webnovel

Si Eunice Na Walang Malay

Kinabukasan ng maaga, nasa opisina na ni Edmund sila Dave, VP Annie at si Manager Lance pag dating nya.

'Grabe, hindi ko naman sinabing ganito kaaga sila magpunta!'

"Good morning, CEO!"

Sabay sabay silang tumayo at binati si Edmund ng makita syang dumating.

"Good morning, sit down!"

"Boss Chief, let me explain!"

Agad na hirit ni Dave, hindi na rin ito naupo.

"Hindi ko alam kung paano nalaman ni Reyes na nasa Ames Academy ka, maniwala ka, hindi ako ang nagsabi!"

Agad na paliwanag ni Dave.

Napatingin si Edmund kay VP Annie, hindi ito makatingin ng diretso sa kanya, guilty.

"Ehem, anong masasabi mo rito Annie?"

Tanong ni Edmund.

"CEO, kasi .... "

'Jusko naman, sabi ko na nga ba may alam si CEO kaya ako pinatawag ng ganitong kaaga!'

Kumakabog ang dibdib ni VP Annie.

"Diretsuhin mo na ang sasabihin mo Annie at alam ko na ang totoo!"

"Po? Paano .... ?"

"Sinabi ng Secretary mo na inustsan ka ni President Reyes kay Dave. Ano naman ang iuutos nun kundi alamin kung nasaan ako! Tama ba?"

Sabi ni Edmund.

"Eh, CEO pasensya na po, wala po kasi akong magawa sa utos ni President Reyes!"

Namumutlang sabi ni VP Annie.

Napatingin si Dave kay VP Annie. Hindi makapaniwala.

'Inutusan lang sya?'

"Ang ibig sabihin, ikaw ang ... paano mo nalaman?"

Tanong ni Dave kay VP Annie.

"Sorry Dave, hindi ko sinasadyang mabasa ang message ni CEO sa'yo!"

Paliwanag ni VP Annie.

"Akala ko pa naman may something tayo, hindi ko akalaing ... "

Masamang masama ang loob ni Dave. Akala kasi nya may love life na sya.

"Sorry Dave, I'm really sorry!"

Kita ang pagsisisi sa mukha nito.

"Ano bang dahilan pumapayag ka sa mga iniuutos sa'yo ni President Reyes? Sa pagkaka alam ko hindi na sakop ng work description mo yun!"

Tanong ni Edmund

"Sir CEO, kasi .... kasi, nag loan po kasi ako at kailangan, kailangan ko na po kasi ang loan ko at nangako si President Reyes na tutulungan nya ako!"

Nahihiyang sabi ni VP Annie.

"Dahil sa Loan kailangan mong magpagamit?"

"Ka lo loan ko pa po kasi, hindi ko pa po bayad, kaya hindi maaprubahan ang loan ko ngayon!"

"Pwede bang malaman kung bakit kailangan mong mag loan agad?"

"Dahil po sa anak ko, may sakit po sya. Leukemia!

Sorry po CEO, sorry po talaga, pero bilang ina, hindi ko po kayang makitang naghihirap ang anak ko kaya!"

Malungkot ang mga mata ni VP Annie.

Awang awa naman si Dave lalo na ng makita nyang umiiyak ito.

"Ito ba ang dahilan kaya patong patong ang loan mo?"

Tanong ni Dave na puno ng awa kay VP Annie.

Biyuda ito at dalawa ang anak.

Tumango na lang si VP Annie.

"Bakit hindi mo sinabi kay Dave ang problem mo?"

Tanong ni Edmund.

"Kasi .... nahihiya po ako, ayaw ko pong abusuhin ang kabaitan nya!"

"Hindi Annie, okey lang! Abusuhin mo ako, okey lang! Tutulungan kita!"

Biglang lapit ni Dave kay Annie sabay hawak ng mga kamay nito.

"Dave, hindi ko kayang suklian ang kabaitan mo!"

"Pero hindi naman ako nanghingi ng kapalit!"

"Ehem, tumigil na nga kayong dalawa! Sa ibang lugar nyo na pagusapan yan!"

Kinikilabutan si Edmund sa mga hirit ng kaibigan nya.

'At dito pa talaga sa office ko gustong magpa sweet ng hinayupak na 'to!'

Napakunot ang noo ni Dave ng suwayin sila ni Edmund at tingnan nya ito ng naiinis.

"Grabesya, minsan lang ako mag moment, hmp!'

'Eh syanga halos araw araw nilalandi ang asawa nya sa harapan ko, hindi naman ako nagrereklamo!'

Naainis na sabi ng isip ni Dave.

"Annie, malaki ang naging pinsala ng nangyari, naisip mo ba kung malaman ito ng mga client natin lalo na ng mga mapagsamantala? Bakit nyo hinayaang umabot sa ganito?"

"Sorry po Sir CEO, pinapangako ko pong hindi na mauulit!"

"Talagang hindi na mauulit dahil simula ngayon si Lance na ang papalit sa'yo!"

"PO?!"

Parehong ikinagulat ng dalawa ang sinabi ni Edmund.

Si Lance na kanina pa tahimik at nakikinig lang sa usapan nila ay biglang namula sa ipinahayag ni Edmund.

Hindi nya alam kung anong mararamdaman nya. Matutuwa ba sya o hindi.

'Ibig bang sabihin nun, promoted na ko? So dapat masaya ako?'

'Gusto kong magtatalon sa tuwa pero paano si VP Annie? Nakakahiya naman kung magsasaya ako dito!'

At si Annie, mangiyak ngiyak sa sinabi ni Edmund.

'Anong ibig nyang sabihin, sisante na ba ako?'

'Paano na ang pamilya ko? Lubog pa ko sa utang ngayon!'

"Sir, tinatanggal nyo na po ba ako sa trabaho?

Utang na loob Sir CEO, nagmamakaawa po ako, huwag nyo naman po akong tanggalin sa trabaho, kahit idemote nyo na lang po ako, huwag nyo lang o akong tanggalin. Ako lang po ang inaasahan ng mga anak ko!"

Awang awa si Dave kay Annie.

"Edmund .... "

Sinenyasan sya ni Edmund na manahimik.

"Annie, tapatin mo ako, nakanino ba ang loyalty mo?"

Tanong ni Edmund.

"Syempre po nasa NicEd Corp! Matagal na po ako dito Sir CEO at napamahal na po sa akin ang NicEd Corp.!"

"Good! Yan lang ang gusto kong madinig! But still, starting today si Lance na ang bagong Vice President ng Pampangga Branch!"

Tuluyan ng nalungkot si Annie. Hindi na nya mapigil ang pag agos ng mga luha nya.

Inakap sya ni Dave.

"... and you Annie, starting tomorrow dun ka na magrereport sa QC Branch!"

"Po?"

"Do I really need to say it twice?"

Sabi ni Edmund.

Nalilito pa rin si Annie pero nahihiya na syang magtanong.

"Boss Chief let's make it clear. Si Lance ang bagong VP ng Pampanga branch at si Annie naman ang magiging VP ng QC Branch, tama ba ko?"

Sabi ni Dave.

"Bakit, malabo ba ang sinabi ko?"

Naiinis na tanong ni Edmund.

Lalong naiyak si Annie pero this time tears of joy naman ito.

"Salamat .... marami pong salamat!"

Naiiyak na usal ni Annie.

Blag!

Nagulat ang lahat sa biglang pagbukas ng pinto at makita kung sino ang nagbukas.

Si President Reyes.

Nataranta sila Annie at Lance.

Nairita naman si Edmund at Dave.

"Edmund, ano 'to? Anong ibig sabihin nito? Bakit mo tinatanggal sa akin ang Pampangga Branch?"

Galit nitong tanong.

"President Reyes, napapansin ko kasing medyo nahihirapan ka ng hawakan ang Pampanga branch. Mukhang hindi mo na kaya ang work load mo.

Since, nahihirapan ka na at malapit ka na rin naman mag retiro kaya naisip kong ipahawak na ito sa mas bata at mas malawak ang experienced. Ayoko namang bigyan ka pa ng maraming stress!"

Paliwanag ni Edmund.

Napataas ang kilay ni President Reyes.

'Anong pinagsasabi nitong nahihirapan? Dalawang branches na nga lang ang hawak ko, tapos tatangalin pa nya ang isa?'

Sa mga president ng NicEd sya lang ang may pinaka konti ang hawak.

"Hindi ako makakapayag! At hindi pa ako mag reretiro! Kaya ko pang hawakan ng sabay ang dalawang branches na yan!"

Mariing sabi ni President Reyes.

"Kasi ganito yan President Reyes, Matanda ka na kasi at hindi ka na bagay sa Pampanga branch. Mas kailangan ng branch na yun ng isang mamumuno na mas mabilis at mas mahusay para makasabay sa panahon. Kaya naisipan kong ipahawak ito sa mas bata!"

"Sinasabi mo bang mabagal na akong magisip dahil matanda na ako?"

"Oo naman!"

Deretsahang sabi ni Edmund.

Nagulat si President Reyes, hindi nya inaasahan ipapahiya sya ni Edmund.

"At sino naman yang mas bata at mas may experience na sinasabi mo?"

May pagka aroganteng tanong nya kay Edmund.

Sa tingin nya sya lang mas karapatdapat na humawak ng Pampangga Branch. Duon sya nagmula kaya kabisado nya ito.

Tok tok tok!

Bumukas ang pinto at pumasok si Eunice kasunod si Janice.

Lahat ng tingin ay nasa kanya habang papunta ito kay Edmund.

"SYA!"

Sabay turo ni Edmund sa anak nya na ikinagulat naman ni Eunice.

Wala syang kamalay malay na sya na pala ang bagong Presidente ng Pampangga Branch.