NATULALA pa ng ilang segundo si Ansell matapos masaksihan ang lahat. Una, imposibleng isang tao ang lalaking kasama ni Lexine na ang pangalan ay Night dahil sa bilis at lakas nito, kaduda-duda na isa itong normal na nilalang. At pangalawa, anung klaseng halimaw ang nakita niyang lumilipad at dumukot sa best friend niya?
Buti na lang at nagawa niya pang makagalaw kahit huli na. Nagmamadali niyang tinakbo ang sasakyan na naka-park hindi kalayuan at mabilis na pinaharurot ang sasakyan upang makahabol sa dalawa.
Sa kalsada siya dumaan. Natatanaw niyang nakikipagpatintero ang lumilipad na halimaw sa mga puno sa masukal sa gubat habang nakasunod naman na humahabol si Night. Sino ba talaga ang lalaking `yon at bakit ganoon ito kabilis at kalakas? Anung namamagitan sa kanila ni Lexine? Damn it! He can't understand any fucking one!
Sa kabila ng liksi ng halimaw at Night ay pinilit pa rin ni Ansell na makasunod sa mga ito. Pinaharurot niya sa two-hundred ang speedometer ng minamaneho niyang pulang Hyundai Veloster. Nasa gitna siya ng matinding pagpa-panic nang makarinig siya ng mga bulong.
'Ansell, kailangan nating iligtas si Alexine. Ipahiram mo sa `kin ang `yong katawan.'
Napahawak ang binata sa sintido. Ito na naman ang mga bulong. Matagal nang nangyayari ito. Palaging may mga bulong na nangungulit sa kanya. Ang buong akala nga ni Ansell ay nababaliw na siya. Pero alam niya sa sarili na totoo ang mga bulong na `yon.
"Fuck! Not again, get out of my head!" Humigpit ang hawak niya sa manibela.
Makinig kang mabuti Ansell. Magkakampi tayo. Kailangan nating magkaisa upang iligtas si Alexine, naiintindihan mo ba? Kailangan mo `kong tulungang dahil kung hindi ay tuluyang mapapahamak si Alexine.
Napailing ang binata. Nagsimula ito ilang buwan na rin ang nakalilipas. Una niya itong naranasan noong gabi ng party ni Xyrille.
Nasundan pa `yon ng ilang ulit at pagkatapos ng mga bulong kasunod naman niyon ang pagdidilim ng kanyang paningin. Magigising na lang siya na walang kahit na anong naalala. Noong nakaraang gabi ay nagulat na lang siya nang naggising na nasa parking lot ng condominium nila. Madalas din siyang makaramdam ng matinding pag-iinit sa katawan. Kaya naman na hospital siya ng ilang araw. Ilang beses niya rin itong nilalaban sa tuwing sumusubok itong sumanib sa kanyang katawan. Gaya ngayon, na pinipigilan niya ito.
'Ansell, pakiusap.'
Hindi niya maintindihan kung ano ang mga kababalaghang nangyayari sa kanila. Pero dahil sa nakita niyang halimaw at upang sagipin si Lexine ay wala na siyang ibang choice kundi mag-tiwala sa boses na kumakausap sa kanya.
"Who the hell are you?"
'Kakampi ako, Ansell. Magtiwala ka lamang.'
Nahahati ang desisyon niya. Malaki ang parte ng kalooban niya ang tumututol subalit may parte rin sa kanya na nagsasabi na kailangan niyang magtiwala.
Nagbuntong-hininga si Ansell. Kung hindi pa siya kikilos ay tiyak na mapapahamak si Lexine. At hindi pwedeng wala siyang gagawin. Higit na mahalaga ang kaligtasan ng matalik niyang kaibigan.
"Fine! Just make sure to help her!" aniya sa wakas. Sa una-unahang pagkakataon ay napapayag siya nito.
'Maraming salamat.'
Iyon ang huli niyang nainig bago nag-init ang buo niyang katawan at tuluyan nagdilim ang kanyang paningin.
***
HINDI PAAWAT ANG malakas na kabog ng dibdib ni Night nang mga sandaling ito. Hindi niya inaasahan na masyadong mabilis ang ravenium demon kung kaya't nahihirapan siyang makahabol.
Sinasabi na nga ba niya. Kaya medyo sariwa pa ang simoy na naamoy niya sa loob ng bahay ni Madame Winona dahil hindi pa nakalalayo ang mga kaaway. Naging pabaya siya at hindi man lang niya napansin na nasa malapit lang ang mga ito at nagtatago. Sisiguraduhin niyang kikitilin niya ang buhay ng halimaw na `yon sa oras na mabawi niya si Lexine. Wala siyang ititirang buhay sa lahat nang magtatangkang umagaw sa babae. He will kill all of them with his bare hands.
Masyado nang matagal ang pakikipaghabulan niya at kailangan na niyang gumamit ng karagdagang pwersa. Pansamantalang tumigil si Night sa tuktok ng isang malaking puno at hinawakan ang tattoo mark sa kanyang leeg. Isa itong itim na feather. Ang haba niyon ay mula sa ilalim ng kanyang kaliwang tenga hanggang sa kanyang collarbone. Binigkas niya ang pangalan nito.
"Come out now, Superbia!"
The blue light burned across the ink of his tattoo. The fourth slave of the prince of darkness had awakened. A few seconds later, Night heard the synchronous chirpings that were fastly approaching them.
"Kraa! Kraa! Kraa! Kraa! Kraa!"
Palakas iyon nang palakas. Mula sa kung saan ay kalat na nagsilabasan ang napakaraming itim na uwak. Nagdilim ang kalangitan gawa ng libo-libong itim na ibon na lumilipad sa paligid. Lahat ng mga ito'y nagpulong-pulong sa ibabaw ni Night. Mabilis na kinontrol ni Night ang kanyang mga alagad. He raised both hands, and the crows became wilder above him.
"Kraa! Kraa! Kraa! Kraa! Kraa!"
Animo iisa ang isip, lahat ng mga ito ay nagsama-sama at bumuo ng isang dambuhalang ibon. Hinumpas ni Night ang kanyang dalawang kamay at maliksing sumugod ang ibon sa ravenium demon. Sa lakas ng pwersa ni Superbia ay nabitawan ng halimaw si Lexine at tuluyan itong nahulog.
"AAAHHH!!!"
"Gotcha, cupcake!" Nasalo niya ang dalaga.
"Night!" mahigpit na yumakap si Lexine sa batok niya. Halos nawalan na ito ng kulay sa mukha habang naghahabol ng hangin.
Napangisi siya nang malaki. "Missed me?"
Nanlaki lalo ang mata nito nang makitang nakasakay sila sa ibabaw ng pulong ng itim na uwak na animo ginawa ang mga itong isang lumulutang na carpet. Dahan-dahan silang bumaba sa lupa.
"Stay here," mahigpit niyang habilin.
Hindi na inantay ni Night na makasagot si Lexine at muli siyang nagpa-angat sa mga ibon at sinugod ang ravenium. Nakawala na ang halimaw mula sa mga uwak at lumilipad na ito pasugod sa kanya. Sinalubong niya ito nang buong tapang. Nang malapit na silang magkabangaan, agad tumalon si Night at mabilis na umikot sa ere. Lumanding siya sa likuran ng ravenium at sinakyan ito na parang kabayo. "Yihaaa!"
Hindi inaasahan ni Night ang biglang pag-ikot ng halimaw at muntik na siyang malaglag. Buti na lang at mahigpit ang kapit niya sa balahibo nito. Lalong nagwala ang ravenium at sinadyang ibangga ang katawan nito sa mga puno.
"Enough with this childish ride." Inipit ni Night ang leeg ng halimaw gamit ang isang braso niya at buong lakas na binali iyon. Bumagsak sila at tumama sa mga puno at sanga. Sumadsad ang walang buhay na katawan ng ravenium sa lupa. Tumalon si Night palayo at nagpagulong-gulong sa putikan. Hindi nagtagal, lumiyab ang katawan ng halimaw at tuluyang naging abo.
Umayos ng tayo si Night ay pinagpag ang dalawang kamay. "Fuck! I got dizzy there," aniya na bahagyang pinilig ang ulo.
Meanwhile, from above the sky, the group of crows rapidly twisted into an enormous hurricane orbiting together at maximum speed. The whirlwind engulfed all the birds in its core. Tuluyan naglaho ang mga ibon at isang nakaluhod na lalaki ang bumungad kay Night. Nag-angat ito ng ulo at ngumiti sa kanya. "Kinagagalak kong makita kang muli, Master."
Naglakad siya palapit sa alipin. "Job well done, Superbia. You never fail to amaze me."
Lumapad ang ngiti nito. "Maraming salamat, Master. Isang malaking karangalan ang maglingkod sa inyo."
Kasunod ni Ira ay si Superbia ang isa sa mga alipin na pinaka naaasahan ni Night. Bibihira niya itong gisingin hindi tulad ni Ira subalit sa tuwing gumigising ito ay hindi siya nito binibigo. Pinagmasdan ni Night ang kabuuan ng kanyang alipin.
The upper half of Superbia's physique is a body of a human except his head that was covered by ebony and shiny feathers. His enormous wings are intact to his shoulders, back, and arms, while the other half of his torso has feathers and claws. His face is a handsome man with the eyes of a crow. The blue orbs around his dark iris are striking but frightening at the same time.
Ang maliit nilang reunion ay naputol nang umalingawngaw sa kagubatan ang matining na tili ng babae. Night cursed under his breath. "I always hate visitors."