webnovel

MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel)

She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, until the day Ran Emannuel Maldecir decide to break up with Simon Louise Tabone. For what reason did they break up? It's you to find out.

mefitaku21_ · Urban
Zu wenig Bewertungen
42 Chs

Chapter 38

AFTER MALAMAN ni Simon na buntis ako walang tigil ang saya niya dahil magiging ama na siya. Syempre natutuwa din naman ako dahil magiging ina narin ako.

Hindi narin namin inilihim sa mga magulang ko ang pagbubuntis ko. Tumawag kami sa kanila at ipinaalam. Noong una halos kabahan kaming nandito sa bahay dahil wala kaming nakuhang sagot mula sa kanila not until they scream to death, especially si Moma.

Hindi maipaliwanag ang kanilang mga reaksyon habang nakatingin sa screen, ang gulo nga sa kanila at halos hindi na makita nang maayos ang kanilang mukha dahil sa ingay. Si Karen na buntis rin ay halos mapatalon dahil sa sobrang tuwa.

Kaming nakatingin sa screen habang pinapanuod sila ay natatawa, ako ay naiiyak na kakatawa. Hindi ko ineexpect ang reaksyon nila. Akala ko talaga hindi sila natutuwa ayon pala halos magwala sila.

"Anu ba 'yan! Umayos nga kayo Moma! Iyak tawa na nagagawa ko dito dahil sa inyo." Sabi ko habang sa screen ang tingin. Si Simon na mismo ang nagpupunas nang luha ko.

"You're so emotional babe." Bulong nito sa tenga ko pagkatapos ay dinampian ako ng mabilisang halik sa pisngi.

"We're so happy lang anak. Huwag mo namang sirain ang moment na'to para saamin. Hindi lang isa ang magiging apo naming ng Dada mo. Naku! Excited na ako para sa inyong magkapatid. Sa wakas mahal!... tatawagin narin tayong lolo at lola ng mga apo natin." Niyakap ni Moma si Dada na ikinagusto naman nito. Mas lalo lang akong naluha kasi ang supportive nila masyado.

"Basta ang usapan natin anak." Si Dada. Tumango naman ako dahil alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig. "Hindi ko na papatagalin pa na manatili ka dyan Eman. Humihingi ako nang pabor sayo na kung makakari dumito ka muna saamin?" napakagat labi ako sa pag-iisip, hindi ako sumagot.

Tumingin ako kay Simon, hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop iyon. Tinapik din ni Nay Lusing ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

Ngiting pag-iintindi ang ipinakita niya saakin at sinabing. "Pumayag kana sa gusto nang Dada mo Manuela. Mas mabuting kasama mo sila dahil mas mababantayan ka doon. Huwag mong alalahanin ang maiiwan dito. Hindi sapat ang lakas ko sakalimang dito ikaw manganak." Aniya.

"Pero panu po kayo dito?"

"Sus! Kami'y huwag mo nang alalahanin dahil kasama ko naman ang apo ko. Ang sarili mo ang alalahanin mo Manuela hindi kami." Sabi nito saakin.

"Tama ang Nay Lusing, Eman. Mas mabuting dumito ka muna para maalagaan ka habang ipinagbubuntis mo ang apo namin. Gusto lang naman naming maalagaan ka katulad nang kapatid mo. Ayaw din namin na magkikilos pa si Nay Lusing dyaan dahil matanda na. " si Moma "Pumayag kana anak."

Hindi ko lang maiwasang malungkot dahil tumagal din ako nang ilang taon dito kasama sila Nay Lusing. Ayoko silang iwan, ngunit ayaw din ni Nay Lusing na umalis dito kung sakali mang isasama ko sila.

Pero para naman saakin ang pabor na gusto nang magulang ko at makakabenipisyo din iyon saakin dahil sila ang mag-aalaga saakin habang buntis ako. Kapag naipanganak ko ang anak ko, gusto kong dito kami titira, dahil nakikita ko ang kapayapaan dito, malayo sa ingay. Alam kong papaya din si Simon sa gusto ko.

Huminga ako nang malalim at tipid na ngumiti sa screen nakikita ko ang paghihintay nila sa sagot ko.

"Payag na po ako."

ONE WEEK after, lumuwas narin kami nang Maynila at nakakapanibago lang. Ingat na ingat si Simon saakin, halos lahat nang galaw ko nandun siya para alalayan ako, ang nakakatawa pa hindi pa naman ganun ka umbok ang tiyan ko. Minsan naiisip ko na oa na siya masyado. Ni hindi ko pa nga feel yung baby sa tiyan ko.

Nakukurot ko nga siya sa tagiliran sa sobra kong panggigigil. Ewan ko ba kung bakit ganito ako, siguro epekto nang pagbubuntis ko 'to.

"Ang hirap palang maging asawa mo babe, lagi akong kawawa." Aniya na nagpapaawa.

"Tse! Hindi pa tayo kasal para tawagin mo ang sarili mong asawa. Pakasalan mo muna ako." Sabi ko.

Nang maihinto niya ang kotse sa harap nang gate, bumaba ako at ganun din siya matapos magbusina upang ipaalam na dumating na kami.

"I will, okay? But then asawa na kita, hindi pa man tayo ikakasal, asawa na kita." He said possessively. Ikinaikot nang mata koi yon at hinarap siya na nakapamaywang.

"Hindi pa nga! Binuntis mo lang ako, pero hindi mo pa ako matatawag na asawa dahil hindi pa tayo kasal. Pakasalan mo muna ako." Parang mapipigtas na ang ugat sa leeg ko nang sabihin koi yon, ayaw kasi niyang magpatalo.

"Yes, I know that! But then, hindi mo mababago ang katutuhanan, I will be your husband once we got married, understand? You're my wife, babe...you're my wife." lumambot ang kanyang expression at naging malambing.

"Hindi pa nga! Ewan ko sayo!" tinalikuran ko siya at nagcross arms.

Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya wari bagang talong-talo siya sa pakikipag bangayan saakin dahil hindi ako sumusuko. Siya na mismo ang siyang umiintindi. Kasalan ko bang buntis ako? Edi sana hindi niya ako binuntis diba?

Umangat nang kaunti ang gilid nang labi ko at mala kontrabidang ngumiti. Ayoko nang mabuntis sa susunod, para akong baliw.

Matapos iyon ay pinagbuksan din kami nang gate, si Dada na mismo ang nagbukas noon at pumasok na ako. Si Simon naman ang nagpasok nang kotse sa loob nang garahe. Nauna ako sa kanya kaya hindi ko alam kung anong ginagawa niya, nagpaiwan din si Dada sa labas, siguro iyon na ang chance niya para kausapin si Simon. And of course I let them talk. Hindi ko rin maiwasang mag-alala dahil alam kong takot si Simon kay dada, pero sana maging maayos ang pag-uusap nila.

"Ate!" halos tumakbo si Karen saakin.

"Dahan-dahan lang! Kapag ikaw na dulas dahil sa pagtakbo mo, naku! Buntis ka pa naman at tignan mo halos puputok na ang tyan mo."

"Ay sorry. Okay na?" aniya na mapang-asar at naglakad nang sobrang bagal. "Ilang buwan nalang manganganak na ako... ninang ka ha?" aniya na ikinataas nang kilay ko.

"Hindi pa nga naipapanganak 'yang anak mo, ninang na agad ako? Edi ninang ka rin nang anak ko?" Pilosopo kong sabi na ikinatawa niya. "Si Moma pala?" naghahanap ang mga mata ko sa loob ng bahay.

"Nasa taas kasama ang nag-aayos nang kwarto ninyo at nang bata. Alam mo naman 'yun, kinarer ang pagiging lola. Yung kwarto mo mas pinaganda niya para daw sa inyong tatlo. Naiimagine niya na yung anak mo, hindi pa nga lumalaki dyan sa tiyan mo." Natawa kaming pareho ni Karen sa sinabi niya.

Napagdesisyunan naming umayat sa second floor upang tignan ang ginagawa ni Moma.

"Moma! Andito na si ate Eman. Kamusta ang pagrerenovate nang kwarto nila? Ay wow! Ang ganda naman. Bakit pink?" hindi paman ako nakakapasok sa loob nang kwarto nakakunot na ang noo ko.

Nang makapasok ako, para akong malulunod sa kulay nang kwarto. Ano bang akala ni Moma saakin? Bata? Ang nakakatawa pa kasama ko sa iisang kwarto si Simon. Anong gagawin naming dito maglalaro nang bahay-bahayan? Pigil na pigil ko ang huwag matawa sa naisip.

"Pangit ba? Naisip ko lang na ganito ang ilagay dahil alam kong babae ang magiging apo ko!" hindi naman halatang sabik si Moma sa pagiging hyper niya ngayon.

Tumingin si Karen saakin at sumenyas pagkatapos nagkibit balikat.

"Hindi naman pangit Moma." Sabi ni Karen. Totoo naman kasing hindi pangit, maganda nga e. Kaso hindi ko alam kung bagay ba ito para saamin ni Simon. Iniisip ko rin na hindi pa naman lumalaki ang tiyan ko para paghandaan nang kwarto ang magiging anak namin. Pero ayoko namang sayangin ang effort nang magulang ko kaya, okay na rin!

"E, bakit ganyan ang mga reaksyon nyo? Mukhang hindi nyo nagustuhan. Hayaan nyo papalitan-"

"Maganda!" agad na sabi ko sa kanya. Mukha pang hindi siya kumbinsido sa sagot ko kasi malungkot ang mukha niya. "Magnda Moma. Okay na saakin to, diba Karen? Maganda diba?" siniko ko pa ang kapatid ko upang makisakay.

"Oo! Sobrang ganda. Ano, may kailangan pa pala akong gawin sa baba. Maiwan ko na kayo. Bye!" gusto kong hatakin pabalik si Karen dahil sa biglang pag-excuse niya makaiwas lang kay Moma.

Napakamot batok ako nang maiwan kasama si Moma. Ngumiti ako sa kanya at lumapit pagkatapos yumakap.

"I miss you Moma. Thank you dito ha? Sobrang supportive mo talaga sa mga anak mo. Kaya love ka namin ni Karen e." yumakap din siya saakin habang tinitignan ang mga nag-aayos nang wall.

"Ang magulang kahit kailan supportive talaga. Ganun namin kayo kamahal Ran. I will always be your supportive mother. Kahit magkapamilya man kayo nandito kami para suportahan kayo sa lahat nang bagay, dahil mahal namin kayo."

Halos manubig na yung mata ko dahil nagbabadya ang luha.

"We love you Moma, ganun din kay Dada. At sorry nga pala sa mga taon na hindi ko kayo nakasama at piniling lumayo pansamantala." Tumingin siya saakin.

"Matagal na 'yon anak. Tsaka naiintindihan ka naman namin nu'ng mga panahong iyon dahil dumanas ka nang sakit dyan....sa puso mo." Aniya at tinuro ang kaliwang dibdib ko. "Kalimutan mo na 'yon at maging masaya ngayon dahil sa wakas magkakaroon kana nang sarili mong pamilya."

"Salamat Moma." Bulong ko sa kanya habang nakayakap at nakasandal ang ulo sa balikat niya habang nakamasid sa mga nag-aayos.

"DID YOUR family know about this Simon? Hope you don't mind asking me. Buntis ang anak ko at ikaw ang ama." Tahimik kanina habang kumakain ngunit binasag ni Dada ang katahimik nang magtanong siya.

"They already know that Tito." Aniya sa Dada ko, napatingin ako nang sabihin niya ang salitang tito, pero nagkibit balikat nalang din ako.

"Mabuti naman kung ganun. Gusto namin silang makilala and at the same time makapag-usap narin tungkol sa inyong dalawa nang anak ko." Binalingan ako nang tingin ni Dada pero mabilis lang at ibinalik din kay Simon ang tingin.

"Damihan mo ang kain anak." Bulong ni Moma. Tumango naman ako.

"Actually Tito, next week flight nila going here. Noong malaman nilang buntis si Ran, nagdesisyon silang bibisita, they want to meet Ran. And about sa pag-uusap na gusto nyo, gusto din po nilang mameet kayo."

"Magandang balita kung ganun. O siya ipaghahanda natin sila nang kwarto sakalimang dumito sila."ani ni Dada.

"Kahit huwag na po Tito. My condo is available for them to stay. Sila narin po mismo nagsabing sa condo ko sila pansamantala. Bibisita nalang daw po sila dito sa inyo, kapag nandito na sila. Huwag nyo na pong alalahanin ang pagstay-han nila." Paninigurado ni Simon kay Dada, tumango lang ito.

"Kung ganun mas mabuti iyon. Sabik na akong makita ang mga balae ko." Si Moma.

"Excited narin po silang mameet kayo Tita. Especially my mom, panigurado pong magugustuhan nyo ang isa't isa dahil mabait po iyon. At second time na niyang mamimeet si Ran." Masayang sabi ni Simon habang ako nagtatakang tumingin sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo? Hindi ko pa nga kilala 'yon o kahit nakita man lang."tumingin ako kay Moma. "Huwag kang maniwala dito, hindi ko pa po namimeet 'yon." Kinurot ko sa tagiliran si Simon.

Nagtataka pero nakangiti si Moma habang pinagmamasdan kami ni Simon. Ito namang lalaking 'to wala nang sinabi pero tinatawanan ako, I'm so clueless sa sinabi niyang iyon. Wala akong maalalang nameet ko ang mommy niya.

Matapos ang pag-uusap na iyon, kinagabihan lumuwas kami at sa condo niya pansamantalang natulog. Yung condo ko na malapit sa kanya naibenta ko na iyon, matagal na at iba na ang may-ari.

Kaya hindi pa kami sa bahay nila Moma natulog kasi nirerenovate pa ang kwarto naming. Ayaw ko ring abalahin pa sila Moma tungkol doon. Pumayag naman sila na dumito muna kami sa condo ni Simon kahit ngayong gabi lang tapos doon kami sa umaga. Baka bukas okay narin yung kwarto.

"Are you done?" tanong nito nang makalabas ako sa banyo. Tumango ako bilang sagot pagkatapos lumapit ako sa cabinet at humarap sa salamin. Lumapit din siya ang niyakap ako kaya kitang-kita ko ang pagpikit niya habang inaamoy ang leeg ko.

"Ang bango mo..." bulong nito habang hinahalikan na ang leeg ko. Nakakakiliti.

"Tumigil ka nga. Maghalf bath kana doon." Sabi ko sa kanya. Tumayo naman siya nang matuwid at tinignan ako mula sa salamin. Ang tangkad niya talaga. Sa isip-isip ko.

"I will babe." Aniya at hinalikan ulit ako sa leeg, baliw talaga! Porket wala kami sa bahay nang magulang ko. "Wait for me! Mabilisan lang 'to. Huwag kang matutulog, humanda ka sakin." Pagbabanta niya na ikinataas nang isang kilay ko. Aba!

"Andami mong sinasabi, bilisan mo nalang kung gusto mong maabutan akong gising!" asar ko habang sinusundan siya nang tingin papasok sa banyo, bumaling pa siya nang tingin saakin na kunot ang noo.

"Don't you dare." Aniya, pero tinawanan ko lang iyon. Pumasok naman siya sa banyo. Narinig ko pa ang ingay nang tubig mula sa labas nang banyo.

Ang loko halatang nagmamadali. Talaga naman! May kabaliwan na naman iyong naiisip.

Matapos asikasuhin ang sarili ay humiga narin ako sa malambot na kama. Lumihis pa nang kaunti ang suot kong pantulog, kaya umayos ako nang higa.

Hindi naman tumagal narinig ko ang pagbukas nang pinto sa banyo, of course malakas ang pandama ko. Binilang ko ang minuto na nilagi ni Simon sa banyo at nasisiguro kong hindi umabot nang sampong minuto siya doon.

Kapag talaga may plano ang lalaking 'to napaghahalataan siya. Amoy ko ang panlalaki niyang pabango, kahit nakapikit ako. Maging ang paglapit niya naramdaman ko. Medyo lumubog ang kama siguro sumampa narin siya.

"I told you to wait for me..." napangiti ako nang magsalita siya. Wala din akong kawala, persistent ang loko, hindi rin mauto.

"You really wait..."aniya pagkatapos pinatakan ako nang halik sa labi.

"Sabi mo kasi maghintay ako."

"Oh...masunurin naman pala ang babe ko." Malambing niyang sabi. Ginilid niya ang iilang hibla na buhok na syang sabagal sa mukha ko at inilagay iyon sa gilid nang tenga.

"Tinakot mo kasi ako e." parang batang saad ko.

Matamis siya ngumiti wari nasasayahang sa sinabi ko. Ang loko nagpaghahalataang tama ang sinabi ko.

"You're such a baby..." malambing niyang sinabi at pinisil ang pisngi ko. "Speaking of baby, kamusta naman ang little angel namin?" he said.

Then he caressed my stomach and laid his head on it. Feel na feel ang pagiging tatay nang anak namin. Parang hinahaplos ang puso ko habang pinagmamasdan si Simon na nakapatong ang ulo sa tiyan ko. Nakuha pa niyang halik-halikan ito. Natatawa ako sa ginagawa niya.

"Our little angel, 'cant wait you see you grow. Huwag mong papahirapan ang mommy mo kapag lumaki kana dyan ha?" he said, akala naman niya may makukuha siyang sagot mula sa bata.

"Simon para kang baliw dyan. Mahiga ka nga nang maayos. Balak mo pa atang ipitin si baby." Natatawa kong saad.

Umayos naman siya nang higa pagkatapos ay niyakap ako.

"Hindi na ako makapag hintay na makitang lumaki ang tiyan mo Ran. Everyday, lagi akong nasasabik na gumising dahil alam kong kasama kita at nakikita kita. I can't explain this feeling. Lalo na magkakaanak na tayo." Makahulugan niyang sabi.

"Ako din Simon."

"Whatever trials or circumstances that we faced? Let's try to deal with or solved it. Let's try to fix those problems. Just...just don't give up on me if ever magkaproblema man tayo. 'Coz I lose you once, I can't afford to lose you, for a second time." Madamdamin niyang sinabi na ikinaluha ko.

"Ang drama mo naman ngayon. Sa tingin mo ba hahayaan kitang mawala sa pangalawang pagkakataon? Nagkakamali ka Simon. Hinding-hindi na."

"Good to know babe. You know that I can't live without you. You are my life....and the light of my tomorrow. You and our little angel are the ones who bring joy to my heart. Kayo ang bumubuo ang buhay ko."

"Ganun karin sa buhay namin Simon. Walang pagsidlan ang kasiyahang nadarama ko ngayon dahil sa inyong dalawa. Mahal kita..." Buong puso kong sinabi sa kanya at hinalikan siya sa labi.

"I love you too, babe." Tugon niya pagkatapos ay hinagkan ako.

Sapat na para iparamdam ni Simon kung gaano niya kami kamahal nang anak ko. Hindi ko aakalaing darating kami sa punto na magiging isang pamilya.

Noon masaya ako dahil sarili ko lang ang inaalala ko at ang pamilya ko. Masaya sa mga naaachieve sa buhay bilang writer, pero noong naranasan kong magmahal at pinaranas saakin ang pagmamahal. Doon ko napagtantong nagkakaroon pala nang pagbabago ang lahat.

Noong iparamdam ni Simon saakin ang salitang pagmamahal, doon kumumpleto ang buhay ko. Ngunit noong mga panahong nagkahiwalay kami feeling ko nawala ang kalahati nang puso ko at hindi ako kompleto.

Ngayon, bumalik siya, nagkita kaming muli. Binuo niya ang kulang na bahagi nang puso ko. At mas dinagdagan niya iyon nang magkaroon kami nang isang regalo mula sa taas. At sabik ako sa mga darating pang bukas para saaming tatlo.

"ARE YOU EXCITED?" sabi ni Simon habang hinihintay namin mula sa labas nang NAIA airport ang pamilya niya.

Sa totoo lang kinakabahan ako dahil unang beses kong mamimeet ang pamilya niya. Iniisip ko na kung anong sasabihin o kaya naman paano ko sila tatawagin o kaya makikitunguhan?

Natural naman na kakabahan hindi ba? Pamilya nang mahal mo ang mamimimeet, paniguradong kakabahan talaga. Ganito rin siguro ang pakiramdam noon ni Simon nang mameet niya ang family ko.

"Relax babe...they won't hurt you, actually nga mahal ka nang mga 'yon." Sabi niya, pampalubag loob.

"Panu mo naman nasabi yun? Ito ang unang pagkikita namin nang family mo, paano mo nasabing mahal nila ako?"

"'Coz I said so... huwag ka nang kabahan they're harmless. Paniguradong magugustushan mo sila." Sabi nito at hinalikan ako sa noo.

Natawa ako sa sinabi niya. "Maka harmless ka naman! Anong akala mo sa family mo mga hayop? Ikaw talaga!" nakitawa narin siya, medyo gumaan ang pakiramdaman ko matapos ang usapang iyon.

Matagal din kaming naghintay doon, hindi na kami pumasok sa loob nang airport dahil ganun din naman iyon. Mas pinili naming hintayin ang magulang niya sa labas. Nakasandal ako sa upuan sa front seat habang bukas ito at si Simon naman nasa labas. Patingin-tingin pa nga siya sa relo niya.

"Lampas na sa exact time of arrival ang magulang mo Simon. Tawagan mo na-"

Nahinto ako sa pagsasalita nang biglang tumunog ang phone niya sa dashboard nang kotse.

Hindi ko tinignan kung sino ang tumawag basta ko nalang kasing binigay sa kanya.

"Just a minute...."mahinang sabi niya, tumango lang ako bilang sagot.

"Where are you? We've been waiting here outside the airport....no bro....okay, okay....what?" mukhang problemado si Simon nang sulyapan ako.

Ano kayang pinag-uusapan nila? Hindi kaya makakarating ang pamilya niya? Sayang naman yung paghihintay namin kung hindi.

"Why did you bring her? You know exactly the reason bro....just....never mind." Napakamot batok si Simon. Malaki ang gatla sa noo niya habang nakikipag-usap sa phone. "Hmm. Okay.... Call me when you're at the airport." At ibinaba niya ang phone tsaka bumalik sa kotse.

"Ano daw ang sabi?"

"Na delay pala nang 1hour ang flight nila, so we better find a restaurant near at the airport. Kumain muna tayo, paniguradong gutom narin ang baby natin." Sabay patong nang kanyang kamay sa tyan ko. "Ayokong nalilipasan ka nang gutom, masama sa buntis yan. Let's go?" aniya na malamlam ang matang nakatingin saakin.

Kung sabagay gutom narin ako, kaya umalis kami at naghanap nang malapit na restaurant para makakain. Hindi rin naman kami tumagal doon pagkatapos naming kumain. Bumalik din kami sa airport sa dating pwesto upang hintayin ang pagdating nang magulang ni Simon.

Nang makabalik kami sa labas nang airport, may tumawag ulit kay Simon. Hindi muna ako lumabas nang kotse, si Simon naman nakikita kong palingon-lingon sa kung saan, siguro nandito na ang pamilya niya.

"Nakakakaba naman to." Sabi ko sa sarili. "Pero huwag kang magpahalata Ran. Tama! Ang mabuti pa mag-ayos ka para hindi naman kahiya-hiya ang mukha mo. Mukha ka ding tumataba na." napabuntong hininga ako.

Nagtali nang buhok iyong sobrang pino na hindi talaga magulo at naglips-stick din pero hindi ganun ka pula, maayos narin naman yung kilay ko kaya hinayaan ko na. Dahil hindi naman ako mahilig sa blush on hinayaan ko nalang na walang kulurete ang pisngi. Nagperfume din ako upang hindi naman masabihang mabaho, pero para saakin hindi naman ako mabaho. Ah bahala na!

Huminga ako nang malalim bago napagpasyahang lumabas nang kotse at todo ang ngiti upang pagnakita ako nang pamilya ni Simon matuwa sila saakin.

"Simon, nandito na daw ba sila?" I asked nang makalapit ako sa kanya. Sinulyapan niya ako saglit pero inulit niya ulit, nahiya pa nga ako nang makitang mukha siyang gulat. "Bakit?"

"Nag-ayos ka?" panay ang titig niya sa mukha ko.

"Hmm."tango ko. "E kasi, nahihiya ako sa pamilya mo kapag nakita nila ako kaya nag-ayos ako. Ayoko namang may masabi sila sa magiging asawa mo no." lumamlam ang kanyang tingin.

"Babe, they will love you trust me. Kahit hindi ka mag-ayos maganda kana at hindi sila ganu'ng tao kung yan ang iniisip mo. Wala silang masasabing masama sayo, kung meron man papuri 'yon dahil maayos kang babae at mabuti. Kaya nga nahulog ako sayo e." nahabag ako sa sinabi ni Simon na muntik ko nang ikaluha pero mabuti nalang napigilan ko. I kissed him na ikinagulat niya pero nakaadjust din siya at mas diniin pa ang labi sa labi ko. Napapangiti ako at ganun din siya.

In that moment may bigla nalang umubo na ikinagulat din namin kaya kami napahiwalay ni Simon at para akong lulubog sa kahihiyan. Hindi ko napansin naging PDA kaming dalawa at mantakin pang nasa airport kami for god sake! Nakakahiya!

May tumikhim ulit kaya napatingala ako at sa pangalawang pagkakataon, gulat na gulat ako. Dumadagundong ang kaba sa puso ko nang makita harap-harapan ang....pamilya ni Simon at si....

"Nice to see you again, hija. It's been a long...long time magmula nang mameet kita. Remember me?" sabi nang babae na familiar saakin.

Nakataas ang kilay at hindi ko alam kung natutuwa ba siya sa ngiting ipinapakita niya saakin. Napapalunok ako, pagkatapos ibinaling ang tingin sa katabi niyang kasama. Napansin niya siguro ang pagbaling ko, tinaasan niya ako nang kilay tsaka dahan-dahang lumapit saamin ni Simon.

"It's been what?" bungad niya nang makalapit at kay Simon ang tingin. "I miss you Si." Aniya sabay yakap kay Simon na muntik ko nang ikawala at sabunutan ang babaeng 'to kung wala lang ang magulang ni Simon sa harap namin.

"Stop it, Anastasia! I'm with my wife-"

"No Simon." bigla niyang putol at tumingin saakin. "Just to correct you, she's not your wife yet.... By the way! Nice to meet you again, Ran." Aniya, hindi ako makagalaw nang yakapin niya ako.

Naikuyom ko ang mga kamay habang nakayakap siya, pagpasensyahan sana ako nang magulang ni Simon pero wala na ako sa mood makipag mabutihan, lalo na kung nakadikit ang babaeng 'to saakin at lalo na kay Simon.

Bakit siya nandito? Bakit kasama siya nang pamilya nang mahal ko? Anong gagawin niya dito? Guguluhin na naman ba niya ang relasyon namin ni Simon? Maghihiwalay na naman ba kami dahil sa babaeng 'to? At bakit hindi man lang sinabi ni Simon na ang mommy niya ay si Tita Emilda? This is not good! This is a disaster again!