webnovel

MY VILE WARMTH (GL)

A unfortunate sequence in their life brings them together to face a trial that their family struggling to overcome. A chained destiny pulling them to be one and conquer all the misfortunes. Love or death is their only choice they are holding but if they choose between them, only consequence will tell them the right choice.

Piksmeayminit · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
35 Chs

Hot Heads

YRA'S POV

Pag dating namin sa San Diego napaka tahimik ng paligid.

Nilanghap ko ang sariwang hangin at saka napa pikit nalang kahit napaka raming tumatakbo sa isip ko.

Natulog lang ako sa byahe at sila mukhang close na sila kay Gab. Excited kasing nag pakilala ang kambal sa kaniya.

Tatlong oras na byahe mukhang dito rin kami matutulog ngayon ah.

Mula sa kalayuan may natanaw akong pamilyar na pigura.

"Is that LJ?"

Pag lapit na tanong sa'kin no Tristan.

"She's-"

Halos lahat kami naka tanga lang habang nakatingin sa kaniya mula sa malayo. May mga papers siyang sinusulatan.

"Bakit?"

Takang tanong ni Gab habang nakatingin kaming lahat sa gawi ni LJ.

Sinundan din niya ang tingin namin.

"Did she took the chopper?"-Bea

"Obviously"-Angel

What the fuck is she doing here?

Gusto ko nga sila pag layuin ni Gab tapos makikita namin siya dito?

Tsaka isa pa! Nag pagod kaming lahat sa byahe tapos siya prenteng naka upo diyan?

"Magandang hapon po sa inyong lahat Ma'am Mika."

Lumapit sa'min ang isa sa mga katiwala ni Lolo.

"Kuya Tiago, anong ginagawa ni Lexie dito?"

"Ah.. Bilin po ni Señor na huwag siyang abalahin dahil may pinapagawa sa kaniya. Dito nalang po tayo para makapag usap na po kayo."

Imwinestra niya ang kamay niya para ituro kung sa'n kami pupunta.

Gaano ka importante ang bagay na 'yan para mapasakay nila sa chopper LJ?

Ayaw ni LJ sa chopper kasi sobrang ingay daw kaya nag titiis kaming mag travel ng van kapag siya kasama. Three and a half hour na byahe! Napaka unfair!

Lalapitan ko na sana si LJ ang hilain ako ni ate.

"You wanna die? Baka pag lapit mo palang sa kaniya tinutukan ka na niyan ng shot gun"

Tuluyan na nga akong hinila ni ate papunta sa dinadaanan ni kuya Tiago.

Nakarating kami sa sala at agad na bumati kay Lolo ng halik, syempre kaming mga babae lang si Tristan kasi nag mamano siya.

"Is she the one?"

Makahulugang tanong ni lolo.

"Good afternoon po Sir"

Magalang na pag bati ni Gab, muntik na akong mapairap.

Pinagalitan ko nanaman ang sarili ko dahil wala namang masamang ginagawa 'yong tao pero kung makapag taray ako parang ako 'yong sasaktan.

Baka dala lang 'to no'ng hindi ko nakitang ginawa nila. Did they kiss? Did they hug? Ano ba talagang nangyari matapos kong tumalikod para hindi sila makita?

See? Tatali talikod ka tapos itatanong mo kung anong naging ganap nila.

"Yes 'lo"-Mika

"Napaka gandang dalaga"

Naiilang na ngumiti si Gab saka nag pasalamat.

Lumabas ang kambal kasi gusto raw nilang mag horse back riding na hindi nila nagawa no'ng nakaraan.

"Dito nalang tayo mag usap"

Umupo sila sa sala habang ako nag hahanap ng fresh milk sa ref.

Dinalhan sila ng meryenda ng katulong dito sa bahay.

"Siguro naman nasabi na sa'yo ang mga condition?"

Narinig kong tanong ni Lolo

"Opo, salamat po sa gagawin niyong tulong sa'min."

Kahit naman ako naaawa sa lagay nila. Hindi ko rin kaya na makita ang Mama na nakahiga sa hospital habang ako ay walang magawang paraan para matulungan man lang siya.

"Manang? Wala ba kayong stock ng fresh milk?"

Medyo may kalakasang tanong ko.

"Meron diyan ah, kalalagay ko lang kanina bago kayo dumating"

Nag tiim ang bagang ko nang marealize ko kung bakit walang gatas dito sa loob.

"Tristan!"

Naiinis na sigaw ko saka padabog na lumabas ng bahay para hanapin ang siraulong lalaking 'yon.

Pang asar talaga ang bwiset!

MIKA'S POV

"Tristan!"

Malakas na sigaw ni Yra habang nag mamarcha pa labas ng bahay.

Kanina pa 'yan ganiyan simula nang umalis sa bahay, parang binadtrip ng sandaang tao.

"Can you really handle both your study, part-time job and Lexie?"

Seryoso talaga si Lolo sa pag papabantay niya kay Lexie ah.

Mahirap kasi talagang pasunurin si Lexie at iyon ang pinaka challenging sa'min. Kung sana hindi matigas 'yong babaeng 'yon edi sana medyo ayos kami.

"Kakayanin ko po, huwag po kayong mag alala hindi ko po papabayaan ang apo niyo at ang pag aaral ko."

Uminom lang ako ng juice habang nakikinig sa kanila.

"Why don't you give up your future part time job?"

Oo nga? Kaya ko naman kausapin si ate para doon eh.

"Kailangan ko rin po kasing mag ipon para pag balik nila Mama may sarili na kaming bahay."

Sa ganda niya hindi mo mababakasan ng problema ang mukha niya eh.

Hanga rin ako sa tatag niya ah.

"I'll give you monthly allowance"

Hindi na ako nagulat doon dahil mukhang iyon naman talaga ang balak ni Lolo.

Muntik nang mamatay si Troy at nanganganib ang buhay ni Lexie pero walang alinlangang tinulungan sila ng Papa ni Gab.

"P-po? Huwag na po, tama na po 'yong tulungan niyo po kami sa pag papa opera ni Mama at saka po kailangan ko rin po 'yong trabahong 'yon para po sa experience."

Halos pigain niya ang kamay niya sa nerbyos habang nasa harap niya si Lolo, muntik na akong mapa tawa dahil nakikita ko talaga ang uneasy look niya.

"Ok wala nang kaso sa'kin ang part time job mo basta hindi mo pababayaan si Lexie at ang pag aaral mo. Mag bibigay pa rin ako ng allowance mo, sabihin nalang natin na bayad ko 'yon dahil medyo sakit talaga sa ulo ang babantayan mo at pati na rin ang pag tulong sa mga apo ko sa gawaing bahay."

"Salamat po Sir"

"I told you to call me Lolo, kaibigan ka ng mga apo ko so parang pamilya na din kita"

Ang bait talaga ni Lolo.

"Don't worry 'lo, I will handle them all well."

Pag aassure ko sa kaniya dahil mukhang ako talaga ang pinaka mag hahandle sa kanila.

"Where's Troy?"-Lolo

"I thought you gave some task again to him?"

"No, alamin mo nga kung saan nag pupupunta ang pinsan mo, baka mamaya hindi pa tapos ng pag aaral 'yon naka buntis na"

Seryosong sabi niya

"Grabe ka naman 'lo, malay mo may project lang sa school, 1 school year nalang at gagraduate na 'yon kaya talagang magiging busy siya."

Huminga nang malalim si Lolo.

Limang taon na rin pala nang mamatay si Lola, naaawa ako kay Lolo kapag naiisip kong mag isa lang siya at namimiss ang mga anak niya.

Puro kasi trabaho sila Mama at halos twice a year lang umuwi dito.

"May isa pa pala akong idadagdag na utos Gabrielle"

Seryosong tumingin siya kay Gab

"P-po? Ano po 'yon?"

"Pilitin mo si Lexie na mapapayag na dalawin ang lupa ng Lola niya sa Isla Buenave. Subukan mo siyang yayain mag bakasyon man lang hindi 'yong binuburo niya ang sarili niya sa computer at libro. Oo at natutuwa akong nag aaral siya nang mabuti pero kailangan niya ring mag pahinga."

Mukhang nilatagan nanaman siya ng mga gagawin ni Lexie kanina bago niya mapa payag na mapapunta dito ah.

"S-susubukan ko po"

"Sino po bang nag babantay sa Isla 'lo?"

"Kapatid ni Tiyago. May hotel doon para sa mga turista at may mga papeles na kailangang pirmahan si Lexie doon pero parang wala namang balak ang batang 'yon na asikasuhin ang bagay na 'yon"

"Hindi pa rin pumipirma si Lexie sa pag lilipat ng pangalan ng lupa sa kaniya?"

What the! It's been 5 years.

"Lagi siyang nagagalit kapag 'yon ang pinag uusapan."

Yeah kaya minsan hindi nalang namin inaalam kung ano na ang plano niya sa islang 'yon.

Lupa ni Lola 'yon at napaka raming tanim na bulaklak doon at alagang alaga ni Lola ang mga 'yon.

Katwiran ni Lexie ay bakit siya ang sasalo ng responsibilidad ni Lola? Nag tanim tanim daw siya tapos siya ang pag babantayin? Dapat daw si Lola ang mag alaga no'n.

Nag mamatigas lang siya pero mahal na mahal niya si Lola. Ayaw niyang siya ang gumawa no'n kasi gustong gusto niyang nakikita si Lola na masaya habang tinatanim ang mga bulaklak na nadoon sa Isla. Pinipilit niyang hindi siya ang gagawa no'n para magkaroon pa ng dahilan si Lola na lumaban sa sakit niya kahit para sa mga bulaklak nalang at huwag na sa'min.

Simula no'n hindi na bumalik si Lexie doon.

Medyo naging matigas ang personality niya pero manageable pa naman.

"Kukumbinsihin ko po ba siyang pumirma doon?"

Nag aalangang tanong ni Gab.

"I won't sign it, don't waste your precious time"

Tumingin kaming lahat sa naka sandal na si Lexie habang naka tingin sa'min.

Ang kanang balikat niya ang nakasandal sa pader at prente kaming tinitingnan.

"Why not? Sa'yo iniwan ni Lola 'yon"

Uminom siya at saka tumingin ng seryoso sa'kin.

"Do you want that place? Take it, atleast I told you already that I won't sign any transferring property."

Ayan nanaman ang matigas niyang pag uugali.

Nakalimutan niya na bang kaharap niya si Gab? Bakit parang hindi na siya nag papalakas dito?

"I respect Lola's decision and if she says that it is yours she probably have reason why she left it to your name"

Pati tuloy ako nag tataray na rin.

Hindi lang naman kasi siya ang nasaktan nang mamatay si Lola, pero hindi ko siya masisisi dahil sa'ming lahat, siya ang mas malapit kay Lola.

Tatlong taon lang siya nang mamatay ang Mama niya at si Lola na halos ang nag palaki sa kaniya.

"Whatever her reason I don't give a damn. I won't take charge any of her responsibilities, she planted it then make her grow it alone-"

"LJ! She's gone!"

Hindi ko na mapigilan ang mag taas ng boses. Tahimik lang si Lolo dahil alam niya rin kung ano ang pinang gagalingan ni LJ.

"Then that's not my fault! If you want that land then keep it to yourself! I don't care about her reasons and excuses, she left so make other suffer from what she'd done! I won't take that land and that's final!"

Inis na tumalikod siya sa'min at padabog na nilapag ang basong hawak niya sa kusina.

Gulat lang ang rumehistro sa mukha ni Gab at si Lolo naman ay napa tulala nalang.

"What now 'lo?"

Wala rin kasi sa isip namin mag pipinsan na kunin o hingin ang lupang 'yon. Para kasing nakatatak na sa isip namin na ang islang 'yon ay para LJ na at wala rin kaming balak na mag handle ng business na meron doon.

"She'll accept it soon. Believe me hindi niya matitiis ang Lola mo."

Napa hilot nalang ako sa sentido ko, basta ang pinaka alam namin ay wala ni isa sa'ming mag pipinsan ang may balak na kunin ang islang 'yon, kahit nga si Lexie ay wala ring balak eh.

"Sorry Gab kung nakita mo ang gano'ng side niya"-Lolo

Noon ko lang naalala si Gab.

"Ayos lang po"

Mukhang hindi rin kumportable si Gab sa attitude ni LJ kanina.

"Here's the contract, read the terms and conditions and if you want to change something just say it. For now I'll take a rest and let Mika tour you around this place."

Tumayo si Lolo kaya tumayo rin si Gab

"Salamat po l-lolo"

Napangiti ako nang bahagya.

"Your welcome"

Ngiting tugon ni Lolo at umalis na.

"What do you want to do Gab?"

Nakatingin lang siya sa contract.

"A-uhmm.. Sa'n 'yong CR niyo?"

Naka ngiwing tanong niya.

HAHAHAHA.. bakit ngayon lang siya nag sabi, mukhang kanina pa siya naiihi.

"Sa gilid ng kusina"

Nag thank you siya at umalis na.

Magaling talaga siyang mag tiis ah.

Natawa nalang ako nang mahina at saka huminga nang malalim, ngayon nalang ulit kami nag kasagutan ni Lexie.

In the end lagi naman akong talo sa kahit anong sagutan namin.

Kailangan nalang talaga naming masanay.

thanks for support ☺️

Piksmeayminitcreators' thoughts