74 Baby

"HEY, DON'T TELL me na dadalhin mo ang kutong-lupa na `yan?" lukot ang mukhang tanong ni Night pagkalabas nila ng bahay ng manghuhula. Buhat-buhat niya ang kahon at si Lexine naman ay si Amethyst.

Bumaling ito sa kanya. "Alangan namang pabayaan ko siyang mag-isa rito? Baka mamatay siya sa gutom." Umasim lalo ang mukha niya. "Anung problema mo sa pusa?"

"I just don't like them, they stink."

Napanganga ito. "Ang arte mo! Ah, basta! Iuuwi ko si Amethyst sa ayaw at sa gusto mo!"

Inirapan siya ni Lexine at mas lalong niyakap ang hawak. "`Wag mong pansinin ang isang `yan. From now on, aalagaan kita hangga't hindi pa namin nahahanap ang amo mo." Malambing na kiniskis nito ang pisngi sa maliit na mukha ng pusa.

Gumanti naman si Amethyst at dinilaan ang baba ni Lexine. "Meow." Lexine giggled like a little girl.

The fuck? Did she just let herself licked by that dirty thing? Tonight, he needs to ask Sébastien to book an appointment with the most prestigious dermatology clinic. Baka mamaya magkagalis pa ang cupcake niya. Night doesn't want his baby girl's beautiful porcelain skin to get tainted. Kapag hindi na nakatingin si Lexine ay itatapon niya talaga ang kutong lupa na `yon. Isa pa sa kinaiirta niya ay masyadong occupied ang babae rito kaya kanina pa siya hindi pinapansin. Mentally ay pi-no-formulate na niya sa utak ang evil plan para mawala sa landas ang pusa. Mukhang aagawin pa nito ang atensyon ni Lexine. No fucking way!

Madilim niyang tinitigan si Amethyst na sumisiksik sa mga braso ni Lexine. Bukod pa sa naiirita siya sa pagiging clingy nito ay may naaamoy siyang kakaiba. There's something wrong in that little fucker. He needs to keep an eye on that thing.

***

"LEXI!" Isang sigaw ang nagpahinto sa paglalakad nila. Laging gulat ni Lexine nang makilala kung sino ang tumatakbo papalapit sa kanila galing sa kabilang kalsada.

"Ansell? What are you doing here?"

Imbis na sagutin ang tanong niya ay dumapo ang tingin ni Ansell sa kanyang katabi. Agad nagtagisan ng matatalim na tingin ang dalawang lalaki. "Hey, I know you." Nag-isang guhit ang kilay ni Ansell. "Ikaw `yong bagong student, diba?"

Hindi kumibo si Night ngunit bakas sa mukha nito ang matinding iritasyon. Alam ni Lexine na hindi gusto ni Night ang kanyang best friend. Bukod sa kadahilanang ginagamit ni Cael ang katawan ni Ansell upang makapagkatawang tao ay pinagseselosan rin nito ang closeness nilang dalawa. At sigurado si Lexine na hindi magandang manatili si Ansell dito dahil siguradong `di magtatagal at puputok na naman ang butsi ng prinsipe ng kadiliman.

"Why are you with him, Lexi? What are you guys doing here?" sunud-sunud na tanong ni Ansell.

Si Night ang sumagot, "It's none of your fucking business, kiddo."

Agad na nagtigas ang panga ni Ansell. Naalerto si Lexine sa biglang pag-init ng tensyon at matulin siyang pumagitna sa dalawa. "Ansell, bakit ka ba kasi nandito? How did you find this place? Sinusundan mo ba a––" Naputol ang pagsasalita niya nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat.

"I'm sorry, Lexi. Nag-aalala na kasi ako sa `yo. Ilang araw kang nawala. You're not even answering any of my calls and messages. I don't know what the hell is happening to you. Feeling ko may tinatago ka sa `kin." Matalim na sumulyap si Ansell kay Night bago bumalik sa mukha niya. "Nagpunta ako kanina sa inyo. Naabutan kong lumabas paalis ang sasakyan mo kaya sinundan kita. Hindi ko inexpect na dito ka pupunta at mas lalong hindi ko alam na may kasama ka pala."

Bumalik uli ang tingin nito sa katabi niya. Napahawak si Lexine sa sintido at sumasakit na naman ang ulo niya sa mga nangyayari. Ang dami-dami na niyang problema at hindi nakatutulong na narito si Ansell. Wala siyang enerhiya para sagutin ang mga tanong nito. Kailangan niya itong mailayo sa mga gulong nangyayari sa buhay niya. Masyado nang marami ang nadadawit.

"Look, you need to go home. You're not safe here."

Hindi ito nagpatinag at hinawakan siya nang mas mahigpit. "Baby, what's happening? I won't leave unless you tell me everything."

Napalunok siya nang madiin. Baby. Hindi nakaligtas sa peripheral vision niya ang mabilis na pagtigas ng bagang ni Night. God Ansell, please shut your mouth and save your ass.

Mabigat siyang bumuntong hininga siya. "Ansell..."

"Baby."

"Say that word again and I'd fucking kill you."

Lexine cursed under her breath. Not again.

Matalim ang mata na bumaling si Ansell kay Night. "And who the hell do you think you are?"

Binitawan ni Ansell ang balikat ni Lexine at dinikitan si Night. Dibdib sa dibdib ang dalawa. Mas matangkad si Night sa kaibigan niya kaya't nakatingala na si Ansell dito. Ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin nagpapatinag si Ansell at nakipagtagisan ng titig kay Night. Uh-oh! This is not good.

Mabilis na humarang si Lexine sa dalawa. "Stop it, you two!"

Pero tila walang naririnig ang dalawang binata habang hindi bumibitaw ang mga mata sa isa't isa. Mas lalong nilapit ni Ansell ang mukha kay Night at buong diin na sinambit ang bawat salita. "Stay.away.from.my.best-friend."

Kulang na lang ay halikan nito ang binata sa sobrang pagkakadikit ng mukha ng mga ito. `Di natinag si Night at imbis ay ngumisi. "Then make me."

Sa gulat ni Lexine ay hinablot ni Ansell ang kwelyo ni Night at tinaas ang isang kamao nito. Napasigaw siya pero huli na ang lahat. Pagkahagis ni Ansell ng suntok ay hangin lang ang tinamaan nito. Agad lumitaw si Night sa likuran ng huli. "So slow."

Bago pa man makapihit si Ansell ay mabilis nang hinablot ni Night ang kwelyo ng jacket nito at hinagis ang binata na parang basahan. Nagpagulong-gulong ito sa kalsada.

"Night, stop it!" sigaw ni Lexine.

Pero wala itong naririnig at diri-diretsong humakbang papalapit kay Ansell na hindi pa rin nakababangon. Hinablot ni Night ang damit nito at inangat mula sa lupa. Agad namutla ang mukha ni Ansell. Napagtanto na nito na hindi basta-basta ang kaharap.

"Matagal na `kong naaalibadbaran sa `yo." Nagdidilim ang mga mata ni Night.

Tumakbo si Lexine upang pigilan ang dalawa nang biglang nagsitayuan ang mga balahibo niya sa buong katawan. Nakarinig siya ng malakas at nakakikilabot na sigaw. Isang malaking bulto mula sa langit ang mabilis na lumilipad papalapit sa kanya.

Tila nagslow-motion ang paligid. Nakahanda na ang nakabukang bibig ng ravenium demon at matutulis na kuko nito. Kakaiba ang halimaw sa mga dati niyang nakita noon dahil may pakpak ito na kawangis ng paniki. Bago pa man tuluyang makasigaw si Lexine ay nahablot na siya ng halimaw at dinala sa himpapawid. Nasa itaas na siya nang magawa niyang sumigaw.

Saka lang napansin ni Night ang nangyari. Nanlaki ang mga mata nito matapos makita na bitbit ng halimaw si Lexine. Binitawan nito si Ansell at mabilis na hinabol ang halimaw.

Panay ang pagsigaw ni Lexine sa pangalan ni Night. Napaliligiran sila ng malalaking puno at umiikot ang sikmura niya sa ginagawa nilang pakikipagpatintero sa mga ito. Sa nanghihilong tingin, natatanaw niya si Night na nagmamadaling humahabol habang tinatalon ang mga sanga ng magkakadikit na puno.

"Night!"

"Lexine!"

avataravatar
Next chapter