webnovel

Pagtatalo

"Aba't...!

Nagulat si Domeng sa ginawa ng mga magsasaka.

Isa isa silang tumabi para bigyan daan si Fidel.

Nataranta si Domeng.

"Hoy, a-anong ginagawa ninyo? Bakit kayo nagsisialis sa pwesto? Magsibalik kayo!"

Utos ni Domeng.

"Pasensya na po Sir Domeng pero ... simpleng magsasaka lang po kami at ayaw namin mapasama sa problema ninyo ni Sir Fidel!"

"Anong pinagsasabi nyo? Hindi nyo ba nadinig ang utos ko? Andito kayo para proteksyunan ako kaya magsibalik kayo at huwag papasukin ang kriminal na yan!"

Singhal ni Domeng.

"Pasensya na po Sir, laban nyo po ito, wala po kaming kinalalaman sa laban nyo!"

At isa isa isa na silang tumalikod, walang nagsibalik bagkus ay iniwan na nila ng tuluyan si Domeng.

"Hoy! Mga hampas lupa! Wala kayong utang na loob! Magsibalik kayo! Hindi nyo ba ako nadidinig? Bumalik kayo dito dahil kung hindi, isusumbong ko kayo sa Ninong kong si Don Leon!"

Naghuhuramentado na si Domeng.

Pero malayo na ang mga magsasaka.

At ngayong walang ng nakaharang, nakangiting nilapitan ni Fidel si Domeng.

"Asa ka pang tutulungan ka nila e ang sama ng ugali mo!"

"Men!"

At isa isang nagsilabasan ang mahigit sa 50 tao na kasama ni Fidel.

Napalingon ang mga magsasaka ng makita ang mga tauhan na papalapit sa bahay ni Domeng.

Kinilabutan sila.

Kung hindi pala sila umalis malamang napahamak din sila. Anong laban nila sa dami ng mga taong ito eh sampu lang sila?

Mabuti na lang at tama ang desisyon nila.

Nilingon ni Fidel ang mga magsasaka at itinaas ang kamay bilang pasasalamat.

Alam nyang hindi sya ang dahilan kaya nagsialis ang mga ito, isang hamak na kriminal lang sya.

Ang totoong dahilan ay ang balita na malapit ng bumalik ang tunay na may ari ng haciendang ito.

Naging mabuti sa kanila si Don Aaron kumpara sa mga taong ito na kinakamkam pati pinaghirapan nilang maliliit.

*****

Sa condo ni AJ.

Muling nagtagpo si Brix Kate at Eunice para pagusapan ang tungkol sa problema ni Caren.

Dito sila madalas magkita dahil wala naman si AJ ngayon.

"Nakausap ko na si Berna and your right, hindi nga pinaalis ni Sir Raymond si Caren sa kompanya nila.

Ang gusto ng Papa nya ay maging personal assistant ni Berna para mas madali nitong matutunan ang pagiging CEO, pero hindi sya tinanggap ni Caren!"

Sabi ni Brix.

"Anong problema sa pagiging personal assistant?"

Tanong ni Kate.

"Mataas kasi ang pride ni Ate Caren kaya hindi nya tatanggapin yun!"

Sabi ni Eunice.

"Kung hindi nya tatanggapin iyon anong mangyayari sa kanya? Hindi man lang ba nya iniisip ang kompanya ng Papa nya? Pinaghirapan ni Tito Raymond yun!"

Sabi ni Kate na parang nanghihinayang.

"Bakit Kate may natuklasan ka ba sa company nila?"

Tanong ni Brix.

"Ayun, totoong going down na ito nung hawak ni Ate Caren, walang pumapasok na new deal at halos matatapos na ang contract ng mga clients nila. Kung nagpatuloy ito, baka 6 months or worst 3 months mag close ito. At kung hindi nasagip ni Berna yun, tyak mahihirapan na silang iahon ito."

"Haaaay!"

Napabuntung hininga si Kate. Hindi nya matanggap na si Berna ang dahilan kaya napabuti ang kompanya.

"How's Tito Raymond?"

"Naka confine sya sa isang center, nagpapagaling. Okey naman daw sya, recovering, pero ang nakapagtataka bakit ngayon lang sya nadala sa center para magpatheraphy?"

Sabi ni Kate.

"Bakit, anong ibig mong sabihin Kate?"

Tanong ni Brix.

Sabi kasi sa center ngayon lang nakaranas ng therapy si Tito Raymond, matitigas na ang mga kalamnan nya at hirap ng itheraphy."

"After a year ngayon lang sya pinagamot? Bakit?"

Tanong ulit ni Brix.

"Siguro ayaw syang dalhin ni Berna dun!"

Sabi ni Kate.

"Pwede rin naman na si Tito Raymond ang ayaw magpadala!"

Sabi naman ni Eunice.

"Uhm, girls ... me sasabihin nga pala ako!"

Sabi ni Brix ng may maalala sya.

Pero hindi sya pinansin ng dalawa nagpatuloy sila sa diskusyon.

"Kung may konsenya yang si Berna, ipapagamot nya yang si Tito Raymond!"

Sabi ni Kate

"Ke may konsenya sya o wala kung ayaw ng may katawan wala syang magagawa!"

Sabi naman ni Eunice.

"Girls, girls!"

Tawag ni Brix ng mapansing nagkakainintan na ang dalawa.

"BAKIT?"

Sabay na sabi ng dalawa kay Brix.

DINGDONG!

May nag doorbell.

"Nakalimutan kong sabihin sa inyo na ininvite ko si Atty. Reyes dito at mukhang andito na sya!"

Sabi ni Brix saka nagtungo sa pinto para pagbuksan ang nagdo doorbell.

"Atty. Reyes, magandang araw po! Mabuti at pinaunlakan ninyo ang imbitasyon ko! Pasok po kayo!"

"Ano ba ang dahilan at gusto ninyo akong makausap? At bakit dito pa sa condo, bakit hindi sa opisina mo?"

Sabi ni Atty. Reyes.

"Pasensya na po Atty. Reyes kung dito ko po kayo pinapunta, nakasanayan na po kasi namin."

Sabi ni Brix.

"Tungkol ba saan ito? Ano ba ang gusto nyong malaman?"

Tanong ni Atty Reyes.

"Atty. Reyes pwede po ba namin malaman kung bakit ngayon lang nadala si Tito Raymond sa therapy center?"

Tanong ni Kate.

"Kayo siguro ang tinutukoy ni Raymond na tumutulong kay Caren, mabuti naman at may mga kaibigan syang katulad nyo!

At tungkol sa tanong mo, dahil hindi sya madala dun ni Berna."

"Bakit po?"

"Well, matigas kasi ang ulo ni Raymond, nahihiya sya na malaman ng tao ang nangyari sa kanya saka depress sya. Si Berna naman ay hindi na matagalan ang katigasan ng ulo ni Raymond. Wala syang tyagang makipagtalo dito kaya hindi na nya kinulit pang dalhin si Raymond. Ganunpaman, kinuha pa rin nya ito ng magaalaga.

Malaki ang pagsisisi ni Raymond dahil akala nya mabubuhay sya ng masaya kasama ni Berna pero hindi nangyari dahil mainipin si Berna ayaw na walang ginagawa, mas gusto nya ang mag work at ayaw manatili sa bahay! Na depress si Raymond!"

"So, masasabing si Berna ang dahilan kaya nangyari ito kay Tito Raymond."

Sabi ni Kate.

"Bakit, ano naman masama kung gustong magwork ni Berna?"

Tanong naman ni Eunice.

Mukhang hanggang ngayon nagtatalo pa rin sila.

"Actually, hindi ko masasabing may kasalanan si Berna. Si Raymond kasi gusto ng magretired at mamuhay ng simple, ayaw na nyang magwork at ang tanging gusto ay magenjoy na lang.

Kaya gusto na nyang ibigay lahat ng pamamahala ng kompanya kay Caren, akala nya kaya na ng anak nya, nagkamali pala sya.

At si Berna, hindi nya gusto ang mag retiro, tingin nya bata pa sya para dito at mahalaga pa sa kanya ang magkaroon ng career. Hindi ito matanggap ni Raymond kaya sya na depress.

Alam kong katulad nyo iniisip na mali ang ginawang pagpapabaya ni Berna kay Raymond pero ang totoo nyan, sinadya ito ni Raymond para huwag umalis si Berna sa tabi nya. Kaya hindi ko magawang sisihin si Berna sa lahat ng ito dahil alam kong ayaw ni Berna na manatili sa sitwasyon nya na magalaga ng isang baldado na hindi nya naman kamaganak! Para syang nakagapos, wala syang freedom!"

Paliwanag ni Atty. Reyes.

"Kung tutuusin ang dapat na gumagawa ng pagaalaga kay Tito Raymond ay ang anak nya!"

Sabi ni Eunice.

"Tama ka iha, pero hindi nya kayang bigyan ng ganitong kalaking responsibilidad si Caren at yun ang ikinaiinis ni Berna. Kaya ng malaman ni Berna na malapit ng mabankrupt ang kompanya nya, nagprisinta syang ayusin ito.

Nakipag kasundo sya kay Raymond na gagawin nya ang lahat para maisalba ang kompanya. Ayaw ni Raymond nung una dahil baka iwan sya ni Berna pero sa huli nagkasundo sila. Magpapakasal lang si Berna sa kanya kung magpapagaling sya at hahayaan nya itong mabuhay sa gusto nya. Gusto nyang tanggapin sya ni Raymond bilang sya hindi bilang isang babaeng gusto nyang maging sya.

"Si Berna ay isang babaeng hindi basta basta umaasa sa lalaki.

At yun ang dahilan kaya nagsisikap si Raymond na magpagaling ngayon dahil 3 months lang ang usapan nila!"

Natahimik ang magpinsan. Naiinis pa rin sila kay Berna dahil nakakainis ang style nito pero hindi nila ito masisi dahil maging sila hindi rin nila gusto na umaasa na lang sa lalaki.

"Atty. Reyes, hindi ba dapat lang na sinasabi nyo ito kay Caren para maintindihan nya ang sitwasyon?"

Tanong ni Brix.

"Paano? Kung si Raymond mismo ang nagbabawal sa akin na sabihin ito kay Caren."

Sabi ni Atty. Reyes.

Nagtataka si Brix.

"Kung ganun, bakit ninyo po ito sinabi sa amin ngayon?"

"Dahil gusto nyang tayo ang magsabi kay Ate Caren."

"Mismo!"