webnovel

Chapter 9

Ysa

"Ysa, can you please stop crying? Pinagtitinginan na tayo ng ibang customer na nandito." Saway sa akin ni Patricia ngunit mas lalo lamang akong napaluha habang napapasinga na rin ng aking sipon sa tissue napkin na ibinigay ni Bettany.

Nandito kami ngayon sa paborito naming kainan at tambayan na restaurant. Kung saan may halos isang oras na travel mula sa kamaynilaan ngunit sulit naman dahil napakatahimik ng lugar at sariwa ang hangin.

Kanina, maaga pa lamang ay tinawagan ko na sina Patricia at Bettany dahil ang bigat-bigat pa rin ng loob ko mula sa pagtatalo namin ni Nathan kagabi. Isama mo pa na umalis lang na naman ito ng bahay nang hindi nagpapaalam sa akin.

"Hayaan mo na, narinig mo naman 'yung dahilan bakit umiiyak yan eh!" Pagtatanggol ni Bettany sa akin. "Sino ba naman kasi ang matutuwa? Sa makalawa na ang alis nitong si Ysa, tapos madalas pa silang hindi okay ni Nathan ngayon." Dagdag pa nito.

"Hindi ko lang kasi maintindihan eh. A-Akala ko okay kami, napag-usapan na namin, pero sa pagtatalo namin kagabi parang kasalanan ko pa lahat ng nangyayari sa amin ngayon." Sabi ko sa mga ito atsaka muling napasinga ng aking sipon.

Napahinga ng malalim si Patricia bago ako niyakap at marahan na ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko habang hinahagod ang aking likod.

"Nalulungkot lang yun." Wika nito. "Syempre unang-una, ngayon lang kaya kayo magkakalayo. Eh halos kulang na lang nga magpalit na kayo ng itsura eh. Paano ba naman kayo lang 'yung kilala kong couple na hindi mapaghiwalay. Kung nasaan 'yung isa, kailangan nandoon din ang isa." Dagdag pa niya.

"Tama! Sa siyam na taon ninyong magkarelasyon, saksing-saksi kami na mga kaibigan ninyo sa isrtorya ng buhay n'yo, ano? Never pa naming na-witness na pumunta si Nathan o ikaw sa isang lugar na hindi kayo kasama." Pag-sang ayon naman ni Bettany kay Patricia.

Dahil sa mga pinagsasabi nila, unti-unti na rin akong tumatahan. Unti-unti nang na tutuyo ang mga luha sa mga mata ko. Napapangiti na lamang ako ng malungkot at nagpapasalamat na kasama ko silang dalawa ngayon.

Hinawakan ni Bettany ang dalawang kamay ko bago ako tinignan ng diretso sa aking mga mata at nginitian.

"Hindi ang pagiging LDR ninyo ang makakasira sa mga pinagsamahan ninyo. Okay? At mas lalong hindi kami makakapayag ni Pat." Pagkatapos ay napatingin ito kay Patricia habang napapatango rin bilang pag-sang ayon sa kanya.

"Babantayan namin si Nathan dito. Kami muna ang magsisilbi mong CCTV." Saad nito at nakipag-aper kay Bettany. "Atsaka, haler girl! Hindi kami makakapayag na dahil lang sa naging LDR kayo eh magtatapos ang lahat. Hindi namin pinaubaya ni Bettany sa'yo si Nathan para lang maghiwalay kayo, 'no?" Pagkatapos ay isang malutong na tawa ang pinakawalan nilang dalawa.

"Tama si Pat!" Tumatawa pa rin na sabi ni Bettany. "At malabo naman na lolokohin at ipagpapalit ka ni Nathan. Dahil sa ating tatlo, ikaw lang ang bukod tanging nakaagaw ng atensyon niya, wala ng iba." Dagdag pa nito.

Tama sila! Lahat kami ay crush na crush naming tatlo si Nathan noong nag-aaral pa lamang kami. Pero sa aming tatlo, sa akin lang talaga nanligaw si Nathan noon. Hindi ko nga alam no'n kung bakit ako ang nagustuhan niya eh. 'Di hamak naman na mas magaganda sakin itong dalawang kaibigan ko at ang sesexy pa!

"Kaya 'yung tampuhan ninyo ngayon, believe me, dahil lang sa mamimiss ka lang nun. At nalulungkot siya. Kaya wag kang panghinaan ng loob. Naiintindihan ni Nathan lahat at suportado ka niya palagi sa lahat ng pangarap at gusto mong gawin." Muling sabi ni Bettany.

"Tama!" Nangingiti na wika ni Patricia na para bang may naaalala. "Naalala mo nung college days natin? Nung nag-camp tayo ng one week sa Tanay Rizal, hindi nakasama si Nathan kasi ibang course naman siya sa atin kaya ang nangyari..." napatawa muna ito bago itinuloy ang kanyang kwento.

"Ang nangyari isang linggo siyang nilagnat sa sobrang pagka-miss sa'yo!" Si Bettany na ang nagtapos para kay Patricia atsaka muli na naman silang nagtawanan. Kaya naman napatawa na rin ako ng tuluyan.

Naluluha na rin ang kanilang mga mata sa sobrang pagtawa. Kasi iyong itsura naman talaga ni Nathan noon ay sobrang nakakatawa. Hindi ko akalain na ganun siya maka-miss sa isang tao.

"Tapos naalala mo ba nung nanliligaw pa siya sa'yo?" Another story na naman na dagdag ni Bettany. "Ginawa niya talaga lahat para lang mapasagot ka at makuha niya ang matamis mong 'OO' nung araw ding iyon."

"Dahil sinabi mo sa kanya na sasagutim mo lang siya kapag umuulan. Eh pa-summer na that time kaya problemadong-problemado siya!" Dagdag naman ni Patricia. "Ang ginawa niya hinintay niya talaga na umuulan, tapos inabangam ka niya sa labas ng gate habang may dalang flowers at balloons kaya wala kang choice kundi sagutin na lang siya." Pagpapatuloy niya.

"Tompak!" Pag sang-ayon muli ni Bettany na may kasama pang palaklak. "At ito pa ha, nung mag-on na kayo, nung sinabi mong sinasagot mo na siya at may ilang buwan na rin yata na kayo na no'n, sabi mo sa kanya na kung talagang seryoso siya sa'yo, kailangan magpakilala siya sa papa mo." Napatawa ako nung marinig ko iyon mula kay Bettany kasi hinding-hindi ko nakakalimutan iyon at tandang-tanda ko pa rin hanggang ngayon.

Kay papa lang dahil matagal nang wala si mama. Namatay kasi ito dahil sa isang aksidente noong maliit pa lamang ako.

"Kaya lang nung araw magpapakilala na sana siya sa mga papa mo, bigla siyang natakot, eh paano ba naman ang laki ng katawan ni Tito Fernand, sinong hindi matatakot dun? Kaya ang inaasahang pagpapakilala na dapat nobyo mo, eh biglang naging malambot hahahaha!" Hindi nito napigilang mapatawa ganoon din kami ni Patricia.

"Paano ba naman biglang nagkunwari na bakla siya, tapos tropa ko lang daw siya." Pagpapatuloy ko sa kinukwento ni Bettany at mula na naman kaming nagtawanang tatlo.

"Pero nung huli, hindi na rin siya nakapagpigil pa kaya ipinagtapat na rin n'ya ang totoo. Kaya naman hinamon siya ni Tito Fernand ng boxing kung talagang lalaki nga siya. Pero dahil mahal ka talaga ni Nathan kaya nakipag sparing talaga siya. At kahit na anong challenge pa ang ibigay sa kanya, basta para sa'yo, hindi niya inaatrasan talaga." This time, si Patricia na naman ang muling nagpatuloy.

"Kaya hindi mo masisisi si Nathan kung bakit siya nagkakaganyan. Mahal ka lang no'n ng sobra. At nalulungkot lang dahil magkakalayo na kayong dalawa." Si Bettany na muling niyakap ako.

Dahil sa mga pinagkukwentuhan namin, na-remind akong muli na walang unos o pagsubok pa ang makakatibag sa pagmamahalan na meron kami ni Nathan para sa isa't isa. Ngayong papasukin na namin ang another level ng aming relasyon, which is ang Long Distance Relationship, alam kong magkasabay at hawak kamay pa rin namin itong malalampasan.

Alam ko na ang mga pagtatalo namin ang isa sa mas lalong magpapatibay pa sa aming relasyon. Alam ko rin na kahit na anong mangyari, hindi namin hahayaan pareho na masira ang kung ano mang aming nasimulan.

Kahit na hindi man kami sanay na magkalayo, alam kong parehas naming ilalaban ito at hindi magiging hadlang ang ilang libong milya para sa aming pagmamahalan.