webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

26 Chapter Twenty six

Rebecca P.O.V

"Salamat naman at nandito na tayo!" sigaw ni Aliah ng makababa kami ng bus.

Ito na ang pinakahihintay ko. Ang Quiz Bee Competition. Nakarating kami sa isang Hotel. Blue Ree Hotel, isa sa mga sikat na hotel sa bansa. Dito kasi gaganapin ang contest. Onti onting nag sisidatingan ang ibang bus ng iba't ibang school. Bilang lang din ang sumama galing sa School namin para manood ng live, yung iba eh dun na lang sa School manonood.

Pinapasok kami sa Hotel at bumungad agad ang Lobby. May malaking chandelier sa taas. Napaka ganda talagang malulula ka.

"Prenny ang ganda dito grabe." sabe ko kay Aliah.

"Oo nga prenny." sagot sakin ni Aliah.

Pumunta naman ang mga organizers sa reception area at inayos ang mga rooms namin.

"Tara prenny doon muna tayo." yaya sakin ni Prenny.

Agad kaming napunta sa pool area. Ang ganda sobrang laki.

"Prenny roommate tayo ah" sambit ni Aliah at kumapit sa braso ko.

"Oo naman prenny." sagot ko.

"Roommate ko siya nu!"

Napatingin kami sa nagsalita.

"Otso anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"Manonood bakit?" sagot niya at sumandal sa pader na nasa kanan niya.

Napatingin ako sa likod niya, pati ang Big14 kasama niya.

"Hi Rebecca... Hi Aliah " bati nila samin.

"Di ba may pasok kayo?" tanong ko sa kanila.

Nagkibit balikat lang sila.

"Hoy Otso umuwi ka na nga!" sigaw ko sa kanya.

"Pano kung ayoko?." sagot niya

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko pa din nakakalimutan ang ginawa niya sakin 3 days ago, ninakaw niya ang kiss ko!

"Pano kayo nakapasok dito? Di ba bilang lang ang makakasama?" pagtatakang tanong ko.

"Hotel namin to kaya pupunta ako dito kahit kelan ko gusto."

Nanlaki ang mata ko kay Otso. Hotel nila to? Etong magandang hotel na to?!

"Talaga?" pag mamangha ko.

Nginitian niya lang ako na parang nag yayabang pa. Ang yabang talaga.

"Nakakabored naman dito, wala man lang babae." singit ni Uno.

"Maghanap ka na dyan sa paligid, babaero ka talaga."

"Tara mag baraha na lang tayo sa room natin."

"Gusto ko din ng chix mamayang gabe para may katabi naman ako."

"Mag sama kayo ni Uno." sagot ni Bronze.

"Sus porke may Aliah ka na ginaganyan mo na kami."

"Ebarg naman talaga HAHAHA!"

Napatingin ako kay Aliah, namumula ang muka niya at sobrang ngiti. Agad ko siyang siniko kaya napatingin siya sakin.

"May hindi ka sinasabe sakin." sambit ko habang nakatingin kay bronze na nakatitig kay Aliah. I smell something fishy.

"Kukwento ko mamaya prenny." sagot ni Aliah at yumakap sa braso ko.

Napatingin ako kay Otso. May kausap siya sa cellphone. Ang gwapo talaga ng demonyong unggoy na to.

Kamusta na kaya si Zake? Hindi ko pa siya nakikita kasi hindi pa ko pumapasok. Nakakamiss din ang lalaking yun.

Biglang may humawak sa braso ko kaya napatayo ako.

Hawak din ni prenny ang kabilang braso ko.

"Hoy Eight! San mo na naman dadalhin si Prenny?!" sigaw ni Aliah.

"May pupuntahan lang kami." sagot ni Otso at hinila ako pero hindi pa din nabitaw si Aliah.

"Ilang araw mo nang kasama si Prenny! Ako naman!"

Tumingin si Otso sa likod namin.

"Aliah tara." sulpot ni Bronze kaya nabitawan ako ni Aliah.

Hinila na ako ng tuluyan ni Otso.

"Saan tayo pupunta?!" sigaw ko.

"Gusto kong mameet mo ang Mommy ko." sagot niya

"HA!?"

Nanlalaki ang mata ko habang hila hila niya ko. Agad kong hinila ang kamay ko kaya napatigil siya.

"Bakit?" tanong niya

"Ayoko." sagot ko habang umiiling.

Hinila niya uli ako.

"Gustong makita ni Mommy ang girlfriend ko kaya hindi ka pwede tumanggi."

"Ayoko please! Ayoko talaga!" sigaw ko habang pinipigil ng paa ko ang paghakbang namin.

Parang wala siyang naririnig at patuloy lang siya sa pag hila sakin.

"Saka hindi mo naman ako totoong girlfriend ah!" sagot ko

"Kahit na kailangan may mapakita akong girlfriend sa kanila." sagot niya

"Ayoko nga Otso! Wahhhh!" sigaw ko uli.

Biglang binitawan ni Otso ang kamay ko kaya nasubsob ako sa sahig.

"What the f*ck! Let go!"

Napatingin ako kay Otso, may nakayakap na babae sa kanya.

"Omyghad! Eight you're so gwapo pa din!"

Kaya niya ko binitawan? para lang makipaglandian sa babae niya? Ha? Ganun?

"Don't you remember me? Ako to si Linda, Lin for short. Nung high school tayo, ako yung lagi mong kasabay mag break time."

Napansin ko ang malaking pakwan niya. Napakalaki talaga, kinikiskis niya pa yun sa braso ni Otso at tuwang tuwa pa ang demonyong to!

"Ok Lin." sagot ni Otso at lumapit sakin at aalalayan dapat niya ko tumayo.

"Wag na!" sigaw ko at tumayo. Mabuti naman at alam niyang nandito ako!

"Who is she?" tanong ng babaeng ma dyoga na to.

Inakbayan ako ni Otso.

"My girlfriend." sagot ni Otso. Tinignan ako ng babaeng to mula ulo hanggang paa. Parang kinikilatis niya ko.

"Manang." bulong niya.

Narinig ko yun! Gago to ah!

"Let's go Babe." sambit ni Otso at hinila na ko.

Ramdam kong tinitigan pa ko ng masama ng Lin na to. Mas manang naman ang pangalan niya nu, Linda? Kadiri pang lola.

Hindi ko alam na may kaibigan pa pa lang ganun tong demonyong to. Akala ko Big14 lang halos ang kaibigan niya pero may high school friend pala siya.

"Sino ba yun?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Wala." tipid na sagot niya.

"Sino nga?" tanong ko at tumigil sa paglalakad

"Hindi ko siya friend or kahit ano pa." sagot niya

"Eh bakit sabe niya nagsasabay daw kayo pag break time?" sagot ko at nilusot ang dalawang kamay sa pocket ng jacket ko.

"Siya ang sumasabay ok? Hindi ako interesado." sagot niya at inakbayan uli ako at nag lakad na kami.

"Wag mo namang ipahalatang nagseselos ka." dagdag niya.

"Ako nagseselos? Asa ka Otso!" sagot ko at tinulak siya pero tumatawa lang ang gago, siraulo talaga.

Nakapunta kami sa isang restaurant. Sobrang laki talaga ng hotel nato may restaurant din pala sa ganto.

"Ate.. Kuya here!"

Si Ethena, may kasamang babaeng nasa 30's ang edad. Maganda, elegante at mukang masungit. Nakalimutan kong imimeet ko nga pala ang nanay ni Otso. Nawala sa isip ko, kainis kasi na malanding babae yun eh!

Lumapit kami sa kanila. Wahhh! Kinakabahan tuloy ako! Pinaupo ako ni Otso sa upuan na katabi ni Ethena.

"Mommy, this is Kuya's girlfriend." Pakilala ni Ethena sakin.

"Ah.. eh Good afternoon po." bati ko at tumingin kay Otso.

Ngumiti lang si Otso sakin bat di siya kinakabahan? siraulo talaga to!

"Good afternoon din iha."

Ang boses niya parang mautoridad, nakakakaba. Feeling ko bawat words na sasabihin niya tatatak talaga sa isip mo.

"She's pretty right? Mommy?" si Ethena

"Yes, she's pretty. What's your name iha?"

Ang lakas ng pintig ng puso ko, parang mas kinakabahan pa ko dito kesa sa competition.

"Rebecca Agustine po." sagot ko at ngumiti.

Nakatingin siya sakin ng diretso. Sobrang ganda niya, niwalang kulubot sa mga muka niya. Dito ata namana ni Otso ang mga mata niya.

"So ikaw pala ang dahilan kung bakit nababaliw ang anak ko."

"Po?" nasabe ko na lang, hindi ko magets

"Mommy!" saway ni Otso

"Why? I'm just telling the truth. Bawat update sakin ni Mr. Lee ay hindi ka kumakain, buong araw ka sa gym room at sinusuntok ang punching bag. Nakakatakot pag broken hearted ka." sagot ng Mommy niya

Napanganga ko, hindi naman pala siya masungit na inaakala ko.

"Don't leave my son, Iha. Ikaw ang unang babaeng dinala niya sa mansion. Nakakagulat akala ko nga bakla to." Dagdag niya at itinuro si Otso.

"Mommy! I'm not gay." sagot ni Otso

Natawa ko sa sinabe ng Mommy niya. Alam ko na kung saan nag mana ng kadaldalan si Ethena.

"Iha, i don't care kung mayaman ka man o hindi. Basta aalagaan mo ang anak ko. Do you understand?"

"Opo Mam" sagot ko

Ang sarap naman sa pakiramdam, kinikilig din ako na ewan.

"Call me Tita." sabe niya at kumain na.

"Sige po Tita." sagot ko.

****

"Ate i will watch the contest tommorow. Do your best Ate!" sagot ni Ethena at uminom ng juice.

"Hindi ka lang maganda, matalino ka din. Goodluck bukas iha." sambit ng Mommy ni Otso at nag punas ng tissue.

"Thank you po Tita." sagot ko.

"Syempre naman, sure win to Mommy!" sagot ni Otso.

"Inlove na ang baby boy ko."

"Mommy hindi ako baby boy." sagot ni Otso

"Why? Porke malaki ka na ayaw mo na mag patawag ng baby boy?" sagot ng Mommy niya.

-________- ganto lang ang muka ni Otso.

"Ok, i'm leaving na. May gagawin pa ko sa office ko. Let's go Ethena." sagot niya at tumayo na.

"Babye po." sagot ko

"Babye Ate! See you tomorrow!" paalam ni Ethena at sumunod sa Mommy niya.

"Sabi ko sayo mabait si Mommy eh." sambit ni Otso.

"Kinabahan ako bwisit ka!" singhal ko sa kanya.

"Nagustuhan ka nga niya eh." sagot niya.

****

"Prenny juice?" alok ni Aliah sakin

Kinuha ko naman ang juice na hawak niya. Nandito kami sa pool area at nagsuswimming sila. Ewan ko ba kung pano nila nakakaya ang lamig.

"Si Bronze prenny, yung abs niya! Yiiieh sarap hawakan!" sagot ni Prenny habang nakatitig sa manliligaw niya.

Nakwento niya na kasi sakin na nanliligaw na daw sa kanya si Bronze.  Nakwento niya sakin ang lahat.

Hinahanap ng mata ko si Otso, gusto ko din makita ang abs niya. Ha? Hindi pala! Wala wala!! Jusko!

"Pwede ba kami makijoin?"

May sumulpot na tatlong babaeng naka swimsuit. Isa na dun si Manang Linda. Sinusundan ba kami ng babaeng to?

"Pwede tara!" sigaw ni Uno

Basta talaga babae nangunguna to si Uno.

Nakaluwa na naman ang mga pakwan ng babaeng to, nakasuot siya ng white na swim suit. Napatingin ako sa dibdib ko. Nakakapangliit naman!

"Eight!!!" sigaw ni Linda at tumakbo

Napatingin ako sa pupuntahan niya, si Otso na tanging short lang ang suot.

Yumakap sa kanya si Lindang linta.

"Let go!" sigaw ni Otso.

Nakakainis talaga tong babaeng to! Bigla akong siniko ni Aliah habang nakatingin sa dalawa.

"Hayaan mo sila, fake boyfriend ko lang naman si Otso nu." sagot ko kay Aliah.

"Sabagay." sagot niya sakin

"Omyghad! Dati 6 lang to ah, ngayon 8 packs na!" sigaw ng malanding to habang kinakapa ang abs ni Otso.

Napatingin ako sa Big14 at nakatingin silang lahat sakin. Bakit nakatingin tong mga to?

Lumapit si Uno kila Otso.

"Ms. tara let's drink?" yaya ni Uno kay Linda na linta.

"No, I don't like you!" sagot ni Linda sa kanya at tumingin kay Otso. "Si Eight lang ang gusto ko." dagdag niya at yumakap, dumidikit na naman ang ang suso ng bwisit na to!

Tinulak siya ni Otso.

"Pwede bang umalis ka?!" sigaw ni Otso

"Kahit ngayon pala, pa hard to get ka pa rin." sagot ni Linda at kumapit uli sa braso ni Otso.

Tumayo ako at nag lakad nakakapang init ng ulo dito.

"Prenny san ka pupunta?"

"May kukunin lang ako sa room natin." sagot ko at naglakad na paalis.

Gustong gusto niya pa lang ginaganun siya ng mga babae, dapat yun na lang ginawa niyang girlfriend bwisit siya!

Napakunot ang noo ko, kinapa ko ang pisngi ko. Bakit naluluha ako?

~~~~~~~~~~~~~~~~~

BOWTTT! ( ˘ ³˘)♥

Yashnien_Baculinacreators' thoughts