webnovel

Ang Kundisyon Ni Edmund

Pagkatapos.

Bumalik sa upuan si Edmund at Nichole na parehong hindi maalis ang ngiti sa labi.

Kung proud na proud sila sa anak nila, syempre proud din sila sa isa't isa dahil nagawa nilang mapalaki ng maayos si Eunice.

Hoping na lang sila that Earl will turn up the same.

"So Dad pwede ko na po bang malaman ang sagot nyo?"

Tanong ni Eunice.

This time sumeryoso si Edmund.

"Yang 15% na shares na yan ay binili ko para sa kapatid mong si Earl pero wala akong planong ibigay muna sa kapatid mo dahil feeling ko naglalaro pa rin si Earl."

'Syempre, ang lagay eh, basta basta ko na lang ibibigay kay Earl yun! Ano sya siniswerte?'

'Patunayan muna nya na capable sya!'

"Honey, bata pa si Earl, natural lang na parang bata pa rin sya kung magisip!"

Pagtatanggol ni Nichole sa bunso nya.

"Haaay Honey, kung alam mo lang ang pinaggagawa ng anak mong yan! Andun nakikipagchismisan!"

Sabi ni Edmund na halatang naiinis na naman sa bunso nya.

"Dad, ang problem ni Earl ay hindi sya nageenjoy sa work na ibinigay nyo sa kanya, bakit hindi nyo sya ilagay sa PR department!"

Suggestion ni Eunice.

"Hmmm, magandang idea yan! Pagiisipan ko! At tungkol naman sa request mo, since pumayag ang Mommy mo, syempre papayag din ako! Makakatanggi ba ako sa Honey ko!

Pero .... meron akong kundisyon!"

Huminto muna si Edmund at pinakiramdaman si Eunice, nagaantay sa reaksyon nya.

Pero hindi si Eunice ang nag react kung hindi si Nichole.

"Ano ba Hon! Nambibitin ka na naman! Ano bang kundisyon mo? Sabihin mo na!"

Iritang tanong ni Nichole na hindi maintindihan bakit sinususpense pa ng asawa ang kundisyon.

Samantalang si Eunice ay behave at tahimik lang na nagaantay. Sa tinagal nya dito sa NicEd kilala na nya ang style ng ama.

"Okey, I have two conditions!

First, gusto kong tapusin mo ang training mo hanggang sa dulo!"

"Hanggang .... sa dulo po?"

Kinakabahan tanong ni Eunice.

Kinakabahan sya dahil pakiramdam nya ang dulo na sinasabi nya ay gagawin syang CEO ng NicEd, bagay na ayaw nyang mangyari.

Nuon pa man wala na syang planong makipagagawan sa kapatid nyang si Earl sa pagiging CEO ng NicEd, nasa mind set nya na ito kaya hindi nya alam kung paano sya makakapayag kung ito ang dulo na sinasabi ng ama.

"Pero Dad .... "

Alam ni Edmund ang iniisip ng anak at tama sya, gusto nyang ipahawak ang NicEd sa kanya.

"Eunice anak, listen. Kailangan mong tapusin ang training hangang sa dulo at pagdating sa dulo saka ko naman itetraining ang kapatid mo. So yes, kailangan kong ibigay sa'yo ang pansamantala ang NicEd para matutukan ko ang kapatid mo! Mas matinding training ang ibibigay ko sa kanya dahil hindi sya katulad mo na may experience na sa pagmamanage ng company. Yung kapatid mo ang alam lang magpacute ng magpacute kala mo naman cute!"

Napataas ang kilay ng magina.

Magkamukhang magkamukha kasi si Edmund at si Earl, mas matangkad lang si Earl kay Edmund.

"Okey po Dad, I understand! Ano naman po yung 2nd condition?"

Tanong ni Eunice.

"After 5 years from now kayo magpakasal ni AJ!"

"DADDY?!"

Nangiti lang si Nichole sa kundisyon ng asawa.

"Bakit, anong problema kung after 5 years pa kayo magpapakasal ni AJ?"

"Pero Dad, 23 na po ako ngayon at gusto ko na pong makasal pagdating ko po ng 25!"

"Twenty two!"

"Po?"

"Twenty two ka lang!"

"Dad I'm turning 23, three months from now!"

"Your still 22, matagal pa ang 3 months!"

'Hmp! Ang kulit talaga ng tatay ko!'

"Mommy, help!"

Si Nichole na kanina pa pinipigilan ang tawa ay nagulat ng humingi ng tulong si Eunice.

"Eunice, ano bang problem kung after 5 years ka magpakasal?"

Tanong ni Nichole.

"Tama! Ano bang problema bakit nagmamadali ka dyan?"

Tanong ni Edmund.

"Ako nga pinahirapan din ng lolo mo sa Mommy mo pero hindi ako nag compain! Buti nga 5 years lang ang hiningi ko!"

'So ano 'to, ganti gantihan lang?'

Sabi ng isip ni Eunice pero hindi maivoice out ang nasa isip.

"Saka, marami pang kailangan ayusin si AJ sa buhay nya, alam mo yan! Kaya mas mabuting after 5 years!"

Pahabol ni Edmund.

Sa palagay ni Eunice, mukhang kinausap na nya si AJ tungkol dito. Kaya alam nyang kahit umangal sya kung pumayag naman si AJ sa kundisyon ng Daddy nya, alam nyang wala syang magagawa.

"Okey po. Sige, payag na po ako! Pero .... !"

"..... okey lang po ba kung mabuntis ako bago mag 5 years?"

Tiningnan sya ng matalim ng Mommy at Daddy nya.

"Subukan mo ng masinturon kita!"

Sabi ni Edmund.

"Huwag mong sabihing malaki ka na hindi na kita kayang padapain!"

Sabi naman ni Nichole.

Napalunok na lang si Eunice.

*****

Pagbalik ni Fidel sa lupain nya, napapaligiran na ito ng mga tao.

Natawa lang si Fidel.

"Ano bang gustong mangyari ni Nardo? Akala ba nya may magagawa ang mga taong ito para mapigilan ako sa pagbawi sa lupain ko?"

Hindi agad lumabas ng sasakyan si Fidel, may tinawagan ito.

"Mayor, si Fidel ito! Ano na, nagiisip ka pa rin ba?"

Wala syang sagot na narinig.

"Well, kung akala nyo mapipigilan nyo ako sa pagbawi ng lupain ko, nagkakamali kayo!"

"At huwag nyo akong sisihin kung hindi madawit ang pangalan nyo!"

Naramdaman nyang nataranta si Mayor.

Hindi kasi akalain ni Mayor na makakakuha si Fidel ng ebidensya magpapatunay na may kinalalaman sya kaya naibigay ni Leon/Nardo ang lupain nya ng ganun lang.

"Teka lang Fidel, pwede ba bigyan mo naman ako ng time, kahit ilang araw lang!"

"Sorry Mayor, pero 25 years na akong naghihintay!"

At ibinaba na nito ang cellphone.

"Men, let's go!"

Hinarap nya ang mga tao at kinausap.

"Anong dahilan bakit kayo nandito? Inutusan ba kayong gawin ito?"

"Hindi kami inutusan! Narito kami dahil ayaw namin mawala ang kabuhayan namin!"

"Pagpinaalis mo kami dito paano kami mabubuhay?"

"Ang ibig nyo bang sabihin kayo ang mga magsasakang nagsasaka sa lupain ko?"

Tanong sa kanila ni Fidel.

"Hoy Fidel, wala kang karapatan sa bahay at lupaing ito kaya umalis ka na! Hindi kami aalis dito dahil amin ito! Hindi namin kailangan ang isang kriminal na katulad mo!"

Sigaw ni Domeng sa kanya.

Pero hindi sya pinansin ni Fidel ni hindi sya tiningnan nito.

'Hmmm, sinisiraan nya ako sa mga taong ito at ginagamit pa nya para mapigilan ako na paalisin sya!'

Ang hindi alam ni Domeng, may mga ilang nakausap na si Fidel sa magsasakang narito, kaya may alam na sya sa sitwasyon ng mga ito.

"Mga magsasaka ng lupain, kayo ang gusto kong kausapin. Narito ako hindi para paalisin kayo! Bakit ko naman kayo paalisin sa lupain ko e, masisipag kayo. Ang gusto kong paalisin ay yang si Domeng hindi kayo dahil nagtayo sya ng bahay sa lupa ko. Naghahariharian sya rito kahit wala naman syang karapatan!"

"Hoy, Fidel, anong pinagsasabi mong wala akong karapatan? Akin 'tong bahay at lupa na 'to, iniregalo sa akin ng Ninong Leon ko!"

"Sir Fidel, mawalang galang na po pero, totoo po bang hindi ninyo kami papaalisin?"

Tanong ng isa sa mga magsasaka na kinausap ni Fidel.

"Saka Sir, totoo po ba na kayo ang may ari ng lupain na yan at hindi si Sir Domeng?"

"Oo! Ipinamana sa akin yan ni Don Aaron ang tyuhin ko!"

Sagot ni Fidel

"Huwag kayong maniwala dyan! Dahil isa yang kriminal!"

Sigaw ni Domeng na nasa likod ng mga magsasaka.

Kinakabahan na sya dahil sa mga magsasakang nagtatanong kay Fidel.

"Totoong nakulong ako at kalalabas lang, pero hindi ibig sabihin nun, wala na akong karapatan sa lupaing ipinamana sa akin! Sa akin ito ipinamana ni Don Aaron at ako rin ang nagbabayad ng buwis nito, kaya walang karapatan yang mapagsamantang Domeng na yan!"

"Hoy ikaw ang mapagsamantala, huwag mong angkinin itong lupa ko!"

Singhal ni Domeng.

"Sa sampung sako na sinasaka nyo, 2 sako lang ang ibinibigay sa inyo at sa kanya ang walo, hindi ba mapagsamantala ang tawag dun? Kayo ang naghirap at sya anong ginawa nya? Ano pa kundi magpalaki ng tyan!

At kung ebidensya lang ang gusto nyo, may papeles akong magpapatunay na akin ito! Kaya kahit anong gawin ng Domeng na yan wala syang magagawa, aalis at aalis sya rito! Kaya nakikiusap ako, sana huwag na kayong makihalo dahil ayaw ko kayong madamay!"

Nagulat na lang si Domeng ng isa isang tumabi ang mga magsasaka.

Kinabahan sya.