webnovel

Chapter 9

Chapter 9

Napakasimple lang ng sinuot niya, hindi siya nagdress. Nagsuot lang siya ng fitted na itim na pantalon saka pinaresan ng v-neck white T-shirt na may caption sa harap na 'you're mine J'. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto ng marinig na may humintong kotse sa harap ng bahay.

Nasa pinto na siya ng makitang sinalubong na ng nanay niya ang dumating, si Johnny. Mukhang wala pa ang ibang pamilya niya, inunahan pa ng bisita.

Sumalubong na rin siya.

"Ikaw ba hijo siJohnny?" Tanong ng ina niya.

Sumulyap muna sa kanya si Johnny bago sinagot ang kanyang ina. "Ako nga po ma'am.." Magalang na sagot nito.

"Wag mo akong tawaging ma'am di naman ako guro. Tita muna ang itawag mo sa akin…." Hindi nito itinuloy ang sasabihin ng may humintong kotse sa likod ng kotse ni johnny. Lumabas ang kanyang tatay at dalawang kapatid sa kotse. Mabilis ang mga itong lumapit sa kanila.

"Good evening sir Johnny" bati ng ate may-may niya.

"Ate may-may? " gulat na sabi in johnny.

"Kilala mo siya ate? At ikaw Johnny kailan mo nakilala si ate?" Nagtatakang tanong niya.

"Ano ka ba Anabel daig mo pa si aling kathryn niyan, " ang aling katty na tinutukoy ng ate niya ay ang kapitbahay nilang chismosa. "Suki ko kasi siya sa pwesto ko sa palengke. Hindi ko pinaalam sayo baka bigla ka na lang maghanap rin ng pwesto doon." Mahabang turan nito.

"Grabe ka, hindi ko naman siguro gagawin yun, bibisita lang siguro roon paminsan-minsan" sagot niya.

"Sa loob niyo na ituloy yan" sabat ng ama nila. "Ako si Vincent ang ama in Anabel." Pormal na pagpapakilala ng tatay niya.

"Magandang gabi po. Ako po si Johnny" magalang na sabi ni Johnny sabay tanggap sa kamay ng ama. Pagkatapos ang kuya ton-ton naman niya.

"Ton-ton , ikaw pala si Johnny.." Tumango ito bago sila nagkamay.

Sa mesa ay katabi niya si Johnny sa kaliwa habang sa kanan ay ang ate niya. Sa harap nila nakapwesto ang ama, ina, at kuya.

"Hijo buti pinagbigyan mo ang anak ko sa hapunang ito.." Panimula ng ina niya.

"Opo, katunayan nga ay ngayon lang ako inaya ni Anabel sa isang hapunan" sagot naman nito..

"Ganun ba.. buti pala pinilit ko itong batang to na ayain ka dahil sa tagal ba naman ng pansusuyo sayo ay ni hindi ka niya pinakilala sa amin." Sabi na naman ng ina niya.

"Balita ko nasa America pa ang parents mo?" Tanong ng ama niya

"Magdadalawang buwan na sila doon sir at magtatagal pa sila ng limang buwan. " Magalang na sagot nito.. May napapansin si Anabel kay Johnny mula pa kaninang dating nito… Bakit ang galang-galang nito ? Tanong ng isip niya.

"Ilang taon ka na?" Tanong ng kuya ton-ton niya.

"Treinta na.." Sagot nito.

"Sir Johnny kailan uli ang bisita niyo sa palengke? Isang lingo ka ng di nakikita roon ah" tanong ng ate niya.

"Hindi ko alam kung kailan ako pupunta roon muli." Sagot nito.

"Johnny? Kailan mo balak mag-asawa?" Sa pagkakataong iyon siya ang nagtanong. Bumaling sa kanya lahat ang mga ito. Pakiwari ni Anabel ay nagulat si Johnny sa tanong niya at naghihintay naman ang pamilya niya sa sagot ng lalaki.

Tumikhim muna ito, bago ibinuka ang bibig pero walang salitang lumabas roon. Tumikhim muli ito..

"ahm…ahm.. Ano hin…di.."

Sinadya niyang tinabig ang baso niya para huminto ito, alam kasi niyang hindi nito alam ang isasagot.

Sabay-sabay silang tumingin sa baso niyang nahulog na pero hindi naman nabasag..

Tinampal pa niya ang noo. "Susmaryosep kang kamay.." Kunwaring naiinis na sabi niya.

Natapos ang hapunan ng hindi na muling naungkat ang topikong pag-aasawa. Nasa salas na sila ng mga oras na iyon , nagkekwentuhan ng mag-excuse ang kuya niya at isinama pa si Johnny may pag-uusapan daw sila. Makaraan ng sampung minuto ay wala pa ang mga ito.

"Ano na kaya ang nangyari sa dalawang iyon sa likod?" Tanong niya sa mga kasama.

Walang sumagot sa mga ito at patuloy sa pag-uusap tungkol sa pinapanood na teleserye. Napailing na lang siya, hinintay niyang dumaan pa ang sampung minuto bago napagpasyahan na sumunod. Pero dumaan lang ang ilang sandali bumalik na ang mga ito.

May napansin siyang nagbago Kay Johnny naging tahimik na ito, minsan na lang sumagot sa tanong. Tumingin siya sa kuya niyang pangisi-ngisi lang. Ano kayang napag-usapan ng mga ito?

Nang aalis na si Johnny ay siya lang ang naghatid dito sa labas. Binubuksan na nito ang pintuan ng kotse.

"Mag-iingat ka sa biyahe." Paalala niya dito. "Salamat nga pala sa pag-unlak mo sa aya ko.. Bye goodnight sweet dream este dream of me.."

Bukas na ang driver's seat pero imbes na pumasok ay isinandal nito ang ulo sa tuktok ng kotse saka humalukipkip. Napkagwapo nito sa paningin ni Anabel lalo na ng humalukipkip. Tumitig sa kanya ng maraming sandali bago nagsalita.

"Totoo ba?" Tanong nito.

"Ang alin?" Balik tanong niya.

"Na marami kang manliligaw dito sa barangay niyo pati na raw sa kalapit na barangay tapos nitong mga nakaraang araw napapansin Kong bukambibig ka ng secretary ko.." Mahinang sabi nito.

Sasagot sana siya para itama ito pero naunahan siya nito.

"Pasensiya ka na sa ugali ko nitong nakaraang araw sadyang may iniisip kasi ako nun." Nagulat siya sa tinuran nito pero mas nangingibabaw ang pagtataka dahil hindi nito gawaing humingi ng sorry sa kanya.

"Pwede ba kitang mayakap ngayon?" Tanong nito. Sa pagkakataong iyon ay kumunot ang noo niya, kailanma'y hindi siya nito niyakap.

"May problema ka ba Johnny?" Seryosong tanong niya.

"Wala, paano mo naman nasabi?" Seryoso rin ito.

"Kasi hindi mo gawain yan eh." Sabi niya.

"Nagbabago ang tao.." Mahinang sabi nito.

"Pwede bang umuwi ka muna? Bukas pag-uusapan natin ang problema mo sa opisina." Sabi na lang niya.

Mabilis itong tumalikod at sumakay sa kotse kaya di niya nakita ang pagbalatay ng sakit sa mukha nito. Nakapwesto na ito ng tumingin sa kanya, ngumiti ito.

"Sige.." Yun lang at ipinid na nito ang pintuan ilang sandali lang ay tinatanaw na niya ang likod ng kotse nito.

Napailing na lang siya sa kinilos ng lalaki. Pagpasok niya ay naabutan niyang may malalapad na ngiti ang pamilya niya. Narinig pa niya ang huling sabi ng kuya niya bago siya napansin ng mga ito.

"Sisiguruhin kong sa linggong ito ay may boyfriend na si bunso. Hwag na kayong mag-alala, Hindi na tatandang dalaga si Anabel".

" hoy kuya anong boyfriend-boyfriend yang sinasabi mo!?"

"Wait ka lang sis.. Sa mga susunod na araw ay hindi na tutugma sayo ang titulong NBSB" nakangiting umirap ang ate niya.

"Ewan ko sa inyo!, basta! Hindi ako papayag na hindi si Johnny ang magiging una at huling boypren ko." Sabi niya at nagmamarchang tinungo ang kwarto. Itutulog na lang niya.

Kinabukasan gaya ng dati ay dumiritso siya opisina ni Johnny. Binigyan muna niya si jimboy ng banana que na nabili niya sa labas bago tuluyang pumasok. Naabutan niya si Johnny na abalang-abala na.

"Ang aga-aga napakabisi mo na.." Pansin niya.

"Kailangan ko kasing tapusin ang mga ito habang maaga pa." Sagot nito na di nag-aangat ng tingin.

Hinawakan niya ang kamay nito para tumigil muna. Inilagay niya ang hawak na rosas sa kamay nitong hawak bago dumukwang at hinagkan ang magkabilang pisngi nito. Sanayan na ito sabi niya sa isip

"Sige mamayang hapunan natin pag-usapan ang suliranin mo." Sabi niya at lumabas na.