11
"Pero hindi ko pinagsisisihan ang pag angkin ko sayo."iyon ang huling salita na narinig ko mula kay Clyde sa pagkahaba habang kwento at paliwanag niya.
Love at first sight. Iyon ang tamang term sa sinabi nito. Ang mahalin ako sa unang bese pa lang niya ako nakita.
Kung hindi ba sa akin ay hanggang ngayon ay ikinakahiya niya sina tito Clent na mga magulang niya. Pero bakit sa akin pa. Hindi ko nga ikinakahiya na pareho ding lalaki ang mga magulang ko, pero hindi ko naisip na sundan din ang yapak nila. Hindi ko naisip na magkakagusto din ako sa pareho kung lalaki.
"Zoey."tawag pansin niya ng hindi ako nagsalita.
Lumunok muna ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko. At wala akong alam na sasabihin dito. Matapos ang mga narinig ko dito ay lalo pa akong naguluhan. Hindi ko alam kung ano ang dapat na reaction ko sa mga sinabi niya. Kung matutuwa ba ako, maiinis, o idi-dead ma ko na lang.
"Hayaan mo akong ipadama ang pagmamahal ko sayo."patuloy nito ng hindi pa ako sumagot.
"Pero hindi tama Clyde." Sa wakas nasabi ko din. Hindi dapat niya mahalata na naapektuhan ako sa mga sinabi niya.
"Alin Zoey? Hindi din ba tama ang relasyon ng mga magulang natin, ganun ba? Zoey, wala akong pakialam kong labag man sa mata ng mga mapanuring tao o sa Diyos ang magmahal ng kapwa nating lalaki. Kung labag man iyon, bakit pa tayo binigyan ng puso. Puso na kusang tumitibok sa taong mahal natin. Hindi ko naman ginusto na sayo tumibok ang puso ko. Zoey! Tao lang ako na marunong magmahal."
"Sorry! Pero hindi ko pa naisip na pasukin ang bagay na iyan."
"I know. But please, give me a chance na patunayan na tapat ang hangarin ko."
Umiling ako. "Hindi pa ako handa Clyde."
"Then I'm willing to wait Zoey, pero huwag mo akong pipigilan na mahalin ka. Dahil hindi ko kaya. At ngayong nasabi ko na ang nararamdaman ko, asahan mong sa mga darating na mga araw ay nasa paligid mo lang ako."
Tumayo na ako sa pagkakaupo.
"Lets end this for tonight. Gusto ko ng magpahinga." Mahinang sabi ko dito. Tinungo ang pinto at binuksan iyon.
Tumingin ito sa akin. Parang ayaw pa niyang umalis.
"Zoey-."
"Lets talk some other time Clyde."
Tumango ito. Mabigat man siguro ang mga paa nito dahil ayaw pang umalis ay tinungo na ang pintuang nakabukas. Pero ang hindi ko inaasahan na gawin niya ay ang dampian ako ng halik sa mga labi.
"I miss you. But I can wait."mga huling salita niya bago siya tuluyang umalis.
Gusto ko man siyang sitahin ulit pero pinigilan ko na lang amg sarili ko. Ipinid ko ang pituan pasara at siniguradong inilock ko iyon. Napasandal ako sa pituan. Tulalang nakatingin sa kawalan at dinama ang labing dinampian ng halik ni Clyde.
I love you!
Ang unang katagang tumatak sa isip ko sa mga sinabi ni Clyde.
I miss you! But I can wait.
Bakit kusang nag play play sa utak ko ang mga iyon. Ayaw ko man isipin pero paulit ulit na naririnig ko iyon. Na para bang nasa tabi ko lang siya.
Anong nangyayari sa akin. Nag didileryo na ba ako dahil sa sakit ng katawan ko?
Marahil nga. Ipahinga ko lang siguro ang katawan ko ay mawawala na sa sistema ko ang mga sinabi ni Clyde. Makakalimutan ko din ang mga iyon.
"Aahhhh!" Impit kong sigaw. Agad kung tinungo ang silid ko at padapang nahiga.
Damn! Napamaluktot pa ako dahil kumirot ang braso ko dahil sa pagtalon ko sa kama. Nakakainis naman kasi. Bakit ba kasi ganito ang naging epekto ng mga sinabi ni Clyde sa akin.
Habang pinakikinggan ko siya kanina ay damang dama ko ang bawat salita nito. Simula sa ikinahiya niya minsan ang mga magulang. Hanggang sa makadama siya ng galit, selos. Damang dama ko iyon. Kaya naman heto. Kakaiba ang tibok ng puso ko habang naiisip ang pagtatapat nito. Iyong tibok na kumakabog talaga sa dibdib. Iyong ramdam na ramdam mo ang paggalaw ng puso ko. At naririnig mo mismo ang malakas na tibok nito.
Nasa kalaliman ako ng pag iisip ng tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino iyon. It was Azumi Tanaka, one of my male friend in Japan. And also companion in martial art.
"Kon'nichiwa A-zumi." Sagot ko sa tawag niya.
"Zoey."sigaw nito sa kabilang linya kaya naman nailayo ko sa tenga ko ang phone ko. "Ogenkidesuka? Anata wa watashi o yobanakatta." (Kumusta ka na? Hindi ka na tumawag sa akin.)
"Sakende wa ikemasen. Watashi wa genkidesu. Soshite watashi wa kono sūjitsu dake isogashīdesu. Dakara watashi wa anata o yobu jikan ga arimasen." (Huwag kang sumigaw. Maayos lang naman ako. Marami lang akong ginagawa nitong nakaraang araw.)
"Anata wa mada bujutsu o renshū shite imasu ka?"(are you still practicing martial art?)
"Hai, demo onaji janai." (Oo, pero hindi na madalas gaya diyan.) "Jitsuwa kesa tatakattanode zenshin ga itai." (Actually, masakit nga ang buong katawan ko dahil napaaway ako kaninang umaga.) Pagkukwento ko sa kanya.
"Nani? Dare? Anata wa watashi ni anata o bakkuappu shite hoshīdesu ka?" (Ano? Kanino? Do you want me to back you up)
"Hitsuyōna shi," (no need) "Dare mo watashi o taosu koto ga dekinaikara." ( Because nobody can defeat me.)
"Hai, Shikashi, anata wa anata ga kega o shita to itta. Waruidesu ka?"(pero sabi mo masakit ang katawan mo. Hindi ba malala?) Napangiti ako dahil halata sa boses nito ang pag aalala. Siya kasi ang nag aasist sa akin kapag may laban ako. Siya ang gumagamot ng pasa at sugat ko pag natatamaan ako. Siya din ang nag i-encourage sa tuwing sasabak ako sa laban. Kaya naman hindi nawawala dito ang pag aalala tuwing may sinasalihan akong compitation.
"Amari nai." Sagot ko sa kanya. Marami pa kaming napag kwentuhan gaya ng may bagong sumali sa team ng martial art. Mga panalo nila sa ibat ibang laban. At higit sa lahat love life. Love life niya at kinulit din ako kung may nagugustuhan na rin ba ako dito. Syempre sinabi kong wala. Alangan naman na sabihin ko pa sa kanya na yong mismong nakalaban ko kaninang umaga ay nagtapat sa akin. Huwag na lang. Dahil hahaba pa ang usapan namin.
"Soshite watashi wa yoi shirase ga arimasu. Watashi wa anata no iru onaji gakkō de benkyō shitai to chichi ni iimashita. Soshite kare wa sō itta."
"Really. When?"tanong ko.
"Konshū-sue. Watashinochichi mo watashi no ronbun o AU ni watashite imasu. Soshite karera wa sudeni sore o shōnin shimashita." (This weekend. My father also handed my paper to the AU. And they have already approved it.)
"See you then Azumi. See you soon."
"Osoku natte kita yo. Watashi wa anata ni mōichido denwa suru yo." (it's getting late. i'll call you again some other time.)
"Hai, watashi wa anata no tomodachi ga inakute sabishīdesu. Mata chikaiuchini o ai shimashou. Sayōnara." (Yes, i miss you my friend. See you soon. Goodbye.) Paalam nito. End tone na ang sumunod na narinig ko.
Muli kung ibinalik sa bedside table ko ang cellphone at umayos na ng higa. Mukhang umaapekto na ang pain killer na ininum ko. Dahil hindi ko na maramdaman ang sakit sa braso ko ng madaganan ko iyon.
Makakatulog na din ako ng maayos.
*******
Mabilis akong lumabas ng kwarto ko ng makitang late na late na ako. Napasarap ako ng tulog at hindi ko na namalayan ang oras.
Tinungo ko ang kusina at kumuha ng pares ng slice bread. Kakainin ko na lang habang nasa daan ako papasok.
Napatalon pa ako at nabitawan ang tinapay sa bibig ko ng mabungaran ko si Clyde sa may pinto ng buksan ko ang mga iyon. May mga hawak hawak ito sa dalawang kamay na dalawang paper bag.
"Anata wa watashi o odoroka seta."hindi ko mapigilang magsalita sa salitang japanese dahil sa gulat. (You startled me.)
"Watashi wa sore o imi shimasendeshita."sagot nito. Hindi na ako magtataka kung bakit marunong nga itong magjapanese. Sa sinabi nito kahapon na inalam ang lahat tungkol sa akin ay poseble nga iyon.
"Sa susunod huwag kang susulpot na lang bigla."sita ko dito bago tinapunan ng pansin ang tinapay na nahulog na sa sahig. Pinulot ko iyon at itinapos sa basurahan. "Anong ginagawa mo dito, kaaga aga, naghahanap ka ba ulit ng away."
"Im here to have breakfast with you."sagot nito at itinaas ang mga dala. Hindi pinansin ang paninita ko sa kanya. "Come, kumain ka na muna bago pumasok."aya nito saka tuluyan ng pumasok sa loob.
"Hey! Hindi pa kita pinapapasok."
Ngumiti ito saka napakamot ng ulo.
"Lalabas pa ba ulit ako para papasukin mo ako. Halika na nga, lalo kang malate sa klase mo." Panghihila niya sa akin papunta sa kusina.
"Nagluto ako ng sempleng bento para sa agahan. Sana magustuhan mo."sabi nito habang inilalabas ang pagkain sa bag.

Ganun na lang ang pagkanganga ko ng makita ang ginawa nito. Semple na lang ba ang tawag sa ginawa nito. Kung maghuhugis puso siguro ang mga mata ko ay kanina pa iyon hugis puso. Hindi ko na rin mapigilan ang mapalunok at parang may sariling isip ang mga paa ko at tinungo ko ang lamesa at umupo.
"Do you like it?"tanong nito ng makakuha ng kutsara at tinidor at ibinigay sa akin.
Tumango ako ng sunod sunod. Jusko kung ganito araw araw na ipaghanda ako ni Clyde ng pagkain, maiinlove na talaga ako sa kanya. Goddamit! Food is one of my weakneses. How did he know that.
"But its so cute. How can I eat them."napatingin pa ako kay Clyde habang subo ko na ang kutsara dahil takam na takam na ako sa pagkain.
Tumawa ito sa sinabi ko and pat my head while stroking my hair.
"Just eat it."malambing na sabi nito saka umupo sa kabilang panig ng lamesa.
Parang slow motion pa akong kumuha ng isang bento at isinubo iyon.
Ahhhhhhh! Sigaw ko sa isip. Napakasarap. Parang may star na sa mga mata ko sa sarap. May nakikita pa yata akong lumilipad na puso sa paligid ko. Parang gusto kung maiyak sa sarap ng pagkain sa harap ko.
"Hey! Are you ok?"tanong nito ng mapansing lumilipad ang isip ko. Sino ba naman ang hindi tatangayin ang isip kung ganito kasarap ang pagkain sa harapan ko. At hindi lang iyon. Napakaganda din ng design nito. A cute bento little pinguen.
"Hai!" Nakangiting sagot ko. "Arigato."
"Hala bilisan mong kumain, ikaw na lang ang hinihintay sa klase niyo."
Sa sinabi niyang iyon ay binilisan ko na ang pagkain. Hindi ko na pinansin ang cute na cute na mga pinguen sa harapan na halos ayaw kung kainin sa ka cutan. Halos mabilaukan na ako sa pagmamadali. Bakit ba kasi hindi ko namalayan ang oras. Ni hindi ko na narinig ang set ng alarm ng cellphone ko.
"Lets go, sabayan na kita papunta sa room niyo."aya nito ng matapos niyang iligpit ang dala niya.
"Wala ka bang klase?"
"Mamaya pa. 10 ang una kung subject."
Habang naglalakad dama ko ang tensyon sa pagitan namin. Wala man siyang imik alam kong may gustong sabihin ito sa akin dahil palagi kong nahuhuli na patingin tingin sa akin.
Marami ding mga studyante nalalampasan namin na napapatingin sa aming dalawa. Makikita sa mga mata nila ang paghanga. Paghanga kay Clyde. At ang iba siguro ay naiinggit sa akin dahil sa akin natuon ang pansin ng taong hinahangaan nila.
"Looks whos here."narinig kong sabi ng isang lalaking nakasalubong namin sa daan. Tatlong nag gugwapuhang lalaki at isang magandang babae.
Humarang sila sa dadaanan namin. Anong binabalak ng mga ito. Naging mailap ang mga mata ko baka may gawin silang hindi maganda. Pero sino ang mangangahas na harangan ang isang Clyde Alcaide sa sinasakupan niya.
"Tama nga ang sabi sabi ng iba. Your beautiful."sabi ng isa pa sa mga lalaki.
Umatras ako ng tangkain niya akong hawakan sa pisngi at humarang naman si Clyde dito. Tinignan ng masama ang lalaki pero ngiting ngiti lang ang mga ito.
"They also said that you have a good fighting skill. Hindi ako naniniwala. Bukod kay Alcaide at sa akin ay wala ng ibang hihigit sa amin pagdating sa labanan. Then Im here to prove it."
"Back off," matigas na sabi ni Clyde dito.
"I have no time for that now."sansala ko ng nakikita ang galit sa mukha Clyde dito. "If you want, some other time." Kampanting sabi ko.
Ngumiti ito saka nagkibit balikat. "Well, palalampasin ko ang araw na ito. Tomorrow after tomorrow, at the gym, I will wait you there at 10."sabi nito saka niyaya na ang mga kasama na umalis.
Nakahinga naman ako ng maluwang ng wala na sila ng tuluyan sa harapan namin. Saka ko binalingan si Clyde.
"May nangangahas din pala na harangan ka Alcaide." Sabi ko dito at nagsimula na ulit maglakad.
"Don't mind them. They are just teasing you."sagot nito. Sumunod na din naman ito sa akin.
"Teasing me? But they pick a wrong person. Even I looked like a girl and I don't have muscle, not mean that I am weak."
"Yeah! Alam ko naman iyon. Masasabayan mo ba ako kung mahina ka."
"Ako? Haha, nagpapatawa ka yata Alcaide. Baka ang ibig mong sabihin, ikaw ang nakakasabay sa akin at hindi ako."pangtatama ko sa sinabi niya.
Malakas ito. Magaling din sa laban. Pero hindi iyong tipo na master na niya ang istilo ng martial art.
"Whatever. Basta huwag mo silang pansinin. Pinagtritripan ka lang nila."
"But I insist. I will give them a good fight."sabi ko at lalong binilisan ang paglalakad. Hanggang sa tuluyan ko ng marating ang classroom ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala pa ang profesor namin.
"Thanks for the walk Alcaide. You can go now."pagtataboy ko sa kanya. Hindi na ito umalma pa at tuluyan ng umalis.
Agad naman akong sinalubong ng mga naging kaibigan ko na sa klase. Nag usisa na naman ang mga ito.
"Hindi yata kayo nagbangayn ni Mr. Alcaide ngayon, Zoey."tanong ni Carlos at tumabi sa akin paupo.
"Sort of. Nakapag usap na kami ng maayos."sagot ko dito.
"Pero ano ba kasing pinag awayan niyo. Halata naman na may gusto siya sayo."
"Cut the crap Carlos. Pinagtritripan lang ako nun."panbabaliwala kosa sinabi niya.
"Simula ng unang taon ko dito, hindi ko pa siya nakita na naglalakad sa labas na hindi ang mga grupo niya ang mga kasama. Ngayon lang. Poseble naman ako lang ang nakapansin nun. Kilalang kilala siya bilang isang stonehearted devil dahil sa lupit niya. Hindi din siya basta basta makikita kahit saan sa parte ng universidad."
"Stonehearted?"pang uulit ko. Naririnig ko na nga iyon patungkol sa kanya. Pero hindi ko naman nararamdaman iyon sa mga oras na nakausap ko siya. Sa katunayan nga para itong maamong tupa kapag kaharap ako.
"Yes, kaya walang sino man ang nagbabalak na makasalamuha siya. Palagi siyang iniiwasan ng mga kagaya nating estudyante para lang hindi mapag initan. Nakita mo naman kung ano ang nangyari kay Nica diba?"sabi pa nito.
"Speaking of Nica. Where is she. Isang linggo na mahigit mula ng insidenting iyon. Hindi ko na siya nakita pa."may pag aalala sa tanong ko dito.
"Clyde kick her out here in AU. Iyon ang sabi ng karamihan."
"What?"
"Kaya huwag ka ng magtaka Zoey, sa kinikilos at ipinapakita ng Clyde ngayon. Nakakasigurado akong may gusto siya sayo. At iyon ang dahilan kaya galit na galit siya kay Nica ng araw na iyon."
"But that was cruel. Siya na nga itong nakasakit siya pa itong may ganang magpatalsik ng estudyante."
"Siya ang batas sa eskwelahang ito Zoey, kaya mag ingat ka. Dahil sa mga oras na ito ay inaangkin ka na niyang pag mamay ari niya."seryusong sabi niya sa akin.
Tumingin pa ito sa paligid bago ako tinapik sa balikat saka bahagyang ngumiti.
"Mahirap na. Baka kapag nagkamali ako, isumbong ako sa kanya."
Napalabi ako. "Nonsense. Kung ganun man. Hindi basta basta ang inaangkin niya."sabi ko. Tama namang dumating na ang prof. namin kaya natigil ang pag uusap namin ni Carlos.
Naniniwala ako sa mga sinabi niya. Maalala ko pa kung paano niya gustong lagutan ng hininga si Nica ng araw na iyon. Kung paano manlisik ang mga mata niya. Dahilan iyon para saktan din ako at isinakatuparan ang pag angkin sa akin.
Pero hindi ko na ulit iyon hahayaan mangyari. Maliban na lang kung tuluyang mahulog ang loob ko sa kanya. At magpailalim ako sa kagustuhan niya. Pero hanggat hindi lubusang nahuhulog ang loob ko sa kanya, hindi ako magpapatalo sa kanya.
*******
@YuChenXi