webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teenager
Zu wenig Bewertungen
30 Chs

27 Chapter Twenty seven

REBECCA P.O.V

"Kinakabahan ako." sabe ko sa kanila.

"Kaya natin to Rebecca." sagot ni Bryan

"Kaya natin to, si Bryan magaling sa math yan, mas mabilis pa sa calculator yan hahaha." sagot ni faye.

Nandito kami sa loob ng room at pinag papahinga kami ng teachers para daw marelax ang utak namin.

"Kailangan makaabot tayo ng last round." sagot ko.

"Fighting!" sagot ni Faye.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Ms. Perez.

"Kumain na muna kayo. After lunch pa naman ang start." bungad niya.

Tumango kami at lumabas.

"BABE!!"

Napalingon kami sa sumigaw. Ano na naman ang kalokohang gagawin ng demonyo na to?

"Sabay na tayo mag lunch babe!" sabe niya at hinila ako.

"Pero----

Nag babye na lang ako kila Faye at Ms. Perez.

Akala ata neto nakalimutan ko na yung landian nila ng Linda na yun. Sakalin ko pa sila parehas eh!

Nakapunta kami sa Restaurant. Ito din yung pinuntahan namin ng imeet ko yung Mommy niya.

"Boss dito!"

Wow sinakop nila ang malaking mesa. Ang dami naman kasi ng Big14 eh.

Agad kaming nakalapit at umupo.

"Prenny goodluck mamaya galingan mo ah!"

"Oo naman prenny." sagot ko.

"Gusto mo ba neto Eight?"

Napatingin ako sa boses ng pinang galingan.

Hanggang dito ba naman nakasunod ang malanding to? Pinag gigitnaan namin si Otso.

"Excuse me? Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya.

Di na talaga ko makapagtimpi sa linta na to eh.

"Kasi nandito si Eight, anong pake mo?" sagot niya sakin

"Ako ang girlfriend ni Otso kaya lumayo-layo ka." sagot ko sa kanya

At talagang nakapatong pa sa lamesa ang suso niya, di ba siya nahihiya? Halata namang lawlaw kapit lang sa push up bra! Nabibigatan na siguro siya kaya pinatong niya na.

Tumayo siya at tinitigan ako ng masama kaya tumayo din ako!

"Ano? Hindi ka aalis o gusto mong sapakin pa kita?" banta ko sa kanya

"Bye Eight, see you later." paalam niya at tumakbo na paalis.

"See you later mo muka mo!" sigaw ko.

Umupo na ko sa upuan ko. Nakakainis ang bwisit na linta na yun. Agad kong ininom ang juice na nasa harap ko. Napansin kong lahat sila ay nakatingin sakin at nakangiti.

"Bakit?" tanong ko sa kanila.

"Grabe, sadista ka pala Rebecca HAHAHA!" Sagot ni Derrick

Napatingin ako kay Otso na halos mapunit na ang labi sa ngiti.

Tinulak ko siya ng mahina.

"Bat ka nakangiti?!" tanong ko sa kanya.

"Iiwasan ko na yun, nag seselos ka na ng sobra eh." sagot niya

"Ako nag seselos? Asa ka!" sagot ko sa kanya.

"Ah ok" sagot niya habang nakangiti pa din.

"Hindi nga ko nag seselos!" pagpupumilit ko.

"Oo na nga."

"Gusto ko lang na umalis yun kasi mukang naiirita ka na." sagot ko.

"Ahhh hahahaha" sagot niya at kinuha ang pagkaing nasa harap niya

"Bwisit ka talaga!" sagot ko at tinuloy na ang pagkain ko.

Pansin kong nakatingin pa din sila sakin.

"Pwede ba kumain na kayo? Wag niyo kong tignan!" sabe ko sa kanila

Natawa silang lahat at tumuloy sa pagkain. Magkakaibigan talaga ang mga to. Pati si Prenny nakikitawa pa.

***

"Calling all the representatives of St. Camilluz, Galma University, King Le University, and St. Benedict." tawag ng organizer. "Please follow me."

Agad kaming tumayo nila Faye at Bryan.

"Kaya natin to guys, galingan natin." sambit ni Faye.

Sinundan namin ang naglalakad na babaeng organizer.

****

Aliah P.O.V

Nandito kami sa unahan nakaupo ng Big14. Mag uumpisa na ang Competition.

"Kinakabahan ako." sagot ko at kumapit sa braso ni Bronze.

Ang muscle na hahawakan ko hihi.

"Kaya yan ng bestfriend mo." sagot niya

"Oo naman nu." sagot ko.

Bumati na ang host at sinabeng kailangan ay tahimik kami. Bawal makarinig nang ingay pag nag umpisa na ang laro.

"Mula sa St. Camilluz. We have Faye, Bryan and Rebecca."

Agad kaming nagpalakpakan, napatingin sakin si Prenny at nag sign ako ng Fighting ganun! Yakang yaka ng prenny ko yan!

Pinakilala na ang ibang School at isa isa din sila lumabas mula sa back stage.

"Napakatagal kung ano ano pa sinasabe." sambit ni Otso.

"Chill ka lang boss."

"Mag uumpisa na din yan, Boss."

*****

"Name the person who developed a table of elements which revealed regularities in elemental properties."

*BZZZZZ*

"Ang bilis ng kamay ni Prenny." bulong ko.

"St. Camilluz, what is your answer?"

Napunta ang camera sa table nila Prenny. Pinag gigitnaan nila si Bryan.

"Dmitri Mendeleev" Sagot ni Prenny.

"Dmitri Mendeleev is.... Correct."

Agad kaming nag palakpakan. Tumingin ako sa malaking screen na nakatapat samin. Napunta sa unahan ang pangalan ng school namin.

Ang galing ni Prenny ko!!

Magagaling din ang mga kalaban nila, halos kada may sasagot napupunta ang School nila sa unahan. Para bang nag sasalitan lang sila.

"In the fission of Uranium 235, What is the average number of neutron----

*BZZZZZZ*

Hindi pa natatapos ang tanong at nag buzz agad sila prenny.

"St. Camilluz, what is your answer?"

"2.5" sagot ni Bryan

"2.5 is.... Correct."

Napalakpak naman ako, ang galing hindi pa tapos yung tanong pero na sagot niya HAHAHAHA.

****

Rebecca P.O.V

"Congratulations King Le University. Babalik kayo sa final round at may chance kayong makuha ang trophy at cash price. Once again..."

Nandito kami sa back stage at nagpapahinga.

"Grabe nakakakaba, buti na lang nakapasok tayo sa final round." sambit ni Faye.

"Rebecca!" Napatingin ako sa tumawag sakin.

"Hope." gulat at napatayo ako. "Kasali ka pala?" lumabas kasi siya galing stage.

"Oo babalik kami sa final round, makakalaban kita." sagot niya

Ang ganda talaga neto, nagliliwanag.

"Are you with Cous?" tanong niya.

"Ah oo nasa labas siguro sila." sagot ko.

"Ok, goodluck bukas ah! Galingan mo, una na ko." paalam niya at nag beso pa sakin.

"Babye." paalam ko din.

Nakita ko namang nakaupo pa din sila Faye at Bryan. Si Faye may binabasa sa cellphone niya reviewer siguro yun. Si Bryan naman nakasandal ang ulo sa pader at nakapikit.

"Prenny!"

Agad na nakalapit sakin si Aliah.

"Ang galing niyo kanina." puri niya samin.

"Salamat Prenny." sagot ko.

"Painom naman ako." sagot ko

Habang nakatingin sa hawak niyang juice.

Agad naman niya binigay sakin at uminom ako.

"Tara na Prenny labas na tayo, hinihintay ka din ng mga Big14." yaya ni Prenny kaya tumayo na ako.

"Uy kayong dalawa alis nako." paalam ko kila Bryan.

Tumango sila kaya nag lakad na kami ni Prenny palabas ng back stage.

Bumungad agad sakin ang Big 14.

"Congrats Rebecca! Ang galing niyo!"

"Grabe napaka genuine mo."

"Tanga genius yun!"

"Parehas lang yun!"

Natawa kami sa dalawa, mga siraulo talaga tong mga to.

Biglang may umakbay sakin.

"Tara kain tayo." yaya ni Otso sakin

"Ayoko busog pa ko." sagot ko

"Edi samahan mo ko."

"Ayo..."

Napahawak ako sa tyan ko. Sobrang sakit!

"Beka?"

"Prenny anong nangyayari sayo?"

"Ang sakit ng tyan ko, sobrang sakit!" sigaw ko at napaupo na ko sa sahig.

Parang pinipilipit ang tyan ko sa loob. Para gusto kong isuka lahat ng kinain ko.

"Hala Prenny namumutla ka!"

Naramdaman kong binuhat ako ni Otso.

"Wag mo--kong bu--hatin." sabe ko sa kanya.

"Tanga ka talaga, namimilipit ka na kaartehan mo pa din ang inuuna mo." sagot niya kaya tumahimik na lang ako.

Nag lakad siya habang kasunod ang Big14 at si Aliah.

"Hoy ikaw!" sigaw ni Otso

"Ako po sir?"

"Oo ikaw san yung clinic dito?"

"Doon po!"

Nahihilo ako at masakit ang tyan. Bakit ngayon pa nangyari to? Mamaya final round na.

****

"Anong huli mong kinain o ininom?" tanong sakin ng Nurse.

"Ahmm..."

"Eto!" sagot ni Prenny at binigay ang juice na ininom ko kanina. "Ininom niya yan kanina pero hindi ko pa iniinom yan nung ininom ni Prenny yan. "

"San galing yan?" tanong ni Otso

Nakapikit lang ako habang nakikinig sa kanila, pakiramdam ko kasi mas lalong masakit pag naka dilat ako.

"Sa bag ko pero hindi ko pa talaga nabubuksan yan at hindi pa ko nakakainom. "

"Ms. pakicheck na lang yang ininuman ni Beka, baka may nilagay dyan na kung ano." sagot ni Otso.

"Prenny sorry hindi ko alam na magkakaganyan ka sa juice ko." rinig ko si Aliah.

"Ok lang prenny" sagot ko.

"Rebecca!"

"Bryan, Faye!" si Aliah

"Mag uumpisa na in 20 minutes yung Final Round. Pano yan?" tanong ni Faye

"Kaya ko." sagot ko at tumayo kaso nanlalambot din ang mga paa ko.

"Wag na! Hindi mo kaya!" inayos uli ni Otso ang higa ko.

*****

Derrick P.O.V

Nag umpisa na ang final round at wala si Rebecca.

"Kaya kaya nila Bryan yan?" tanong ni Bronze

"Kaya nila yan." sagot ni Aliah

"Babalik lang ako sa clinic. Sasamahan ko si Rebecca." sambit ni Otso at umalis.

"What is the mass of a 60-kilogram astronaut in space, far from any planets?"

*BZZZZ*

"St. Camilluz, what is your answer?"

Mukang magaling tong lalaking kasama nila Rebecca ah, balita ko din na nanalo to sa Mathematics Competition.

"60 Kilograms." sagot niya

"60 Kilograms is...."

Pambibitin ng Host.

"Correct!"

Agad kaming nagpalakpakan.

"Mukang may pag asa tayo." sambit ni Uno.

Iniisip ko pa din kung pano sumakit ang tyan ni Rebecca sa juice lang. Feeling ko talaga may kakaiba.

"Aliah, san mo binili yung juice na yun?" tanong ko.

"Ah sa mall yun, nakalagay sa ref namin binaon ko lang." sagot niya.

"Nawawala si Rebecca." biglang sulpot ni Otso.

"Ha?"

Agad kaming nag labasan lahat.

"Saan pumunta si Prenny?"

"Hindi ko alam, wala na siya sa clinic."

"Tara hanapin natin siya!" sagot ko.

"Sumama ka sakin Derrick."

Agad akong lumapit kay Otso.

"Doon kayo, dito kami. Xavier icheck mo yung cctv." sagot ni Otso.

"Saan na naman sumuot ang babaeng yun!?"

Tinap ko ang balikat ni Otso.

"Easy lang baka may pinuntahan lang saglit yun."

"Anong pupuntahan nun? Eh hindi nga makalakad sa sobrang sakit ng tyan niya. Pasaway na babae!"

Hinanap namin si Rebecca sa bawat room pero hindi namin mahanap si Rebecca. Pati mga cr ay pinasok namin. Nahihiya na ko. Sinasabihan pa kaming mga bastos.

*Brrrrt* *Brrrt*

Kinuha ni Otso ang cellphone niya at sinagot agad yun.

Nakikita ko ang paninilim ng muka niya. Masama to! Wala kong narinig na salita kay Otso at binaba niya agad ang cellphone niya.

"Tara puntahan natin si Xavier."

****

Nakita namin nag tutumpukan sila sa pool area.

"Anong nangyare?" bungad ko sa kanila.

"May kumuha kay Rebecca na tatlong lalaki, nakita ko din sa cctv yung babaeng habol ng habol kay Boss, may nilagay siyang kung ano sa juice na nasa bag ni Aliah. Siya ang may pakana ng lahat." kwento ni Xavier

"Naiwan ko pala ang bag ko sa room namin." sagot ni Aliah

"Lina ang pangalan nun di ba?" singit ni Uno

"Tanga! Linda!"

"Otso--

Tatawagin ko sana si Otso pero wala na siya sa likod ko.

"Nasan si Otso?" tanong ko sa kanila.

"Ewan ko."

"Kailangan mahanap natin si Rebecca! Tara na!"

"Na sa akin ang kopya ng cctv kaya may ebidensya tayo."

Agad kaming tumakbo paalis. Ano kayang balak ng Linda na yun kay Rebecca?

~~~~