"Tell me frankly Papa, nakidnap ba talaga si Allan o PINAMBAYAD mo ng utang mo ang anak ko?!"
Lumuluhang tanong ni Ames sa ama.
Naumid ang dila ni Lemuel, hindi nya alam ang sasabihin.
'Paano .... ?'
"Sagutin mo ako Papa!
PINAMBAYAD UTANG MO BA ANG ANAK KO???!!!"
Galit na galit na tanong ni Ames. Nanlilisik na ang mga mata nito sa galit at puno ng luha ang mukha.
'Hindi! .... Imposibleng malaman nya! Walang nakakaalam nito, kaya paano nya malalaman?!'
Takot na takot si Lemuel.
Hindi nya inaasahan na malalaman ni Ames ang multong matagal na nyang kinatatakutan.
"Nababaliw ka na ba Ames? Kinidnap ang anak mo, nakalimutan mo na ba? Kaya anong pinagsasabi mo dyan?!"
Galit na sabi ni Lemuel, hindi sya aamin, bakit sya aamin.
"Ang sabi nyo sa mga pulis, ipinasyal nyo lang ang anak ko sa mall, pero naalala ko ang sabi ni Junie nuon, gusto rin nilang sumamang magpipinsan pero bakit hindi kayo pumayag? Bakit kayo nagalit ng nagpumilit sila? Bakit nyo pinilit na isama si Allan kahit umiiyak at nagmakaawa sa inyo ang anak ko na huwag nyo syang isama dahil natatakot sya sa inyo?! Kay bakit Papa? BAKIT???!!!"
Hindi na nakapag pigil si Lemuel,
nasampal nya si Ames.
"Huwag mo akong paratangan! Kung magsalita ka parang totoo ang sinasabi mo, bakit may ebidensya ka ba sa mga paratang mo, HA??!!"
Singhal ni Lemuel sa anak.
"Sa tingin nyo ba tanga ang asawa kong si Jethro, na hindi nya kayo pagdududahan?"
Tanong ni Ames.
"Kelan ba ako hindi pinagdudahan ng asawa mo? Kahit kailan hindi ako gusto ng asawa mo!"
Sigaw ni Lemuel.
"Masisi nyo ba ang asawa ko kung pagdudahan at paimbestigahan nya kayo? Ni minsan wala kayong amor sa mga anak ko lalong lalo na kay Allan, tapos biglang ipapasyal NYO?!"
Kitang kita na ang pamumutla sa mukha ni Lemuel, hindi na nya maitago ang takot.
'Pinaimbestigahan ako ng hayup na Jethrong yun?!'
"Sa tingin nyo ba hindi ko malalaman ang totoo? Tama ka Papa, pinaimbestigahan ka ni Jethro, ikaw at lahat ng involve sa nangyari! Kaya alam nya ang ginawa mo kay Allan!"
'Hindi totoo ito, hinuhuli lang nya ako at pinipilit na umamin kaya nya sinasabi ito!
Pero nagpatuloy sa pagsasalita si Ames.
".... at gusto nyo bang malaman kung ano pa ang natuklasan nya Papa?"
Panunuyang tanong ni Ames sa ama.
Gigil na gigil ito, pilit pinipigilan ang sarili na huwag sumambulat ang emosyong ilang buwan na nyang kinikimkim.
"Anong pakialam ko sa sinasabi mong natuklasan ng asawa mo! Malay ko ba kung gawa gawa nya lang yang kwentong yan!"
"Gawa gawa? Hahahaha!"
Dumagundong ang nakakainis na tawa ni Ames.
'Nababaliw na ata ang babeng 'to?'
"Bakit Papa, sa tingin mo hindi ko pinainbestigahan ang resulta ng imbestigasyon ni Jethro?"
Napatigil si Lemuel. Hindi sya makapaniwala.
'Pinaimbestigahan ako ng anak ko?'
'Ang sarili kong anak?!'
"Gaya ng nangyari ngayon, lumubog ka rin sa utang noon dahil sa sugal at sa mga negosyo mong parati na lang nalulugi dahil hindi ka naman marunong mag negosyo. Ang gusto mo lang namin mag feeling bossing kaya ka nagtatayo ng negosyo. Di ba?
Tapos, ng lumubog ka sa utang at wala kang maipangbayad, hiningi nila ang isa sa apo mo bilang kabayaran kapalit ng buhay mo!"
Umiiyak na sabi ni Ames. Huminto ito dahil hindi na nya mapigilan ang sama ng loob na nararamdaman.
Pagkaraan ng ilang minuto muli itong nagsalita.
"Ang sama mo Papa, nagawa mong ipamigay ng ganun lang ang anak ko na parang isang aso! Huhuhu!"
Binigay mo sa mga hayup na yun ang anak ko at ang asawa ko, ginawa ang lahat para mabawi si Allan. Hinanap nya ang mga taong pinagbigyan mo sa bata, pero .... pero ... huhuhu!
Nabigo syang bawiin ang anak ko dahil sa huli ito pa ang naging dahilan ng maaga nyang pagkamatay! Pinatay nila si Jethro ko!
Pinatay sya ng taong PINAGKAKAUTANGAN NYO!!!!
Ikaw Papa ang dahilan kaya nawala sa akin ang anak kong si Allan at ang asawa kong si Jethro!"
Tama na! TAMA NA!"
Hindi na matagalan ni Lemuel ang naririnig itinulak nito ang anak at patakbong umalis.
Hindi sya tumigil sa pagtakbo sa takot na baka masundan sya ni Ames o mga tauhan nya.
Bumalik sya sa compound ni Pancho at niligpit ang gamit saka nagmamadaling umalis na hindi nagpapaalam.
Sa office.
Patuloy sa pagiyak si Ames ni hindi nito binalak na sundan ang ama. Masamang masama ang loob nya.
Sa pagkakataong ito wala na syang pakialam, tila huminto ang mundo nya.
Ang mga staff na naroroon sa labas ng office ni Pancho ay madidinig ang pagiiyak nya. Pag iyak na puno ng hinagpis.
Naalala ni Ames, minsan nasabi sa kanya ni Edmund, nung bago pa lang sya magsimulang magimbestiga..
"Obviously, tinago ito ng asawa mo for a reason, at natitiyak kong ang dahilan ay batid nyang masasaktan ka. Paano kung sa gagawin mong halukayin ang katotohanan may matuklasan ka na hindi mo magugustuhan, na makapagpapago ng paningin mo sa maraming bagay, paano mo tatanggapin ang lahat?"
Makakaya mo bang tanggapin ito?"
"Iisipin ko na lang yun pag andyan na!"
Ito ang sagot nya kay Edmund nuon bago pa lang sya magsimulang magimbestiga, pero ngayong nasa kamay na nya ang mga kasagutan, paano nga ba nya matatanggap?
'Ang hirap pala! Huhuhu!'
Hindi naman nya akalaing ganito pala kasakit, parang may karayom na nakatusok sa puso nya, nakakabaliw ang sakit, ramdam ng buo nyang kalamnan.
Paano nga ba nya matatanggap na ang sarili nyang ama ang dahilan kaya nawala sa kanya ang dalawa sa mahal nya, ang anak nyang karugtong ng buhay nya at ang asawa nyang nagparamdam sa kanya kung ano ang pakiramdam ng tunay na pamilya.
Mapapatawad ba nya ang ama na dahilan ng lahat?
Tumayo si Ames, hindi na nya nakaya ang sakit na nararamdaman.
Kanina pa sya umiiyak pero hindi pa rin naiibsan kahit kaunti ang sakit.
Umalis si Ames, nagbook ng flight at dumiretso sa airport.
Gusto nyang lumayo sa lugar na ito, malayong malayo sa lahat na magpaaalala ng sakit ng nakaraan.
Sa mga oras na ito, she knows na ang kailangan nya ay ang kalinga ng totoo nyang pamilya.
Nagtungo sya sa Australia. Na mimiss na nya ang akap ng mga anak nya at apo.