webnovel

Prologue

Okey na'ko

Humilom na ang puso buhat ng 'yong paglayo

Okey na'ko

Natutunan ko ng umalis sa lugar,

Kung saan iniwan mo ko

Okey na'ko

Tumahan na ang pusong gabi-gabing umiyak

Mula nang tinaboy mo

Okey na'ko

Natutunan ko ng sumaya

Kahit wala ka sa tabi ko

Oo, okey na'ko

Sa loob ng mahabang panahon

Na tiniis ang sakit

At

Mga labing humihikbi

Na pinipilit ikubli

Kung paanong ang sakit ay gumuguhit sa bawat ugat na dumadaloy sa pusong unti-unti...

Unti-unti nang napapagod,

Mga binting nanginginig,

Mga brasong nilalamig

Buhat ng paghihintay sa'yong pagbabalik

Dahil pinangako mo sakin

Na "Babalikan kita mahal"

Pero bakit nakita kang..

"May kasamang iba"

At bakas sayo ang kasiyahan,

Nasaksihan kung paanong ang ngiti mo'y ako lang ang dahilan

Pero mali,

Mali nga ata ako,

"Sya na ang dahilan"

Tiniis ko ang sakit,

Kung paanong ang mata'y wala ng mailuha

Tiniis ko ang hapdi,

Kung paanong ang kasinungalingan mo ay pinaniwalaang bigla,

Tiniis ko ang hirap

Kung paanong hiniling mo'y ihinto muna lahat

Sa pag-aakala na gusto mong magpahinga,

Di akalain na palusot lang pala,

Mas pinili mo'kong mag-isa,

Para makasama sya,

Mas pinili mong masaktan ako ng sobra

Mapasaya lang siya,

At mas pinili mong wasakin ang aking puso

Sa kagustuhan mong piliin sya

At sa paglipas ng panahon

Kasabay ng pagbangon,

Mula sa banig ng pagkalugmok

Pero bakit sa likod ng lahat,

bumalik kang bigla,

at makikiusap na muling pagbigyan ka,

na para bang kending kay daling ibigay sa bata,

Hindi ganun kadali,

Pagkat hindi na ikaw ang pinipili

At pipiliing mahaling muli

Kaya pakiusap, wag ka ng bumalik

Tama na 'yong sinaktan mo ko ng sobra

Tama na yung binuhos na luha

Tama na, kasi masaya na ako

Kaya pakiusap

Ngayon lang ako nakaramdam ng kaligayahan

Kaya wag mo ng hadlangan,

Makakaalis ka na,

Hindi na kita kayang mahalin pa,

Pasensya,

Ngayo'y may mahal na kong iba

Pasensya,

Hindi na ko tanga,

Pasensya,

Hinding-hindi na ko manghihinayang pa,

Natuto na ako,

Hindi na ako tulad ng dating minahal mo,

Na akala mong muling magpapaloko,

Masaya na ako,

Okey na'ko,

Kaya pakiusap,

Umalis ka na,

Maligaya na ako sa piling niya.