webnovel

MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE

MARBLE----mukhang bampira na dalaga sa haba ng dalawang pangil na ngipin at ginawang subdivision ng malalaking pimples ang mukha na nang makagraduate ng high school ay napilitang isama ng tyahin sa Manila ngunit iniwan sa Luneta at naging taong grasa subalit nakita ng isang matandang pulubing may alzheirmer's disease pala at napagkamalan siyang ina nito na magulang pala ng isang mayamang anak at lolo ng binatang nagnakaw ng kanyang first kiss na halos pandirihan siya pagkatapos, at ang naging motto sa buhay ay NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE. Subaybayan niyo po ang pakikipagsapalaran ni Marble upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay at mahalin ng lalaking kanyang itinatangi.

Dearly_Beloved_9088 · Urban
Zu wenig Bewertungen
176 Chs

GAB'S KARMA

Heto si Gab, naglalakad sa lobby ng ospital papunta sa kwartong kinaruruonan ni Chelsea. Kagabi pa lang ay di na siya mapakali sa kahihintay sa tawag ng dalaga dahil ang sabi nito'y tatawagan siya 'pag wala na ang mga magulang nito nang makapag-usap sila nang masinsinan.

Honestly ayaw muna niyang makipagkita sa mga magulang nito, nagi-guilty siya. Kahit kay Vendrick, nagi-guilty siya. Pero kailangan niyang sundin si Chelsea sa gusto nitong mangyari nang di mapahamak ang sanggol na ipinagbubuntis nito. Kung bakit kasi nagawa nila 'yon nang gabing 'yun na dapat sana ay si Marble ang kasama niya upang matupad ang plano nila ng ama na mapasakanya si Marble.

Pero hindi umayon ang lahat sa kanila. At ito ang naging karma niya, ang mapasailalim sa pagmamanipula ni Chelsea dahil lang sa nagbunga ang kanilang ginawa noong gabing magtipun-tipon sila sa club at ianunsyo ni Marble ang kasal nito kay Vendrick.

Nagpakawala siya ng isang buntunghininga habang papasok sa elevator, naipamulsa ang dalawang kamay sa suot na slacks. Kahit sabihin pang hindi niya gusto ang nangyari sa kanila ni Chelsea, kailangan niyang panagutan ang dalaga sa lalong madaling panahon at hadlangan ito sa gustong gawin sa kanyang kaibigan at kay Marble.

Nakapagdesisyon na siyang titigilan na ang lahat. Dati, sunud-sunuran siya sa ama para lang makuha ang loob ni Marble at makinabang sila sa mana ng babae mula sa lolo ni Vendrick lalo na at hindi pumayag ang LSO bank na pautangin sila ng 50 million pesos para makabangon sila sa matagal nang pagkakalugi ng negosyo dahil sa kagagawan ng ama ng kaibigan limang taon na ang nakararaan.

Subalit kung kelan napagdesisyunan niyang itigil na ang lahat lalo na't alam niyang seryoso si Vendrick kay Marble ay saka naman siya nakarma, nagbunga ang aksidenteng nangyari sa kanila ni Chelsea.

Noong nakaraang araw niya lang nalamang buntis si Chelsea at tinakot siya nitong kapag hindi bumalik si Vendrick sa piling nito'y ipapalaglag nito ang bata.

Marami na siyang nagawang kasalanan kay Vendrick kahit sahihin pang ang ama nito ang nagsimula ng lahat ng gulo sa kanilang pamilya. Ayaw na niyang tuluyang maging masama sa paningin ng kahit na kanino lalo na sa kanyang mga kaibigan. Nang malaman niyang buntis si Chelsea sa kanyang anak, nagdesisyon na siyang itatama ang lahat ng mga mali niyang nagawa. Binabalak na nga niyang bumalik sa Cebu para humingi ng tawad sa pagsisinungaling niyang siya si Vendrick na nalaman naman agad ng mga magulang ni Marble pero sa halip na magalit sa kanya'y lalo pa siyang ini-estima ng mga ito nang mabuti, di siya ipinahiya sa kahit kanino, bagay na ikinahihiya niya sa sarili.

Bumukas ang pinto ng elevator, nagmamadali siyang lumabas mula ruon at dumiretso sa silid kung saan naka-confine si Chelsea.

Sa labas pa lang ng pinto, naririnig na niya ang hiyaw ng babae na tila ba may kaaway sa loob. Agad niyang pinihit ang doorknob at pumasok sa loob. Nakita niya ang dalaga, may kausap na nurse, nakatalikod ito sa kanya kaya di niya makita ang mukha nito.

"I'm warning you! Zip that fuckin' mouth of yours kung ayaw mong ipatapon kita sa impyerno!" hiyaw ng dalaga sa nurse.

"Ate, papatayin ako ni papa 'pag nalaman niya ang lahat. Tulungan mo naman ako," gumagaralgal na wika ng kausap nito.

"Chelsea!" tawag niya sa dalaga, nagmamadaling lumapit sa dalawa ngunit nakapagtatakang biglang pumihit paharap sa kanya ang nurse na kausap nito at nang makita siya'y nabitawan nito ang hawak na hospital food tray. Biglang kumalampag sa sahig ang mga nakalagay sa ibabaw niyon, mabuti na lang at wala nang lamang pagkain duon.

Eksakto namang nakatapat na siya sa nurse nang tila mataranta ito bigla at nabitawan ang bitbit kaya nagkusang-loob na siyang tumulong saka dinampot ang mga nalaglag nito.

Pero napansin niyang nanginginig ang mga kamay nito habang dinadampot ang kutsara sa sahig.

At ewan niya kung bakit nanunuot sa kanyang ilong ang bango ng gamit nitong cologne, tila nag-iiwan ng pamilyar na sensasyon sa kanya, tila ba dinadala siya sa kung saan.

Napatitig siya sa nurse at napansin agad ang pagkakahawig nito at ni Chelsea ngunit mas maamo ang mukha ng una, mas manipis ang mga labi nito sa kaibigan at ang mga kamay nito'y medyo malalaki na halatang bihasa sa trabaho.

Naihilig niya ang ulo. Bakit parang pamilyar sa kanya ang amoy nito? Bakit parang nahawakan na niya ang medyo magagaspang nitong mga kamay?

Hinablot nito agad ang hawak niyang tray ngunit di nito naiwasang maidampi ang malamig na balat sa kanya, halatang nenenerbyos. Bakit? Kilala ba siya nito?

Nang mapansin nitong nakatitig siya sa mukha nito'y agad nitong hinawi ang buhok patakip sa mukha saka mabilis na tumayo at nagmamadaling lumabas sa silid na 'yun. Takang sinundan niya ito ng tingin pagkuwa'y naguguluhang bumaling kay Chelsea na namumutla din at nanlalaki ang mga matang pinaglipat-lipat ang tingin sa kanya at sa dalagang tumawag ditong "ate".

"'Yun ba ang nurse mo? Magkakilala kayo?" pakaswal niyang usisa sa dalaga kahit puno ng pagtataka ang isip.

"O-oo. Napagalitan ko kasi namali ng bigay sakin ng gamot," pasimple nitong sagot ngunit halatang nauutal.

"Magkakilala ka--?" pag-uulit niya sa tanong.

"Hindi!" sagot agad nito, hindi na siya pinatapos sa pagsasalita.

Sandali siyang natahimik, nilingon ang pintong hindi naisara ng lumabas na nurse.

Bakit ate ang tawag nito kay Chelsea kung hindi magkakilala ang dalawa?

Nagkibit-balikat na lang siya at humarap na sa dalaga.

"Chelsea," simula niya.

"Nasaan si Vendrick? Di ba sabi ko sa'yo kahapon, kausapin mo siya para hindi siya umalis sa tabi ko?" singhal agad nito, halatang di maganda ang gising nang umagang 'yun.

"I've decided now, pananagutan ko ang ipinagbubuntis mo," saad niya.

Sa halip na matuwa'y bigla na lang nanlisik ang mga mata nito saka siya binato ng unan.

"Get out! I don't need you! Get out!" Nagsimula na naman nitong maghestirya.

Kitang kita niya ang galit sa mga mata nito, nagliliyab sa galit na wari bang ang laki ng pagkamuhi sa lahat, hindi lang sa kanya.

Ahh---Kasalanan niya, pinatulan niya ito nang yayain siya ng sex. Kasalanan din niya kung bakit ito nabuntis.

Nang makita nitong di siya tuminag sa kinatatayuan ay nagsisigaw na ito sa galit kaya napilitan siyang tumawag ng nurse para pakalmahin ang dalaga.