60 Pagkalat ng balita!

[Pagtakas mula sa bayan ng Everest Completed!]

[Nakakuha ka ng 20,000 Exp]

[Nakakuha ka ng 1 skill point!]

[Nakakuha ka ng 500 Heaven Coins!]

[Nakakuha ka ng isang Title: Good Samaritan]

(Critical Rate + 4%)

-

Nang makita ni Ye Song ang bagong mensahe na lumitaw sa kanyang screen ay napangiti siya. kahit na kalahati lamang ang kanyang nakuha sa reward sa experience dahil si Kuchi ang nakakumpleto nito, nakaramdam pa rin siya ng kasiyahan sa kanyang puso.

Pagkatapos makita ang notification ay dali-daling umalis si Ye Song sa Rockcliffe Mansion at dumiretso papunta sa swamp. pagdating niya doon ay nakita niya si Kuchi kasama ang limampu't anim na alipin na nakakulong sa Rockcliffe Mansion.

Ang limampu't anim na alipin ay puno pa rin ng pagdududa sa nangyayari kanila ngayon. hindi nila alam kung ano ang motibo ng everest guard na ito nang tulungan niya silang makatakas mula sa mga kamay ng gobernador. pero kahit mayroong pagdududa sa kanilang isip ay wala silang magagawa dahil wala silang lakas o kapangyarihan na labanan ang mga guwardiyang ito kaya tahimik na lamang nilang tinanggap ang kanilang tadhana.

Nang makita nila na may isa pang guwardiya na dumating, lahat sila ay nanginig sa takot.

Napa-buntong hininga si Ye Song nang makita niya ang kanilang mga reaksyon pagdating niya.

Ang mga alipin na ito ay masyadong na-trauma na kapag tuwing nakakakita sila ng mga everest guard, ang unang reaksyon na kanilang ginagawa ay manginig sa takot!

Hinubad ni Ye Song ang suot niyang [Everest Guard Uniform (M)] at inutusan din niya si Kuchi na gawin ito. matapos nilang hubarin ito ay nakita ng mga alipin ang isang binata na halos labing pitong taong gulang lamang at isang penguin.

Naguluhan ang mga alipin sa nangyari. ilang sandali lamang ang nakakalipas, nakita nilang nakatayo ang dalawang guwardiya ng everest sa kanilang harapan. ngunit sa isang iglap ay biglang nawala ang dalawang guwardiya at natuklasan nila ang isang binata na may kasamang penguin.

Nang makita ang nalilitong itsura sa kanilang mga mukha, ipinaliwanag ni Ye Song sa kanila ang dapat nilang malaman. nang malaman ng mga alipin kung bakit sila iniligtas ni Ye Song ay nakadama sila ng taos pusong pasasalamat sa kanya. naiyak silang lahat sa tuwa habang tinitingnan ang binata sa kanilang harapan.

Kaagad naintindihan ng lahat ang mga nangyayari. kung hindi sila iniligtas ni Ye Song ay malamang na patay na sila ngayon!

Nalaman nila mula kay Ye Song na pinatay niya ang gobernador kaya kung hindi niya sila iniligtas, ang galit ng mga guwardya ay mapupunta sa kanila na magiging dahilan ng kanilang kamatayan!

Sa mga sandaling ito, puno ang paghanga nila kay Ye Song sa kanilang mga puso. isa lamang siyang binata na nasa labimpitong taong gulang ngunit mayroon siyang matapang na puso!

Pinatay niya ang gobernador upang mailigtas ang mga ordinaryong tao na walang kapangyarihang mag evolve mula sa pagiging alipin!

Nang marinig ni Ye Song ang kanilang mga papuri ay nakadama siya ng hiya dahil sa dami ng babae na nakatingin sa kanya. sinubukan niyang maging cool ngunit labis ang kaba na kanyang nararamdaman kaya't sinubukan niyang baguhin ang kanilang pinag uusapan habang hinahatid sila patungo sa bayan ng Malaya.

Pumasok sila sa kagubatan at iniwan ang bayan ng Everest na nagkakagulo dahil sa mga pangyayari!

-

Sa loob ng bayan ng Everest..

Tahimik ang gabi at payapa na nagpapahinga ang mga tao sa kanilang tahanan..

Komportable sila sa kanilang pagtulog nang may isang balita ang biglang sumira sa kanilang mapayapang gabi!

"Ang gobernador ng Everest at ang kanyang anak na kapitan ng mga everest guard ay pinatay!"

Nang kumalat ang balita ay lumikha ito ng isang shockwave at maraming tao ang hindi makapaniwala na totoo ang pangyayaring ito!

Wala pang sampung minuto ay mabilis na kumalat ang balitang ito sa buong bayan ng Everest!

Ang gobernador ay namatay sa Rockcliffe Mansion na isa sa mga pinaka-secure na lugar sa Everest!

Ang kanyang bangkay ay natuklasan ng mga guwardiya ilang minuto lamang pagkatapos siyang patayin!

Una itong kumalat sa bayan ng Everest at ilang saglit lamang pagkatapos ay mabilis itong nalaman ng mga kalapit na bayan. ang mga tao ay nagsimulang makaramdam na mayroong isang bagay na nangyayari sa likod ng mga pangyayaring ito!

Natatakot ang lahat kung ano ang mangyayari sa hinaharap!

Habang ang lahat ng ito ay nangyayari sa bayan, sa isang mansion sa isang lugar sa Everest ay mayroong isang pangkat ng mga tao na naguusap at nakaupo sa isang bilog na lamesa. lahat sila ay nakasuot ng balabal ngunit masasabi mo na madilim ang kanilang mga ekspresyon.

Habang sila ay tahimik na naguusap ay may isang tinig ng isang matandang lalaki ang pumukaw sa kanilang atensyon.

"Ang gobernador ay pinaslang at wala kaming ideya kung sino ang nasa likod nito" sinabi ng boses ng matandang lalaki.

Ang mga taong nakaupo sa bilog na mesa ay nagsimulang magkaroon ng pag-uusap.

"Cheh! kung kailan pa magsisimula ang plano natin ay nangyari pa yan!" sinabi ng isa sa mga naka balabal.

"Huwag kang magalala. hindi ito makakaapekto sa plano natin ngunit mahihirapan tayo ngayong namatay na si Wang Bao"

Tumango ang matandang lalaki habang nakikinig sa kanilang paguusap. maya-maya lamang ay tinanong niya ang mga ito.

"Ano ang sitwasyon sa ibang bayan?"

"Ganun pa rin. mahigpit pa rin ang mga seguridad kaya't nahihirapang gumalaw ang ating mga tao. masyado silang maingat sa atin" isang hindi nagpapakilalang boses ang nagsabi.

"Hayaan mo. huwag kang magbago ng kahit ano dahil may oras pa tayo. hindi na natin kailangang magmadali. ang ating Dark Chosen guild ay kailangang mag-ingat mula ngayon! isang maling pagkilos lamang ay sisirain nito ang lahat ng ating mga plano!"

avataravatar
Next chapter