V4. CHAPTER 12 – Citrus Crepe
ARIANNE'S POV
Nang um-okay ako kay Aldred ay agad niya akong tinanong kung saan ko gustong pumunta. As usual ay una kong binanggit ang bookstore. We immediately went there then I scanned a couple of books and a number of people around.
Siguro dahil sa ganda ng hapon kaya't mas marami ang napiling maglakwatsa. Tinignan ko ang kaliwang kamay ko at nilapat ito sa dibdib ko. I inhaled then exhaled. I did it not because I feel anxious about the crowd but because of how I'm surprise that I don't feel anything at all in this kind of surrounding.
"Ah sorry Arianne," saad ni Aldred ng matabig niya ang librong hawak ko. Singkit mata ko siyang tinignan. Ang luwag kasi talaga sa pwesto namin pero nagsusumiksik siya sa tabi ko.
"Arianne, alam mo ba na tatlo yung heart ng octopus tapos blue yung blood nila?" Hawak-hawak ni Aldred ang librong Sputnik Sweetheart ni Haruki Murakami. Siningkitan ko siya bago ako tumango bilang tugon, "Ang cool di ba? Ta's 2/3 ng neurons nila nagre-reside sa mga arms nila hindi sa utak, kaya hindi mo sila pwedeng sabihan na 'Oy nasa talampakan ba 'yang kokote mo?" saad niya with matching voice emulation.
Natawa ako't napatigil sa pagbabasa ng libro, "Gusto mo ba ng octopus?"
Mabilis siyang tumango, "Oo, interesting kasi sila. Nisusundan ko nga yung mga studies and researches tungkol sa kanila. Nakaka-curious kasi, minsan nga iniisip ko baka mga alien sila. Ikaw Arianne gusto mo ba ng octopus?"
Ngumiti ako at sinara ang librong hawak ko, "Oo, kapag nagiging takoyaki na sila," tugon ko. Saglit siyang natahimik at napa-isip bago gulat na mag-react.
"Eh? Ayaw mo ba sa kanila?"
"Oo, ayoko kasi sa mga hayop na lagpas sa apat ang paa or galamay."
Marahang tumango si Aldred.
"Ah, kaya gusto mo ng takoyaki kasi isang galamay na lang ng octopus ang nandoon," seryosong konklusyon niya na kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan ko pero logically ay tama naman kung tutuusin.
Napahagikgik ako at napatugon, "Parang ganoon na nga."
Noong nakaraan habang hindi pa ako pumapasok ay tinignan ko yung mga libro ko sa shelf. Lahat nabasa ko na at walang bago. Meron akong nagustuhan sa mga na-scan ko ngayon pero wala ako sa mood na magbasa. Ako kasi yung tipo ng tao na who reads for four hours or don't read for four months. There is no in between.
"Arianne, di ba fave mo 'tong Emma?" biglang tanong ni Aldred. Gulat ko siyang tinignan kaya nakita ko ang hawak niyang libro.
"How did you know?" Pagtataka ko.
"Sinabi mo sa akin dati," he smiled at namangha ako. I was about to ask him something but his next action void what I have in mind.
"Vanity working on a weak head, produces every sort of mischief," Aldred quoted. Nilakihan niya pa talaga ang boses niya kaya natawa ako.
"Nabasa mo na 'to?"
"Oo, kinabukasan pagkatapos nating mag-usap noon bumili ako ka agad para basahin," he grinned showing his pearly whites. Hindi ko alam kung bakit pero yung thought na sinabi ko pala dati sa kaniya na fave book ko ang Emma then nag-abala siyang basahin ito kagad lit something inside of me. Kinuha ko kay Aldred ang libro at isa iyong maling desisyon. Normal lang na dumampi yung kamay ko sa kamay niya pero abnormal kasi na tumibok ang puso ko.
"Did— Did you enjoy reading this?" tanong ko habang nakatago sa kinuha kong libro ang mukha ko.
Masaya siyang tumango, "Yes," he answered, smiling.
After that ay naglakad-lakad pa kami sa bookstore. I distance myself from him... para akong pusang nakabuntot lang. Aldred went from here to there hanggang sa mapadaan kami sa magazine section. Kinuha ni Aldred ang Lumiere Magazine, binuklat ito at naghanap ng certain page bago ipakita sa akin ang larawan niya.
"What can you say?"
Aldred was together with a beautiful, no, beautiful is not enough, he was together with a gorgeous woman endowed with ethereal beauty. Pareho sila ni Aldred na nakasuot ng brown themed na damit. Naka brown sweater si Aldred na turtle neck, dark gray pants at brown suede leather lace-up boots. Ganoon din ang suot ng babae pero syempre female version ng kay Aldred. Para silang couple lalo na't magka-holding hands sila.
"Pugita ka," tumawa ako.
"Pugita?" naguguluhan niyang tanong at naka-pout pa.
Matalino si Aldred pero minsan waley siya, "Ang pogi mo I mean."
Bigla ay natahimik siya. Kukunin ko sana ang hawak niyang magazine ngunit isinara niya ito sabay balik sa shelf.
"Oy, ba't mo binalik? Titignan pa nga kita e."
"Huwag na," iniwas ni Aldred ang mukha niya. Tumatawa akong lumipat ng pwesto para silipin siya. Naabutan ko itong namumula kaya nangiti ako. Anyway, ang cute ni Aldred. Nakita ko na lang ang sarili ko na tinusok ang pisngi niya. Tinignan niya ako ng masama.
"So—Sorry," agad kong sabi dahil baka nainis ko siya.
Tumikhim si Aldred kaya na-tense ako.
"Sorry!" I said again.
"Huh? Okay lang,"
Bumilog ang mga mata ni Aldred. He is smiling but his eyes are worried. Lumapit siya sa akin then pat my head gently. Natameme ako. Para akong marshmallow na binibilog niya. He stroke my head more and I feel like I'm about to purr. Tumigil siya ng dumikit ako sa kaniya para kunin ang kaninang magazine.
"Ma—Mari 'tong mga suot niyo di ba? Si—Sino pala 'tong kasama mong girl? Ang—Ang ganda niya sobra."
I'm stuttering and it's really embarrassing.
"Si Ate Candice 'yan. Current pride ng SOMA. Bukod sa maganda, matalino rin 'yan saka mabait," proud niyang sabi.
Medyo naalala ko nga – Si Candice Molina. Madalas siyang pag-kwentuhan ng mga kaklase ko. Sa pagkakaalala ko nga ay grumadweyt siyang rank 1 ng SES.
"Parang boyfriend lang a, proud na proud pero bagay kayo," saad ko habang nakatingin ng maigi sa pahina.
"Baliw," aniya. Lumingon ako sa kaniya at naabutan ko ang nakakunot niyang kilay at mahabang pag-nguso, "Oo, sabi nga nila bagay kami pero parang ate ko lang siya promise saka may boyfriend na si Ate Candice kaya don't worry," paliwanag niya na may pagka-defensive.
Ako naman ang nagkunot ng kilay.
Nag-scan pa kami ng ibang magazine. Fashion mag – naka-highlight ang mga modelo ng SOMA kabilang sina Natalie at Aldred; lifestyle mag – about sa pamumuhay ng prestihiyosong pamilya Alcantara; sports mag; gaming mag at anime mag. Habang busy ako sa pagbabasa ng isang art mag ay inagaw ni Aldred ang atensyon ko.
"Arianne look, nabasa mo na ba 'tong magazine na 'to?" Pinagmasdan ko kung ano ang tinutukoy niya at biglang nanlaki ang mga mata ko. Agad ko siyang nilapitan.
"Hindi ko 'to mabili kasi sabi nila 18 above lang daw pwede bumili nito. Saka bakit tinatakpan ng papel yung 1/3 ng cover?" tanong niya na sinagot ko ng pagkurot sa braso niya. Kinuha ko ang hawak niyang magazine at ibinalik ito sa shelf.
Buti na lamang at dalawang bata lang ang nasa paligid. Napalingon sila sa amin at nagtawanan.
"Ouch! Bakit?!" reklamo niya na nakapag-alala sa akin.
"So—Sorry— NO!" Hinila ko si Aldred palabas ng bookstore.
"Siraulo ka talaga!"
"Bakit naman?! Nagtatanong lang naman ako a!"
Gusto ko siyang sapukin pero by the look of his eyes ay mukhang wala nga talaga siyang kamuwang-muwang sa tinanong niya.
"Sorry, argh! Kasi naman, tsk!" Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya.
Tinignan ko si Aldred. Yung kanina niyang iritable na pagmumukha dahil sa pagkurot ko ay napalitan ng inosenteng ekspresyon. Naghahanap ng mga kasagutan ang kumikinang niyang mga mata kaya napabuntong hininga na lang ako.
"May nagawa ba akong masama Arianne? Kaya nagalit ka sa akin?" he asked. Napatitig ako sa ngayong nag-aalala na niyang ekspresyon.
"Wala, I'm just over reacting. Gusto mo ba ng ice cream?"
Masaya siyang tumango kaya napangiti ako.
So easy...
Naglakad kami at tumungo sa Caramia. Pagkapasok sa creamery ay napansin ko ang paglingon at pagbulungan ng ilang customer. Halos lahat ng nasa loob ay teenager at estudyante. Rinig na rinig ko ang pangalan ni Aldred sa bawat galaw ng bibig nila.
"A—Anong gusto mo?"
"Pistachio,"
"O—Okay, sige ma—maupo ka na. Ako na o-order."
"Hindi na, take out na lang. Saka sasamahan na lang kita."
"O—Okay,"
May pumila sa likod namin kaya nag-move si Aldred. Dumampi ang braso ko sa braso niya. It's just a brash contact but it managed to leave a different sensation. Spark? Nagtayuan ang mga balahibo ko.
"Arianne, are you alright?"
Malinaw na pumasok sa tenga ko ang boses ni Aldred. Uminit saglit ang mga pisngi ko hanggang sa mas nangibabaw sa pandinig ko ang bulungan ng mga nasa paligid. Nakita ko na lang ang sarili ko na humawak sa laylayan ng polo niya.
"I-I'm fine," tugon ko. Napansin ko ang paglungkot ng mga mata ni Aldred.
"Ano po sa inyo, mam?"
"A—Aldred..." mahina kong sambit.
"Huh? Ako yung gusto mo?" He smirked.
I snapped. Inalis ko ang hawak sa damit ni Aldred. I eyed him. Yung klase na unti-unting nanliliit ang mga mata ko.
"Just kidding," he grinned happily. Marahan kong nilipat sa cashier ang atensyon ko.
"1 Pistachio and 1 choco mint. Both 3 scoops please."
Pagkaabot ng ice cream ay lumabas na kami at iniwan ang mga tao sa shop na paniguradong may kaniya-kaniyang konklusyon sa mga utak nila. I can't help not to think about what they're thinking and it makes me anxious. Kinain ko na lang ang ice cream para gumaan ang pakiramdam ko. Nakailang subo na ako nang mapansin ko ang pagtingin sa akin ni Aldred dahilan para mailang ako.
"May dumi ba ako sa mukha?" I asked na inilingan niya agad.
"Favorite flavor mo 'yan, Arianne?"
Tumango ako.
"Ikaw ba? Favorite mo 'yan?"
"Hindi," tugon niya sabay subo ng ice cream. May bahid na natira sa gilid ng labi niya kaya nakaka-distract. Gusto ko iyong punasan pero baka kung ano ang isipin niya.
"Same tayo. Fave ko rin 'yang choco mint," abot tenga ang mga ngiti niya. Tuwang-tuwa siya na sumubo pa. Tss, para talagang bata kaya nangingiti ako. Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko at pinunasan ko na ng tissue ang gilid ng labi niya.
Naglalakad kaming dalawa at hindi ko na alam kung saan kami patungo. Napuntahan ko na lahat ng gusto ko. Maaga-aga pa kaya okay lang naman na maglibot pa kami pero ang gusto ko ay sa kung saan naman gusto pumunta ni Aldred.
"Bakit hindi 'to yung binili mo?" tanong ko pagkapunas. Hindi umimik si Aldred at nakatulala lang sa akin. Tinapik ko ang braso niya at para siyang laruang di susi na bigla na lang umaandar at tumakbo papaalis ng hindi ako hinihintay.
ALDRED'S POV
"Bwiset," I whispered to myself. Kinailangan kong lumayo dahil kanina pa ako sinusubok ni Arianne. Hindi ko alam kung nananadya siya pero kung hindi ay isang siyang dakilang manhid.
"Manhid! Manhid! Manhid!"
Matalino si Arianne, mabilis makabasa ng mga sitwasyon at observant pero hindi niya ba naiintindihan yung mga kilos ko? Kailangan ko ba uling i-pwersa ang sarili ko sa kaniya para malaman niya na gusto ko siya? Nakaka-bwiset. I'm trying here not to repeat my mistakes pero ito siya't niti-tempt ako.
Yung paglagay niya ng pulbo sa likod ko? Yung pagsabi niya na ang pogi ko? Yung pagtusok niya sa pisngi ko? Tapos yung pagpunas niya sa gilid ng labi ko? Para saan yung mga iyon?
Anak ng!
Hindi ko mapigilang mangatal ang aking labi. Tinignan ko ang ice cream na aking hawak at dahil sa inis at pagtitimpi ay sinubo ko lahat iyon para maubos. Nangilo ang utak ko sa lamig pero hindi nito natalo ang mga pisngi kong kanina pa talaga nag-iinit. Nang-mag cool na ang aking pakiramdam at lumabas na ang steam ng aking katawan ay pumihit ako patalikod. Tatawagin ko sana si Arianne pero hindi ko siya nakita. Doon ko lang na-realize na malayo pala ang narating ng inisip kong konting pagdistansya sa presensya niya.
"Shit!"
Nasabunutan ko ang aking sarili saka nagmadaling pumunta pabalik kay Arianne. Ang daming tao ngayon pero wala akong pake kung mabunggo ko sila at singhalan nila ako. Ang mahalaga ay makita ko kagad siya. Nakabalik ako sa kung saan kami huling magkasama pero wala na siya. Tinawag ko ang ngalan ni Arianne ngunit tanging tingin lamang ng mga ibang tao ang sumagot.
"Where the heck did she go?!"
I look around. Nagtanong ako sa mga stalls pero di nila ako mabigyan ng sagot.
"Kuya, Ate may nakita po ba kayong babae? Maganda, chestnut colored hair, matangkad, pinkish cheeks, parang anghel o diwata..."
Umiling lang yung mga tinanong ko. Nag-aalala na ako para kay Arianne. Paano kung may nang-hit sa kaniyang mga lalaki ta's nikuha siya? Tas ni-kiss siya, niyakap siya, tapos, tapos, tapos!
WAAAAAAHHHHH!
Nagpa-panic kong kinuha ang aking cellphone sa aking bulsa. Tatawagan ko na sana siya ngunit habang nida-dial ko pa lang ang kaniyang numero ay may biglang kumapit sa aking braso. Nilingon ko kagad kung sino iyon at tumambad sa akin ang humahagulgol na diwata.
"Sa—Saan ka pu—pumunta?" humihikbing tanong ni Arianne. Napatulala ako sa kaniyang magandang mukha na basang-basa ng luha, sa walang tono niyang paghikbi, takot at nanginginig na mga kamay at sa nauupos niyang paghinga.
"A—Aldred," she cried.
Naglingunan sa'min ang mga tao sa paligid.
"I—I'm sorry," tanging nasambit ko habang naguguluhan at nakatulala sa kaniya.
"Ang bad mo! Ang bad mo! Ang bad mo! Iniwan mo ako," saad niya na ikinagulat ko bago ipinag-alala ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya umiiyak.
"I'm sorry. I'm really sorry," paulit-ulit ko namang sinabi kahit na hindi ko alam kung anong nangyayari.
Niyakap ko si Arianne at naramdaman ko sa aking dibdib ang pagbuhos ng likido galing sa mga mata niya. Ngayon ay na-realize ko na, it should be obvious to me that Arianne is having an anxiety attack because of me.
Napaka-careless ko. Napaka walang kwenta. Napakabobo. Matapos ko siyang yayain na maglibot ay iniwan ko siya. Sabi ng Papa niya ay ingatan ko siya. Pinagkatiwala siya sa akin pero ito ako't pinabayaan siya.
"I'm here already so calm down, okay?"
Napakarami ng nakatingin sa amin kaya kinuha ko ang nanginginig na kamay ni Arianne. Napakalamig nito. Dinala ko siya sa lugar kung saan makakahinga siya ng maluwag hanggang sa mapunta kami sa kaka-open lang na bahagi ng Central Mall.
"Bakit mo ako iniwan? Bakit ka umalis?" Humihikbi niyang mga tanong.
"Sorry," tanging nasabi ko. Gusto kong sabihin na tumigil na siya sa pag-iyak pero alam ko na non-sense iyon. Kailangan niyang ilabas ang nararamdaman niyang takot kaya mas maigi kung hahayaan ko siya hanggang sa mawala ito. Inalo ko na lang siya habang hinihimas ang likod niya.
"Do you want water?" tanong ko habang pinupunasan ang mukha ni Arianne. Tumango naman siya.
Kasalukuyan kaming nasa isang open crepe shop na walang customer. Pinaupo ko si Arianne sa dinisenyuhang steel chair para makabili sana ako ng maiinom pero bigla siyang nag-panic ng bitawan ko ang kaniyang mga kamay.
"Hu-Huwag mo nga ako iwan sabi e!" biglang sigaw niya na matindi kong ikinagulat. Kinuha ni Arianne ang aking kamay at mahigpit na humawak dito.
"So—Sorry, pero kukuha lang ako ng tubig mo," paliwanag ko. Tinitigan niya akong maigi bago umiling ng paulit-ulit at umiyak ng matindi.
"Di—Dito ka lang. please. Please," pagsusumamo niya na nagpakirot bigla sa puso ko.
Parang bata si Arianne na nagta-tantrums. Hinahatak niya ako. Pinipilit niya ako paupuin sa tabi niya kahit na pang-isang tao lang iyon. Noong una ay napapatitig lamang ako sa kaniya dahil hindi ko talaga alam ang gagawin. I'm dumbfounded and kind of afraid on what is happening to her.
"Aldred..." she cried again that made me worried. Pinalipat ko siya sa maluwag-luwag at doon ko siya tinabihan.
I should like what is happening... to be touched by her, to be needed by her pero sobra siyang nakakaawa. I sit together with Arianne and she immediately shoved her face on my chest at umiyak siya ng umiyak. I really don't know what to do.
All my knowledge is useless. Wala akong kwenta, walang pakinabang kasi hindi ko man lang siya matulungan. Sa totoo ay gusto ko na rin siyang sabayan sa pag-iyak. Tumingala na lang ako para mabalik yung patulo na ring likido sa mga mata ko.
"Sshh, sshh, shhh." Hinaplos ko ang bunbunan ni Arianne katulad ng ginagawa ko sa tuwing umiiyak si Monique.
Arianne's hair is so soft, ang bango rin nito at amoy citrus. I hummed the tune of Amazing Grace while stroking her hair. Hindi ko na maalala kung kailan ko ito unang napakinggan ngunit sa tuwing naririnig ko ito ay gumagaan ang pakiramdam ko and I hope she will too.
I looked down to check on her but I only see her vulnerable face. She's crying but she's still adorable like an octopus. Kasingtindi rin ng octopus ang kapit niya sa akin. Looking at her like this, Arianne's appearance draws out a small smile on my face and this is frustrating.
I sighed after realizing how pathetic I am for smiling at the time of her weakness.
"LQ?" tanong ng nag-iisang tao sa stall ng crepe shop.
Umiling ako, "Hindi po," sagot ko sabay tingin kay Arianne. Pinagpatuloy ko ang paghaplos sa bumbunan niya.
"Anxiety attack po,"
Saglit ay lumapit ang babae sa akin at inabutan ako ng tubig.
"Mamaya mo na bayaran kapag okay na,"
Tumango ako at nagpasalamat.
Tahimik sa lugar na ito kaya tanging paghikbi lang ni Arianne at pagkabog ng aking dibdib ang maririnig. Tinignan ko ang stall ng crepe shop at mukhang bago pa lamang. Variety ng fruit crepes ang tinitinda nila at mukhang masarap naman. Tinignan ko ang paligid at halos walang katao-tao bukod sa dalawang couple na nakaupo sa may magkaibang bench, sa aming dalawa ni Arianne na narito sa walang customer na shop at sa tindera ng crepe shop na naabutan kong humikab ng malaki.
"Gusto mo ng crepe?" tanong ko kay Arianne na umagaw din ng atensyon ng tindera.
"Ayaw," umiling si Arianne at narinig ko ang pag-usok ng ilong ng nagtitinda.
Medyo nangangalay na ako sa pwesto namin. Nakaupo kami at magkatabi. Nasa left side ko siya at naka-angkla ng mahigpit sa aking braso tapos yung mukha niya ay nakasubsob sa aking dibdib. Sa tuwing imo-move ko yung kaliwa kong braso ay nararamdaman ko kung saan nakapagitna ito. Masaya sana kung hindi sa ganitong sitwasyon. Aayos sana ako para maging komportable ng biglang magulat siya at mag-panic nanaman.
Tinignan niya ako ng masama habang may bahid ng likido na tumutulo sa ilong niya.
"Sorry, sorry. Aayos lang ako para hindi ka mahirapan."
Umiling si Arianne ng matindi at galit na nag-react.
"Hindi! Iiwan mo nanaman ako e!" she cried and her eyes are desperate. Napatanga na lang ako.
"No, hindi promise," saad ko saka ibinalik siya sa aking tabi.
Nakita ko na kung paano mahiya si Arianne, tumawa, malungkot, mairita, ngumiti, umirap, umiyak, magseryoso at magalit pero ngayon ko lang siya nakitang ganito.
The Arianne that I formed inside my head is a mature young lady pero ngayon ito siya at parang bata. I pat her citrus-scented head gently again, and again and so on.
Orange juice... orange ribbon... Orange scent... My Arianne likes her orange so much.
Magdidilim na at umiihip na ang malamig na hangin pero ito ako't parang lalagnatin sa tuwing dinadama ko si Arianne. Suddenly I have this urge to kiss her forehead.
Yumuko ako nang bigla na lamang mag-looked up si Arianne. Napatigil ako at tumigil din siya pero nagulat ako noong biglang siya ang tumuloy ng naudlot kong halik. Her kiss lasted only for a second but it's sensation remained intact on my lips. Her softness, her taste... she has a strawberry flavored lipbalm that I already tasted though this time it's kind of salty.
I am the first to moved my lips away, "A—Arianne," I stuterred. Nasa gitna ako ng pagkagulat at pagkalito.
"Aldred, I don't like it," she said on a serious tone. Naguluhan naman ako.
Wait, she doesn't like my lips?
"Sa play, when Natalie kissed you. I don't like it," saad niya na nagpa-isip sa akin bago ako nagulat.
"Wait, Arianne nakakaalala ka na?" mangha kong tanong na hindi niya sinagot.
Ipinantay ni Arianne ang mukha niya sa akin at pumagitna ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Okay na sana, I am reading the situation pero medyo nawala ako sa wisyo ng maramdaman ko ang dibdib niya. Don't get me wrong, I felt Arianne's full chest size there and it's big but believe me, that's not the reason why I'm having an unsteady breath.
Concentrate, concentrate. Inhale, exhale. When did? Wait nakakaalala na ba talaga siya?
Pinag-aralan ko si Arianne at sobrang pula ng mukha niya. Her hands no longer cold and her breath became warm. She leaned closer then touch her forehead onto mine. I feel her warmth and that energy alone made my heart race. Yung puso ko parang katulad ng mga stereo sa mga patok na jeep. Tumatalbog-talbog at gustong kumawala.
"Aria—"
I stopped when she cupped my face.
Anak ng kamote! Diyos por santo! What is happening? Malapit na ba akong mamatay para mangyari sa'kin 'to?
Lumunok ako ng matindi. The Arianne that I formed inside my head is the Arianne infront of me right now. Matured, sexy and overwhelming! Ngayon ko lang hindi kinayang makipagtitigan sa napakaganda niyang mga mata. Parang lalamunin niya kasi ako. Is she really just 18? How come she stare at me like that?
Mama!
"Huwag ka na makikipag-kiss sa kaniya or any other girls..." she sniffed, "Masakit dito," Tinuro niya yung dibdib niya. "Hindi ako makahinga," she cried, "Tapos dito," tinuro niya yung ulo niya, "Parang sasabog."
Napatitig ako sa kaniya ng maigi, "What do you mean?"
She stared at me too. Eye to eye. I didn't talk but my heart speaks. It beats so much like I just finished running in a marathon. I don't know if it's because of her anxiety attack but I do know that what she's saying is a fit of jealousy. Instead of speaking, I pat her head gently while looking away. I'm trying to avoid her eyes dahil parang magiging dahilan iyon ng pagsabog ng puso ko. Ang mahirap lamang ay sinasadya niya na tanging siya lang ang makikita ko.
I can't believe what is happening. Arianne just wants me for herself... Hindi ba ako nananaginip? Hindi kaya noong mag-panic si Arianne ay nag-panic din ako at nahimatay?
Bigla ay isiniksik niya yung kaniyang ulo sa leeg ko. She inhaled and exhaled there dangerously toxifying my head with her sweet breath. Never pa akong nakainom ng alcoholic drink pero parang pakiramdam ko ay nalalasing ako. I hugged her tight feeling her body and she didn't bother it.
"I love you... so much, Aldred," mahinang sabi ni Arianne na ikinatigil ng buong sistema ko maliban lang ata sa aking circulatory system. Sa sobrang pag-pump ng puso ko ay umangat kagad ang dugo sa aking pisngi at nag-init ito dahil sa narinig.
"I—I love you too. So much,"
"I don't want to forget you anymore, okay?"
Nagtaka ako. Hindi ko sure kung nakakaalala na siya or it's just her anxiety that is talking.
"Aldred, wag mo ako susukuan a," dagdag niya at naramdaman ko ang mainit na likido sa aking leeg. Arianne is crying again. Gusto kong makita ang mukha niya pero di niya ako hinayaan.
"I'm a selfish girl for real. My heart loves you so much but my brain will force me to forget about you. No matter how much I hurt you, please ako pa rin yung mahalin mo a. I will return, okay? I will return. So please'wag kang mapagod na piliin ako kahit masaktan ka."
Dumilim na ang langit at naglabasan na ang mga bituin. Binalak kong bilangin ang mga iyon habang akap-akap ko si Arianne pero naglabo ang paningin ko. I don't know what is happening pero ramdam ko yung sakit habang nagsasalita siya. Pagkakagat ko sa aking labi ay tuluyan na ring tumulo ang mga maiinit na likido galing sa aking mga mata.
Noong kinuha ko yung batong pinukpok sa akin ni Carlo at simulan itong pahalagahan ay anticipated ko na ang mga pagsubok na darating.
What is love? Love is a complex set of emotions, behavior, and beliefs. Love is patient, love is kind it does not envy does not boast. Love is abstract. Love is just a word until someone comes and gives it meaning.
Paano mo masasabi na mahal mo ang isang tao?
Lately, nalaman ko na love is always a sacrifice.
"Promise I will wait," tugon ko and I heard her snore. Hindi ko napigilang matawa at mapatingala na lang sa madilim ng kalangitan. Siguro sa iba normal na afternoon lang ang lumipas pero sa akin ay isang regalo galing sa itaas ang nagdaan. Golden clouds and sky, malutong at malinamnam na chicken, mga galamay ng octopus, nakakangilong ice cream at mga butuin na nagniningning na ngayon sa itaas.
I love a girl at first sight. I didn't know that she is this problematic but I'm happy that I am a part now of whatever her problems are. Nasa kalingkingan pa nga lang ata talaga ako kung sino siya pero ang mahalaga ay alam ko kung ano ang nilalaman ng kaniyang puso. Iyon lang ay sapat na kaya ipagpapatuloy kong kilalalanin at mas lalong mahalin siya.
♦♦♦