webnovel

Protection

OLIVER

Pag-alis ko ng bahay ay dumeretso ako sa maliit na kubo, bago ko lang itong ginawa. Medyo malayo ito ng kaunti sa bahay. Mas mabuti iyon, malayo kay Lily.

Fuck ano bang pumasok sa kokote mo Oliver at ginawa mo iyon. Pagkakamali, isang malaking pagkakamali ang nangyari kanina.

Pumasok ako sa loob sa kubo. Umupo sa lantay.

"Damn" inihilamos ko ang kamay sa mukha. Amoy ko pa Ang matamis niyang pagkababae sa kamay ko. Inaamin ko na sobrang sarap ng pagtatalik namin. Marahil ay tigang ako, ilang taon na ba ang huling pagsiping ko sa babae.

Humiga ako at pinilit na matulog. Kinaumagahan ay maaga akong nagising.

Bumalik ako sa loob ng bahay. Maingat akong nagsaing at nagluto ng ulam sa kusina, ayaw ko na magising ang babaeng natutulog sa lantay.

Oh shit, ngayon ko lang naalala na hindi pala kami gumamit ng protection kanina. Pagkatapos magluto ay nilagay ko ito sa mesa at tinakpan. Kinuha ko ang sombrero at lambat. Huminto ako sa pinto.

Gusto ko siyang tignan matulog pero hindi ko kaya at baka makagawa na naman ako ng pagkakamali. Maganda si Lily. Perpekto ang malambot at voluptuous niyang katawan.

Tumigas ang aking alaga. Agad akong umiling at lumabas ng bahay.

Pagdating sa dalampasigan ay nakita ko ang bangka. Inilagay ko ang gamit. Kalmado ang dagat ngayon ngunit malamig. Pero sanay na ako sa lamig dito.

Nagsimula akong mangisda.

Marami akong huli ngayon kaya dumeretso ako sa lungsod. Hindi ko nalimutan na bumili ng pills at condoms.

Incase at baka maulit pa.

Oliver's POV here~

Kateeriacreators' thoughts