webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Teenager
Zu wenig Bewertungen
35 Chs

Chapter 28

Tinagurian akong matalino sa klase pero pagdating sa pag-ibig ang b*b* ko hindi na ako natuto, hindi pa din ako natauhan sa ginawa niya sakin, dahil isa lang ang gusto ko ngayon ang maging akin siya ulit.

Magkahawak kamay at pareho kaming walang kibo habang naglalakad.Walang salita na gustong lumabas sa bibig ko naging kontento na ako na nandito siya sa tabi ko.

"Hindi ko alam na nag-aral ka pala ulit," basag ko sa katahimikan.

Bumitaw siya sa aking kamay at umakbay sakin.

" Umm, kailangan e."

Katahimikan ulit.

Ayoko na magsalita at baka ma ungkat ang nakaraan na ayoko ng balikan.

"Sorry kung ngayon lang ako bumalik, hindi ko kasi kaya na agawin kita sa pinsan ko."

Tumingin ako sa kanya. " Sorry-, "

Bigla niya akong kinabig papalapit.Mabilis na hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at walang pasabing siniil ng halik ang aking mga labi. Napatunganga ako. Hindi ako gumanti ng halik ngunit kusang bumuka ang aking mga labi sa pagkabigla. Ramdam na ramdam ko ang malayang nakagagalaw na dila niya. Gusto kong pumalag at baka may makakita sa amin ngunit unti-unti akong naghina sa mga halik niya namalayan ko na lang na gumaganti na ako sa kanyang halik at naramdaman ko ang kanyang mga kamay na humahaplos pataas pababa sa aking beywang.

"Ahhmm."

I moaned when he sucked my tongue. Napakapit ako ng mariin sa kanya nang diniin niya ang kanyang halik.Para akong naka droga lulong na lulong ako sa mga halik at haplos niya.Nahimasmasan lang ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking dibdib na marahan niyang pinipisil, kumalas ako ng yakap sa kanya at pinutol ang halik.

"Bhe."

Naasiwa na tumingin ako sa kanya. Pakiramdam ko nandito pa sa dibdib ko ang kamay niya.

"Pakasal na tayo."

Litiral na namilog ang mata ko, nakaawang ang labi ko sa kanyang sinabi. Ano naman ang pumasok sa kukute nito at ganitong salita ang lumabas sa bibig niya?

"A-nong pi-nag-sa-sabi mo? La-sing ka ata e."

" Hindi ako naka-inom pero na lasing ako sa mga halik mo. "

Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya.Na alala ko ang pag-ungol ko sa gitna ng malalim na halik naming dalawa kanina. Hindi ko siya sinagot, tinalikuran ko siya at naglakad muli.Ang init ng panahon dumagdag pa ang init ng pakiramdam ko sa ginawa niya.

"Bumalik ka na nga lang malapit na din naman ako."

" Seryoso ako sa sinabi ko bhe. "

" Hoy! Kenneth! Kung gusto mong magpakasal humanap ka ng iba dahil hindi pa ako handa sa ganyang bagay bata pa ako marami pa akong pangarap. "

" Ayaw mong magpakasal sa akin? "

Huminto ako at lumingon sa kanya. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga at dahan-dahang lumapit sa kanya.

"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin," hinawakan ko ang kamay niya " kapag dumating ang tamang panahon, tamang oras at tamang pagkakataon ako mismo ang mag-alok sayo ng kasal. " kumindat ako at nakangising tumalikod sa kanya.

"Totoo?" hindi makapaniwalang saad niya.

" Oo nga, " natatawa na sagot ko.

" Walang bawian ha? "

" Oo nga sabi, " kumperma ko at humawak sa kamay niya. " Ikaw lang naman ang mahal ko at gustong pakasalan pagdating ng panahon, " dugtong ko sa aking isipan.

_________

Muling nagpatuloy ang relasyon naming dalawa. Kahit sa ibang school siya nag-aaral may oras parin kaming dalawa sa isa't isa minsan dinadalaw niya ako sa bahay. Bagaman hindi ko maiwasan ang mag duda, he's a playboy, he's a cheater hindi ko alam kung nagbago na siya baka nga mag iba siyang girlfriend's doon bago siya nakipagbalikan sa akin.

Pareho kaming legal sa pamilya namin.Malapit ako sa pamilya niya lalong-lalo na sa mama niya at sa bunsong kapatid niya na lalaki.Sa pamilya ko hindi ko alam kung gusto ba nila si Kenneth para akin, wala naman silang sinabi na ayaw nila kay Kenneth pero wala din silang sinabi na gusto nila ito. Bukod lang sa pinsan kong si Joy na ayaw kay Kenneth mana sa ate niyang si Analyn.

"Ang boyfriend mo nakita ko sa labas ,sa tindahan."

"Anong ginagawa niya rito?"

"Aba, malay ko. Nakita ko lang siya doon kanina noong nag punta ako sa library may kasama siyang babae, maganda at may dala silang bag sa palagay mo magtatanan sila "

Binatukan ko si Rose dahil sa kanyang sinabi mag imbento lang ng kwento yong hindi pa makatutuhanan.

" Tumahimik ka. "

" Luhh. Ayaw maniwala. Bahala ka. Kahit i text mo pa siya. "

" Paano ko siya i text kay ma'am ang cellphone ko. "

Third grading examination namin ngayon bawal ang cellphone kaya pansamantalang kinuha ni ma'am ang mga cellphone namin. Binilisan ko ang pagsagot baka totoo ang sinabi ni Rose pero imposible naman na aalis si Kenneth nag-aaral yon. Binigyan ko kay ma'am ang test paper ko nang matapos ako, kinuha ko ang cellphone ko at lumabas ng classroom.

5 messages.

10 miss calls na galing sa kanya.

Dinial ko ang number niya. Naka tatlong ring lang ito nang sagutin niya.

"Nasaan ka?" bungad ko ng sagutin niya ang tawag.

" Nandito sa tindahan ni Ante Wilma. Maka punta ka ba dito kahit saglit lang?"

"Subukan ko. May exam kasi kami. Wait lang magpa-alam muna ako kay ma'am."

Pinatay ko ang tawag at bumalik sa room. Nagpa -alam ko kay ma'am na pupunta akong library dahil tapos na ako sa exam pumayag siya. Patakbo akong bumaba ng hagdan tinext ko si Kenneth na papunta na ako.

"Saan ang punta mo Fahrhiya? Bakit pa gala-gala ka may exam kayo diba?" mataray na tanong ni Ma'am Jiminez.

" Ah-eh. Bibili po ng napkin ma'am na tagusan po kasi ako, " palusot ko.

" Okay. "

Tinaasan niya ako ng kilay bago tinalikuran. Ang maldita fake naman ang kilay. Hmmp.

Patay malisya akong naglakad papuntang tindahan para naman hindi halata na gusto ko siyang makita. Na tanaw ko siyang naka-upo na nakasandal sa upuan habang naninigarilyo nang makita niya akong papalapit ay pinatay niya ito at tinapon.

"Hi."

Hinila niya ako papalapit sa kanyang harapan at pinulupot ang kanyang kamay sa aking beywang.

"Bakit?"

"Aalis ako."

"Aalis ka? Saan ka pupunta?"

"Sa Cotabato."

" Aalis ka?Iiwan mo ulit ako? " garalgal ang boses na saad ko.