webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
213 Chs

Giliw?

Nagulat si Mama Fe ng mag mano sa kanya si Belen bilang pag galang sa kanya. Magkasama sila ng anak nyang si Gene ng dumating ng bahay at humarap sa kanya.

Pagkatapos nyang ma stroke, medyo okey na ang kalagayan ni Mama Fe. Nakakapagsalita na ito ng maayos pero naka wheelchair pa rin. Sabi ng duktor, may posibilidad pa daw na mapabuti pa ang kalagayan nya pero mahihirapan na itong maibalik ng sa dati dahil sa katandaan.

Tiningnan nya si Belen mula ulo hanggang paa ng makailang beses. Hindi sya makapaniwala sa kalagayan nito ngayon lalo na at mukhang may kinalalaman si Gene dito.

Sa harapan nya, kinakabahan na nakatayo at nanliliit naman si Belen sa mga tingin ni Mama Fe sa kanya. Hindi nya alam ang gagawin kung uupo ba sya o aalis na ng tuluyan.

Malaki ang utang na loob nya sa ama ni Gene dahil namatay ito sa pagliligtas ng buhay ng sarili nyang ama. Iyon din ang dahilan kaya malaki ang pag galang nya kay Mama Fe.

Kaya nahihiya sya ngayon dahil hindi nya alam ang iisipin ni Mama Fe sa kalagayan nya ngayon.

Mabuti at narito si Gene at hindi sya iniiwan.

Mama Fe: "Pakiulit nga ang sinabi mo Eugenio..."

Gene: "Ma, ako po ang ama ng pinagbubuntis ni Belen at kambal po sya. Malapit na po syang manganak, kaya kami narito para ipaalam sa inyo!"

Marahan nitong sabi para hindi mabigla ang ina.

Pero sino ba naman ang hindi mabibigla pag nadinig mong nakabuntis ang anak mo kahit sabihin pang matanda na ito?

Maging si Joel na naroon din at nakikipagkulitan sa Honey love nya, ay napahinto sa ginagawa at napatingin sa kanilang dalawa.

Nabalitaan nyang buntis si Madam Belen, pero hindi nya akalain na ang kapatid nyang si Gene ang may gawa nuon!

Nagpaalam muna sya kay Vanessa.

Joel: [Uhm... Honey love, may bisita lang kaming dumating. Maya na lang tayo magusap.

😘😘😘]

At lumapit sya sa tabi ng ina upang makinig sa kanila.

Mama Fe: "Madam Belen, tapatin mo nga ako, tinarantado ka ba ng anak ko?"

Gene: "MA!!! ...Maginoo po ang anak ninyo!"

Mama Fe: "Maginoo? Kung maginoo ka bakit nagka ganyan si Madam? Aber!"

Namula si Belen ng madinig ang sinabi ni Mama Fe.

Gusto nyang sumigaw ng: 'Oo tinarantado ako ng anak ninyo!'

Gene: "Ma, totoo pong maginoo ako! ...medyo .... bastos lang ng konti! Konti lang naman!"

Hindi na nakapag pigil si Mama Fe dahil sa sagot ng anak. Kinuha nya ang tungkod nya at hinambalos nya si Gene ng paulit ulit.

Gene: "ahh! ahh! aahhh! aray.... masakit!"

Pero hindi naman umaalis si Gene sa harapan ni Mama Fe kahit patuloy sya nitong hinahambalos ng tungkol.

Si Belen na kanina pa tahimik dahil hiyang hiya kay Mama Fe, natuwa ng makita ang ginagawa nito kay Gene.

'Hmp! Buti nga yan sa'yo!'

Nilapitan ni Joel ang ina para awatin.

Joel: "Tama na po Ma, at baka makasama na sa inyo!"

Suway nito.

Tumigil din naman agad si Mama Fe dahil napagod na rin ito.

Nang nakaramdam na ito ng maayos muli itong nagtanong.

Mama Fe: "Kelan naman nyo planong magpakasal o kasal na kayo?"

Tila bumigay ang tuhod ni Belen, nanghina ito at muntik ng nawalan ng balanse, buti na lang nasa tabi nya si Gene. Nahawakan sya nito bago tuluyang napaupo.

Gene: "GILIW!!!"

Gulat na sambit ni Gene.

Mama Fe at Joel: "Giliw?"

Nagkatinginan silang dalawa.

Gene: "Halika, dito tayo, maupo ka!"

Kitang kita ang pagaalala sa buong mukha nito.

Napansin ni Belen ang mga mukhang nagtatanong nila.

Belen: "Okey na ko!"

Nahihiyang saway nito kay Gene.

Mama Fe: "Joel, Gene, umalis na muna kayo! Iwan nyo muna kami ni Madam Belen!"

Gene: "Ma, delikado po ang pagbubuntis ni Belen, masama po sa kanya ang ma stress!"

Mama Fe: "At ano sa palagay mo ang gagawin ko sa kanya? Naka wheelchair ako baka nakakalimutan mo!"

"Umalis ka na, kailangan namin magusap!"

Ayaw nyang iwan si Belen pero ng tingnan nya ito, mas kalmado na sya ngayon. Kaya tumayo na ito matapos halikan sya noo.

Gene: "Babalik ako!"

Sabay tayo at hinatak na si Joel patungong hardin, mayroon din syang gustong sabihin sa kapatid.

Nang nawala na paningin nila ang dalawa, saka lang sila nagsimulang magusap.

Mama Fe: "Ngayong tayong dalawa na lang ang nandito, maari mo na bang sabihin ang nasa isip mo?"

Belen: "Tita, sorry po pero ... hindi ko po kayang magpakasal kay Gene!"

Inaasahan na ni Mama Fe na ito ang isasagot ni Belen dahil sa estado nila sa buhay. Isa sa pinaka mayaman at pinaka kilalang angkan ang pamilya Perdigoñez at dating bodyguard lang ang asawa nito.

Mama Fe: Naiintindihan ko!"

Pero nagulat sya sa susunod na sasabihin ni Belen.

Belen: "Tita, huwag nyo po sanang isipin na dahil sa estado natin kaya hindi ko sya kayang pakasalan. Hindi po yun ang dahilan.

Kaya ko po hindi sya kayang pakasalan ay dahil .... hindi po ako sigurado kung mahal ko sya, ayokong maging unfair sa kanya!"

'Malamang ginapang sya ni Gene... walanghiyang damuhong iyon humanda sya sa akin!'

Mama Fe: "Naintindihan ko, Madam! Hindi kita pipilitin makasal sa anak ko kung labag sa kalooban mo. Malalaki na kayo, para magdesisyon sa bagay na iyan!"

Belen: "Salamat po, Tita pero ... pwede po bang Belen na lang ang itawag nyo sa akin? Naiilang po kasi ako pag tinatawag nyong Madam!"

Mama Fe:"Okey sige, pero sana Mama Fe na ang itawag mo sa akin. Kahit hindi kayo makasal ni Gene, ikaw pa rin ang ina ng magiging mga apo ko!"

Ngumiti na si Belen at nawala na ang tensyon sa kanilang dalawa.

Sa hardin.

Joel: "Kuya, magpapakasal ka na? Ang daya naman!"

"May plano na akong mag propose kay Vanessa e!"

Gene: "Oo may plano akong magpakasal pero hindi pa sa ngayon! Pag pumayag na ang Giliw ko!" (kilig)

Joel: "Basta mauuna ako ha!"

Gene: "Oo mauna ka na hindi ako nagmamadali!"

"Pero hindi yang ang dahilan kaya gusto kitang makausap! Mukhang may problema si Kuya!"

Joel: "Ano na naman ang pumasok nya!"

Dismayado nitong tanong.

Gene: "Kahapon, tumawag sya mula Zurgau at may problema daw pero hindi naman sinabi ... Pagkatapos nun hindi ko na makontak! May pinapunta na akong tao pero kailangan ko ng tulong para ma trace sya!"

Joel: "Okey sige! Pero hindi ako pupunta ng Zurgau! Hindi ako maglilinis sa ano mang kalat nya!"

Ngunit hindi makapaniwala si Joel sa natuklasan nya...