Masayang nagtungo si Lemuel sa office ni Pancho.
Masaya ito hindi lang dahil nagkaroon sya ng pagkakataon makita ang batang matagal na nyang hinahanap, si AJ. Masaya rin ito dahil na rin sa pagaalagang ginagawa ni Pancho sa kanya.
At ngayon inaya pa syang mag lunch!
Pakiramdam nya tuloy napaka importante nyang tao, bagay na lagi nyang gustong maramdaman.
"Haay, buhay nga naman! Hehehe!"
Sisipol sipol pa ito ng pumasok sa office ni Pancho.
"Oh, Pareng Panch, salamat at inimbita mo akong mag lunch! Para saan ba 'to? Advance celebration ba? Hehehe!"
Wala duon si Ames, nagtago muna at baka pag nakita sya ng ama, umatras ito.
"Lemuel, hindi ko napansin na okey ka na pala! Akala ko mahina ka pa?"
Tanong ni Pancho.
Kanina lang kasing umaga, bago ito umalis ng compound, binati nya si Lemuel, nakatungkod at iika ika pa itong maglakad. Pero ngayon ....
Dumating ito sa kanya anim na buwan na ang nakakaraan, hinang hina at halos mawalan ng malay.
Tinakasan daw nya ang anak nya dahil gusto syang dalhin sa home for the aged.
Pero ngayon laking gulat nya na maayos na itong nakakatayo kahit walang tungkod.
Napatigil si Lemuel.
Sa sobrang saya nya kanina ng makita si AJ, nakalimutan nya ang tungkod nya.
'Naku, nakalimutan ko, saan ko ba naiwan yun? Hindi nga pala alam ni Pancho na nagkukunwari lang akong nahihirapang maglakad!'
"Uhm, Pancho, dahil yun sa'yo! Salamat at kinupkop mo ako at pinagamot kaya ngayon maayos na ako. Siguro kung hindi mo ako natulungan nuon, baka napahamak na ako!"
Sagot ni Lemuel.
Napaisip si Pancho, ngayon lang nya napansin, magaling umarte ang taong ito. Hindi nya tuloy maiwasan magduda ngayon.
'Totoo kaya ang sinasabi nya o nagdadrama lang sya?'
'Kelan pa kaya nya ako niloloko?'
"Papa..."
Nagulat si Lemuel.
Kabisado nya ang tinig na iyon, tinig iyon ng anak nyang si Ames ang anak nyang ayaw nyang makita.
'Anong ginagawa nya dito, kung kelan malapit ko ng makilala ang apo ko?'
Napatingin sya kay Pancho, nagtatanong ang mga tingin nito ... at nadismaya sya ng makita sa mga mata ni Pancho ang sagot.
"Pasensya na Pareng Lemuel, pero kailangan nyong magusap ng anak mo, ayaw kong madamay sa problema nyo!"
Tumayo ito at iniwan ang mag ama.
"Bahala kayo dyan sa buhay nyo!"
Sabi nya pagkasara ng pinto.
"Tara na Rod, let's have lunch!"
"Pero Sir Pancho, iiwanan ba natin yung dalawa sa office nyo basta basta na lang?"
"Oo! Baka magpatayan pa yang dalawa, ayokong madamay! Ikaw, bahala ka dyan kung gusto mong maiwan!"
Sa loob ng office.
Walang nagawa si Lemuel kungdi harapin ang anak.
"Nandito ka ba para pwersahin ulit akong magpunta sa Australia at ilagay sa home for the aged? Sa tingin mo ba sasama ako ng hindi lumalaban?"
"Sa dami ng naghahanap sa inyo, Papa, nagtataka ako kung bakit kampante pa rin kayo?"
Napataas ang kilay ni Lemuel.
'Ano ang alam nya?'
"Alam ko na Papa, malaki ang pagkaka utang ninyo, milyones! At mga sindikato pa ang inutangan nyo! Kaya ngayon pinaghahanap nila kayo!"
"Anong pinagsasabi mo?"
Naiiritang tanong ni Lemuel sa anak.
"Gusto nyo bang isa isahin ko pa sa inyo Papa?"
Nakaramdam ng kaba si Lemuel, pero hindi halata sa mukha nito. Galit ang naka rehistro sa mukha nya.
"Naalala nyo yung kaibigan nyong si Isagani, yung may hawak ng weteng sa kabilang bayan! Hinahanap ka po nya, Papa! Tinangay mo daw lahat yung pera ng weteng! Lahat ng nakatago sa vault!
At pagkatapos nyong tangayin, isinugal nyo pero natalo nyo at nagkautang pa kayo! Kaya ngayon pinaghahanap na rin nila kayo! Ang lakas naman ng loob nyo!
Ano bang ipinangako nyo at ang lakas ng loob nyong mangutang Papa?
Sinabi nyo ba sa kanila na ikakasal na sa isang Perdigoñez ang apo nyo?"
Hindi makapaniwala si Lemuel, paano nalaman lahat ito ni Ames?
Pero aamin ba sya? Syempre hindi, kahit na nasa harapan na nya ang katotohanan hindi pa rin sya aamin.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Ames, huwag mo akong gawan ng kwento!"
Pero patuloy pa rin sa pagsasalita si Ames, parang hindi narinig ang sinabi ng ama.
Paano naman sya maniniwala sa sinasabi ng ama kung nasa kanya na ang resulta ng imbestigasyon ni Edmund.
"Gumawa kayo ng katarantaduhan tapos gagamitin ninyong pambayad ng mga inutang nyo ang apo ninyo? Anong klaseng lolo kayo?"
"Tumigil ka na, Ames! Hindi na ako natutuwa sa sinasabi mo!"
Galit na si Lemuel sa patuloy na pagsasalita at pagbabaliwala ng anak nya sa kanya.
"Bakit ako titigil Papa? Bakit? Nakokonsensya ka ba? Marunong ka pa bang makonsensya?"
"AMES! BAKA NAKAKALIMUTAN MONG PAPA MO AKO!"
"Hindi ko nakakalimutan, Papa!"
Mahinahong sagot ni Ames na ikinababa ng tensyon sa opisina.
Akala ni Lemuel tapos na dahil mahinahon syang sinagot ni Ames.
Akala lang pala nya.
"Tell me Papa, ganyan din ba ang ginawa mo nuon?"
Muling tanong ni Ames, garalgal na ang boses nito at nangingilid na ang luha.
"Ano?"
Naguguluhang tanong ni Lemuel.
"Ganyan din ba ang ginawa mo sa anak kong si Allan, Papa?"
Hindi na nya napigilan ang pagpatak ng mga luha nya.
Nakaramdam ng takot si Lemuel.
'Anong alam nya?'
Kanina, ng sinasabi ni Ames na pinaghahanap sya ng mga taong pinagkakautangan nya, hindi sya nakaramdam ng takot. Pero ng mabanggit nya si Allan kita ang pamumutla ni Lemuel.
"Tell me frankly Papa, nakidnap ba talaga si Allan ko o PINAMBAYAD mo ng utang mo ang anak ko?!"