webnovel

Expectations

Alam kong init lang ng katawan iyon pero naghintay pa rin ako na hilahin niya ako palapit sa kaniya. Pero hindi, tumayo siya at nagbihis. Saglit itong nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Hindi niya ako pinukulan pa ng tingin at umalis ng bahay.

Kinumutan ko ang sarili at tumagilid. Matapos ang kasiyahan ay lumukob ang lungkot sa puso ko.

Pagdating ng umaga ay umakto kaming parang walang nangyari. May ilangan sa hangin. Umalis si Oliver para mangisda, naiwan ako sa bahay.

Inabala ko ang sarili sa gawaing bahay. Naglinis ng katawan at namasyal sa dalampasigan. Pinagsisisihan ba ni Oliver ang nangyari kagabi, halata naman sa pag-iwas nito. Pero ako, nagsisisi ba ako?

Kakaiba pero wala akong pagsisisi, ni hindi ako nakokonsensya. Wala akong maalala sa nakaraan ko at mukhang wala namang karelasyon si Oliver dahil kaming dalawa lang rito. Sa tingin ko ay wala namang masama roon.

One Night Stand feels~

Kateeriacreators' thoughts