webnovel

Chapter 1.2

"Haa? ok lang ba? wala bang magagalit?" pasimpleng tanong ko.

"wala pa sa ngayon." sabay ngiti na halos mawala na ang mata at pinangalandakan pa ang perfect teeth niya.

Sumakay ako sa likod ng bike niya feeling ko kami yung bida sa endless love pero hindi ee END na yung love story namin at ang dami kong gustong itanong sakanya pero hindi ko masambit umurong bigla ang dila ko.

Thyrone, bakit? bakit naging ganito? hindi naman ito yung plano natin sa relationship natin hindi ba?? ano bang problema? ano bang mali? nasa akin ba? Sabihin mo naman kung babalik ka pa ooh please? nasasaktan ako sobra kapag nakikita kita at maaalala kong hindi ka na akin gusto kitang ipagdamot sakanya, gusto kitang yakapin gusto kong bumalik lahat nang meron tayo noon, gusto kong bumalik ka na saakin.. hanggang ngayon hinihintay pa rin kita.

Hanggang ngayon umaasa pa rin akong babalik ka. Sana akin ka nalang ulit pwede ba?

I still love you and it really hurts me..

I miss everything.. About us. Lahat lahat sayo namimiss ko.

"Ayan nandito na tayo" Naidilat ko bigla ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Thyrone at doon ko lang napansing nasa tapat na kami ng gate ng school.

"Camille?" Tumingin ako sakanya nung tinawag niya ko at bigla siyang tumingin sa mga braso ko na nakayakap na pala sakanya. Nag-sorry ako at natigilan nang pinunasan niya ang pisngi ko, umiyak pala ko habang nag-eemote kanina.

"S-salamat!" malungkot kong sabi sakanya at yumuko. Sana nasabi ko yun sakanya sana narinig niya.

"Okay lang, wag ka nang umiyak kung ano man yang iniisip mong nakakaiyak h'wag mo nang isipin para hindi kana lumungkot okoy?" hmp! hindi niya talaga alam na dahil sakanya kaya ko ganito ngayon.

"See you later may isang oras pa before mag-start ang class kaya ingat ka"

Pinilit kong ngumiti sa harap niya habang kumakaway.. Sabi nga nila Smile though your heart is broken bakit ganoon hindi ko makita sakanya na malungkot siya dahil sa break up naming dalawa? bakit ako lang ang nasasaktan ng ganito?. I sighed.

Nang umalis na siya ay nakita kong sinalubong siya nung bagong girlfriend.. Nakakaselos talaga pero yung selos ko napalitan agad ng inis nung nakita ko ang mukha ni SILENT MODE ang umagaw ng upuan ko ewan ko ba ang bilis mag-bago ng mood ko kapag nakikita ko ang Kyle Torres na yan grr!!

Silent mode siya dahil hindi siya pala imik parang piling mga tao lang ang kinakausap niya at nakakainis siyang kausapin dahil puro titig lang ang sinasagot niya sa mga sinasabi mo ..

Para kang tanga kapag siya ang kaharap mo, parang yung ekspresyon ng mukha niya eh nagsasabing ay! tao ba 'tong nagsasalita? Mukha siya kulugo.

Tiningnan ko yung wristwatch ko one hour pa nga before mag'class kaya pumasok na ko ng gate at inirapan ang lalaking WALANG DILA sa library nalang muna ko mag'papalipas ng oras..