WHAT AM I supposed to react at this moment? First, Simon's mom is Tita Imelda. Kilala ko siya dahil minsan na kaming nagkaencounter na dalawa at doon yun sa dating condominium na tinitirhan ko, na tinitirhan din naman ni Simon. Naaalala ko pa naman kahit apat na taon na ang nakalipas. Hindi ko alam na siya ang mommy ni Simon, kaya pala napapatanong ako noong unang pagkikita namin, may kahawig ang mga mata niya.
I don't know either if the incident four years ago when Tita Imelda and I first met was a pure incident? Or maybe she knew me already before that wallet dropped happen? Naalala ko rin ang sagutan namin about sa mga anak niya, did she really put an act on it? I think she's just acting back then. Maybe she just wanted to check if I was fit for her son, Simon.
Naalala ko pa na nirereto niya ang second son daw niyang piloto, it could be Simon right? Magaling pala siyang magpanggap dahil naniwala ako. Hindi ko alam kung totoo din ba yung pag-iyak niya noon dahil walang oras si Simon para umuwi sa kanila sa Malta? One of her act also? My gosh, ang gulo nang mga pangyayari. Ang dami kong tanong na gusto itanong sa kanya ngayon.
And second is Anastasia, is she planning to ruin our relationship again? Tanong yun sa sarili ko kanina pa. Hindi naman siya sasama sa family ni Simon kung walang binabalak e. Nakakabahala dahil nandito siya, hindi ko rin naman hawak ang isip niya para pigilan sa gusto niyang gawin.
"Are you okay babe? You've been quiet for almost an hour after nating sunduin sila mommy." Si Simon nang makalapit saakin at yakapin ako mula sa likod, nasa kwarto ako at nakamasid sa bintana. Saglit ko lang siyang sinulyapan.
"I'm just thinking Simon." Tipid kong sagot sa kanya. His lips touched my hair. He kissed me there.
"What's on your mind then? Mind if you tell that to me? Is it about my family? Or is it about Anastasia?" he asked. Sa tanong niyang iyon ni isa wala akong naisagot.
Ang lalim nang pagbuntong hininga ko pagkatapos ay humarap kay Simon. Hindi rin siya bumitaw sa pagkakayakap saakin, niluwagan lamang niya, nagkatitigan kaming dalawa.
"If it's about Anastasia don't worry she won't ruin our relationship anymore. We already talked about these years ago, I even confronted her that I only treat her as my younger sister, that she's not the one I love. My eyes set only for you babe and so my heart. " he caresses my chick and then pinatakan ako nang mumunting halik sa labi at pisngi at mata.
"Simon what if magulo ulit katulad nang dati-"
"Hey, hey! Stop thinking that kind of what-if 'coz that's not gonna happen-"
"What if nga mangyari ulit-"
"Babe, hey...Hush..." niyakap niya ako at ibinaon sa kanyang dibdib. "That won't gonna happen again, never gonna happen, okay? Babe, please think on the positive side, will you? Sabi ko sayo diba, ano mang problema ang kakaharapin natin walang iwanan?" sabi niya saakin na seryoso at walang biro, nakuha pa niyang itaas ang isang kilay nang mapagtantong wala siyang nakuhang sagot.
"Do you trust me Ran?" bakas nang pait ang pagkakasabi niya niyon, naguilty tuloy ako kaya hindi ako makatingin.
"M-meron syempre! Ano bang klaseng tanong yan?" sagot ko pero kung saan-saan na lumilipad ang tingin, nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko gamit ang dalawang palad at pinaharap sa kanya. Wala nang kawala sa titig niya, hindi narin maipinta ang mukha dahil sa kanyang reaksyon.
"Really? Do you really trust me? Bakit hindi ka makatingin nang maayos sa'kin Ran?Tumingin ka sa mga mata ko kung totoong nagtitiwala ka. If you really trust me, you should stop thinking that kind of bullshit thing like what if magulo ulit katulad nang dati o kaya naman what if mangyari ulit? 'cos that's bullshit, that's not gonna happen, I won't let you go for the second time Ran." hirap lumunok pagkatapos marinig iyon sa kanya.
Napakagat labi ako habang nakahawak sa magkabilang braso niya. Alam kong napasama ko na naman ang nararamdaman niya ngayon dahil nawalan na naman ako nang tiwala.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na magtiwala ka saakin? You don't know how much it hurts me kapag nawawalan ka nang tiwala. Nakakapanghina babe-"
"Simon, Simon sorry..." mahina at halos pabulong ko nang sabi sa kanya. "Kaya ko lang naman naiisip ang mga 'yun dahil takot akong magkahiwalay ulit tayo e. Pagpasensyahan muna kung minsan pang nawalan ako nang tiwala sayo.Hindi ko lang talaga maiwasang mag-isip nang negatibong bagay. Mahal kasi kita, mahal na mahal." Umiyak ako habang nakayakap kay Simon, halos hindi ko narin mapunasan ang mga luha, paniguradong basa narin ang damit niya dahil sa pag-iyak ko.
"Hindi ko din mapigilang mainis nang malamang kasama si Anastasia kanina. Alam mong siya ang dahilan kung bakit kita hiniwalayan noon. Hindi ko maitatago ang inis ko sa kanya at hindi ko maitatago ang pangamba sa puso ko sa oras na 'to dala nang pagbubuntis ko. Gusto ko naman magtiwala e, masisisi mo ba ako?"
Ramdam ko ang pagbuntong hininga niya at ang paghagod sa ulo ko at likod para patahanin.
"Hush...stop crying na, tahan na huwag ka nang umiyak, hindi maganda sa buntis ang umumiiyak. I love you, I love you, babe, I really love you. Huwag ka nang mag-isip ng negatibong bagay, huwag mong ini-stress ang sarili, just trust me wholeheartedly. 'Coz I'm a man holding promises to my woman. A man who will walk his woman in front of the altar to marry 'coz he really loves her. I'm a man of my word babe, just give me your trust once again. Wala nang makakapag hiwalay pa saating dalawa. Hindi ang pamilya ko o pamilya mo, kahit si Anastasia man 'yan, hinding hindi niya na tayo mapaghihiwalay, mark my word, okay?" he said with finality.Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
Mas humigpit ang yakap niya saakin pero humiwalay din siya at nagbigay distansya sa pagitan naming dalawa. Pinunasan niya ang mga luhang nasa pisngi ko gamit ang kaniyang dalawang kamay. Pagkatapos ay binuhat ako, ikinulong ang mga binti sa kanyang bewang, he also put my hands around his neck at mariin akong pinagkatitigan. Nakahawak sa bewang ko ang dalawa nyang kamay bilang suporta upang hindi ako mahulog.
"You're my precious jewel, babe. No one can ever have you except me, no one can ruin, no one. You're mine, you're mine alone." he said possessively and kissed me na tinugon ko naman nang buong puso.
Walang pagdalawang isip na hinubad niya ang suot kong damit, I let him pull that shirt off me. He kissed me from my lips down to my neck and from there mas bumaba pa ang halik niya hanggang umabot ito sa dibdib ko. He stopped kissing me 'coz he put me on the bed, naghubad din siya nang damit at pantalon, ang naiwan lamang sa kanya ay ang kanyang boxer. Ako narin mismo ang naghubad nang short ko kaya panty nalang ang siyang natitirang pantakip sa pang-ibabang parte nang katawan ko.
Hindi na ako tinatablan nang hiya dahil gusto ko naman ang nangyayari. Ganun din si Simon, nakikita ko ang apoy sa kanyang mga mata, apoy nang pagmamahal at excitement. Lumubog ang kama nang sumampa siya at lumapit saakin. Siniil niya ulit ako nang kanyang mainit na halik pagkatapos ay hinawakan ang strap nang bra at ibinaba ito. Mainit ang haplos nang kanyang magaspang na kamay, na siya rin nagbibigay nang matinding pagnanasa saakin. Aaminin kong nasasabik muli ako sa kanyang haplos, matagal na nang muli kaming mag-init sa isa't isa mula nang malaman naming buntis ako. Wala naman sigurong masama kung may mangyari ulit saamin ngayon hindi ba? Hindi pa naman maiipit ang baby, baka madagdagan pa nang isa?
"Why did you laugh?" napahinto ako at bumalik sa realidad, nakatingin siya saakin, nasira ko ata ang moment naming dalawa.
"Natawa lang ako sa naisip. Wala namang masama kung may mangyari saatin ngayon diba? Hindi naman maiipit ang baby." sa tanong kong iyon napaisip din siya na ikinangiti niya.
"I think...I think hindi naman babe. According to my research, make love is perfectly safe during pregnancy. At hindi pa naman lumalaki ang tiyan mo, kaya pwede pa tayong mag-araw araw kung gugustuhin. Let's make another baby..." he said while grinnng at me na ikinahampas ko sa kanyang balikat, tumawa lamang siya at muli akong pinatakan nang halik sa labi.
"Doctor kana pala ngayon Simon? At talagang nag-research kapa about sa sex ha? Kalokohan mo! Tumigil ka nga!" natawa siya habang tinatanggal ang hook nang bra sa likod ko.
This is the epic love making we ever did dahil nagtatawanan kami habang hinuhubaran niya ako. Nakuha pa niyang magresearch about doon, kabaliwan talaga nang lalaking 'to kapag may balak gawin e. Gusto pang sundan nang isa si baby ni hindi pa nga lumalaki sa tiyan ko.
"Bakit? Ayaw mo bang dagdagan ang baby sa tiyan mo? Malay mo makabuo pa tayo nang isa pa edi kambal silang dalawa?" sa sinabi niyang iyon pinaghahampas ko siya na ikinatawa niya nang malakas.
"Loko! Plano mo talaga akong pahirapan sa pagbubuntis! Isa pa ngalang nahihirapan na ako sa paglilihi, gusto mo pa dagdagan? E kung ikaw kaya ang mabuntis at nang maranasan mo!"
"Babe, mahal mo naman ako diba? Alam kong kaya mo yan! Kaya tara na at simulan na natin para makarami tayo... wow exciting! Let's make more babies, yung isang team sa basketball, babe!" ang loko may patingala pa sa kisame at itinaas ang dalawang kamay, para bang nanalo sa loto!
KINABUKASAN nasa isang hapag kainan kami kasama ang parents ni Simon at syempre hindi papaiwan ang kasama nilang si Anastasia. Pero sa pagkakataon iyon malayo siya saamin, katabi niya ang kapatid ko. Mabuti naman at marunong siyang lumugar dahil kung hindi, ewan ko nalang baka kung ano pang magawa ko sa kaniya, buntis pa naman ako, baka masabunutan ko siya.
Hindi rin alam ng family ko na si Anastasia ang dahilan ng paghiwalay namin noon ni Simon. Hindi ko na sinabi pa sa kanila baka kasi maging iba ang tingin nila dito. Kahit ganito ako sa kanya hindi naman ibig sabihin sobrang sama ko na no. Ayoko nang ipaalam pa sa family ko yun tsaka hindi naman nila nakita ang mukha ni Anastasia noon kaya okay lang. Mabuti nga hindi napapansin ng magulang ko at kapatid ko na ganun ako makitungo kay Anastasia, mahirap kasing pigilan yung emotion ko kapag siya ang kaharap.
Kahit na wala naman dapat akong ikagalit na sa kanya dahil saaking saakin na si Simon. Ewan ko ba ang laki nang pagkainis ko sa kanya na dapat limot ko na to noon paman e. Basta ang hirap iexplain na ganito ang nararamdaman ko sa kanya, naiinis, minsan naman nagagalit at nagseselos kapag tumingin siya kay Simon o kaya sumulyap. Alam mo yung gusto kong tanggalin ang mata niya para iiwas kay Simon.
"Is it okay with you babe? O dadagdagan ko pa?" tanong ni Simon habang nilalagyan ako nang kanin at ulam. Hindi ko maiwasang tignan si Anastasia na nakatingin sa gawi namin.
"Damihan mo pa babe kasi hindi lang ako ang kakain. May baby na sa tiyan ko remember? Hindi pwedeng tipirin ang anak natin at ako." hindi kay Simon ang mga titig ko kundi kay Anastasia na napabaling din ng tingin saakin nang sabihin ko iyon ng padiin. Pasensiya na sa kanya pero hindi ko lang mapigilan ang sarili ko.
Gusto ko lang iparating sa kanya na wala nang kawala si Simon dahil akin siya. Na magiging pag-aari ko na si Simon, hindi niya pwedeng titigan nang malagkit si Simon dahil akin lang ang boyfriend ko.
"Yah, I know that you have our baby inside your womb babe but I don't think mauubos mo 'to lahat, this is too much." taka ko namang binalingan si Simon dahil sa sinabi niya at napatingin sa plato ko. I rolled my eyes when I saw it, he's putting so much rice and viand on my plate! Uto-uto din talaga ang isang 'to! Gwapo nga pero...ay ewan!
I looked at him flaty like are you serious babe? pagkatapos noon sinamaan ko siya nang tingiin. "Baliw! Sinabi ko damihan mo pero hindi ko sinabing punuin mo talaga! Papatayin mo ata ako sa sobrang busog nito e. Nakakainis ka naman Simon!" ang aga pa binabadtrip na naman ako ng lalaking to, panira. Hindi talaga marunong makiramdam kahit kelan! Sobrang sama nang tinging ibinibigay ko sa kanya. Hindi alintana ang mga kasama namin sa hapag kainan.
Napakamot siya sa kanyang batok at nagdadalawang isip kung ano bang gagawin niya sa kanin at ulam na nilagay niya sa plato ko."Umm... tulungan nalang kitang ubusin yan babe. I don't want to see you dying because of food. It's better to die loving me instead, right babe?" Aniya. Kinurot ko ang tagiliran niya dahil nakuha pang magbiro nang ganun sa hapag kainan tapos kasama pa namin ang family niya. "Lagi mo nalang ako kinukurot." mukha siyang kawawa nang sabihin ito pero ikinaikot lamang ng mata ko ang sinabi niya.
Pati ang magulang ko at magulang niya parang nakikiramdam sa aming dalawa. Kapag titingin ako sa kanila bigla silang mag-uusap sa mga katabi nila pero halata namang nakikinig sila saaming dalawa.
"Ang dami mo kasing alam? Alalahanin mo ang gabundok na kanin at ulam na nasa plato ko. Hindi ko mabubuos 'to Simon." ani ko sa kanya.
"Sorry na babe. I'll help you finish your food, don't worry." kumindat pa ang loko.
"Exactly! 'yan talaga ang gagawin mo dahil malamang sa malamang hindi ko mauubos yan sa sobrang dami. Ang sabi ko kasi sayo damihan mo, hindi punuin..." ang dami ko pang sinasabi habang nagsisimula nang kumain, ewan ko ba kung bakit ganito ako ngayon, siguro isa din to sa mga sign nang pagbubuntis, nagbabago ang mood ng babae.
"K. Just don't be mad at me babe, understand? Hindi ko naman sinasadya, tsaka tutulungan naman kita sa pag-ubos niyan kaya don't be mad, don't be mad at me okay? Love you." bulong niya pagkatapos masuyo akong niyakap na ikinaikot nang mata ko at patuloy sa pagsumubo nang pagkain upang hindi ipakitang kinilig ako sa simpleng sinabi niyang iyon.
Tinapos namin ang umagahan pagkatapos ay nagpunta sa sala upang pag-usapan ang mga dapat pag-usapan. Dumating ang family nang fiancé ni Karen, ngayon ko lang sila nameet at mababait naman sila. Kasama ang family ni Simon nagkakilala silang lahat, para ngang reunion na ewan dahil marami kami ngayon sa bahay.
"Exited kana ba hija sa nalalapit niyong kasal?" katabi ko si Karen habang kinakausap siya nang manugang niyang, napangiti ako nang makita ang saya sa mga mata niya, mukha pang iiyak nang banggitin ang salitang kasal.
"Sobra po Ma. Yung anak niyo panay ang tanong kung bakit pinapatagal hindi daw ba pwedeng bukas na agad?" nagtawanan kami sa sinabi niyang iyon.
"Yung anak ko talagang 'yon! Mahal ka talaga ni Jaimer kaya nagmamadali..."
"Naku kumare mukhang hindi na makapag hintay si Jaimer mabahay ang bunso ko." natatawa nalang ako sa kanila habang nakikinig.
"Oo nga kumare. E, itong panganay nyo kailan ang kasal?" biglang singit sa usapan na ikinatingin nilang lahat saakin.
"Oo nga hija. Hindi pa ba nagpopropose ang anak ko?Wala pa siyang sinasabi saamin o baka naman nililihim niyong dalawa 'to?" sabi naman ni Tita Imelda na nakangiti at mataman akong tinignan. Hiwalay ang usapan nang mga kalalakihan at kababaehan. May sarili silang mundo sa labas, ganun din kami ngayon.
"Naku Tita baka nagpropose na si Kuya Simon nililihim lang nila..." gusto ko sanang magsalita kaso sunod-sunod silang nagbigay nang komento.
"Nakakapag tampo nga kumare dahil nung nalaman naming buntis siyang huli na. Itong dalawang 'to ang hirap hulaan." sabi naman ni Moma na sinang-ayunan nang dalawang matanda pati na si Karen at ang kapatid ni Simon.
"Moma, hindi pa po nagpopropose si Simon. Wala pa pong nangyayaring proposal. Advance kayo mag-isip ni yungboyfriend ko hindi pa nga iniisip yan. Back to the topic tayo, asikasuhin muna natin ang nalalapit na kasal ni Karen at Jaimer." pag-iiba ko pero yung tingin nila mukhang hindi makapaniwala.
"Si ate umiiwas sa tanong. Ayaw mo bang sabay tayong ikasal? Hayaan mong sabihan ko si kuya Simon na magpropose na..." matapos ang sinabi niyang iyon nagtawanan ulit kami. Halos hindi rin nawalan nang usapan ang mga kasama ko, minsan bumabalik saakin pero iniiba ko ulit ang usapan para hindi ako magisa nang mga 'to.
Marami pa silang pinag-usapan at halos tumagal din kami doon.Hindi rin namin kasama si Anastasia ngayon tanging si Tita Imelda at ang bunsong anak na babae ang kasama niya. Hindi ko narin nakuha pang magtanong kay Tita Imelda kung saan si Anastasia pumunta, baka isipin pa binabantayan ko bawat kilos nun, kahit medyo obvious naman....
"YOU KNOW how much I love you, how much I adore you. As your man for life time, my duty is to protect and care my queen, and that's you, love. I couldn't imagine myself living in this world without you in my life. You gave me the world...your world rather 'n also...also..." naghiyawan ang mga tao nang huminto si Jaimer dahil hindi kinaya ang nararamdaman, tikom ang bibig, namumula ang mukha habang nakatingala upang pigilan ang luha.
Napaluha ako dahil nakikita kong mahal niya ang kapatid ko. Grabe, pati ako umiiyak na sa kanilang dalawa habang nakikinig nang vows nila.
"Jaimer bro! Alalahanin mo may dignidad tayo! di ka bakla! Huwag mo kaming idamay!" birong sigaw ng isang bestman niya na napupunas din ng luha, ang lakas ng tawanan na ikina tawa ng groom at bride.
Bumalik sa tahimik ang lahat nang nasa loob ng Church upang magbigay katahimikan at pakinggan ang vows ng groom. I saw how my sister's eyes shining while looking at her groom. They are lovely couple.
"Karen, we're the best enemy before, we fight, hindi ka nagpapatalo, lagi tayong nagsasagutan na parang aso't pusa but everything change when you gracefully walking that night wearing a black dress. I asked myself, Jaimer what happen to you? My is your heart suddenly stopped when you saw her? And I realize that time ah, it must be love, wtf! Love? I fell in love with you na pala. You bring the best in me, love. I can now call myself a husband to you and a father to our soon-to-be little angel. Binuo mo yung kulang sa mundo ko, simula nang makita nang mata ko ang kagandahang nang gagaling sayo. I don't know pero kinulam mo ba ako?" nagtawanan ang lahat sa sinabing yun ni Jaimer, halos iyak tawa ako. Si Karen hindi na maexplain ang reaction, iyak tawa rin siya habang nakatingin sa kay Jaimer, napapalo pa siya sa dibdib nito.
"Wait! I haven't done saying my vows yet. Ito na... totoo na 'to..." tumikhim siya bago nagsalita ulit. "Mamahalin kita at aalagaan. Ang buhay at buong ako ay iyong iyo. Hindi man ako ang perfect husband material na hinahanap mo I swear I'll try my best to be your good husband. Pinapangako sa harap nang Diyos na ikaw at ikaw lamang ang titignan nang mga matang 'to. Saksi Siya sa lahat nang 'to. I love you..."
Naghiyawan ulit ang lahat nang matapos sabihin iyon. Todo naman ang iyak ko habang nag pa palakpak nang kamay, napatingin ako sa kabilang upuan kung saan kasama nang ibang kamag-anak nang groom at kaibigan nito si Simon. I didn't know that he's looking at me din, he saw me crying while laughing. He laugh also while mouthed the word I love you na mas lalong nagpaiyak saakin.
"I love you too." bulong ko na ikinangiti niya at kumindat saakin.
Napapairap akong nagpunas nang luha. Hindi ko mapigilan na kiligin. Tumingin ako sa harap at tamang na saksihan ko ang halikan ng dalawa nang sabihin ng pare na You may now kiss the bride. Ang lalim nang buntong hininga ko. I'm dreaming right know , dreaming wearing a white long gown while happily kissing Simon in front of the aisle. He's the man I am dreaming of, my future husband.
"Congratulations!" bati ko sa kapatid ko at kay Jaimer. Nasa reception na kami ngayon. Kasama ko si Simon, katabi ko siya habang nakaakbay saakin.
"Congrats brod!" bati naman ni Simon sa kay Jaimer at kay Karen niyakap niya ito.
"Thank you kuya Simon at ate! My gosh! Feeling ko lumulutang ako ngayon." aniya sa amin na ikinatawa naming tatlo. "Totoo nga! Love, promise! Parang kahapon lang fiancé kita tapos ngayon asawa na. Hmm, love you." parang bata ang kapatid ko hindi alintana na maumbok na ang tiyan niya kung makayakap sa asawa niya nang mahigpit.
Hindi ko talaga maimagine na nauna siyang ikasal saakin, parang kailan lang nang hihingi siya nang candy tapos tulo laway. Parang kailan lang ang kilos niya tomboyin ngayon babaeng babae na. Nagbabago talaga ang tao kapag nahulog na sa salitang pagmamahal. Pang physical man o emotional kapag nagmahal na , wala na hulog na hulog na sa taong gusto nila.
"Let's go babe? Your mom's waiting for us. Pina reserve na tayo ng upuan, let's go." bulong niya habang ang kamay ay nasa likod ko, he use his hand to cover my back, kita kasi. "Dito muna kami brod! Karen, congrats ulit." aniya sa mga ito at yumakap. I hugged my sister too at nagpaalam na sa kanila.
Nang makarating kami sa kinaroroonan nila Moma, nagpaalam si Simon sandali, he when to comfort room while ako nakaupo na.
"You tired anak?" si Moma, napatingin din sila Dada at ang. Family ni Simon saakin, ngumiti lang ako at umiling.
"Hindi naman Moma, kayo po?"
"We're fine, gutom kana ba? Ipagkukuha kita ng pagkain."
"Huwag na ma, busog pa naman ako."
"Okay basta sabihan mo ako kung gutom kana, hindi ka pwedeng magutom remember ang apo namin ni kumare dapat laging busog." napangiti ako, muntik ko nang makalimutan buntis pala ako.
"Opo."
"Nga pala, kumare and I talked about going to boracay, alam mo na." naeexcite na sabi ni Moma, napatingin naman ako kay Tita Imelda.
"Talaga tita?"
"Yes hija, para bonding narin namin ng family and at the same time honeymoon ng bagong kasal, at sa inyo din!"
Natawa ako nang may maisip "E, Tita naadvance na po ang honeymoon ng dalawa, puputok na ang tiyan ni Karen. Pero okay din yun para makapag bakasyon."
"Honeymoon man o wala, pupunta tayong boracay, just our families. Kaya dapat mamaya magpahinga ka. " sabi ni Tita.
"Opo Tita-"
"One more thing pala, call me mommy na rin. Dahil soon you will be a Ms. Taboné! You'll be a part of our family!" namula ang pisngi ko dahil doon.
"Yes po mommy." nahihiya kong sambit na ikinatili ni Mommy Imelda.
"O my gosh! Kumare narinig mo yun? She called my mommy! O, sweetheart you're such a precious one." hindi mawala wala ang ngiti sa labi ng dalawang matanda.
"Okay! Goodevening everyone! Pagod na po ba ang lahat? Hindi pa naman?" tanong ng emcee,nagsiingayan naman ang mga guest. "That's good to here dahil magsisimula pa lamang tayo sa oras na ito! We will hear later the heart felt messages of our groom and brides families and also their friends. Hindi rin mawawala ang hagisan bouquet dito. Sino ang single diyan taas paa! Di joke!" nagtawanan kami sa kakwelahan ng emcee, daming sinabi bago nagsimula ang program, panay naman ang lingon ko sa comfort room dahil kanina pa si Simon, hindi parin makakabalik.
Tumayo ako at handa ng aalis ng magtanong si Moma. "Saan ka pupunta? Magsisimula na ang program."
"Hanapin ko lang po si Simon." napatingin din si Mommy Imelda saakin habang may matawagan.
"Osige, basta bumalik kayo agad magsisimula na." si Moma pagkatapos tumingin siya kay Mommy Imelda, hindi ko alam kung bakit ganun ang tinginan nilang dalawa pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon.
"Diyan kana dumaanan sa gitna. Parang nakita ko si Simon papunta roon." out of the blue sinabi ni Mommy Imelda saakin na ikinakunot ng noo ko.
Nagtataka man pero sinunuod ko ang sinabi niya, at sa gitna nga ako dumaan. Ang weird ng pakiramdam habang naglalakad ako at nakatingin ang mga guest saakin, bigla ding nag dim ang ilaw kaya napahinto ako, medyo madilim ang dinadaan ko tuloy.
Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad, dahan-dahan lang dahil baka matapilok ako, mabuti at may nagpa-ilaw ng flsh light sa phone ng isa.
"Thank you-"
Nahinto ako sa pagpapasalamat dahil sunod sunod ang pag ilaw ng flsh light sa phone ng mga guest, napaikot tuloy ang paningin ko sa bawat nakaupo, pinagtatakhan ko ang pag-ilaw nila ng phone.
"Anong meron?" natatawa ako and at the same time parang maluluha kasi clueless ako sa nangyayari. Bigla ding nagpatugtog. "Akala ko magsisimula na ang program. Guys! Ano to?" nalilito na talaga ako, ang weird lalo.
Natutop ko ang bibig dahil sa kanta. Bakit naman ganito ang hatid saakin? Parang sobrang special naman ng gabing to.
Naiyak ako nang tumingin sa gitna habang nakikita ang kapatid ko na naglalakad papunta sa direksyon ko. Hawak ang boquet niya at masayang nakatingin saakin tapos naiiyak din kaya mas umiyak ako lalo.
"Anong meron?" garalgal ang boses ko at patawa-tawa.
"Tara? Ihahatid kita.. ." sabi niya. Napakagat labi ako sa pagpipigil ng luha. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimulang maglakad. Samantalang ako patuloy sa pag-iyak. Huminto kami sa gitna, as in sa harap kung saan nakikita kami ng mga tao. "Stay here. Naihatid na kita. Be ready, ate, love you." binigay niya ang boquet niya at umalis.
Hindi ko alam ang gagawin nang tumutok saakin ang ilaw. "My gosh!" sigaw ko, iyak tawa. "Simon naman e!"
Naglalakad siya patungo saakin habang iniilawan din. Nakangiti, sobrang saya niya. Samantalang ako, iyak tawa dahil sa kanya. Nang makalapit siya bigla na lamang siyang lumuhod, natutop ko ang bibig. I saw him holding that little red box and then slowly facing it to me and he opened.
"Ran Emannuel Maldecir. Take my heart, take my hand, again and again. 'Coz I wanna spend my life with you." napapalo ko siya dahil doon.
"K-kanta ya e!" nauutal na dahil sa pag-iyak.
"Will you marry me, babe?" he's going to cry, gosh. Yung mata niya nag-uumapaw sa saya, napahawak ako sa puso ko. At this moment I feel like I'm above the clouds. Iniangat ko ang kaliwang kamay na nanginginig.
"Yes! Yes Simon! I will marry you."