webnovel

CHAPTER 1

Krystal's POV

Akala ko noon kapag kinasal ako magiging masaya na ako kasi nga diba ang sabi nila 'masaya ang buhay may asawa' at ako naman 'tong si tanga masyadong nagpapaniwala sa mga ganon.

Pero ngayong kasal na ako iba pala ang mararanasan ko imbes na saya puro sakit at lungkot ang nararamdaman ko tuwing gabi dahil ang buhay ko ngayong may asawa na ako ay 'di tulad ng inaasahan 'cause my life now ay tulad ng impyerno

Oo inihahalintulad ko ang buhay ko sa impyerno dahil sa limang taon naming pagsasama wala akong nadama sa kanyang pagmamahal puro galit at pagkasuklam lang ang ibinibigay niya sa akin sa limang taon na yon.

Every anniversary namin lagi niya akong binibigyan ng regalong ayoko ng matanggap kahit kailan 'DIVORCE PAPER',yeah sa apat na taong lumipas lagi kong tinatanggihan ang alok na iyon dahil naniniwala pa rin naman ako na baka pag tumagal mahalin na rin niya ako,pero mali pala ako….

Dahil kahit kailan hindii niya ako minahal,maski mahalin bilang kaibigan ay hindi niya ako maturing.

Bakit nga ba niya ako mamahalin kung sa simula pa lang ay wala na talaga siyang pagmamahal na mabibigay sa akin?

Yes,fixed marriage lang kami,ako lang ang nagpumulit na maikasal kami dahil ganon ko siya kamahal,ngunit kabaliktaran yon para sa kanya.Ha! Ang saklap talaga ng buhay ko.

Ganyan ang buhay ko dito sa bahay namin ng asawa ko,ganyan ang buhay ng isang Krystal Jean Vasquez-Dimzon

Yeah,sa loob lang ng bahay na ito  isa akong Mrs.Dimzon dahil sa tuwing lalabas na ako dito sa bahay namin isa na lang akong Ms.Vasquez at ang nakakaalam lang ng kasal namin ay ang mga magulang namin

Ang saklap talaga ng buhay ko, kailan kaya ako magiging masaya? Kailan ko kaya mararanasan magkaroon ng normal na buhay? Normal na buhay may asawa… Sana dumating pa ang araw na iyon…

Sa gitna ng pagdadrama ko dito sa aking kwarto bigla na lang tumunog ang aking cellphone sa ibabaw ng lamesa,pagtingin ko sa kung sinong tumatawag sa akin napahilot na lamang ako sa aking sentido ng makita ko ang pangalan ng caller

Ang caller lang naman ay walang iba kundi ang aking nag iisang best friend na si Eunice,naging mag best friend kami noon sa med school hanggang sa magtrabaho kami sa hospital ng pamilya namin

Yes! I'm a doctor and I specialized as a pediatrician and OB-GYN doctor. Nahinto lang naman ako sa pagiging doctor ko noong nag-asawa na ako dahil ayaw nila mommy and daddy na magtrabaho pa ako dahil nga gawain daw yun ng padre de pamilya

And for the 10th time na yatang tumatawag ito sa akin dahil pinipilit niya akong bumalik na sa pagiging doctor ko which is pinag-iisipan ko pa 

"God Eunice pang sampung beses mo na yatang tumawag sa akin ngayon" walang ganang sabi ko sa kanya

"E paano ba naman girl bumalik kana dito sa hospital nyo! Grabe ka naman kase mag bakasyon dyan sa Europe e,bumalik ka na baliw! And besides namimiss na kita!" Parang batang sabi niya sa kabilang linya,and yes ang alam ng kaibigan ko ay nag babakasyon lang ako sa Europe little she didn't know nandito lang ako sa Manila,nakakulong sa buhay impyerno

"How many times do I will tell you ba Eunice na pag-iisipan ko muna 'yan,besides,I'm still enjoying my life pa here, o siya sige na magpapahinga pa ako,bye!" Pagkasabi ko non ay binaba ko na agad ang telepono ko

"Sorry Eunice kung kailangan ko magsinungaling sayo ngayon,I promise if things get well sasabihin ko rin sayo ang totoo,sorry…" pag kausap ko sa screen ng aking cellphone pagkatapos kong babaan ng phone si Eunice,and para 'di na niya ako guluhin pa pinatay ko na lang ang phone ko

Makalipas pa ang ilang minutong pag-upo ko pa dito sa aking kama napag pasyahan ko na ring bumaba upang maghanda ng tanghalian dahil pasado alas dose na rin ng tanghali.

Magluluto na sana ako ng adobong manok ng pagtingin ko sa ref namin ay wala ang mga rekados para doon kaya nagsaing na lang muna ako bago pumunta sa isang supermarket malapit lang dito sa bahay namin.

Pagkatapos kong magsaing,I took my wallet,my keys,and nagpalit lang din ako ng damit,I just wear a black t-shirt and black jeans and doll shoes I also wear a mask 'tsaka tinali ko na rin ang buhok ko ng pa-ponytail after kong mag-ayos at kunin ang mga dadalhin ko pag alis,sumakay na agad ako sa aking kotse at pinaandar ito papuntang supermarket.

Pagkarating ko sa supermarket ay agad kong pinark ang aking sasakyan at naglakad na papuntang entrance pagkapasok ko pa lang ay agad ko ng tinungo ang sadya ko.

Kumuha muna ako ng isang push cart at una kong pinuntahan ang meat and fish section kumuha lang ako ng 3 kilong manok at 2 kilong isda para sa susunod na linggong budget namin.

Sunod kong pinuntahan ang fruits & vegetables section kumuha ako ng mga ipangsasahog ko like onion,garlic,also tomato and ginger kumuha na rin ako ng mga prutas tulad ng apple,orange,avocado,and banana pagkatapos non ay pumunta na ako sa drink beverages section pagpunta ko dun ay agad akong kumuha ng mga fresh fruit juice,yakult,and milk also kumuha rin ako ng paborito kong inumin,chuckie.

Pagkatapos non ay sunod akong nagpunta sa breakfast food section upang kumuha ng mga cereals,jam,and buns at kumuha na rin ako ng pancake flours at pagkatapos nun ay umalis na ako at pumunta na sa mga canned foods section.

Pagkarating ko sa canned foods section ay agad ako kumuha ng mga delata at salad dressings kumuha na rin ako ng vegetable oil,olive oil,margarine at grease. Pagkatapos nun ay nagtungo naman ako sa soap,shampoo,and skin care products.

Pagkarating ko sa section na iyon ay agad akong kumuha ng mga sabon,shampoo,facial cream,serum at napkin yun lang ang aking kinuha at nagtungo na sa huli kong destinasyon sa mga frozen foods section.

Pagkarating ko sa frozen foods section agad akong kumuha ng ice cream na ang flavore ay rocky road at double dutch kumuha na rin ako ng french fries,onion rings at frozen ready foods papaalis na dapat ako non ng sa 'di sinasadya pag atras ko ay may nabangga akong lalaki at dahil sa madulas na sahig ay nawala ang aking balanse at muntik na akong matumba kung hindi ako lang ako nasalo ng lalaking nakahawak sa akin.

Hawak ng lalaki ang aking bewang at nakaalalay ang isa niyang kamay sa aking likod he's like an angel 'cause of he's kissable lips,perfect jawline,pointed nose and he's amber eyes,maputi din siya at matangkad at makikita mong mayroon siyang sinasabi sa buhay dahil sa suot niyang damit na balenciaga at pantalong gucci at naka loaf shoes pa sya na sa pagkakaalam ko ay louis vuitton naman at amoy na amoy ang pabango niyang halatang mamahalin.

"Huwag kang masyadong mamangha sa kagwapuhan ko miss medyo mabigat ka pa naman" sabi ng estrangherong lalaki sa akin sabay ngiti ng nakakaloko,doon pa lamang nag sink in sa kin ang nangyari kaya't agad akong umayos ng tayo at humingi ng paumanhin.

"S-sorry" "Sorry,mister" nauutal na sabi ko sa estrangherong lalaking kaharap ko,'di ko alam kung bakit pero bumilis ang tibok ng puso nung nakipag titigan ako kanina sa estrangherong ito dahil sa nararamdaman ko ay agad na akong nagpaalam sa lalaki at dumeretso na sa cashier upang bayaran ang mga pinamili ko.

Pagkatapos kong mag bayad ay dali dali na akong sumakay sa aking sasakyan at pinaandar ito patungo sa aming bahay,pagpasok ko sa bahay namin ay agad akong nagpalit ng damit at nagsimula ng magluto.

Pasado ala-una na ako rin ako natapos sa pagluluto at pagkatapos non ay kumain na rin ako,ako lang mag isa ngayon dito sa bahay dahil nasa trabaho pa si Mark,my dearest husband tss… nasa site pa kase siya. He's an engineer and nagtatrabaho din siya sa sarili nilang company as a construction manager.

After I eat nagdesisyon akong maglinis ng aking kwarto,naglinis lang ako kahit na sobrang linis naman talaga nito wala lang talaga akong magawa kaya nilinis ko na lang parang routine ko na nga ito sa araw-araw kong buhay dito sa mala impyerno kong buhay pero alam ko naman na kahit ganito ay mahal ko pa rin ang asawa ko...

After kong maglinis ng kwarto ko ay binuksan ko ang aking cellphone and as i expected puro text and calls yun galing kay Eunice ang iba naman ay galing kila mommy and daddy,binasa ko lang mga importanteng message nila sa akin and pinatay ko na rin ito ulit at pagtingin ko sa wall clock ng aking kwarto it's already 3:30 in the afternoon,wala naman akong gagawin dito sa bahay kaya't napagdesisyunan ko na lang na pumunta sa orphanage na lagi kong pinupuntahan tuwing may free time ako.

Naligo muna ako tsaka nagbihis,nagsuot lang ako ng simpleng beige shirt at ng ripped jeans,tinali ko na din ang buhok ko at nagsuot lang ako ng sapatos,nagsuot na lang din ako ng face mask tsaka ko kinuha ang aking wallet at susi ng sasakyan ni lock ko na rin ang bahay namin bago ako lumabas at pagkatapos non ay pumunta na ako sa aking sasakyan at sumakay na at pinaandar na ito patungo sa orphanage.

Pagkarating ko sa orphanage ay agad akong sinalubong ni Sister Mely ang namamahala sa orphanage "Oh krystal napadalaw ka ulit dito may maitutulong ba ako?" Salubong sa akin ni Sister Mely,may katandaan na rin si Sister Mely at sabi niya ay mas gugustuhin pa daw niyang tumanda dito sa orphanage mas gusto daw niyang pagsilbihan ang mga bata at turuan,sana ako din mahanap ko na ang gusto ko sa buhay sana matagpuan ko na ang tamang landas para sa akin para sumaya na rin ako katulad ni Sister Mely.

"Ah wala naman ho Sister,gusto ko lang ho kayong dalawin pati na po ang mga bata,namiss ko na kase kayo e" sabi ko kay Sister Mely habang malapad ang aking ngiti 

"Eto talagang batang to nambobola pa e parang nandito ka lang din kahapon e"natatawa na sabi ni Sister Mely sa akin kasabay nun ay naglakad na kami ni Sister Mely papunta sa may play ground dahil nga nandun ang mga bata naglalaro.

Pagkarating namin sa playground ni Sister Mely agad niyang tinawag ang mga bata "Oh mga bata nandito si ate Krystal nyo,halikayo at gusto kayong makita ng ate ninyo" sabi ni sister Mely at agad ngang naglapitan ang mga bata,pamilyar na rin sa akin ang mga bata dito dahil lagi nga akong nandito dahil lagi naman akong may free time.

"Hi po ate Krystal! Ang ganda nyo naman po,sana po paglaki ko maging kasing ganda ko po kayo" sabi ni Abby sa akin habang halos abot tenga ang ngiti,4 yrs. old pa lang siya ulilang lubos na siya at dahil wala na ngang mag aalaga kaya dito na lang siya dinala .

"Maganda ka kaya Abby and I'm sure mas gaganda ka pa pag lumaki ka" sabi ko sa kanya habang nakaluhod upang magpantay kami at sabay ayos ng kaniyang buhok.

"Ate Krystal ano pong pangarap ninyo? Ako po pangarap ko pong ikasal agad kase po sabi po nila Sister Eva masarap at masaya daw po ang buhay pag kasal ka na e" inosenteng sabi sa akin ni Eriel habang nakangiti at hinihintay ang aking tugon lahat ng mata ng mga bata ay nasa akin upang alamin ang pangarap ko,halos di ko mabuka ang bibig ko how ironic dahil iyan din ang aking pangarap noon sana di niya maranasan ang naranasan ko sa buhay na minsan ko ring pinangarap.

"Hay na ko mga bata hayaan nyo na yang si ate Krystal nyo wag nyo na siyang guluhin pa" sabi ni Sister Mely sa mga bata,siguro ay nahalata niyang di ko kayang sagutin ang tanong ni Eriel kaya pinatigil na lang niya,tinigilan na nga ako ng mga bata paalis na sana sila para iwan kami ni Sister ng magsalita ako.

"Pangarap kong maging masaya" sabi ko sa mga bata at tila nagulat sila sa aking tugon maging si Sister Mely dahil pati siya ay napatingin sa akin at may nagtatakang tingin sa akin.

"Po ate Krystal?pangarap mo pong maging masaya?" Tila naguguluhan na tanong muli ni Eriel sa akin,kaya't sinagot ko ulit siya sa paraang maiintindihan niya.

"Ganito kasi yan mga bata sa buhay natin di lang naman puro saya ang mararanasan natin sa buhay makakaranas din tayo ng lungkot,sakit at marami pa at sa sitwasyon ko parang di ko na naranasan pang sumaya kaya nga naiinggit ako sainyo e kase di niyo pa nararanasan ang sitwasyon ko lagi lang kayong masaya walang problema,kaya yun ang pangarap ko pangarap ko maging masaya" malumanay na pagpapaliwanag ko sa mga bata,pinipigilan kong tumulo ang aking luha sa harapan nila kaya't tumayo na lamang ako at nagpaalam na sa kanila agad naman na silang bumalik sa paglalaro at ako naman ay sinamahan na ni sister Mely papunta sa aking sasakyan.

"Alam mo Krystal marami pang magagandang bagay ang darating sa buhay mo nakikita ko" sabi sa akin ni Sister Mely habang naglalakad sa hallway papunta sa aking sasakyan,nginitian ko na lang ang sinabi niya habang tahimik  na nakamasid sa dinadaanan namin naisip ko na lang kung ano nga ba ang mga magandang bagay na dumating sa buhay ko kasi parang wala naman kung meron man kase lahat ng magandang nangyari sa akin ay pansamantala lang at ang iba pa ay may kapalit.

"Kung ako sayo hindi ako mag paapekto sa mga gumugulo sa isip ko hindi ako mag paapekto sa mga sinasabi ng iba gagawin ko lang ang gusto ko Krystal ang mahalaga sa lahat ay alam mo ang sinasabi ng puso mo choose what you want and love to do wag mong ikulong ang sarili mo sa isang bagay lang" nakangiting payo sa akin ni Sister Mely bago niya ako iwan sa aking sasakyan.

Pag pasok ko pa lang sa sasakyan ambigat na ng aking pakiramdam dapat ko na nga bang bitawan ang pagmamahal ko sa kanya? Dapat na nga ba akong bumalik sa kung ano ang gusto kong gawin? Please lord bigyan mo ako ng sign pleSe para alam ko ang gagawin ko,pagkatapos non ay tinignan ko ang relong pambisig na suot ko pasado ala-sais na rin pala ako nakaalis sa orphanage.

Dahil ayoko pang umuwi pumunta muna ako sa malapit na park sa may orphanage,pag pumupunta talaga ako sa park nakakapag isip ako ng maayos at nawawala ang inis at stress ko. Kaya't bago pa lumalim ang gabi ay sinimulan ko nang magmaneho halos labing limang minuto lang akong nagmaneho  bago ako nakarating sa park.

Pagbaba ko ng sasakyan ay agad akong naupo sa isang bench malapit sa mga batang naglalaro kahit palubog na ang araw ay marami pa rin talaga ang nandito sa park gaya ng isang pamilyang nakaupo sa damuhan at masayang kumakain nakakainggit sila dahil simula bata bibihira lang kaming lumabas ng parents ko dahil lagi silang busy sa hospital namin kahit hanggang ngayon naman nothing really change.

Marami rin ang mga magkasintahan nandito sa parke isang tingin mo lang sa kanila makikita mo talaga na nagmamahalan sila at mahahalata mong halos sigurado na sila sa isa't isa sana balang araw ay madama ko din yan kay mark sana makita ko din ang pagmamahal na iyan sa mga mata ni mark kahit isang beses man lang.

"Balot! Penoy! Balot!" Sigaw ng naglalako ng balot sa harapan ko agad ko itong tinawag at bumili ng apat na balot sa lahat ng street foods eto ang pinaka namiss ko,bumili na rin ako ng isang bote ng softdrinks at bumalik na ako sa bench kung saan ako nakaupo kanina.

Halos tatlumpung minuto na akong nakaupo dito at kasalukuyan kong binubuksan ang pang apat kong balot may bigla na lamang tumabi sa akin nung una ay di ko siya pinansin dahil nasa parke ako kahit sino ay pwedeng umupo kung saan nila gustuhin ngunit sa daming bakanteng bench dito bakit sa tabi ko pa siya umupo? Whatever..

"Alam mo bang masama sa katawan ang sobrang junk foods?" sabi ng lalaking katabi ko nakatagilid ako sa kanya kaya't di ko makita ang kanyang mukha ngunit pamilyar sa akin ang boses niya parang narinig ko na yun somewhere e saan nga ba yun kaya't dahil sa kuryosidad ay nilingon ko siya at laking gulat ko ng mapagtanto ko kung sino ito it's the guy from the supermarket earlier. And for the second time, I meet his amber eyes, Nakaramdam ako ng kuryente ng manatili akong nakatingin sa kanya and I can't hold it anymore kaya't ako na lang ang unang nag alis ng tingin dahil hindi ko kaya ang intense feeling sa pagitan namin.

"Sinusundan mo ba ako mister?!" Nakataas na kilay na tanong ko sa estrangherong lalaki sa aking harapan,at tulad kanina ay ganon pa rin ang suot niya and kahit halos isang metro ang layo niya sa akin ay amoy ko pa rin ang mamahalin niyang pabango.

"Why? Is this park yours? Huh?" Nakangising balik tanong sa akin ng estrangherong lalaki,at dahil sa inis ay hindi ko na lamang siya pinansin at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng balot.

"Tss alam mo ang ganda mo sana suplada ka lang at ang taray mo miss" sabi sa akin ng lalaking eto na akal mo kung sino!

"Excuse me mister whoever,I don't care what you will say and I don't know you,so why will I be nice to you huh?!" Mataray ko na sagot sa estrangherong lalaki na ito.

"Tsk di mo na ako kailangan tawaging 'mister whoever' 'cause I have a name and my name is Owen Kyle Oliveros,miss." nakangisi muling sabi niya sa akin sabay lahad ng kamay senyales na makipag kamay ako at alamin ang pangalan ko.

"Whatever, I'am Krystal Jean Vasquez" walang ganang sabi ko sabay abot sa kamay niya at nag shake hands kami.

"You know what? Hindi mo kailangan maging malungkot,matuto kang maging masaya. Learn to be happy for your own 'wag mong iaasa lagi ang kasiyahan mo sa iba,because after all you will be alone in time, bahala ka baka pagsisihan mo sa huli. Choose what you want and love to do,Krystal. " sincere na sabi sa akin ni Owen bago siya umalis at naglakad papalayo sa akin.

"Choose what you want and love to do" parang nag echo sa tenga at isip ko ang mga huling katagang sinabi sa akin nila sister Mely at Owen parang nagkataon lang na pareho nila akong sinabihan nito.

Lord, is this a sign??

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

💚💙💜