at pagkairita sa mukha ni Marvin.

Lalo naman siyang minaliit ng Ophanim dahil dito.

Makikita ang pagka-arogante sa mukha nito. Ganito ang asal ng mga Celestial na nilalang sa mga mortal.

Sa mga mata niya, mahusay man ang mga blade technique ni Marvin, malinaw pa rin na nakatamo ng pinsala ang katawan nito at hindi mailabas ang kanyang tunay na lakas.

Kahit na pareho silang pinakamalakas na nilalang sa plane na ito, nararamdaman niyang kayang-kaya niyang talunin si Marvin!

"Tanggapin mo ang God's Judgement! Basurang Mortal!" Sigaw ng Ophanim kasabay ng pagbulusok ng kanyang dalawang espada patungo kay Marvin.

Umikot si Marvin at gumamit ng Shadow Step kasabay ng Burst!

Sa isang iglap, napunta siya sa likuran ng Ophanim.

Biglang sumama ang kanyang tingin.

'Sa wakas… Hinintay ko talaga ang pagkakataon na 'to!'

Binitawan niya ang kanyang mga dagger at sinunggaban ito!

"Gusto mo talagang mamatay ah!"

Mabilis na tumalikod ang Ophanim, ngumisi ito kasabay ng pagwasiwas ng kanyang mga espada.

Kung mas lumapit pa si Marvin, siguradong namatay na siya!

Pero ang taong nasa harap nito ay biglang lumaki!

Sa gitna ng gumuhong kapilya, makikita ang Fierce Asuran Bear na napapalibutan ang Ophanim!