webnovel

Chapter 10

Chapter 10

Dinala siya ni Johnny sa isang high class na restaurant, VIP pa. Nakahain na ang mga pagkain pero hindi pa nila ginagalaw hinihintay niya itong sabihin ang problema, ngunit naghintay lang siya sa wala dahil kahit ang lalaki ay parang hinihintay rin na magsalita siya.

Tumikhim muna siya bago binasag katahimikan. "Ano ba iyong pinoproblema mo?"

Hindi ito sumagot sa halip ay nagtanong. "Ilang taon mo na ba akong sinusuyo Anabel?"

"Sobra ng isang dekada. Bakit?" Balik tanong niya, nagtataka siya.

"Ano bang nais mong kahihinatnan ng pansusuyo mo sa akin?" Hindi na naman nito sinagot ang tanong niya at nagtanong pa ng panibago.

Nagtataka na siya at kinakabahan sa takbo ng usapan nila lalo na at napakaseryoso ni Johnny.

"Siyempre ang makuha ang matamis mong oo.."

"Bakit hindi mo ngayon itanong para malaman mo ang sagot ko?" Napakaseryoso talaga nito at kinakabahan siya idagdag pang titig na titig ito sa kanya. Tensiyonadong tensiyonado na talaga siya.

Hindi agad siya nakasagot kung paano na nga iyong tamang itatanong. " pwede ba kitang maging nobyo Johnny Agbayani?"

"Ano ba kasing totoong nararamdaman mo sa akin Anabel?" Tanong na naman nito.

"Teka ginugoodtime mo ba ako Johnny? Kanina kung magtanong ka sinasagot ko, kapag ako naman itong nagtatanong hindi mo sinasagot at magtatanong ka na naman ng panibago tapos ngayon sinabi mong itanong ko kung gusto mong maging nobyo ko pero hindi mo naman sinagot sa halip ay nagtanong ka na naman ng ibang tanong.. Ano ba talaga ha Johnny?" Naiinis na tanong niya. Nabawasan ang tensiyon niya at nabahiran ng inis.

Sa pagkakataong iyon naiinis rin ang nakalahad sa mukha nito. "Sagutin mo na lang kasi ang mga tanong ko muna."

"OK fine.. Nais Kong maging nobyo ka dahil gustong-gusto talaga kita. Napatunayan ko na sa iyo iyan, wala akong ibang taong pinaglaan ng ganitong pagtingin kundi ikaw lamang. Wala akong ibang taong binigyan ng bulaklak kundi ikaw lamang." Puno ng emosyon na pahayag niya.

"Ngayon sagutin mo ako may nararamdaman ka rin ba sa akin Johnny?"

Nakatingin rin ito sa kanya ng may sari-saring emosiyon sa mukha. "Oo may nararamdaman ako sayo pero hindi kagaya ng nararamdaman mo sa akin.. Hindi kita gusto… Mahal kita, mahal na mahal kita Anabel.. Ito ang mga salitang gustong-gusto kong marinig mula sayo bago ko sabihin rin ang feeling ko sayo pero nagdaan na ang napakaraming taon pero wala ka pa rin sinasambit, tapos kahapon lang kinwento sa akin ng kuya mong marami kang manliligaw. Tapos ang malala ay mga kapitbahay niyo lang ang tatlong masugid mong manliligaw. Sina Budad, Jake, at Jeremy. Alam mo bang doon ko lang narealize na napakagago ko at duwag dahil ako na nga ang lalaki pero ikaw pa ang hinihintay kong umamin samantalang ikaw na itong sumusuyo. Napagtanto kong sa kahihintay ay baka matangay ka na ng iba at walang sisihin kundi ako.." Tumigil muna ito at Uminom ng tubig dahil nababasag na ang boses dahil sa emosyon.

Siya naman ay pilit na pinipigil ang luhang kanina pa gustong umalpas, nakangiti siya dahil sa saya pero ang mata niya ay gustong umiyak, ganito siguro ang sinasabi nilang tears of joy.

"Mahal na kita matagal na matagal na alam mo ba iyon? Noong highschool pa. Oo galit na galit ako sayo ng unang araw mo akong bigyan ng bulaklak pero kinagabihan ay di ka na mawala sa isipan ko. Kaya kinabukasan hinintay kita at ng bigyan mo akong muli ay nagkunwari akong galit alam mo yun yung nagkukunwari kang ayaw mo pero sa loob mo ay gustong-gusto mo pala? Yun ang nangyari sa akin hindi ko maintindihan ang sarili ko noon, akala ko lalaki ang gusto ko pero dumating ka at binago iyon,nagustuhan kita at ng lumaon ay hindi ko namamalayan na mahal na kita.. Ngayon Anabel tapatin mo nga ako.. Mahal mo rin ba ako? " madamdamin na tanong nito.

"Oh Johnny.. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal. Gusto ang ginagamit kong salita dahil baka matakot ka sa akin kung sinabi kong mahal kita, hindi ko alam kung nag-aalala akong baka iwasan mo ako o dahil naduduwag ako.. Parehas pala tayong duwag.." Natawa siya sa huling sinabi.

"At hindi ko alam kung magpapasalamat ako kay kuya sa kasinungalingan niya o maiinis."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nito.

"Hindi totoong marami akong manliligaw. Sina kuya Budad, kuya Jake,at kuya Jeremy ay matagal ng panahon nang sinubukan ng mga itong manligaw pero binasted ko rin agad-agad wala akong maramdaman sa kanila eh." Natatawa pa rin sabi niya.

"Shit. Napaniwala ako ng kuya mo anabel. Natakot pa ako.." Nangingiting sabi nito. "Ayos lang iyon dahil nabigyan ako ng lakas na magtapat sayo."

"Kaya ka ba bigla na lang naging tahimik nun?" Tanong niya. Sasagot na sana ito pero dinagdagan niya ang tanong. "Bakit sa maraming pagkakataon ay parang bigla-bigla ka na lang nagtatampo sa di ko alam na dahilan tapos nagbabati tayong hindi mo sinasabi sa akin iyon?"

"Manhid ka ba Anabel o sadyang hindi mo maintindihan?" Umiwas ito ng tingin. "Nagseselos ako sa maraming pagkakataong iyon tapos hindi rin kita matitiis kaya nag-uusap tayo na para bang di kita iniwasan. Akala ko ba kilala mo na ako?" Sabi nito na para bang nahihiya.

Tumawa siya ng malakas dahil sa sayang naramdaman. "Seloso ka pala Johnny pati ba iyong secretary mo pinagseselosan mo?" Nakangiting tanong niya.

Tumango ito. Kumain na tayo Anabel. Dahil magkaharap sila sa mesa ay lumipat siya sa tabi ni Johnny , hinaplos muna niya ang dibdib nitong natatakpan ng kasuotan bago tuluyang umupo. Nangingiti lang ito sa inakto niya.

"So tayo na?" Malapad ang ngiting tanong niya.

Tiningnan siya nito ng matabang .

"Anabel sampung minuto na ang lumipas mula ng maging tayo"

"Ganun.. Dalhin mo ako sa bahay mo mamaya, gusto kong makita ang loob"

"Gladly.." Sagot nito..

Palabas na sila kaya kumapit siya sa braso nito. Hinayaan naman siya nito .

"Alam mo bang matagal ko ng gustong gawin ito" Kwento niya dito. Inihilig pa niya ang ulo sa braso nito. Malapit na sila sa kotse ng lalaki.

Sumulyap muna sa kanya bago sumagot" Malaya kang gawin iyan ngayon."

Binuksan nito ang pintuan ng passenger seat. "Get in my lady." Parang Butler na sabi nito.

"Hmmn .. Acting gentleman?" Natatawang sabi niya. Ngisi lang ang naging tugon nito.

Tahimik ang biyahe nila. Makalipas lang ang labinlimang minuto ay Pumasok sila sa isang napakalaking tarangkahan kahit madilim na ay nabasa niya ang nakasulat sa tuktok ng gate. "Welcome to Ulima village?" Malakas na basa niya.

"Si Mr. Mario Sinum ang may-ari ng village na ito. Pinatayo lang ito five years ago." Kwento nito.

"Wow , ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyan, Hindi siya famous noh?" Turan niya.

Natawa ito sa sinabi niya. "Sa business world famous siya pero sa mga katulad mong walang pakialam sa negosyo ay hindi."

"Ang sakit mo namang magsalita siyempre wala akong alam Jan dahil wala naman akong sariling negosyo. Siguro kilala siya ni tatay business man rin iyon eh."

"Talagang kilala ng tatay mo si Mr. Mario Sinum at ganun rin ito sa tatay mo."

"Sabi na nga ba eh. Paano niya naman nakilala ang ama ko?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi mo ba alam na sa bawat selebrasyong kailangan ng mga bulaklak at karamihan sa tatay mo sila kumokontak ? Isa na doon si Mr. Mario Sinum. Baka naman di mo pa alam na ginagawa ring pabango ang mga bulaklak?"

Napatango-tango na lang siya.

"Anong gagawin natin dito?" Maya-maya at tanong niya.

"Narito ang bahay ko." Simpleng sagot nito.

"Bumukod ka na ? Kahit wala ka pang asawa?" Manghang tanong niya. Hindi ko na pala magagamit ang ipon kong ipapatayo sana ng bahay namin…. Nakabili na pala ito.. Sabi niya sa loob niya.

"Nandito na tayo" pumasok sila sa isang maliit na gate na nakabukas, kumunot ang noo niya. "Bakit nakabukas ang gate?"

"Tiwala kaming lahat na nakatira dito na walang mananakawan sa aming lahat. Mahigpit ang security dito atsaka hindi yun nakabukas talagang open iyon."

Pinalibot agad niya ang tingin sa loob ng bahay nito ng mabuksan na ang ilaw. Napaka-aliwalas nito.

Dumiritso siya sa pang isahang sofang nakita, "ang lambot anong brand ito?yung amin kasi hindi ganito kalambot. Pwede akong matulog dito." Nag-angat siya ng tingin kasi nasa mismong harap niya ito. Halos magkadikit ang tuhod nilang dalawa.

Dahan-dahan nitong iniluhod ang isang tuhod pagkatapos ay may kinuha sa bulsa isa itong kahita. Siya naman ay hindi alam ang magiging kilos, halos alam na niya ang susunod na mangyari , napapanood kasi niya ito sa teleserye.

Binuksan nito kahita at tumambad sa kanya ang napakagandang kumikinang na singsing, "Nais kitang kitang pakasalan Anabel, pumapayag ka ba?" Tanong nito.

Nakatingin lang siya dito maya-maya ay sumagot. "NO." Nanlaki naman ang mata ni Johnny sa sagot niya.

"A-no? Ba-ki-t?" Nauutal na sabi , gumuhit rin ang sakit sa mukha nito.

Sa halip na sumagot ay inagaw niya mula sa kamay nitong nanginginig ang kahita. Ipinasok niya sa bag na nasa kandungan niya ang kahita at kinuha rin mula sa loob ng bag ang isa pang kahita na lagi niyang dala. Binili niya ito tatlong taon na ang nakalilipas.

Hindi pa rin gumagalaw sa pwesto niya si Johnny. Mabilis niyang binuksan ang kahita at pinakita dito ang laman.

"Will you marry me Johnny Agbayani?" Nangingiting tanong niya.

"Ha?" Yun lang ang naisagot ni johnny sa pagkabigla.

"Huling tanong na ito Johnny. Will you marry me honey..?"

"Bakit? I mean YES pakakasalan kita pero bakit No ang sagot mo kanina?" Nagtatakang tanong nito sa pamamagitan ng sayang nadarama na pumalit sa sakit na naramdaman nito ilang sandali lang and nakalipas.

Isinuot na niya ang singsing sa daliri ni Johnny bago ang sa kanya. "Kasi wala kang karapatang magpropose , ako ang nanligaw remember? " nangingiting paliwanag niya.

"Ganun.. Eh bakit ganito and pwesto natin, ako ang nakaluhod at ikaw nakaupo?" Malapad ang ngiting question nito.

"Syempre lalaki ka.. Wedding ring natin yung singsing mo , engagement ring naman natin itong akin."

"Okay walang problema.. " tumayo na ito at sumiksik sa sofang inuupuan niya nang hindi talaga kasya ay basta na lang siyang binuhat patungo sa kandungan nito. Wala namang kaso sa kanya yun, sumiksik pa siya lalo.

"Teka bakit ka nga pala nagpropose agad e two hours ago pa lang naging tayo.."

"Wala lang.. Gusto mo pakasal na tayo ngayon din , sibil nga lang.. Ninong ko ang kapitbahay natin ditong mayor sa atin eh." Johnny

Sandali siyang nag-isip. "Oo nga . bakit hindi. Si mayor Joseph 'kosep' Monot?"

"Oo."

"Bakit sa bahay ba nila may mga marriage contract? Mga ganun?" Curious na tanong niya.

"Oo, may mga bigla-bigla kasing sumusulpot sa bahay nilang nais maikasal at minsan nga mga disoras pa ng gabi. " paliwanag nito.

Umalis siya sa kandungan nito saka hinila ito sa kamay patayo. "Halika na , pakasal na tayo."

Naglakad sila papunta sa bahay ng mayor , dalawang bahay lang pala ang pagitan ng Kay Johnny at Kay mayor kosep.

Walang aso ang mga ito kaya sa mismong pintuan ng bahay o MA's magandang sabihing mansyon sila dumiritso at kumatok. Maya-maya lang ay pinagbuksan sila ng asawa ng Mayor, si Mrs Auring Monot.

Bumati sila dito. "Ikaw pala Johnny sino itong kasama mong magandang dalaga? Halikayo, pumasok kayo" magiliw na paanyaya nito

"Si Anabel po ninang.. Si ninong po?"

"Nasa balkon sila ng kaibigan nitong si Mario Sinum." Sagot ng ginang.

"Maupo muna kayo sa salas. Tatawagin ko lang sila. Ano nga pala ang gusto niyong maiinum? Dederetso ako sa kusina kasi pag natawag ko na sila."

"Kahit ano po" sagot ni Anabel.

Umalis na ang ginang. "Madalas ka ba dito?" Ani Anabel.

"Occasionally." Sagot ni Johnny.

Kumandong siya Kay Johnny. "Pwede bang halikan kita?" Tanong niya at ipinalibot ang kamay sa batok nito. Hindi na niya hinintay na sumagot ang lalaki. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa mukha nito pero bago pa maglapat ang mga labi nila ay may sunod-sunod na tumikhim. Paglingon nila ay sina Mayor kosep at Mario Sinum ang nakita nila.

Dali-daling umalis sa hita niJohnny si Anabel. Tumayo silang dalawa. "Magandang gabi po sa inyo" bati ni Anabel sa dalawang matanda.

"Magandang gabi po sa inyo ninong at sa iyo rin po Tito Mario Sinum." Si Johnny.

"Magandang gabi rin" sabay na sabi ng dalawang matanda.

Nakaupo na ang dalawang matanda bago sila nagtanong sa kanila. "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Deretsong sabi nito.

Nagkatinginan muna sila bago sumagot pero nagsalita si Mr Mario. "Baka Hindi pwedeng marinig ng ibang tao ang sasabihin niyo hijo ,aalis na ako" akmang tatayo ito ng pigilan ni Johnny.

"Nais po naming magpakasal ngayon at kukunin sana namin kayong ninong sa kasal pwede po ba?"

Nanlaki ang mata ng dalawang matanda. "Seryoso na ba iyan Johnny? " Alan ng mga itong matagal na panahon ng nagbago ang lalaki , na Hindi talaga ito bakla pero wala pa itong niligawan ni isang babae kaya nakakagulat talaga .

"Opo, ito po si Anabel ang nobya ko at hangad naming makasal ngayon." Nakangiting turan ni Johnny.

Tumungo na sila sa library room ng naubos na nila ang kapeng dinala ni Mrs Monot mula kusina.

Madali lang ang naging seremonya ng kasal dahil pumirma lang sila Hindi na sila bumitaw ng kanilang vow dahil ikakasal naman muli sila.

Kay lapad-lapad ng ngiti nila pagkatapos ng pirmahan at isinilid na ang marriage contract sa suit case nito.

"Aasikasuhin ko agad to bukas.." Turan nito.

"Maraming Salamat po sa ikalawang kasal namin kayo parin ang isa tatayong ninong at ninang"

Magkahawak kamay silang umuwi sa malaking bahay ni Johnny. "Hindi ako makapaniwala na asawa na kita ngayon. Kaninang alas syete jowa lang tayo tapos kanina namang alas nwebe engaged na tayo tapos ngayon asawa na kita.. Diyos ko sana Hindi panaginip ito.."

Pinisil ni Johnny ang palad niyang kahawak kamay nitto . "Hindi ito panaginip mahal.." Nangingiting sabi nito.

"Mahal" ulit niya sa ginamit ng asawang endearment. Napakasarap sa pandinig niya.

"Ang laki pala ng bahay mo may second floor pa" sabi niya ng nakapasok na sila.

"Hindi ko na lang bahay ito ngayon , bahay natin mag-asawa NA tayo ngayon." Sagot nito na MA's lalong nagpalapad sa ngiti niya.

"Dito ako matutulog ngayon ah?" Tanong niya.

"Kahit wag ka ng umuwi honeymoon natin ngayon" nanlaki naman ang mata niya.. Oo nga noh? Hindi ko naisip yun ah.. Ehh! Excited na ako.. Kinilig siya sa naisip.

Nagulat na lang siya ng maramdamang hila-hila siya ni Johnny. NASA second floor na sila. "Saan mo ako dadalhin?" Natatarantang tanong niya.

Tumigil na ito ng makapasok sila sa isang kwarto bago sumagot. "Ito ang kwarto natin magmula ngayon.. Mauna na akong maligo" pumasok na ito sa isang pintuan , siya naman at dahan-dahang umupo sa kama bago pinalibot ang tingin sa silid.

Napaka-aliwalas nito at mabango , ang lambot rin ng kama pero Hindi niyon nababawasan ang nararamdamang kaba at excitement. Lumabas na si Johnny sa banyo kaya naman pumasok na rin siya pero agad rin lumabas ng maalalang wala siyang masusuot, binigyan naman siya nito ng T-shirt at boxer. Pinadaan muna niya ang kamay sa lahat ng pampaligo ni Johnny bago naligo, paglabas niya ng banyo agad niyang nakitang nakahiga na ito sa kama at unan ang dalawang braso,bumaling ito sa kanya. "Hey wife." Bumaba na ito saka siya sinalubong. Napansin niyang napakasexy at kisig nito sa suot na sando at boxer na may tatak na 'Anabel's property'.

Nanlaki ang mata niya ng maalalang ito ang regalo niya dito noong graduation nito sa highschool. "Nasayo pa iyan tapos kasya mo pa?" Gulat na turan niya.

"Malaki talaga ito. Nagkasya lang sa akin ng tumuntong akong twenty. Minsan ko lang gamitin ito dahil baka masira at ngayon isinuot ko dahil honeymoon natin." Ang huling sinabi ay naging bulong na lamang dahil yakap-yakap na siya nito. At sa isang Segundo pa ay sakop na nito ang labi niya.

Kinabukasan nagising siya sa malakas na ringtone ng cellphone niyang naroroon sa bag niya sa katabing mesa ng kama. Kinuha iyon at sinagot. "Hello 'nay "

"Nasaan ka? Ngayon ka lang di umuwi pero di ka nagpaalam. Anong nangyari sayo? " nag-aalalang tanong nito , Hindi man lang naghello muna.

"Relax ka lang nanay." Tumingin siya sa katabi ngunit wala na roon ang asawa niya. Humagikgik siya ng maisip na asawa na niyo si Johnny.

"Anong tinatawa-tawa mo Jan." Naiinis na sabi nito sa kabilang Linya.

"Nanay ang saya-saya ko ngayon. Alam niyo bang ikinasal kami in Johnny kagabi at narito ako ngayon sa bahay niya na bahay na naming ngayon dahil asawa na niya ako." Masayang balita niya sa INA.

Mahabang sandali ang lumipas bago niya narinig ang malakas njyong tawa."anak nasaan ka nga wag kang magbiro wag mong sabihin sa akin and pangarap mo lang. OK?"

Siya naman ay nalukot ang mukha sa narinig. "Punta na lang kayo dito sa Ulima village na pagmamay-ari ni Mario Sinum at itanong niyo sa guard kung nasaan ang bahay ni Johnny para maniwala kayo. Bye." Pinatay na niya any tawag at bumaba sa kama. Bumaba sa unang palapag ng bahay at naabutan niyang nagluluto ng agahan si Johnny. Pinanood niya itong magluto hanggang napansin nito ang presensiya niya.

Iniwan ang niluluto at lumakad palapit sa kanya. "Good morning mahal" sabi nito sabay halik sa pisngi niya. Kinilig naman siya sa inakto nito. Binati rin niya ito pabalik. Hiling niyang sana forever na itong ganoon sa kanya .

Katatapos lang nilang nag-agahan ng may sunod-sunod na katok sa may pintuan. Magka-akbay nilang tinungo ang pintuan at pinagbuksan kung sino ang kumakatok.

Tumambad sa kanila ang buong pamilya ni Anabel. Pareho silang nagulat. " 'Nay, 'tay, kuya, ate anong ginagawa niyo rito!?" Gulat na sabi niya.

Mapanuri ang tinging ipinupukol ng pamilya niya sa kanila. Tumaas ang kilay ng kanyang INA. "Nakalimutan mo yatang tumawag ako kanina."

Si Johnny na di alam ang gawin ay pinapasok ang mga ito. "Pumasok ho Muna kayo" paanyaya nito.

Pumasok nga ang mga ito, nakaupo na silang lahat sa sala.

"Ipaliwanag mo nga ito Anabel" istriktong sabi ni Vincent, ang ama ni Anabel.

Tumikhim muna siya. " Masyadong mabilis ang pangyayari at kagabi nga ay ikinasal kami." Paliwanag niya.

"May pamilya ka Anabel at hindi mo man lang pinaalam na magpapakasal na pala kayo kagabi" may hinanakit na sabi ng kanyang ina.

"Kagabi lang naming naisipan magpakasal kaya Kami lang at ang ninongs namin at ninang ang nakakaalam. Ang mag-asawang mayor jan sa kapitbahay at ang may-ari ng village na ito at wala ng iba. Kahit ang pamilya ni Johnny at kayo. Kumbaga Rush secret marriage ang nangyari sa amin" mahabang sabi niya.

Magsasalita sana ang ina niya pero nauna ang kanyang asawa. "Hwag po kayong mag-alala Pagbalik po ng magulang ko galing America ay magpapakasal kaming muli ni Anabel sa simbahan at sisiguruhin Kong kumpleto ang pamilya pati na rin ang mga kaibigan at kakilala." Sabi ni Johnny at sa isang iglap lang at nakangiti na ang pamilaya niya.

"Sisiguruhin mo lang Johnny ." nangingiting sabi ng kanyang ama. Napailing na lang siya sa kanyang pamilya.

Nakaalis na ang pamilya niya at nag-overseas naman si Johnny sa magulang nito sa America. Dahil chismosa siya ay inilapit niya ang tainga sa tainga ni Johnny kung saan ang cellphone nito. Ilang ring pa lang ay sinagot na sa kabilang Linya.

"Hello anak, good afternoon, kumusta ka na?" Agad na sabi ng ginang na si Maya.

"Ayos na ayos po. Kayo po ni papa, kumusta? At good morning pa po dito"

"Okay lang din kami dito. Matagal pa kaming babalik jan, hwag masyadong ibabad ang katawan sa trabaho OK?" Malumanay na sabi ng ginang.

"Alam ko po iyon, napatawag ako dahil nais kong iparating sa inyo na ikinasal na ako kagabi at ikakasal kaming muli pagbalik ninyo." Masayang balita nito sa ina.

"A-nong sinabi mo anak?" Medyo utal na sabi nito.

Natawa ng mahina ang asawa niya. "Opo mama , ikinasal na ako at ikakasal pa akong muli kay Anabel, narito siya oh" sabay akbay sa kanya. "Maghello ka kay mama mahal" malambing na utos nito sa kanya.

"He-llo ma'am.."nahihiyang sabi niya.

Biglang tumili ang ginang sa kabilang linya. "Sasabihin ko agad kay Mauro pagdating niya! This week kami uuwi jan.!" Yun lang at namatay ang linya.

Nagkatinginan sila bago nagngitian "hindi yata nila inaasahan ang biglaan mong pagpapakasal lalo na at ang alam nila ay bakla ka." Nakangiting turan niya.

Biglang sumeryoso ito pero agad rin itong masuyong ngumiti. Hinawakan ang pisngi niya. "Matagal ng napatunayan ng mga magulang kong hindi talaga ako bakla pati ang mga kaibigan ko at Alam rin nilang may nagugustuhan akong babae at ikaw iyon. Hindi lang kita gusto mahal kita, mahal na mahal." Sandali silang nagkatitigan bago nagtagpo ang kanilang mga labi.

Ang pagpapakasal nilang muli at nangyari makalipas lang ng isang buwan. Dumating kasi ang mga magulang ni Johnny makaraan lang ng dalawang araw mula ng tumawag sila. Inasikaso agad ng parents ni Johnny ang kanilang kasal, tumulong rin ang kanyang ama dahil sa flower farm nito galing ang mga bulaklak na kakailanganin sa kasal. Ito lang kasi ang hinayaan ng mama Maya at papa Mauro niya na itulong ng pamilya niya.

Sapat na raw na pinakasalan niya ang anak ng mga ito at ang pagiging masugid na manliligaw ni Johnny. Engrande ang kanilang kasal sa kagustuhan rin ng mga pamilya nila lalo na ang mama Maya. Marami ang dumalo ang mga pitong anak ng may-ari ng village na si Mario Sinum ay dumalo rin pati rin ito. Ang mag-asawang mayor na sina kosep at auring. Ang pinsang Si Marisa at asawa't anak nito ay dumalo rin. Sina security Rod, security Inggo, kuya Jake, kuya budad, kuya Jeremy, secretary jimboy at marami pang iba.

"Bakit narito ang babaeng iyon?" Naiinis na tanong niya Kay Johnny ng matanawan ang babaeng kausap nito sa parlor isang buwan na ang nakakaraan.

Kumunot ang noo ni Johnny "Hindi mo siya natatandaan siya si Abigail, tingnan mo yung mga kakwentuhan niya? Sina divina at Analyn iyan. Hindi mo sila nakilala sa tagal ng panahon na di mo sila nakita at medyo tumaba rin sila dahil siguro nanganak na sila." Mahabang sabi nito.

"Ganun ba? Akala ko kung sino siya." Tumatangong sabi niya.

"Susss.. Selos ka lang sa kanya eh.." Nangingiting wika nito.

"Hindi ah. Bakit naman?" Tanggi niya.

"Aminin mo na kasi pinagseselosan mo siya." Patuloy nito sa pang-iinis sa kanya.

"Ano naman ngayon. Hindi naman masama ah." Pag-amin na lang niya dahil ayaw niyang pinag-uusapan nila ng mahaba ang tungkol sa selos niya.

Ngumiti naman ng matagumpay si Johnny. "Pero alam mo kahit hindi ka nila nakita ng mahabang panahon, hindi ka nila nalilimutan dahil ikaw lang ang nanligaw sa akin, nagkagusto sa akin, ikaw lang rin ang sinabi ko sa kanilang gusto ko at wala ng iba. At higit sa lahat ikaw ay 'Cute, dark,and sexy' sabi mo nga pero pinipintasan ko ang definition mo dahil may kulang ,.." Tumigil ito ng matagal kaya tinanong niya.

"Ano naman.!." Kunwaring naiinis siya pero ang totoo ay tumatalbog na ang puso niya sa kilig.

Ngumiti si Johnny bago nagpatuloy. "Kulang ng maganda. Dapat 'Cute, dark, sexy, and beautiful' "

Hahalikan na sana niya ang asawa dahil sa kilig ng.. "Sa honeymoon na lang pwede? Reception na ito maya-maya lang ay honeymoon kaya stop muna, pwede?" Sabad ng ate niyang dumaan kung saan sila nakapwesto.

Nagtatampo, Naiinis at nagagalit si Johnny sa asawa pero di niya kayang ipakita dito ang galit niya lalo na't naging iyakin si Anabel sa nagdaang mga lingo kaya ang ginawa niya ay hindi siya umuuwi sa kanilang bahay kundi sa bahay ng magulang niya minsan din sa bahay ng magulang ng asawa , maglilimang araw na.

Hindi kasi niya maintindihan ang ugali nito, matampuhin na ito, mabilis na rin magalit sinisigawan na siya lagi, napakasensitibo rin nito , minsan rin ay napakalambing, at napakaiyakin rin nito.

Namimiss na niya ang asawa pero gusto niyang panindigan ang ginagawa. Gusto niyang sunduin siya ng asawa pero mag-iisang linggo na pero hindi siya sinundo ng asawa, ni text at tawag ay wala siyang natangap. Naiiyak na siya dahil parang di na siya mahalaga rito. Parang gusto na rin niyang itigil ang ginagawang hindi pag-uwi sa bahay. Hindi na siya makaconcentrate sa trabaho, lagi na lang siyang balisa.

Isang oras pa ang lumipas bago siya wala sa sariling tumayo at nilisan ang building ilang-sandali pa ay tinutunton na niya ang daan patungong ulima village. Iginarahe muna niya ang kotse bago dali-daling pumasok sa bahay. Nadatnan niyang malinis ang salas, tumakbo na siya sa kwarto nila.

Napagdesisyon na niyang itigil na ang kalokohan niya dahil hindi siya susunduin ng asawa. Naisip niyang gumagawa lang siya ng problema. Lulunukin na niya ang pride dahil wala naman patutunguhan yun. Titiisin niya ang asawa gaya ng ginawa nitong pagtitiis sa kanya noong sinusuyo pa siya.

Pagbukas niya ng pinto ng kwarto ay naabutan niyang tahimik na umiiyak ang asawa habang nakahiga at balot ng comforter. Nakaramdam siya ng pagsisisi . Pagsisi dahil sa ginawang hindi pag-uwi kaya ngayon ay umiiyak ito at parang ayaw ng lumabas.

Lumapit siya dito, hindi pa rin siya nito napapansin. Umupo siya sa kama saka pa lang siya nito nakita. Hinawakan niya ang kamay nito.

"Patawad sa ginawa ko.." Puno ng pagsisising wika niya. " patawad sa ginawa kong hindi pag-uwi, nagtatampo ako sayo dahil madalas mo na akong sungitan kaysa lambingin. Naiinis ako at nagagalit sayo dahil kinaiinisan mo ako minsan tapos pinagtitripan mo pa ako, sabi mo ang baho ng kili-kili ko pag umaga kaya nagsisisi kang pinakasalan mo ako, tinitiis mo lang papa ako samantalang ikaw naman itong mabaho ang kili-kili dahil minsan ka na lang maligo." Huminto muna siya sandali dahil tutulo na ang luha niya at nababasag na rin ang boses niya. Pumalahaw na rin ng iyak ang asawa niya. "Tapos sinisigaw-sigawan mo pa ako madalas, kapag may mali ka tapos tinatama ko ay nagagalit ka at bigla mo na lang akong bubulyawan, gusto mong ikaw ang laging tama kahit hindi naman kaya napuno na ako at hindi na umuwi para mapagtanto mong nagtatampo rin ako at nagagalit pero wala pang dalawang araw hinihintay na kitang sunduin mo ako. O di kaya ay itext mo ako o tawagan man lang para pauwiin ako dahil namimiss mo na ako.." Mapait siyang ngumiti may tumulo na ring isang butil ng luha mula sa mata niya. Mas lalong umiyak ang asawa niya.

"Ngunit ako lang gumagawa ng problema ko kasi kahit isa man sa mga iyon ay hindi mo ginawa. Dahil sa pride pinagpatuloy kong di umuwi kahit lagi na lang akong balisa sa trabaho at ngayon mga ay nandito ako dahil hindi kita matiis, mahal kasi kita eh." Ngumiti siya dito.

"Fir-st A-ani-vers-ary na-tin noong nag-da-ang a-raw. Hi-nin-tay k-kita , nag-luto a-ko ng se-leb-rasyon na-tin." Sa paputol putol salita dahil sa patuloy na pag-iyak ay sinabi ni Anabel iyon.

Nanlaki naman ang mata ni Johnny, ngayon niya lang naalala na first anniversary nila noong isang araw. Nakaramdam siya ng guilt dahil doon.

Niyakap niya ang asawa. "Sorry nakalimutan ko.." Puno pagsisising sabi niya.

"Hwag kang hingi ng hingi ng tawad dahil nagkamali rin ako at yun ang dahilan kaya nakalimutan mo ang anniversary natin." Bumaba na ito sabay pahid ng luha. Bago siya hinila papuntang kusina, pagdating sa kusina naabutan nila ang kusinang nangangamoy na dahil sa mga pagkaing nakahain sa mesa.

Nalukot and mukha niya. "Bakit di mo niligpit? Nangangamoy na oh." Turo niya sa mga pagkain.

Parang hindi siya narinig, diritso lang ito sa pwesto nito sa mesa at binuksan and drawer na pinasadyang ilagay doon , may kinuhang isang envelope na kulay pula, nakangiti nitong ibinigay sa kanya.

Binuksan niya ito , isang kapirasong papel ang laman may sulat doon.

'Happy anniversary john-john mahal, ilang buwan na lang may junior ka na' iyon ang nakasulat. Nagtatanong ang matang tumingin sa asawa.

"Ano masasabi mo?" Nakangiting tanong nito.

Napakamot siya sa kanyang ulo . "ano ba kasi ang ibig mong sabihin dito"

Nawala ang ngiti ni Anabel "bahala ka jan, ang hina mo! Di mo man lang nakuha ang ibig Kong ipahiwatig! Junior! Junior mo! Nag-effort pa ako

!" Galit itong umalis ng kusina.

Siya naman ay nakatingin lang sa pintuang nilabasan nito, naisip niyang bakit Hindi na lang siya nito diniretso at dinaan pa sa sulat na di naman niya maintindihan.

Sinundan niya ito, susuyuin. Kahit siya na ang umintindi bagaman Hindi siya ang mali. Nakasimangot ang asawa niyang nanonood sa TV. Niyakap niya ito mula sa likuran.

"Ano ba ang nais mong ipaalam sa akin sa pamamagitan ng sulat na iyon?" Malambing na tanong niya.

"Wala!" Galit na sagot ng misis niya.

"Hindi lang wala iyon mahal , Alam Kong mahalaga yun.." Pagpipilit niya.

"Parang Hindi naman mahalaga sayo eh! Naghirap pa akong nagluto! Hindi ka naman dumating para tikman man lang tapos yung regalo ko sana sayo hindi mo naman naunawaan! Tangina mo! Juice mother ka!" Galit at naiiyak na bulyaw nito.

"Sorry na.. Tawagin mo akong bobo, tanga o kahit ano kung iyon ang nakakapagbawas sa galit mo… Basta sabihin mo sa akin kung ano iyon.." Pagmamakaawa niya.

Sandali itong hindi umimik. Mayamaya tumingin into sa kanya at tinititigan siya na tila tinatantiya kung sasabihin o wag na lang.

"Buntis ako Johnny, yun ang nilalaman ng sulat na .." Mahinang sabi nito.

"Buntis ka lang pala eh, ano namang…-"

"What?" Yun lang ang lumabas sa bibig niya ng marealize ang sinabi nito.

"Ulitin mo nga iyon?" Maya-maya ay tanong niya.

"Buntis ako " nakangiting ulit nito.

Sumilay ang malapad na ngiti sa labi niya at tumitig sa asawang bakas ang saya sa mukha. Umalis siya sa likod nito at lumipat sa harapan.

"Halika ka nga." Hinila niya patayo at Niyakap. "Kaya ba ganun ka nitong mga nakaraan? Naglilihi ka na pala ba't di mo sinabi sa akin para sana naging MA's maunawain ako at Alam ko ang mga ginagawa ko?"

"Gusto ko kasing I-surprise ka sa anniversary natin kaso iba ang nangyari.. " kumalas ito sa yakap . " kailangan Kong maligo dalawang araw na akong di naliligo at kasalanan mo iyon kaya linisin mo ang kusina.."

"Yes ma'am" natatawang sagot niya, pumunta na siya sa kusina at masayang naglinis sa mga pagkaing panis.

Ngayon kahit ano siguro ang ipagawa at gawin ng asawa niya sa kanya ay OK lang sa kanya at do magrereklamo kasi Alam naman niyang naglilihi ito..

Ang kanyang asawa ang MA's maunawain sa kanila natutunan niya iyon sa isang taon na nilang pagsasama pero dapat alam niyang may mga pagkakataong ganito na Kailangan niyang mas palawakin ang kanyang pang-unawa dahil para rin iyon sa kanila lalo na sa kanya dahil Hindi niya kayang mawalay rito lalo na't naranasan niyang mawalay rito at pakiramdam niya ay Parang NASA impyerno siya. .

Wakas..

#sanallanabel hahaha

Note: thank you for reading! I hope you enjoy it!♥️