webnovel

Ang Galing Nya!

CEO, mabuti at nakita ko kayo!"

Humihingal na sabi ni President Reyes.

Naabutan nya sila Edmund at Nichole na palabas ng Ames Academy Main.

Katatapos lang ng trabaho ni Nichole at kanina pa duon si Edmund, pinanonood sya habang nagtatrabaho.

Nairita sya ng makita si President Reyes na personal na pinuntahan sya.

Nuknukan pa naman na reklamador ito at feeling nya parati sya lang ang magaling.

Magaling naman sya nung una kaya sya naging presidente, pero tumaas ang ere naging sobrang arogante at palautos, kaya napipikon na si Edmund dahil daming demand.

'Paano nalaman ng taong ito na nandito ako?'

Napakunot ang noo nya.

'Siguro si Dave ang nagsabi! Humanda sa akin yun pagnagkita kami!'

Naiiritang sabi ng isip ni Edmund.

"Bakit ba kasi naka off ang cellphone nyo?"

Sabi ni President Reyes kay Edmund ng hindi man lang ito nagsasalita.

Mas matanda ito kay Edmund at nasa retirement age na.

'Hindi man lang ba sya nasisiyahan at personal ko pa syang pinuntahan dito?'

Nakita nya ang pagsibangot ni Edmund sa kanya na.

"Ayoko kasing maistorbo, busy ako!"

Sagot ni Edmund na hindi inaalis ang pagkunot ng noo, sadyang ipinakikita na iritado sya.

'Sinadya ko kayang i off ang cellphone ko para walang umistorbo sa date namin ng asawa ko!

'Hindi ba sya nakakaintindi na nagmomoment kami ng asawa ko?'

Nichole: (rolled eyes)

'San sya busy, sa kakatingin sa akin?'

President Reyes: "????"

"CEO, pasensya kung naistorbo ko kayo pero may malaki tayong problema sa Pampanga branch!"

Sabi ni President Reyes na hindi man lang nahahalata ang inis na itsura ni Edmund.

Halatang walang pakialam sa nararamdaman ni Edmund.

"Si Eunice ang in charge, sinabi mo ba sa kanya?"

Tanong ni Edmund.

"Ha? ... ah ... eh... oo!

Sinabi ko kay Janice, kaya malamang alam na nya!"

Totoo namang sinabi nya kay Janice na may problema hindi nga lang nya sinabi kung ano.

"Bakit hindi mo sinabi kay Eunice? Sya ang in charge, sa kanya ko iniwan ang NicEd!"

Iritang sabi ni Edmund.

'Lintek na mga 'to, andun na ang anak ko hahanapin pa ko!'

"Masyado kasing malaki ang problema kaya ikaw agad ang hinanap ko!"

Katwiran ni President Reyes.

Napipikon na si Edmund.

'Lagi naman ako ang hinahanap nya kahit walang kwenta ang problema!'

Tinawagan ni Edmund si Eunice pero hindi sumasagot.

Tinawagan din nya si Janice pero....

"Hello ...?"

Iba ang sumagot.

"Sino 'to?"

Tanong ni Edmund.

"Sir Chief, si Ernie po sa security!"

"Nasaan si Janice, bakit hindi sya ang sumagot?"

"Wala po dito Sir Chief, umalis po kasama ni Ms. E!"

"Saan daw nagpunta?"

Hindi ko po alam Sir Chief!"

Lihim na natuwa si President Reyes ng madinig ang usapan.

"Baka naman nag shopping yung dalawa, balita ko may sales daw sa Mall ngayon!

Mas mabuti pa CEO, pumunta na tayo ng Pampanga para maayos na ang problemang ito agad!"

Suggestion ni President Reyes

"Ikaw ang in charge sa branch na yan diba responsibilidad mo yan! Kaya dapat lang na IKAW ang magpunta!

Bakit kailangan mo pang isama ako?"

Nabubwisit na si Edmund.

"Pero CEO, sinubukan ko ng gawan ng paraan kahapon pero nagulat na lang ako ng biglang nag shut down bigla ang system!"

"Eh bakit hindi mo masolusyunan? Ano pa ba ang kaya mong gawin? Naririndi na ako sa'yo!

Ikaw ang presidente you should think of a solution!"

Nanggigil na si Edmund gusto na nyang sipain itong si President Reyes sa inis.

Napansin ito ni Nichole at agad na hinawakan ang bisig nya.

"Honey buti pa asikasuhin mo muna yang problema bukas na lang natin ituloy 'to at baka lumala pa yan.

Sige na, samahan mo na si President Reyes para makauwi kayo agad!"

Natuwa naman si President Reyes ng madinig ang sinabi ni Nichole.

"Pero... "

"Sige na, Honey!"

Sabay halik kay Edmund.

Napakalma naman si Edmund ng halik na yun.

Wala tuloy syang nagawa kungdi sumama kay President Reyes papuntang Pampangga.

'Bwisit! Sa susunod hindi ko na sasabihin kahit kanino kung nasaan ako!'

Iritang irita si Edmund, iniisip ang maraming paraan kung anong gagawin nya kay Dave.

*****

Sa Pampanga branch.

"Akala ko ba may problema?"

Nakakunot ang noong sabi ni Edmund.

Pati si President Reyes naguguluhan. Ang manager ng branch na ito mismo ang nagsabi sa kanya na naka shutdown sila.

Tinawag nya ang secretary ng vice president.

"Secretary Leah, asan ang boss mong si VP Annie?"

Tanong ni President Reyes.

"Dipo ba Sir, inutusan nyo po sya kay Sir Dave?"

Sagot ni Secretary Leah.

'Sabi ko na tama ako, kay Dave nya nga nalaman kung nasaan ako!'

'Walanghiya ka Dave, titirisin kita pagnakita kita!'

Gigil na gigil si Edmund.

May gusto kasi si Dave kay VP Annie pero hindi naman sya gusto. Ginagamit lang ito ni President Reyes para malaman ang mga galaw ni Edmund.

Hindi naman talaga ibinuko ng Personal Assistant nyang si Dave, si Edmund, nabasa lang ni VP Annie ang huling text ni Edmund sa kanya na papunta na itong Ames Main kaya nalaman nito.

"Sinong in charge pag wala si VP Annie?"

Tanong ni Edmund kay Leah.

"Si Manager Lance po!"

"Tawagin mo!"

***

CEO Perdigoñez, magandang araw po!"

Natatarantang sabi ni Manager Lance. Para itong na starstruck ng makita nya si Edmund. Hindi nya alam ang gagawin. Excited sya at kinakabahan at the same time. Idol nya kasi ito.

Matagal na nyang hinahangaan si Edmund kaya ito nagtrabaho sa NicEd at ito ang unang beses na nakita nya sya ng personal at malapitan.

Maliban kasi kay VP Annie, wala pang nakakapunta sa kanila sa Main Branch, may usap usapan na tila ibinabawal ni President Reyes. Kaya nagkakaroon lang ng chance na makita nila si Edmund sa tuwing anniversary ng NicEd pero iilan lang ang pwedeng sumama.

"Manager Lance, pwede ka bang makausap?"

Mahinahong tanong ni Edmund.

"Oonga Lance, ipaliwanag mo nga ang nangyayari dito!"

Naiiritang sabi ni President Reyes.

Napahiya kasi sya kay Edmund, parang lumalabas na nagdadahilan lang sya. Saka... naiinis sya dahil hindi man lang sya binati ni Lance.

"Kasi po kanina, nagpunta dito ang anak nyo pong, si Ms. E!

Grabe ang galing po nya! Wala pa pong 5 minutes nalaman na po nya ang problem!"

Nanlalaki pa ang mga mata ni Lance habang nagkukwento sa ginawa ni Eunice.

"Si Eunice, nagpunta dito?"

Tanong ni President Reyes na hindi makapaniwala.

"Bakit sya nagpunta dito, hindi ko naman sinabing sa Pampanga ang problema?"

Hindi nakalagpas sa pandinig ni Edmund ang sinabi ni President Reyes.

"Manager Lance, anong ginagawa ni Eunice, pag dating dito?"

Tanong ni Edmund, hindi pinapansin si President Reyes. Saka na nya iintindihin ang ginawa nito.

Natuwa naman si Manager Lance dahil kinakausap sya ni Edmund.

"Sir CEO, pagdating po ni Ms. E, dumiretso po sya agad dito sa main computer para alamin ang problem!

Hindi man lang nga po nya kami tinanong kung anong nangyari basta ginawa na lang nya! Ang galing po nya!

Sa tingin ko, isa po syang genius!"

Bulalas ni Manager Lance na tuwang tuwa at bilib na bilib kay Eunice.

Napataas naman ang isang kilay ni President Reyes.

"Pwede ba Lance, huwag ka ngang magsalita ng mga walang katuturan dyan!"

'Genius daw! Hmp! Sinong genius?'

"Tapos anong nangyari?"

Mahinahong tanong ni Edmund kay Manager Lance na pinipigilan ang sariling sapakin si President Reyes.

"After an hour natapos nya po agad ang problem!"

Tuwang tuwa na sabi ni Lance

"Isang oras?! Ganyan ba ang genius? Pffft!"

Sarkastikong sabi ni President Reyes.

"Kasi po, kaya po inabot ng isang oras dahil matapos po nyang malaman kung ano ang sanhi ng problema, inayos nya po ito agad at sa loob ng limang minuto napagana na po nya ang system! Ang galing po nya diba?"

"Yun lang ang ginawa nya, genius agad?"

Komento na naman ni President Reyes.

"Will you shut up and let him finish!"

Pikon na sabi ni Edmund kay President Reyes.

"Yes CEO!"

Sagot ni President Reyes.

"Go on, Manager Lance!"

"Tapos po, gumawa po sya ng bagong program para daw ma shield yung main system nang hindi na basta napapasok ng kung ano anong program!

Yun daw kasing inilagay kahapon na program ang dahilan kaya completely nag shut down ang system, binura daw nito ang ibang important files sa system!"

Natahimik si President Reyes, hindi sya makapaniwala na sya pa ang dahilan kaya tuluyang nasira ang system.

Sya kasi ang nagpumilit na gamitin ang program na yun para mawala ang bugs sa system, hindi nya inaasahan ito pa ang magiging sanhi ng pagkasira ng buong system.

'Mukhang mapapasama pa ako dahil sa pakikialam ng Eunice na yun ah!'

Nagpatuloy si Manager Lance.

"Ilang programmer na natin ang tumingin pero wala silang magawa dahil sabi nya solution daw kasi ang ginagawa ng mga programmer pero hindi naman nila inaayos ang totoong problem!

Pagkatapos nun, inupgrade din po nya yung system, masyado na raw mabagal kaya nasisira! Hindi na raw enough yun kakayahan ng system!"

"Ano? Pinakialaman nya yung program? Anong karapatan nyang gawin yun? Paano kung masira nya?"

Singhal ni President Reyes.

Tiningnan sya ng matalim ni Edmund.

"Eh, CEO, concern lang naman kasi ako!"

Katwiran ni President Reyes.

"I told you to shut up, so SHUT UP!"

Singhal ni Edmund sa kanya na sobrang rindi na kay President Reyes.

"Bumilis nga po ang system at marami ang nasiyahan! After po nun gumawa po sya ng program para daw po mas mapa bilis ang trabaho namin! Sabi po nung isang programmer natin, yung ginawa nya mas maganda at mas mabilis raw kesa sa main branch!"

Pagmamalaki ni Manager Lance.

Tiningnan nga ni Edmund ang ginawa ni Eunice at totoo lahat ng sinabi ni Lance.

"Manager Lance, mag report ka sa akin sa main branch bukas ng maaga. Gusto kitang makausap!"

"HA?! Bakit?!"

Gulat na tanong ni President Reyes.

Pati si Manager Lance nagulat din pero hindi nya pinahalata.

'Yes! Makakarating na rin ako sa main branch!'

Excited ito kahit hindi pa nya alam ang dahilan.

Hindi sinagot ni Edmund ang tanong ni President Reyes, tumalikod na ito at umalis.