"One of the reason why people get so sentimental it's because memories are the only things don't change, when everything else does, there are things in life that you can't hold on forever no matter how much you fight for it.."
Camille's POV
Haay! heto na naman ako nag-e-emote. Bakit ganoon? halos isang taon na kaming hiwalay, isang taon na ang nakalipas pero mahal ko pa rin siya. Kahit na hindi ko alam kung minahal niya ba talaga ako o kung naging seryoso ba siya saakin, ngunit ayokong isipin na pinaglaruan niya lamang ako dqhil lalo lang akong masasaktan.
Ngunit mas masakit saakin ang araw araw siyang nakikita at nakakasalubong sa kahit saang parte ng campus habang may kasamang babae at sweet na sweet with holding hands pa —kagaya kanina sa canteen nakita ko silang magkasama ng girlfriend niya at ang sweet nila habang kumakain pero bakit noong kami pa sweet din naman siya saakin kahit papaano pero hindi katulad ng sakanila ngayon. Mas mahal nya ba 'yon keysa saakin noon?
Gusto na kitang makalimutan!!!! Pero paano?!.
Everyday when I woke up you're the first person I always think of.
The only person I wanted to see when I open my eyes every morning.
The only person I wanna marry someday.
The only person I want to be with forever.
If only I can turn back the time.
-PRINCESS </3
***
Isang oras na pala ang nakalipas at tapos na ang lunchbreak. As usual, I spent my one hour dito sa library para magsulat. Dito ko lang kasi nalalabas lahat ng nararamdaman ko tapos ang mga sulat na ginagawa ko ay iniipit ko sa isang libro dito sa library at saka ko ito iiwan.
I'm not expecting na may makabasa nito or may mag'response sa mga sulat ko, 'yon bang mag-cocomfort kahit sa sulat lang kasi gusto ko lang naman mailabas yung nararamdaman ko.
Inipit ko sa isang libro ang yellow paper na sinulatan ko ng mga nararamdaman ko at saka ko ito ibinalik sa lalagyan at lumabas na rin ako ng library.
"sh***t!! thirty minutes na kong late sa next subject ko." I hissed under my breathe. "Kung tatakbo ako trenta minutos din so no choice din kundi ng tumakbo lalo pa at nasa kabilang building pa ang classroom ko.
"Sino ba kasi nag-isip na ilayo ng ganito kalayo ang library" bulong ko pa sa aking sarili sabay takbo papunta sa room.
Habang papalapit na ako at tumatakbo may nakita akong isang lalaking nakatayo sa may pintuan ng biglang...
"aaaray!!"
"Miss okay ka lang ba?" tanong saakin nang lalaking nakatayo sa tapat ng pinto.
"Hindi! umaray ako diba?!" I answered sarcastically.
Well nadulas lang naman ako dahil hindi ko napansin ang nakalagay na CAUTION WET FLOOR kakamadali ko at isa pa yung mata ko kasi nakatingin doon sa lalaking nakatayo. Bakit ba kasi may man in black dito sa tapat ng room? nasa forty five na ata yung age nya mukang bodyguard..
"Ay! sorry! Halika tulungan na kita" Inilahad niya saakin ang kamay niya at tinulungan akong tumayo.
"Thanks!" pumasok na ako ng pinto at dumeretso sa upuan ko pero wait! bakit may..
"Ahm..! excuse me.. sino ka? why are you sitting there?? thats my chair?!"Pagtataray ko sa lalaking bago sa paningin ko in short TRANSFEREE siguro 5'6 ang height, maputi, gwapo.. aaahh! basta pang model pero mataray ang mukha suplado.. At tiningnan niya lang ako na parang isang kulugong biglang lumitaw sa harap niya kaso bored pa rin siya..
"Oh! Miss Camille one hour kang late, I thought you're absent kaya pumayag akong umupo sa upuan mo si Mr. Kyle —by the way Mr. Kyle is a new student so be nice to him okay?" how I'm goin to be nice to this guy kung unang meet palang namin ay panget na agad aber?!
"Okay fine! I'm here na, so pwede na akong maupo? On my own chair?" Pagdidiin ko sa salitang OWN. Nakatingin parin siya sakin at hindi nagsasalita. Tila ba kada buka ng labi ko ay kinakabisa niya.
"No Miss Camille please occupy the other one" tinutukoy nya ay yung isang bakanteng upuan katabi ng upuan ko .. bakit ba siya ang sagot ng sagot eh hindi naman siya yung kinakausap ko kainis!!
"May I know why?" pagtataray kong tanong nang hindi inaalis ang paningin sa nagngangalang Kyle daw kasi naiinis na ko eh..
"Kasi siya ang pumili diyan at gusto niya daw ng upuan mo— I mean ang pwesto mo." ggrr!! sana bumuka ang lupa at lamunin tong lalaking to!
"What!? eh upuan ko to!" Sabay palo ko sa arm desk ng sakanya parin ang tingin ko at inilapit ko pa ng bahagya sakanya ang aking mukha kaya medyo nakayuko ako sakanya, siya naman ay nakatingin pa rin saakin ng walang reaksyon o emosyon.
"Pwede bang sa kabilang upuan ka nalang sa tabi ni Thyrone?" Medyo nahihimigan ang pagkairita ng Teacher ko.
"what?!... no!! .. ayoko!! hindi pwede!!"
Big deal saakin yung upuan ko kasi iisang upuan nalang ang bakante at sa tabi pa ng ex ko na hanggang ngayon hindi ko makalimutan. #bitter
Thyrone James Mendoza oh di ba pangalan pa lang ang pogi na..
Kaya nang marinig kong tatabi ako sa dakila kong ex, tumakbo ako palabas ng room. OO bitter na kung bitter, pero how can I forget him and how can I let go of my feelings for him.. if destiny always playing with me.. how?..
First. Lumipat ako ng section noong pasukan since we're both in star section I preferred to transfer in section three para lang hindi siya maging classmate nandoon din kasi sa star section yung pinalit niya saakin eh. Pero what the F nagkaroon ng rotation ng student at maglilipat ng section and of all student sa star section bakit siya pa yung napunta sa section namin.. hindi ko tuloy alam kung kikiligin ako or what pero bitter ako eeh kaya naiinis lang ako at syempre nalungkot kasi naalala ko yung past namin.
Second - Doon pa siya pinaupo sa row ko kahit na may isang chair na pagitan between us feeling ko magkatabi lang kami kaya nasasaktan ako ng sobra lalo na nang ang classmate naming nasa pagitan naming dalawa ang nalipat sa kabilang section nabakante tuloy yung desk kaya di ko tuloy maiwasang hindi siya tingnan
Third - Ang pinaka-worst ay nang dumating ang Kyle na yan sa section namin at inagaw ang upuan ko na naging reason para lalo kaming magkalapit ni Thyrone dahil ako lang naman po ang uupo sa nabakanteng upuan ng classmate kong nawala! oh diba! mapangasar na tadhana..
Habang palabas na ko sa gate ng school para umuwi— since di na ako pumasok sa mga next subjects ko--- opo! tama nag-cut ako ng class para lang hindi ko makatabi ang beloved ex-boyfriend ko pero alam ko namang bukas dun din ang bagsak ko e.--- Nakita ko ulet si man in black kumakain ng kwek kwek sa tapat ng gate, remember yung nasa tapat ng room namin na lalaking nakatayo at tumulong sakin nung nadulas ako.
"Uy miss!!" Deadma lang ako malay ko ba kung sinong miss diba..
"Huy miss!!!" Deadma parin.. pero biglang may humawak sa braso ko na dahilan ng ikinahinto ko sa paglalakad.
"Haay! nakakapagod ka namang tawagin isnabera ka eeh"
"Bakit po ba?"
"Aah, wala naman yayayain sana kitang kumain since mag-isa lang akong kumakain habang hinihintay yung alaga ko."
"Alaga mo?"
"Oo."
"As far as I know no pets allowed dito sa campus so, how come na nakapasok sa loob ang alaga mo diyan sa school?"
Tumawa lang siya bigla doon sa sinabi ko.
"Anong nakakatawa? I'm just telling the truth no!" Pagtataray ko pa kunwari.
"Wala naman .. teka kumain ka na ba? tara sabay ka muna saakin"
"Thanks! pero busog pa po ako at gusto ko nang umuwi para magpahinga." Pagsisinungaling ko pero ang totoo gutom ako kasi hindi ako nakapag-lunch kanina dahil nasa library lang ako..
"Oh!.come on halika na mamaya ka na umuwi ang init pa oh! tanghaling tapat maglalakad ka"
At the end pumayag na ko kasi tama naman siya ang init sobra para maglakad wala pa man din akong payong baka himatayin ako sa daan sa sobrang init at gutom mukang mabait naman si manong eb..
Pumunta kami sa isang karinderya malapit lang sa school hindi daw kasi pwedeng pumunta ng malayo si manong baka daw biglang tumawag ang alaga niya at mag-ayang umuwi kailangan daw dumating siya agad kapag tinawagan sya nito..
"anong pangalan mo?" napansin niya sigurong wala akong balak mag-salita kaya siya na ang unang nagtanong.
"Camille po." sagot ko naman habang nakatingin sa plato ko..
"aah! nice name.."
"salamat!"
"Dahil sinabi kong nice ang name mo?" Sabi nya sabay subo ng pagkain.
"Nope. Dito sa pagkain" seryoso kong sagot at muntik pa siyang mabulunan, buti nakainom siya agad ng tubig. Sinimulan ko namang galawin ang pagkain ko.
"ah,..wala yun"
Biglang tumunog ang cellphone niyang nakapatong lang sa lamesa.
"oopps!! excuse me..wait lang okay?"
"sige po." tuloy parin ako sa pagkain and after five minutes ay bumalik din naman agad sya..
"So, paano ba yan Camille aalis na ko tumawag na alaga ko eeh, bayad na yang pagkain kaya ubusin mo haah.."
"Haah?!.. e-eh ang dami..." hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla nalang siyang umalis. Siguro masungit alaga nun..
****
Pumasok na ko sa bahay at diretso sa kwarto ko, ako lang ang mag-isa sa bahay pero lagi akong pinapadalhan ng pera ni mama besides siya lang naman kasi ang l pumayag sa gusto kong mangyari ang humiwalay sa puder ng lolo ko dahil hindi ko gusto ang pamamalakad nya..
Ayokong matulad sa parents ko na sunod sunuran kay lolo kahit labag sa loob ko kaya ay umalis ako sa bahay ng lolo ko..
Nagising ako ingay ng alarm clock ko.
Huuwaaa!! umaga na pala hindi ko namalayang nakatulog ako nang hindi nag-hahapunan. Tumayo ako para mag-handa for school.
Habang naglalakad ako papuntang school may humintong bike sa tabi ko..
"Gusto mong sumabay?" Inangat ko ang aking ulo para makita ang taong sakay ng bike para sana tanggihan..
"no tha..."
Ngunit hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil sa bigla kong nakita ang mukha ng dakilang ex ko na nakangiti sheeet!
"T-Thyrone?" Nanginginig ako at naiiyak hindi ko kasi alam gagawin ko. Namumula ata ako at gusto kong umiyak dahil siguro sa saya after kasi ng break up namin ay ngayon lang niya sko uli nilapitan at kinausap.
"Hey! what's wrong?" Tanong niya habang kunot noong nakatingin saakin.
"h-Ha?!.. e-eh wala ! wala! naman" Nahimasmasan ako sa pagkakatitig sakanya nang tinapik niya ang balikat ko..
"Ano ahm. Angkas kana? para di ka ma-late sa school at para may kasabay kang pumasok"
Lord bakit po napakabait niyo sakin? Maraming salamat po dahil nasasaktan ako ngayon.
"Haa? ok lang ba? wala bang magagalit?" pasimpleng tanong ko.