webnovel

MY VILE WARMTH (GL)

A unfortunate sequence in their life brings them together to face a trial that their family struggling to overcome. A chained destiny pulling them to be one and conquer all the misfortunes. Love or death is their only choice they are holding but if they choose between them, only consequence will tell them the right choice.

Piksmeayminit · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
35 Chs

Video Call

Nang magising ako matapos naming matulog dahil sa makamundo naming ginawa wala na siya sa tabi ko. Nasa tabi ko na rin ang mga damit ko kaya namula nalang ako sa hiya.

Nag madali akong nag bihis at lumabas. Pa gabi na pala.

"Hey Gab good morning"

May pang asar na bati sa'kin ni ate Mika habang si Yra ay naka ngisi lang sa'kin.

"Sorry po nakatulog ako. Nasa'n po si Miss Lexie?"

Silang dalawa ang nandito at kung nasa'n ang mag kuya ay hindi ko alam.

"Sinundo siya ni Kenneth kanina para mag pa check up."-Mika

I got chills through my bones.

In the end it's still Kenneth who owns her.

"She told us not to wake you up. Alam naman namin kung gaano nakakapagod alagaan ang isang Lexie Jane, proven and tested."-Yra

Haaaay.. buti hindi sila pumasok kundi mag huhukay na talaga ako.

"Kanina pa ba siya umalis?"

"Yeah, an hour ago?"-Mika

Napapikit nalang ako at saka napa kamot sa noo.

"Don't bother to cook Gab, nag order na si Lexie ng makakain. Medyo hulog ka ng langit sa'min Gab ah, madalas na kaming nililibre ni LJ ngayon."

Di ko alam kung good news na yun o ano basta hindi maganda ang pakiramdam ko kasi feeling ko pinag lalaruan niya lang talaga ako.

"Ahh.. hehe akyat po muna ako, may tatapusin lang po akong assignment."

"Sure.. we'll just call you if the dinner is ready-"

Ano? Sila mag hahanda?

"Ay hindi na po pala dito ko nalang sa baba tatapusin 'yon para ako nalang kukuha ng order."

"Naaah.. Lexie will kill us. Finish your assignment."

Napakagat nalang ako ng labi kasi baka iniisip nila na malakas ako kay Lexie kaya hindi ko na gagawin ang-

"You're here to help us but that's not mean you'll do all the chores."

Tinarayan ako ni Yra.

Pfft she's cute.

Madalas siyang mag sungit gaya ni Lex pero mas mabait naman siya kesa sa masungit niyang pinsan.

Tumango ako at umakto nang aakyat sa taas nang tawagin ulit ako ni ate.

"Gab, kelan ulit ang band competition niyo?"

Kinabahan ako sa tanong na 'yon.

Oo nga pala, malapit na ang band competition.

"Sa susunod na araw po"

"Aabsent ako para manuod"

What?

Kinakabahan ako.

"P-po?"

"Wag mo nga akong pi nu-po buwan lang ang tanda ko sa'yo 'no"

Yeah, I think 3 months lang ata pagitan namin mag bibirthday na rin pala ako next month.

"Yeah, let's cheer our school I'm sure Lexie will be there"-Yra

Muntik na akong mapanganga sa trip nila sa buhay.

"Wala ba kayong klase no'n?"

"We do but it's fine to take absents sometimes."

Sana lahat may oras para mag easy easy.

Kasi 'yong akin may contract ako at scholarship na kailangang ingatan.

Napangiwi nalang ako.

"Sige, sabihan ko nalang kayo kung final na next day."

"Ok"

"Deymn.. I have to go sis"

It's getting late.

"Only 1 hour Yra Meldez Fistorn"

"Oo na"

Humalik siya sa pisngi ng ate niya at nag mamadaling lumabas.

"Akyat ka na Gab ako na bahalang mag hintay dito ng order."

Tumango ako sa kaniya at pumanhik na sa taas.

Gumawa muna ako ng assignment ko at ilang project para bukas.

Kinuha ko na ang laptop matapos kong gawin ang mga kailangan kong gawin kasi sabi ni Lolo last time ngayon daw sila tatawag. Namimiss ko na si Gavin, gusto ko na silang makita.

Binuksan ko agad ang laptop at pumwesto sa kama ko.

Ang laptop na to ay bago pa at hindi raw ginagamit ni Tristan kaya binigay sa'kin.. nasasayangan daw sila. Marami rin akong bagong gamit nang mapunta ako dito sa kanila.

*1 message received*

Mabilis akong tumingin sa cellphone ko.

From: Mara

~Are you going to practice tomorrow?~

Oo naman, kailangan ko nang mag practice dahil malapit na pala ang competition shems!

Akala ko kasi next next day pa kaya pa easy easy lang ako.

Alam ko naman na ang tutugtugin at kailangan nalang namin ng konting linis.

To: Mara

~Yes, why?~

From: Mara

~Let's eat outside tomorrow~

Eto napaka gastadora.

To: Mara

~Sorry MJ, I can't come tomorrow~

After practice bukas kailangan kong umuwi agad dahil bukod sa may sakit si LJ may session pa kami.

Inayos ko ang laptop para buksan.

Nag hintay ako ng 10 mins bago sila nag online.

Agad kong inayos ang itsura ko para mag mukha naman akong presentable.

Pag bukas ko ng call ang sumagot sa'kin ay isang hindi ko kilalang babae.

"Hi Miss Lexie Jane, hi Miss Gabrielle!"

Masayang bati niya-

Wait?!

Miss Lexie Jane?!

Tiningnan ko ang mukha ko sa laptop at nakita ko ngang naka sandal sa pader si LJ habang naka cross arm at nakatingin sa laptop.

Naka pasok siya?!

Paanong nakapasok siya nang hindi ko naririnig?!

"Lexie?"

Bulong ko sa pangalan niya at saka lumingon sa kaniya.

"How's life Linda?"

She asked the person on the video call.

Nag lakad siya papunta sa gawi ko at umupo sa gilid ng kama ko.

"Still good, you've grown up gorgeous Lexie ah"

"I know"

Naguguluhan akong tumingin sa kanila.

Hindi ko kilala ang nasa harap ko at nakakagulat naman ang pag sulpot nitong isa sa tabi ko.

"Kailan ka pa naka pasok dito?"

Feeling ko mahihimatay ako sa kahihiyan dahil sa nangyari sa'min kanina.

"A few minutes ago, you're busy with your text mate"

Hindi ko talaga siya napansin.

Gusto kong itanong ang lagay niya at kung ayos na ba ang pakiramdam niya.

Baka mamaya nabinat na siya dahil sa kahalayan ng utak niya.

"Ehem!"

Tikhim no'ng kausap namin.

"A-ah g-goodevening po"

Na aawkwardan akong ngumiti sa kaniya.

"Hi again Gab, I'm Melinda, Mr. Jones secretary"

Ahhh..

"Get straight to the point Linda, we badly want to know the update there"

Tumawa ang babae sa kanilang linya.

"Still don't have a lot of patience huh? *Chuckles* Ok I'll get straight to the point Gab. Bukas na ang surgery ng Mama mo so dasal dasal lang na maging maayos ang operation."

I bit both my lip to suppress the emotion that suddenly build up inside me.

I'm so much thankful to their family. All they want is the good for my family.

"Y-yes ma'am, thank you po"

Naramdaman ko ang kamay ni LJ sa likod ko na parang sinasabing magiging ayos lang ang lahat.

"Ate!"

May batang bigla nalang nag pakita sa screen.

"Gavin! Hi, kumusta ka na?"

Pinilit kong ngumiti kahit sobrang miss na miss ko na talaga sila.

"Ate, ang lamig dito tapos may kaibigan akong nosebleed"

Pfft.. HAHAHAHA..

"Ano?"

Natatawang tanong ko

"'Yung nag i spoken dollar."

Maging si Lexie ay napa tawa nang mahina sa sinabi ng kapatid ko.

"Behave ka naman na diyan?"

"Opo ate, Tita Linda give me a lot of toy."

Ang talino talaga ng kapatid ko, mabilis lang talaga siyang maka adapt ng mga bagay bagay.

"Haha.. your brother is really smart, he easily adapt the way we spoke here. On process na rin ang paper niya for transferring, siguro by next week nasa school na siya."

Mabilis kong pinahid ang luha kong muntik nang tumulo.

"Ate friend ko 'yong anak ni Tita Linda, pareho rin kami ng grade kaya may kakilala na ako sa school."

Pag mamalaki niya

"Thank you Miss Linda."

Hinawakan ni Lexie ang kamay kong madalas kong pinipiga lalo na kapag kinakabahan ako at hindi ako mapakali.

Napatigil ako sa pag piga no'n.

"Ate kumain kami sa labas tapos ang sarap ng mga pagkain tapos ang dami dami pa."

"Ahh.. alright hahaha.. kwento ko sa'yo ang ginawa ng kapatid mo. Nasa labas kami tapos nag order kami ng maraming pagkain, I asked him what he wants to eat then he said "tuyo na may suka, kamatis at sibuyas" then the waiter looked at him like "What? What food is that?" Then the waiter look at me with his questioning eyes-"

Natawa ako habang nakikinig sa kwento niya. Ganiyan talaga si Gavin, lumaki na nag uulam ng tuyo at kapag iyon lang ang ulam namin basta sama sama kaming kakain, lahat kami busog na busog.

"Tita Linda, pinapahiya mo po ako kay Ate Ganda."

Napakagat ako sa labi nang banggitin 'yon ni Gavin. He's pertaining to Lexie.

"No sweety, you're adorable for me."

Ako pa ata ang kinilig sa sinabi niya sa kapatid ko.

Waaaaah!! Nababaliw na nga talaga ako.

"Talaga po? Hintayin niyo po akong mag 18 liligawan ko po kayo-"

"Hep hep hep.. anong ligaw ligaw? Bata bata mo pa kung ano ano na iniisip mo. Ayusin mo ang pag aaral mo diyan para hindi tayo mapahiya kay Lolo. Ano nga ulit 'yong paalala ko sa'yo?"

Ako nga hindi makaka abot hanggang next week kasi ikakasal na siya, ito pa kayang bulinggit na 'to.

"Na mag aral nang mabuti habang may nag papaaral pa sa'kin."

Tinaasan ko siya ng isang kilay, kulang pa ang sinabi niya

"At?"

"At huwag sayangin ang opportunity na darating sa'kin, kung kaya, gawin kung hindi kaya mag patulong kay ate."

Inosenteng pagkakabisa niya sa mga sinabi ko sa kaniya.

"At ano pa?"

"Alagaan si Mama at huwag pasaway dito. Good boy daw ako sabi ni Lolo ate."

Naaantig ang puso ko kasi sinasapuso niya ang mga bilin ko sa kaniya.

"Wow.. you're both adorable. No wonder you're siblings"

Miss Linda praise

"Thank you po Miss Linda."

"Huwag ka masyadong mag alala sa kapatid dahil nasa mabuting kamay siya. Mr. Fistorn wants you to visit here on your vacation. Hindi pa namin agad maibabalik sa Pilipinas ang Mama mo so ikaw nalang ang papupuntahin namin dito."

Wow! Hindi ko lubos maisip na makakasakay na ako ng eroplano. Para akong lumulutang, gusto ko na agad mag bakasyon.

Lexie hold my left hand and intertwined it with her right hand.

Tumingin ako sa kamay namin at sa kaniya.

"P-pag hahandaan ko po 'yon."

I nervously answered.

"And Lexie, sabi ng Lolo mo huwag ka raw masyadong pasaway kay Gab, kapag daw naging sobrang sakit ka sa ulo ni Gab palilipatin niya raw ng ibang bahay si Gab and you, take care of yourself alone."

Pfft..

Natawa ako nang mahina.

"I'm obeying her."

"Pero hindi po lagi, nabibinat na po siya kaka babad niya sa computer."

Pag kontra ko sa kaniya.

Sinamaan niya ako ng tingin habang ako ay nginitian siya nang napagka tamis tamis.

"You're sick LJ?"

"Just a normal sickness."

"Take a good care of yourself, tandaan mo dalawa na kayong kailangan mo Ingatan."

Yeah, the baby and herself.

I released my hand into her hand.

Bakit ba madalas kong makalimutan 'yon?

"I will."

Kunot noong tiningnan niya ako, tumingin lang ako sa laptop.

"Ok, we'll get going, ipapasyal muna namin si Gavin sa amusement park. See you again Gab. Tatawagan ka namin after the surgery."

Excited akong tumango

"Bye ate! Bye ate ganda"-Gavin

Maganda rin naman ako ah, bakit hindi niya ako tinatawag na ganda?

"Bye little boy."

Kumaway si Gavin then naputol na rin ang linya.

*1 message received*

Tiningnan ko ang cellphone ko.

From: Mara

~Then, can I take you home? I want to tell you something~

She's really persistent.

To: Mara

~Ok, but wait me in the parking lot.~

From: Mara

~Sure! See you tomorrow ^3^ ~

Natawa ako nang bahagya.

"I'm still here"

Oh?! Ngayon ko lang ulit naalalang nandiyan pa pala siya.

Ang bilis kasi mag reply ni mara eh.

"Bakit ka nga pala pumunta dito?"

"It's dinner time"

Tiningnan ko ang wall clock and 7 na pala.

Mabilis kong shinut down ang laptop.

"Ayos ka na ba? Kumusta check up?"

"Just a normal fever no need to be worry."

Ayan nanaman siya sa walang kabuhay buhay niyang tono.

"So ayos ka na ba ngayon? Masakit ba tiyan mo? May gusto kang kainin?"

Humarap siya sa'kin at saka ako tinitigan.

Wait baka may muta pa ako or-

"Let's go down stairs, they already waiting for us"

Mabilis akong tumayo at sumunod sa kaniya pababa.

Tama nga sila, halos mamuti na ang mata nila kakahintay sa'min.

"You're both finally here"

"Ahm.. sorry, kinausap pa kasi namin si Miss Linda"

Paumanhin ko sa kanila

"It's fine, nothing to be worry about, mag woworry lang kami kapag si Lexie nagalit-"-Tristan

"Wanna kiss the floor 'tan?"-LJ

Pfft.. takot talaga sila kay LJ hahaha ang cute nila

"See? Mag isip isip ka na Gab may oras ka pa para umatras-"

*PAK*

Napangiwi ako nang batukan ni Yra si Tristan

"May lamok bro, sabi tumahimik ka na raw."

Anong mag isip? Anong sinasabi nila? About ba sa contract?

Wala eh, kailangan ko talagang pag tyagaan ang masungit na ugali ni Lexie.

Nag simula na kaming kumain at napuno nang tawanan ang buong kusina nang mag simula nang mag bangayan si Tristan at Yra na gagatungan pa ng mga kapatid nila.

Pfft.. ang cute nilang lahat.

Nakaka proud kasi sa loob ng bahay na 'to lahat kami independent na.