Sa Zurgau.
Nakabili ng bahay si Anthon sa tulong ni Ben. May dalawang palapag ito at tatlong kwarto sa taas. Meroon din itong hardin at maluwag na garahe.
Hindi inaasahan ni Ben na ito ang magugustuhan ni Anthon. Hindi nya inaasahan na may pera ito at mas lalong hindi nya inaasahan na ipalagay nya sa pangalan ni Yasmin ang pagaari ng bahay.
'Sino ka nga ba Anthon? Lalo akong nagiging curious sa'yo!'
Para sa kanya, napakalaki ng bahay na binili ni Anthon. Simpleng apartment lang ang tinitirhan nya at ng mga kapatid nya kaya hindi sya halos makapaniwala sa nakikita nya ngayon.
Para kay Anthon hindi naman ganoon kalaki ang nabili nya. Nasa 120 sq/m lang ito, wala pa sa kalahati ng bahay nila sa San Roque.
Natuwa lang sya dahil nabili nya ng mura ang bahay na dating pagaari ng isang duktor na naninirahan na ngayon sa Australia.
Kaya ipinaliwanag ni Anthon kay Ben na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala, ang dahilan kung bakit nya binili ang bahay na ito.
Anthon: "Naghanap talaga ako ng tatlong kwarto para tigisa kami ni Yasmin at yung isa pwedeng guest room o kung sakaling magka anak kami!"
"Nangako ako sa kapatid mo na hindi ko na sya gagalawin kaya mas makakabuting magkahiwalay kami ng silid."
Naalala nya ang huling sinabi sa kanya ni Yasmin ng magusap usap sila.
**
Yasmin: "Hindi ko gusto ang ginawa mo sa akin! Kinasusuklaman kita at ayaw kitang makatabi ulit sa kama!"
"Sa susunod na ulitin mo ang kahayupan mo sa akin, sisiguraduhin kong puputulin ko na yan! Maliwanag!"
Napalunok si Anthon pati ang tatlong kapatid ni Yasmin ng madinig ito.
Kaya pagkatapos ng paguusap nila, iniuwi ni Rod si Yasmin sa bahay nya at nanatili naman si Anthon sa apartment kasama si Ben hanggang sa makahanap sila ng malilipatan.
**
Hindi pa rin makapagsalita si Ben. Halo halong emosyon ang nararamdaman nya. Inaamin nya ngayon na mukhang naka jockpot si Yasmin. Hindi nila ito inaasahan.
Anthon: "Pwede kayong pumunta dito at bumisita sa kanya kahit anong oras nyo gusto!"
Ben: "Anthon, nalilito pa rin ako! Bakit mo ito ginagawa? Ano talaga ang dahilan mo?"
Anthon: "Nasaktan ko at nasira ang buhay ng kapatid mo ng hindi ko sinasadya at alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko!"
Ben: "Naiintindihan ko pero nararamdaman ko na may iba pang dahilan kaya ginagawa mo ito, na parang may tinatakasan ka!"
Totoong may tinatakasan si Anthon at si Issay iyon. Pero hindi na nila kailangan malaman iyon.
Anthon: "Kagagaling lang sa stroke ng Mama ko at hindi pa sya magaling. Ayokong malaman nya ang ginawa kong ito!"
Tinanggap ni Ben ang paliwanag ni Anthon at bumalik na sila para ibalita ang tungkol sa bahay.
Kinakabukasan lumipat na agad ang mga ito. Pinalagyan ni Yasmin ng madaming lock ang pinto ng silid nya at naintindihan ito ni Anthon. Kaya kinausap nya ang mga Kuya nito.
Anthon: "Alam kong mahihirapan si Yasmin kung kami lang dalawa ang narito, kaya pwede bang isa sa inyo ang tumira dito kasama nya?"
Nagkatinginan ang tatlo. Alam nila ang pinagdadaanan ni Yasmin kaya kailangan isa sa kanila ang magsakripisyo para sa kanya.
Si Rod ang napili nila dahil isa lang ang anak nito, at siya ang medyo kapos sa kanila. Makakatulong ito sa pamilya nya kung hindi na sya magbabayad ng renta. Yun nga lang kung papayag ang asawa at anak nito. Saka pakiramdam nila parang mababawasan ang privacy nila dahil parang makikisama sila.
Anthon: "Kung gusto nyo pwede tayong magpatayo ng extension sa likod para may sarili kayong privacy! At huwag kayong magaalala, hindi naman ako parating andito dahil sa trabaho ko! Minsan sa loob ng isang buwan mga tatlo o apat na beses nyo lang akong makikita!"
Pumayag na rin ang asawa at anak ni Rod na si Beth at sya na rin ang pinamahala nito sa lahat pati sa kukunin nilang kasambahay.
*******
Pagkaraan ng isang linggo nagulat si Lando ng ipatawag sya ng Chief nila sa opisina dahil sa bisitang dumating mula Maynila at siya ang hinahanap.
Lando: "Sir, tungkol po saan ito?"
Chief: "Lando, ito si Major Valdez, ang assistant ni General Santiago. May gusto daw syang tanungin sa'yo ng personal!"
At tumayo na ito at iniwan ang dalawa.
Kinabahan si Lando.
'Meron ba akong naging atraso kay General?'
Major: "Huwag kang kabahan Lando, personal ang ipinunta ko dito kaya sana sagutin mo ang mga tanong ko!"
Napalunok si Lando.
'Yun nga ang mas nakaka takot, yung personal question!'
Lando: "Tungkol po ba saan Sir?"
Nauutal na sabi nito.
Kinuha ni Major ang cellphone nya at ipinakita ang mukha ni Anthon.
Major: "Gusto ko lang malaman kung nakita mo ang taong ito?"
Kahit hindi sumagot si Lando, kita sa mukha nito na namumukhaan nya si Anthon.
Major: "Pwede mo ba akong dalhin sa kanya?"
Lando: "Sir, sino po ba ang taong yan at hinahanap nyo? Delikado po ba sya?"
Major: "Hehe ... huwag kang kabahan ... gaya ng sabi ko personal ang dahilan kaya ako narito. Ipinahahanap kasi sa akin yan ng kapatid nyang si General Santiago!"
Nanlaki ang mga mata ni Lando ng madinig ang sinabi ni Major.
'Si Anthon, kapatid ni General?'