webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
86 Chs

Dark Chosen Guild!

Ang Dark Chosen Guild ay isang guild na binubuo ng mga chosen na ang hangarin ay mapunan ang mundo ng mga chosen at wala ng iba. ang grupong ito ay matindi ang pagkamuhi sa mga ordinaryong tao. iniisip nila na hindi sila kapareho ng mga ito sapagkat sila ay nag evolve na kaya't mas nakahihigit sila na lahi kaysa sa mga ito!

Dapat mauna ang mga chosen kaysa sa mga ordinaryong tao pagdating sa lahat ng bagay. mapa-pagkain man o tirahan ay dapat sila ang masusunod!

Sila ay isang lihim na samahan na nilikha ng mga kriminal at ilang matataas na opisyal ng Freedom Land.

Ang ilang mataas na ranggo na chosen ay galit sa guild na ito at sinusubukan nilang wakasan ang mga krimen na kanilang ginagawa ngunit hindi nila makita ang bakas ng mga ito dahil ang kanilang mga kasapi ay may mataas na posisyon sa Freedom Land at tinutulungan silang pagtakpan ang kanilang mga masasamang gawain.

Malaki ang binabayad ng organisasyong ito sa mga awtoridad ng Freedom Land kaya't wala silang magawa sa mga ito.

Walang nakakaalam kung sino ang mga miyembro ng samahang ito at ilang matataas na ranggo na chosen lamang ang nakakaalam na mayroong ganitong samahan.

Ang Dark Chosen Guild sa pangkalahatan ay hindi malakas ang loob na lumitaw sa publiko sapagkat pinangangalagaan nila ang kanilang mga reputasyon bilang chosen sa kanilang mga bayan kaya't palihim nilang ginagawa ang lahat ng uri krimen na nais nilang gawin!

Ang mga ito ang kaaway rin ng sangkatauhan kasama ang mga halimaw!

Ang pitong tao na nakaupo sa bilog na mesa ay sabay-sabay na tumango nang marinig ang sinabi ng matandang lalaki.

"Ang pagkamatay ni Wang Bao ay wala sa ating plano kaya kailangan nating maghanap ng kapalit upang matuloy ang ating plano para sa bayan ng Everest"

"Magiging mahirap itong gawin dahil maraming tao ang kumakalaban sa atin"

"Huwag kang magalala, may naiisip na akong ipalit"

Kinuha ng matandang lalaki ang remote para sa telebisyon at sinabi.

"Tingnan niyo ito. ang taong ito ang aking napili na pumalit bilang gobernador!"

Lahat ng tao ay napatingin sa monitor nang may expectation sa kanilang mga mukha.

Ngunit nang binuksan ng matandang lalaki ang monitor, biglang lumitaw sa screen ang isang babae na mukhang anime. ang mga taong naka balabal sa bilog na mesa ay nabigla sa kanilang mga puso nang makita ito.

Hindi pa sila nakakarecover mula sa pagkabigla nang biglang lumingon ang babaeng anime sa screen at sinabi.

"Nico Nico Ni ~"

"Tang ina mali!"

Mabilis na pinatay ng matandang lalaki ang monitor at napatigil sa kanyang paggalaw. pagkatapos ay tiningnan niya ang mga tao sa paligid ng roundtable at ibinaba ang kanyang ulo sa kahihiyan.

Nagkaroon ng matagal na katahimikan sa loob ng silid at ang mga taong nakaupo ay nakatingin sa matandang lalaki na may mga kumplikadong ekspresyon.

( ಠ_ಠ) | ( ಠ_ಠ) | ( ಠ_ಠ)| ( ಠ_ಠ) | ( ಠ_ಠ)| ( ಠ_ಠ)| ( ͡◉ ͜ʖ ͡◉)|

-

Si Ye Song at ang iba pa ay dahan-dahang naglalakbay sa kagubatan patungo sa bayan ng Malaya.

Hindi nila magamit ang bilis na kanilang ginamit ng pumunta sila sa bayan ng Everest dahil marami silang kasama na mga ordinaryong tao kaya maingat nilang ginagalugad ang kagubatan. ang mga alipin ay hindi pa kumakain ng kahit ano sa nakalipas na tatlong araw kaya't si Ye Song ay nagluto ng pagkain para sa kanila.

Matapos niyang mapunan ang kanilang mga sikmura ay nagpatuloy sila sa paglalakad patungo sa bayan ng Malaya.

Si Ye Song ay tahimik na naglalakad sa likuran ng pangkat para protektahan ang mga alipin na nasa dulo habang si Kuchi ay nangunguna sa harapan upang maging gabay sa kanilang paglalakbay.

Nang pumasok sila sa kagubatan kanina ay nakaramdam na si Ye Song na may mali kanyang paligid. tumingin siya sa kanyang likuran at ang kanyang bibig ay nagsiwalat ng isang ngiti dahil alam na niya na may mga halimaw na sumusunod sa likod ng kanilang grupo.

Naisip niya na ang mga halimaw na ito ay naghahanap lamang ng isang pagkakataon para umatake ng hindi nila namamalayan.

Si Kuchi at ang iba pa ay hindi pa rin napapansin na sinusundan sila. gayunpaman, lahat ng ito ay hindi makakatakas sa masigasig na pakiramdam ni Ye Song. kung sinusundan siya ng maraming halimaw at hindi niya ito napapansin, walang kabuluhan ang kanyang mga kasanayan.

"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima ...— tatlumpu't anim na halimaw!" ekslamasyon ni Ye Song sa kanyang isipan.

Nagulat siya dahil tatlumpu't anim na halimaw pala ang sumusunod sa kanila nang sandaling pumasok sila sa kagubatan. dahil dito ay biglang nakaramdam si Ye Song ng isang malaking krisis sa kanyang puso.

Kapag inatake sila ng mga halimaw, siya at si kuchi ay maaaring ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Ngunit ano ang mangyayari sa mga alipin?

Nang maisip niya ito ay bigla siyang nakaramdam ng sakit ng ulo. nang palabas na sila Ye Song at ang iba pa mula sa kagubatan, bigla nilang naramdaman ang panginginig ng lupa at mga dagundong ng mga halimaw na umaalingawngaw mula sa kagubatan.

Agad nilang napagtanto kung ano ang ibig sabihin nito!

"Tumakbo na kayong lahat!" sigaw ni Ye Song.

Si Ye Song at ang kanyang mga kasama ay hindi na nag atubili pa na mag isip at mabilis na tumakbo para sa kanilang buhay dahil narinig nila ang mga dagundong ng halimaw mula sa kailaliman ng kagubatan.

Nang lumingon sila upang tingnan kung ano ito, nakita nila ang isang pangkat ng mga armored gorilya mula sa malayo.

Ang mga armored gorilya na ito ay mga high level monster na may taas na dalawang metro. ang mga ito ay napakaliksi habang ang kanilang mga braso ay tulad ng isang makapal na haligi o pillar na kayang dumurog sa kanila ng walang hirap.

Eto na yung next chapter sana magustuhan ninyo!! :)

Creation is hard, cheer me up!

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts