Chapter 48: End of Grading
Ayradel's Side
Tumindig ang balahibo ko nang suyurin niya ng tingin ang buong katawan ko. Nang magtama muli ang tingin namin ay pinagtaasan niya ako ng kilay, saka umiwas ng tingin at umigting ang panga.
Napalunok ako dahil mukhang hindi niya naman nagustuhan ang suot ko. Baka narealize niya nang hindi ako maganda at sexy, na hindi ako nararapat sa kanya. I bit my lower lip.
Agad na lumapit si Suho kay besty nang makita ito, at namangha ako nang makita kung gano kapula si Lui kaharap ang topless rin na si Suho. Maganda rin ang katawan nito, hindi gaanong defined ang abs katulad ng kay Richard pero makikita mong may muscles rin at may sinasabi.
Hinila naman ako ni besty sa bandang pool. Nakahawak sa pulso niya si Suho, at nagpapapansin. As usual, minsan lang siya kausapin ni Besty.
Malamig na tubig ang yumakap nang lumubog ako. Hindi ako masiyadong marunong lumangoy, samantalang isa rin sa talent ito ni Lui. Puro pa-floating pa rin ang alam ko.
Lumingon ulit ako sa direksyon ni Richard, pero wala na siya. Lumangoy langoy si Lui, at lumubog lamang ako at paminsan minsan ay nagpofloating.
Napatayo na lang ako sa gulat nang biglang may lumapit sa akin.
''Ayradel, right?'' Ani ng hindi pamilyar na mukha. Siguro ay taga-Lee University ito.
Nahihiya akong tumango, at bahagyang lumubog sa tubig para itago ang katawan ko.
''Ngayon lang kita nakita ah, yung Jae Anne Galvez lang ang kilala ko sa school niyo. Good thing sumama ako dito, nakita kita sa personal,'' ngumiwi lamang ako dahil hindi ko alam kung anong dapat ireact sa mga sinasabi niya. ''Charles nga pala. Charles Lizarde from Lee University,''
Inilahad niya ang palad niya at tatanggapin ko sana nang biglang may magsalita sa likuran ko.
''Tss, walang may pake sa kung anong pangalan mo.''
Napalingon ako sa lalaki sa likuran ko at agad na nakuryente nang maramdaman ko ang init ng kamay niya sa baywang ko. Hindi ko rin maiwasang mamula dahil naka-topless lang siya ngayon. Ramdam na ramdam ko ang init nito sa balat ko.
''Sa babae ako nagpapakilala, hindi sa iyo.'' Humalakhak pa siya ng pabiro, pagkatapos ay natigilan nang makita ang kamay ni Richard sa bewang ko. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko. ''Oops, sorry, Man, may nagmamayari na pala. I didn't know.''
Nakahinga lamang ako ng maluwag nang umalis 'yong lalaki at binitawan na ako ni Richard Lee. Napalingon ako nang nagtungo siya sa gilid ng pool. Sumunod ako, at nang magtama ang mga mata namin ay agad akong nagsisi.
Umiwas siya ng tingin habang kunot ang noo, at kitang kita ko kung gaano na kapula ang mukha niya ngayon. Hindi tuloy ako mapakali sa suot ko. Feeling ko dahil dito siya ganyan.
Tumalikod ulit ako at inilubog sa tubig ang katawan ko.
''Kumuha lang ako ng pagkain mo, may kumausap agad sa iyo.''
Muli akong napalingon n'ong nagsalita siya, pero agad ring naglanding ang mata ko sa dibdib niya pababa sa abs. Tarantang ibinalik ko sa mata niya ang mata ko. Nakasandal siya sa tiles ng pool sa pinakagilid. Walang masiyadong nakatingin sa amin dahil busy ang lahat sa pagkain sa mahabang lamesa.
''Cake?'' Aniya, at hawak na nga niya ang isang platitong may slice ng cake. Napalunok na lang ako at lumapit sa kanya. Tumabi ako, ngunit hindi gan'on kalapit. Tinuon ko na lang sa cake ang pansin ko.
''Thanks,'' nilantakan ko na nga yung chocolate cake.
''Why're you wearing that thing?''
Nagbukas ang bibig ko ngunit agad na natigilan dahil napukaw ang atensiyon naming lahat nang lumabas mula sa glass door si Jae Anne Galvez. Katulad ng inaasahan, she look so stunning, kahit two piece lamang ang suot. Red ito na may stripe na white. Kung maglakad siya ay halos gawin niyang entablado ang daanan. Hindi nakakapagtaka kung bakit sobrang nakukuha niya ang atensyon ng lahat.
''Sorry. P-panget ba?'' Namula ang pisngi ko sa hiya nang pasadahan ko ng tingin ang sarili ko. Palagi kong nararamdamang walang-wala ako pagdating kay Jae Anne.
"Yeah." tumango siya. "Panget."
Ouch ah. Pinilit kong ngumisi. "H-haha pinilit lang ako ni besty e."
''Ibig kong sabihin, pumapanget ang iba dahil sa 'yo. Hindi ka ba naaawa? Plus you're too beautiful, at ang daming ugok na tumitingin sa iyo ngayon.''
Mas lalong kumalabog ang dibdib ko lalo na nang mapatingin ako sa kanya. Ngumiti ako dahil sa kilig. Ngumiti lang din siya ng malawak.
Inextend niya yung kamay niya para abutin yung braso ko. Hinila niya ako palapit sa kanya.
''Ikaw pa rin naman ang pinakamaganda kahit nakatshirt at jogging pants ka lang.'' aniya. "Buti na lang nandito ako para malaman nilang bawal ka na."
Mas lalong hindi ko na mapigilan ang pag-ngiti.
''Tama na nga yan,'' saway ko habang ngiting-ngiti pa rin.
Mula sa braso ay pinagsiklop niya ang mga kamay namin, saka ito inilubog sa tubig, na ngayon ay hanggang dibdib ko.
"Ayra,"
"Hmm?"
''K-kung may nararamdaman ka sa akin, o nang dahil sa akin, huwag mong pipigilan, please.''
Nakangiti lang ako at hindi na makasagot pa. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. 'Yong sobrang lakas ng kabog ng puso ko pero ang saya sa pakiramdam.
Hindi ko naman kayang pigilan e.
Inubos na namin yung kinuha niyang cake, at pagkalipas ng ilang minuto ay napagpasyahan na naming umahon. Inabutan niya kami ng bathrobe ni besty, at nagkanya kanyang upo na nga ang lahat sa harap ng lamesa.
Agad kaming umupo ni besty, katabi niya naman sa kanan niya si Suho. Nagulat na lang ako nang makitang katabi ko na rin sa kaliwa ko 'yong Charles. Ngiting-ngiti siya at nagtaas-baba ang kilay nang malaman niyang namumukhaan ko siya. Ngiting ngiti lang talaga siya habang kumukuha ng ulam sa harapan niya.
''Besty kilala mo?'' Bulong ni Lui sa gilid ko.
''Hindi nga e.''
Isa 'yong malaking inihaw na bangus, na may mga kung anu-anong palaman sa tiyan. Nagitla na lang ako nang ilagay niya sa plato ko ang lahat ng kinuha niya mula doon.
''Masarap yan, tikman mo. Ako nag-ihaw,''
Napangiwi ako at tinitigan ang inilagay niya sa plato ko dahil puro kamatis.
''Wala rin akong pakialam kung ikaw nag-ihaw niyan. Kaya pwede bang umalis ka diyan sa pwesto ko.''
umangat ang tingin niya kay Richard Lee, at walang anu-ano ay umusog si Charles. Sumingit naman si Richard sa pagitan namin, saka pa niya sinamaan ng tingin si Charles sa tabi niya. Umalis doon si Charles at lumipat ng ibang upuan habang nakasimangot.
"Tss." yun na lang ang nasabi ni Charles.
Nilingon ako ni Richard at ang blanko lang ng mukha niya, saka pa siya nagsimulang kumuha rin doon sa bangus.
''Hala lagot, nagselos na.'' Komento ni besty sa tabi ko. Natikom ko ang aking bibig.
Nabigla na lang ako nang ilagay pa niya sa plato ko ang bangus, pagkatapos ay inilagay niya iyon sa harapan niya. Nagsimula niyang kainin ang ilang part ng mga nasa plato ko, specifically, mga kamatis. Inilagay niya muli sa harapan ko nang nakain niya na yung mga kamatis.
Napangiti ako. Ang liit na bagay, pero ang sarap sa pakiramdam kapag may natatandaang maliit na detalye ang isang tao tungkol sayo.
Pinagmasdan ko lang ang bawat galaw niya. Hinayaan ko siyang lagyan ng kanin ang plato ko, at ilan pa sa mga ulam na nakahain sa mesa.
''Eat,'' aniya nang makuntento. Nagulantang ako nang mag-sink in na pang-tatlong tao yung nilagay niya sa plato ko. Oo nga pala, grabe kung kumain ang Lee-ntik na 'to, ginaya niya pa yata ako sa kanya.
''Uhm, saan may kutsara?'' Tanong ko nang mapansing isang kutsara at tinidor lang ang hawak niya, wala rin siyang sariling plato.
''Share na tayo dito.'' Aniya saka sumubo mula sa plato ko.
''O ba't di ka kumuha ng sariling pagkain mo?!''
''Bakit, ako kumuha nito?'' Prenteng sagot niya habang ngumunguya.
''Plato ko yan e,'' sagot ko. ''O sige na nga, kukuha na lang ako ng bago.''
Ano ba yan. Akala ko pa naman para sa akin yung pagsasandok niya.
Tumayo na ako, ngunit agad niyang hinigit ang balikat ko. Nanatili ang kamay niya doon kaya parang nakaakbay siya sa akin habang nakaupo. Nakaliti ako noong bumaba ito patungo sa baywang ko.
''Joke lang, I just wanna share something with you, pleaseee?''
Ngumiti siya kaya napangiti na lang din ako.
Psh. Pa-cute.
Sumandok na siya ng kanin na may karne. Inilapit niya iyon para isubo sa akin. Pinipigilan ko na lang mapangiti.
''Say ahhh, Love.'' Kumalabog ang dibdib ko sa sinambit niya.
Pusanggalang 'Love', ghad!
''Don't worry, hindi naman ako naniniwala sa indirect kiss.'' Dagdag niya pa.
Naningkit ang mga mata ko sa idea ng pagngisi niya. Humalakhak siya nang maintindihan ang nasa utak ko which is tungkol sa direct kiss.
''Sige na, kumain ka na.'' Nakangiting aniya saka kumuha ng sariling plato at pagkain. Umirap lang ako pagkatapos ay ngumiti rin.
Ayoko nang matapos ang mga araw na ito. Next week, at sa susunod pang mga araw, hindi ko na sigurado kung nandito pa ba siya o hindi na. Kung seatmate ko pa rin ba siya o... babalik na ang lahat sa dati.
Na tahimik, 'puro-aral', walang Lee-ntik,
Katulad ng gusto ko noon, na ayaw ko nang mangyari ngayon.
Ngunit totoo ngang kapag masaya ka ay mas mabilis na lumilipas ang araw. In just a blink of an eye, it's already the end of the Third Grading.
Wala nang klase dahil ang mga teachers ay busy na sa pagcocompute ng grades. Ito na rin yung week na busy kaming Section 6A na i-lista ang lahat ng extra-curricular activities na sinalihan naminㅡ pagkatapos ay icocombine with our academic grades para malaman ang final naming grades.
Humugot ako ng malalim na hininga nang makapasok kami sa gate ng Tirona High. Kasama ko si Mama, at first time ito, siguro dahil graduating na ako. Madalas kasing si Papa ang kasama ko noon sa deliberation, o di naman kaya e ako lang mag-isa.
Kaya naman mas kinakabahan ako ngayon.
''Bibili lang ako sa canteen,'' ani ni Mama nang madaanan namin ang canteen na maraming tao, ''Mahaba ang pila kaya mauna ka na sa room niyo. 10 minutes na lang, 9AM na.''
I nod, pagkatapos ay naglakad na nga papuntang Science Garden para doon magshort cut.
Habang nasa hallway, napangiti ako nang makita ang lalaking nakasandal sa railings ngayon. Agad siyang napalingon at napangiti rin nang makita ako. Napakagat ako sa labi at napayuko dahil sa hiyaㅡ kasi gash, hindi ko mapigilang kiligin.
Habang tumatagal, mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko.
Hindi pa ako gan'on kalapit ay inextend niya na ang braso niya upang hilahin at hawakan ang kamay ko. Agad niyang hinawi ang ilang buhok kong humarang sa noo papuntang tainga, saka niya ako tinitigan habang nakangiti.
''Sinong kasama mo?'' Tanong ko. Tumingin lang siya sa kanan namin, at sa hindi kalayuan ng hallway ay natanaw ko si Kuya Maximo.
Bumalik ang tingin ko sa kanya at nakangiti lang talaga siya at hindi nagsasalita.
''Bakit?'' Kunot ang noo ko pero nakangiti pa rin. Parang baichi.
Umiling-iling siya habang nakangiti lang.
''Wala, masaya lang ako.'' Sagot niya't nakangiti pa rin. Napangiti na lang rin ako, saka napalingon sa taong paparating sa direksyon namin.
Si Tita Vivian.
Malawak ang ngiti niya nang makita ako, at ganon din ako sa kanya. Agad akong pumunta sa kanya upang makipagbeso-beso.
Si Tita Vivian ang palaging kasama ni Jayvee kapag bigayan ng Card kaya naman medyo kaclose ko na rin siya. Close niya na rin kaonti si Papa.
''Oh, hija, ikaw lang? Ang papa mo?'' Anito at nadako ang tingin sa likuran ko. Bahagya siyang natigilan.
''Wala po si Papa, si Mama po ang kasama ko ngayon,'' sagot ko.
Laglag lang ang kanyang panga habang sa likuran ko nakatingin. Nilingon ko rin si Richard na nakasandal muli sa railings at nakayuko lang.
Ibinalik ko kay Tita Vivian ang tingin.
''Ah!'' Inalis niya ang tingin kay Richard. ''M-mama mo? O-oo! Haha! Sana maka-close ko rin ang mama mo, ano?''
Ngumiti ako.
''Oo nga po eㅡ''
''Sandali, hija,'' hinawakan niya ang braso ko at pinaharap sa direksyon ni Richard. ''S-siya ba 'yong anak ng DepEd Secretary?''
''Opo, bakit po?''
Naalala kong nagtanong na rin sa akin noon si Tita Vivian tungkol kay Richard. Hindi kaya interesado talaga siya dito? Ngumiti ako at hinila si Tita.
''Halika po! Ipakilala ko po kayo?'' Sambit ko.
Agad naman siyang tumanggi.
''H-hindi, hindi! Huwag! Nakakahiya!''
''Huh? Bakit naman po nakakahiya? Mabait po siya!''
Hinila ko na nga si Tita Vivian papunta kay Richard. Napatingin sa amin si Richard, at ang blanko na ng mukha niya, kaya naman bigla akong natigilan at biglang kumalabog ang dibdib ko.
Bakit gan'on?
''A-ahm, si Tita Vivian nga pala...'' ㅡang Mama ni Jayvee.
Muntik ko nang batukan ang sarili ko. Shunga mo, Ayra! Kaya siguro ganyan na ang reaksyon ni Richard dahil mama nga pala siya ni Jayveeㅡ ang number 1 kaaway ni Richard. Bakit hindi ko inisip muna? Aish!
Awkward na tumawa si Tita Vivian.
''K-k-kamusta, Hijo?'' Ani ni Tita Vivian. Halatang kabado siya na ewan. ''Alam kong hindi mo ako kilala peroㅡ''
''Kilala kita.'' Madiin ang pagkakasambit ni Richard na nagpakalabog sa dibdib ko. Mukhang nagulat at natigilan din si Tita Vivian sa tono ni Richard, kaya naman nagbukas sara ang bibig niya upang maghanap ng sasabihin.
Umiwas ng tingin si Richard saka tipid na ngumisi.
''Biro lang,'' aniya saka tumawa ng mahina. ''Nice to meet you... po.''
Gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko na ang maliit na ngiti ni Richard. Ngunit agad na nabawi iyon nang sumunod na lumitaw si Jayvee sa hallway. Natigilan siya nang makita kami pero lumapit rin naman siya sa amin, at nagtungo sa likuran ni Tita Vivian.
Humalik siya sa pisngi nito.
''Ma.'' Aniya saka tumingin sa amin ni Richard, na parang nagtatanong kung bakit kami magkakausap.
Naramdaman ko rin ang paghila ni Richard sa braso ko palapit sa kanya.
Bumukas ang bibig ko para sumagot sana nang matanaw ko si Mama sa kaliwang side ko. Agad na tumama ang mata niya sa kamay ni Richard sa braso ko, at nang makalapit ay hinila niya rin ang braso ko dahilan para bitawan ako ni Richard.
''Bakit hindi ka pa pumasok sa room niyo?'' Kumalabog ang dibdib ko nang iba na naman ang tono ni Mama.
''Ahm, naguusap lang po kami ni Tita Vivianㅡ''
Mula sa pagkakatungo ay humarap na kay Mama si Tita Vivian. Kumunot ang noo ko sa paglaki ng mata ni Mama. Napatakip pa siya sa kanyang bibig at maluha-luha habang pinagmamasdan si tita Vivian.
''V-vivian?''
Nagpalipat lipat kay Mama at Tita Vivian ang tingin naming lahat. Ngumiti si Tita.
''M-myra.'' Aniya.