webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · General
Not enough ratings
133 Chs

Chapter 47

Chapter 47: Topless

Ayradel's Side

Sumakay kami sa tatlong magagarbong sasakyan ni Lee-ntik papunta sa kung saan. Hiwalay ang girls sa boys kaya naman si besty, at iba pang mga kaklase naming babae ang kasama ko ngayon sa isang kotse. Halos 30 kami sa klase kaya naman sapat na ang 10 estudyante kada sasakyan.

Hindi pa rin ako pinapansin ni besty kahit n'ong pasakay kami ng sasakyan. Pero kahit gan'on, pinilit ko pa ring maging katabi siya, pero ni hindi man lang niya ako nililingon.

"Saan ba papunta 'to, Tine?" Tanong ng kaklase ko na si Mikee, sa katabi niya.

"Aba malay ko kay Richy. Baka resort? Sila nila Ma'am ang nagplano nito e, diba? Ikaw, Ayra, alam mo ba?" Sagot ni Tine, tapos nagulat ako nang ako yung tignan niya.

Umiling-iling ako.

"Bakit hindi mo alam, e diba lagi kayong magkasama?"

"Uh, hindi niya n-nabanggit e." na-awkward talaga ako kausap sila. Hindi ako sanay.

"Ah, sige." aniya. ''Grabe no, ang yaman lang ni Richard. Tanong ko lang, Ayra, jowa mo na ba talaga siya?''

Mas lalo naman akong nabato sa sunod na tinanong niya. Hindi tuloy ako makasagot dahil hindi naman talaga kami. Nakatutok lang talaga silang lahat sa isasagot ko.

Nagbukas sara lang ang bibig ko.

''Kasi ang imposible lang talaga e.'' Dagdag pa niya, hindi ko maiwasang mapatungo dahil sa sudden stab sa dibdib ko.

''Ordinaryo ka lang rin naman katulad namin. Sorry, Ayra, ha to say this, pero talino lang naman ang lamang mo e?''

Natahimik kaming lahat dito sa sasakyan. Ayokong magpaapekto, gusto kong sumagot, pero sadyang tumatagos talaga sa puso ko yung mga salita niya, sapat na para mapatikom ang bibig ko.

Totoo ba iyon? Talino lang ang meron ako? Talino ang dahilan kung ba't ako napalapit sa kanya. Talino ang naging daan para makilala ko siya. Wala akong katangian na bagay sa isang kagaya niyang halos perfect na.

''Sobrang so good to be true ni Richard Lee para makagusto siya sa 'yo e. Ano bang ginawa mo? Pinuntahan siya sa kanila? Nagpapalandi ka? Paano mo ba siya nilandiㅡ''

"Hoy.'' napatingin ako kay besty na matalim nang nakatingin ngayon kina Tine. Kalmado lang siya pero halatang nagtitimpi. Hinawakan ko rin ang braso niya para mapigilan siya kung sakali. Agad namang nanginig sa takot sina Tine. ''Huwag niyo akong simulan ah. Itikom mo 'yang bibig mo kung ayaw mong tapalan ko 'yan ng kung ano.''

Naging tahimik ang lahat na sinundan ng awkward na tawa ni Mikee.

Kinalas din ni Lui ang kamay ko sa braso niya.

"Ang swerte nga nila sa isa't isa e! Pero sana, sana lang, ako na lang naging seatmate niya para kami nagkadevelope-an eㅡaray!!!"

Nakita kong kinurot 'to ng katabi niya na si Anie.

Nilingon ko naman si besty sa tabi ko pero sa ibang direksyon ulit siya nakatingin.

Napangiti ako. Atleast naramdaman ko pa rin na si Lui pa rin ito na handa akong ipagtanggol kahit na hindi kami okay. Kailangan ko lang talagang ayusin ito. Miss na miss ko na ang bestfriend ko.

"Akala ko ba si Jayvee crush moㅡ" kinurot din siya ni Mikee sa tagiliran. Nakuha naman nila ang atensyon ko.

"Shh! Ang ingay mo naman e!" Tapos sumenyas siya na parang si Jae Anne, na nasa harapan namin, ang tinutukoy. Halos lahat kami napatingin kay Jae. Tumagilid ang ulo niya upang ipaalam na narinig niya kami, saka bumalik ulit sa bintana ang atensiyon niya.

Parang sobrang lalim ng mata niya at maga pa na parang buong gabi ito umiyak. Pansin ko lang dahil bahagya itong sumingkit.

Ano kayang meron sa kanya? At posible bang inaasar siya nila Mikee kay Jayvee?

Ilang minuto pa, unti-unting dumadami ang mga punong nadadaanan namin. Medyo nakaka-45 minutes na byahe na kami. Medyo malayo ito sa lugar namin, hindi nga lang traffic kaya madali kaming nakarating. Hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng isang magarbong bahay.

Hindi... isang mansyon.

''Woah, ang laki ng bahay!" Komento ni Mikee.

Ang bahay ay mayroon lamang dalawang palapag ngunit malawak. Sobrang ganda rin dahil pinaghalong makaluma at moderno ang disensyo ng bahay. White, gray and black ang general na kulay.

Napatunayan ko ngang malawak iyon noong binuksan ang black modern gate at ipinasok na ang sasakyan. Agad na tumambad sa amin di kalayuan ang malaki at magarbo nitong double doors. Bermuda grass ang lapag, ngunit may parang mini kalsada ito at iyon ang sinusundang daanan ng sinasakyan namin hanggang sa makarating kami sa garahe ng mansiyon.

Tuwang-tuwa ang lahat ng mga kaklase namin nang makababa. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na mayaman si Lee-ntik pero di ko rin akalain na mayroon silang ganito kaganda at kalaking property.

Mas lalo akong nanliit sa saking sarili, naisip ko na naman kung ano bang meron ako. Wala. We don't have such properties like he do.

Nagtama ang mga mata namin ni Richard pagkababa nila ng sasakyan. Hindi ko alam kung bakit pulang-pula siya na ewan. Kasunod niyang bumaba si Jayvee at katulad ng dati ay blanko lang ang mukha nito. Nagtama rin ang mga mata namin, ngunit agad kong ibinalik ang mata ko kay Richard na agad na umiwas ng tingin. Madaling mabasa ang mukha niya at parang malungkot siya na ewan. Bago pa niya ako makausap, e, nadala na lang ako ng pagpasok ng mga kasama ko sa loob.

"Pre bakit mo kasi pinakialaman 'yong cellphone ko e! Alam mo namang katabi mo si Richard Lee! P*tanginamo e! Pinahamak mo ako!"

"Gago! Malay ko bang puro picture yan ni Ayra----"

Agad akong napalingon sa kanila, ngunit mas nauna nang makalapit si besty sa kanila.

"Anong sinabi mo? Akina cellphone mo!" kalmado lang si besty, kaya naman hindi kami napansin ng iba. Nagtuloy tuloy na sila sa pagpasok.

"Oh, L-luisa, w-wala na! Sinira na nga ni Richard Lee cellphone ko e."

Kaya ba parang may mali noong bumaba si Richard kanina? Kasi may nakaaway siya sa loob ng kotse niya?

"Tss, siguraduhin mo."

Tunalikod na ako para magpanggap na walang nakita at narinig, saka naglakad para makasabay sa iba. Narinig ko naman ang yapak ni besty sa likod ko.

Nang makapasok kami sa main door e, agad na bumungad sa amin ang magarbong salasㅡ may malaking flat screen TV na nakadikit mismo sa pader, kaharap ng mga sofas. Natanaw na rin namin ang magarbo at mataas na hagdanan sa gilid papuntang second floor.

Sinundan lang namin sa paglakad si Richard Lee kasama ang mga lalaki. Hanggang sa parang may naririnig kaming tugtogㅡ mahina, pero habang lumalapit kami sa isang glass door ay medyo lumalakas. Mas lalo iyong lumakas nang mabuksan ang glass door at doon kami lumabas.

Agad na tumambad sa amin ang indoor garden, pagkatapos ay may swimming pool sa pinakagitna. May bubong itong parang net, siguro para makapasok ang sinag araw.

Dito nga nanggagaling ang malakas na sound system, at pagkatingin namin sa pool ay halos magsitilian na ang mga kaklase ko dahil may mga lalaki na palang naliligo doon. Pamilyar, at nang magsilingunan ay kilala ko ngaㅡ

si Santi, at isa pang lalaki nakaupo lang sa tiles, samantalang sina Karl at Suho e, naghaharutan sa tubig habang nagpapasahan ng bola.

May ilan pang hindi ko na kilala na kumakain sa long table rin sa gilid, kung saan nakahain ang iba't ibang klase ng pagkain. May mga maids din na nakatayo sa gilid ng table.

Agad na humiyaw si Karl nang makita kami.

"WOO! FEEL AT HOME GUYS! PARTY PARTY 'TO!!! WOOO!!!" saka nakisabay si Suho at iba pang mga kasama nila sa pagparty party sa tugtog. Samantalang Santy naman e, nakatingin lang.

"Omaygash, ang gagwapo nila!! Kilala niyo yan?"

"Ghad, ang hawt!"

"Boys from Lee University yata mga bes!?"

Nagtama rin ang mga mata namin ni Santi pero inirapan niya lang ako kagaya ng dati.

6 feet ang pinakamalalim na parte ng swimming pool, sapat na ang laki nito para sa 30+ katao. Kaso nga lang hindi ko alam kung pano ako makikisaya dahil hindi ako handa sa pangyayaring ito kaya naman wala akong damit pangswimming.

Mabuti pa nga yung mga kaklase ko e, mukhang handang-handa. Maging si Ma'am nga ay handa.

"Magpalit na tayo ng damit.'' nagitla ako nang lapitan ako ni besty, ''May CR din daw sa second floor."

"Wala akong pampalit." Ang awkward, feeling ko namumula yung mukha ko.

"Alam ko, may dala akong extra."

Tapos wala akong nagawa kundi sumunod nang walang imik na siyang naglakad palayo. Halos nanlumo naman ako nang makitang one piece 'yong dinala niyang extra raw para sa akin.

"ANO? Ayoko! Hindi ako magsusuot niyan besty!"

"Yan lang dala ko, okay na yan! Gusto mo ba maguniform habang lumalangoy? tss.'' Napansin kong from poker face e, kumunot na ang noo niya. Napangiti ako ng lihim dahil goodsign iyon.

''Ayaw,'' sambit ko.

''Sige na! Ang arte nito!''

Pinakita niya yung black bra and panty na dala niya. ''Osige, palit tayo?''

Agad kong kinuha yung one piece, at napalunok.

''Sige, ito na susuotin ko sa isang kondisyon?'' Nagcling ako sa braso niya sabay ngiti ng matamis. ''Bati na tayo, please? Sorry talaga. Wag ka nang magalit sa akin. Miss na kitaaa.''

ilang beses ko pang niyugyog ang braso niya hanggang sa nakita ko nang ngumiti siya, at niyakap na rin ako. Tumili kaming pareho doon na parang tanga.

''Namiss din kita besty! Huhuhuhu!'' Aniya. ''Hindi naman talaga ako galit e, nagtampo lang ako. Pero nagpapasuyo lang talaga ako. Hahahaha.''

''Sorry talaga besty. Hindi na mauulit.'' Nagyakapan pa kami doon ng mahigpit.

''O sige na, suotin mo na yan!''

Nagising ako sa realidad nang makita ang black one piece na pinamukha sa akin ni Lui. As in sobrang kinulang sa tela, na one piece na nga, back less pa.

Ugh. What am I going to do?

Paglabas ay halos gusto kong takpan ulit ang katawan ko.

''Omaygash, besty! Ang sexy mo!'' Komento ni besty, habang pulado naman ang mukha ko.

Tumapat ako sa salamin at pinasadahan ng tingin ang sarili ko. Hindi ko maiwasang mapangiwi.

''Hindi ba parang sobrang revealing?''

Ang labas sa likod ko ay halos umabot na sa 3/4 ng buong likod ko, na umabot pa sa dalawang sides ng baywang ko. Parang naka-panty lang rin ako sa itsura nito.

''Ano ka ba! Okay lang 'yan! Tara na sa pool, OMG! Siguradong mapapanganga na naman si Richard Lee sa'yo!''

Hihilahin na niya sana ako pero I refuse.

''Wait lang, m-mag Tshirt kaya muna ako meron kㅡ!''

Pero sa huli ay nahila niya rin ako. Hindi naman ako masiyadong nailang nang makalabas dahil halos lahat ng kababaihang nakakasalubong ko ay ganito rin ang suot, kung hindi naman ay short at sando.

Nabato na lang talaga ako nang makalabas ako ng glass door. Puro kalalakihan ang mga nasa pool, at hindi ko alam kung concious lang ba ako o tinitignan at hinuhusgahan nila ako.

Agad kong niyakap ang bandang tiyan ko nang maramdaman pinapasadahan nila kami ng tingin ni Lui.

''Okay lang yan, besty!'' Pagsaway ni besty.

"Pinagtatawanan nila ako, besty," sabi ko.

"Anong sinasabi mo? Ang nasa mukha nila ay puro admiration! Anong natatawa?"

Umingit lamang ako. Pagkaangat ko ng tingin ay mas lalong tumalbog ng napakalakas ang dibdib ko nang makita ko si Richard Lee.

Topless, at nakatingin sa akin.