webnovel

Holymancer (Tagalog-English)

Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible ng mangyari ay magiging abot kamay niya sa isang iglap.

Kurogane_Hiroto · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
29 Chs

Chapter 4 : Each, everyone's respective Christmas

"Maraming salamat!" Taos sa pusong pasasalamat ng kaluluwa ng isang asong kamamatay pa lang kay Clyde.

Isa kasi ito sa mga hayop na nililinis niya ang kaluluwa upang makatawid sa kabilang buhay ng matiwasay. Kanina habang pauwi sila ng kapatid, pinag-iisipan na ni Clyde kung paano n'ya makukumpleto ang daily quest sa araw-araw.

Dahil parehas sila ng kapatid na mahilig at mapagmahal sa mga hayop, alam na n'ya kung ano ang gagawin. Subalit kailangan pasikreto n'yang gawin 'yon. Hindi pwedeng paalam sa iba ang ginagawa n'ya. Dahil may posibilidad pa rin na malaman nila ang tungkol sa bagong kapangyarihan.

Matapos nga maisip ang plano ay namahinga lang s'ya sandali bago umalis ng bahay. Hindi n'ya 'yon maaaring ipagpabukas sapagkat napakadelikado ng penalty zone. Muntik na s'yang mamatay doon. Sisiguruhin n'yang hindi na s'ya babalik doon.

Nagpunta s'ya sa mga dog pound. Doon nakita n'ya ang kalagayan ng mga asong kalye na kadalasan ay mga aspin o asong pinoy. May mga baldadong aso. May mga buto't-balat. May mga pinagmalupitan. At kung ano-ano pang kaawa-awang sinapit. Higit sa lahat siksikan at napapabayaan na. Mabaho ang kulungan at marurumi. Karamihan sa kanila masasabi mong depress na rin sa kanilang sinapit. Para bang nawalan na ng gana sa buhay.

Kinausap niya ang ilang may-ari ng mga pound na napuntahan. Nagreklamo s'ya sa pamamalakad nila. Pinagtawanan lang s'ya ng mga ito at may gana pang magyabang.

"Wala ka namang magagawa sa mga 'yan. Mga perwisyo 'yan sa kalsada. Pasalamat nga ang mga 'yan pinapakain pa sila. Pero saglit lang 'yan. I-euthanize rin ang mga 'yan." Mayabang na sabi ng lalaking may-ari na talaga namang ikinapuyos ng damdamin ni Clyde.

"Tsaka mga hayop lang 'yan. Masyado kang emosyonal. Lalaki ka bang talaga?" Panunuya ng may-ari ng pound. Hindi na rin ito naiba sa usapang nangyari sa kanila ni Crooked Nose dati. Isang stereotyping na kapag may kabaitan o awa ang isang lalaki ay kinukwentiyon na ang kasarian.

"Alam n'yo po ba na lahat ng nilalang ng Diyos ay may karapatang itrato ng tama sa mundo?" May diing tanong ni Clyde sa lalaki.

Ang mga magulang kasi nina Clyde ang nagturo sa kanila noon. Pati na rin sa eskwelahan niya rati. Naalala pa niya ng grade one s'ya sa kanilang religion class, sabi sa libro na dapat ang bawat nilalang ay pahalagahan. Sa tingin n'ya common sense na 'yon, pero later on, habang lumalaki s'ya nadiskubre n'ya na hindi ganoon ang karamihan ng mga tao. Tulad na rin ng mga kasulatan sa Bibliya. Gaya ng Ecclesiastes 9: 4.

Karamihan ng bagay sa mga tao ay pagkakakitaan lang. Ang mga kriminal nga ay nagagawa pang pagkakitaan ang kapwa tao. Human trafficking. Pagbebenta ng mga internal organ ng kapwa. Scamming. Pagnanakaw. Pagbebenta ng drugs. At kung ano-ano pang kasamaan na hindi na n'ya saulado pa. Kaya hindi na rin s'ya nagtaka na ganoon din talaga sila sa mga hayop.

Hindi ba't marami ng uri ng hayop ang tuluyan ng nangawala sa mundong ibabaw? At patuloy pa ring dumarami ang nanganganib na tuluyan ng mawala. Hindi ba ang mga tao rin naman ang dahilan nito?

Mauunawaan pa naman ang pangangalangan ng pagkain. Pero hindi tama ang pagdudulot ng global warming na tumutunaw sa yelo ng Antartica kung saan nasisira ang tahanan ng mga hayop na naninirahan doon na sanhi ng kanilang kamatayan.

Ang panggangaso sa mga hayop para sa isang uri ng laro o porma ng kasiyahan. Kahit kailan hindi magiging tama ang pagkitil bilang sport or game.

Pagbili ng mga hayop na para bang mga bagay lang ito at matapos pagsawaan ay itatapon, mamaltratuhin, pababayaang magutom, mainitan, o iresponsableng pag-aalaga. Ang pinakamasaklap ay ang pagpatay sa kanilang mga walang kalaban-labang nilalang.

Higit sa lahat. Ang pagnakaw sa kanilang tahanan dahil na rin sa unti-unting paglaki ng populasyon ng mga tao. Ang mga magulang na anak ng anak na hindi naman kayang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga supling.

Dahil advocate s'ya ng animal rights at maging human rights na rin, susubukan n'yang itama ang pananaw ng lalaki. Kahit nabwibwisit na s'ya kanina pa sa lalaki, magalang pa rin n'yang kausapin ito. Kasi naniniwala s'yang everyone deserves respect.

"Talagang ginamit pa ang Diyos. Wala na namang kukupkop sa mga 'yan. Pasalamat nga sila at hindi namin sila ibebenta para pagkakitaan." Nakangising turan nito.

Hindi na bago sa kanya ang mga ganoong ngisi. Simula ng maging advocate s'ya ng animal rights group, naging katatawanan na rin s'ya sa iba. Wala naman s'yang pakialam dahil pinaglalaban n'ya lang ang tama. Isa pa hindi naman s'ya nag-iisa sa labang 'yon.

"Tsaka isa pa. Kung gusto mo ng aso, bumili ka ng may lahi. Pwede mo pang ipagmayabang." Dagdag pa nito.

Hindi na naman s'ya nagulat, may iba kasing dog lovers daw pero ang may breed lang naman ang gusto. Ipopost pa sa internet. Pero ang sama naman ng trato sa mga strays. Hindi na nga pinagmamalasakitan, sinasaktan pa. Kumbaga mga social climbers lang. Para bang bragging rights, kasi afford nilang bumili ng ganoong breed.

"Sige po 'yon na lang maraming salamat." Pagpapaalam at talikod n'ya. Pero bago 'yon may sinabi s'yang nagpaputla sa mukha ng lalaki.

"Oo nga pala. Nakalimutan ko hong sabihing isa akong hunter." Sa panahon kasi ngayon, ginagalang ang mga hunters. Dahil sila ang may hawak ng kapangyarihan at nagproprotekta sa mga tao. Mataas ang estado nila sa lipunan ngayon.

Wala naman talagang masamang balak si Clyde. Binibigyan n'ya lang ito ng maliit na leksyon. Pag-iisipin n'ya lang itong mabuti.

Matapos noon ay umalis na s'ya. Pero dahil listo si Clyde at digital age na, nagawa n'yang palihim na i-video ang karima-rimarim na kalagayan ng mga aso pati na ang pagsasagutan nila ng may-ari ng pound.

Meron s'yang isang sinasapiang grupo online na ang mga miyembro ay animal advocates. Sila ay madaling umaaksyon sa mga naagrabyadong hayop. Ang kanyang pagkakakilanlan ay sikreto sa grupo.

Ipinaskil n'ya roon ang video, maging ang lahat ng detalye patungkol sa pound na makikita lang sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ngayon 'yon pa lang ang magagawa ni Clyde para sa mga hayop. Kailangan n'ya pa ring humanap ng paraan para maka-survive araw-araw sa nakakatakot na parusa kapag hindi natapos ang daily quest.

Di kalaunan ay nagbunga rin ang kanyang pagpupursigi. Nakakita s'ya ng isang tunay na mabuting pound owner matapos n'yang mas lalong maunawaan ang hindi mabuting kalagayan ng mga abandonadong aso na nakuha ng mga pound. Halos lahat ng pound na napuntahan n'ya sa Bulacan ay mga walang awa sa mga aso at naka-schedule ng i-euthanize.

Sa Pilipinas, karamihan naman kasi ng tao ay walang awa sa aso at pusa o anumang hayop. Ginagawa pa nga itong pagkain ng iba, lalo na ng mga manginginom. Buti na lang dahil sa mga animal advocates ay nagkaroon na ng batas para sa proteksyon nila. Ang Republic Act 8485 o mas kilala bilang Animal Welfare Act.

Ang pound na nakita n'ya ay may policy na no euthanizing. Sinisikap ng pound na ipa-adopt ang bawat naliligtas na aso. Ang pinagkukuhanan nila ng budget ay galing sa mga donations.

Bagaman nahihirapan sa budget dahil maraming mga asong nare-rescue araw-araw at hirap sila kahit na may mga donasyon, hindi pa rin nila sinusukuan ang mga hayop. Pinagagamot at pinakakapon muna nila ang mga ito bago ipaampon.

Saludo si Clyde sa mga ganitong uri ng tao. Yung mga taong tumutulong sa nangangailangan, mapatao man o hindi na walang hinihintay na kapalit kundi kasiyahan lang ng kapwa.

At dahil doon nga ay nakita n'ya na kung saan n'ya uumpisahan ang daily quest.

"Sir baka naman po pwede kong makita ang mga hayop. Pati na rin yung mga hindi swinerte at sumakabilambuhay na. Aalayan ko lang po sila ng dasal." Dahil sa sinabi ni Clyde nahalata n'yang nawirdohan sa kanya ang may-ari. Pero dahil mabait ito ay pinayagan naman s'ya.

Iba ito sa mga nakita n'yang pound. Dito kasi hindi siksikan ang mga hayop. Maraming malalaking kulungan na bawat isa ay iilan lang ang naghahati. Karamihan sa kanila ay masisigla. Pero napansin n'yang meron ding malulungkot.

"Hindi po kasi talagang maiiwasang malungkot ng ibang aso. Napapalabas man sila at nabibigyan ng panahon para makapag-ehersisyo, hindi pa rin sapat 'yon sa iba na gustong malaya ng matagalan. Hindi rin naman po namin sila maasikaso ng matagal dahil masyado silang marami. Kaya nga ho gusto naming maampon sila lahat. Baka kasi tamaan ng sakit sa kalungkutan. Kawawa naman." Paliwanag sa kanya ng may-ari ng pound.

Matapos maglakad-lakad at magkwentuhan sa daanan, narating nila ang isang malawak na lote na may mga matatayog na bakod. Sa paligid nito ay may mga lapida. Lapida ng mga namatay na aso. Doon ang libingan ng mga namatay na aso.

"Pwede po bang maiwan n'yo po muna ako mag-isa?" Pagbabakasakali ni Clyde. Hindi n'ya kasi pwedeng ipakita ang proseso ng cleansing ng kaluluwa.

Tinapunan s'ya ulit ng isang nawiwirduhang tingin ng may-ari ng pound. Pero sobrang bait nito, pinagbigyan pa rin s'ya. Umalis ito kasunod ang dalawang lalaking mga naka-longsleeves na blue. Siguro uniporme ng mga trabahante ng pound.

Ang inaasahan n'ya kasi ay hindi ito papayag. Kadalasan kasi ang mga tao ay maingat. O minsan mapaghinala. Dahil na rin siguro marami na ring nagaganap na krimen. Baka kasi isipin ng may-ari na may modus s'ya patungkol sa mga patay na aso sa harapan n'ya ngayon. Buti na lang hindi mapaghinala ang may-ari ng pound. Nakalagak na sila sa lupa na may sapin. Sa tabi ng mga patay na aso ay may malalalim na hukay.

Ang agad pumukaw ng atensyon n'ya ng ituon n'ya na ang kanyang atensyon sa harapan ay ang kalagayan ng tatlong aso.

Lahat sila ay agad mong mababatid na dumanas ng paghihirap ng sila ay nabubuhay pa. Ang nasa pinakakaliwa ay isang dirty brown na aso. Makikita mo na rito ang kanyang mga buto at ribs. Sobrang payat nito. Maaaring hindi talaga ito nakakakain ng maayos noong nabubuhay pa.

Ang nasa pinakagitna ay isang kulay itim na aso. Ang katawan nito ay puno ng mga peklat at sugat. Mukhang nakaranas ito ng pagmamalupit noon.

Ang nasa kanan naman ay isang puting asong may mga batik na brown. Ang katawan nito ay kulay pink na sa galis. Matinding sakit ang dinanas nito dahil sa sakit sa balat ng nabubuhay pa.

Hindi tuloy maiwasan ni C!yde na malungkot para sa mga aso. Nakahahabag naman talagang tunay ang sinapit ng mga ito.

Napabuntong hininga na lamang si Clyde.

Matapos noon ay inumpisahan na n'ya ang kanyang misyon. Sabay-sabay n'yang inumpisahan ang cleansing sa tatlong patay na aso. Nagliwanag ang tatlong aso sa pabilog na hugis.

Wala pang ilang saglit ay natawag n'ya na ang kaluluwa ng tatlong aso mula sa kanilang katawan. Sa una ay nalilito pa ang tatlo. Hanggang sa magkatinginan sila matapos makita si Clyde. Doon parang napagtanto na nila ang nangyari. Na silang tatlo ay patay na. At si Clyde ay isang misteryosong taong may kakayahang tumawag sa mga kaluluwa ng mga namayapang bangkay.

Sabay-sabay itong nagtanong sa kanya.

"Anong kailangan mo sa amin?" Sabi ng tatlong aso.

"Wala akong kailangan sa inyo. Gusto ko lang kayong tulungang makatawid sa kabilang-buhay na may katiwasayan. Isa itong cleansing. Upang alisin lahat ng negatibong emosyon n'yo para makaakyat kayo sa langit sa piling ng Maykapal." Paliwanag ni Clyde.

Sabay-sabay napatango ang tatlong aso na tila ba ay sumasang-ayon. Inumpisahan na nga niyang linisin ang tatlo, base sa proseso ng holymancer system na hindi n'ya rin alam. Basta ay ginagamit n'ya lang ang kapangyarihan noon. Kasabay din noon ay ang kanyang bukal na pagdarasal para sa kaluluwa ng tatlong inosenteng nilalang na nakaranas ng hindi magaganda sa mundo.

Pagkatapos ng proseso ay mahahalata mo ang malaking kaibahan sa tatlong nilalang. Lahat sila ay nawala ang masamang itsura na dinanas sa mundo. Lahat sila ay nagmukha masigla at malusog na mga aso. Naging makinang din ang kanilang mga mata.

"Maraming salamat!" Taos sa pusong sabi ng isa. Sinundan din 'yon ng pagpapasalamat ng dalawa.

"Walang anuman!" Masayang turan ni Clyde.

"Sana ay maging masaya na kayo sa kabilang buhay!" Sabi ni Clyde ng ang tatlong aso ay sinundo na ng liwanag.

"Nang tiningnan niya ang holymancer system ay napansin niya ang pag-iiba. Ang daily quest ay may nakasulat ng 3/100. Indikasyon na nagawa n'ya ng tama ang misyon. Nakatulong na s'ya sa tatlong kaluluwa.

Nakita n'ya ring ang kaninang zero na gold n'ya ay naging tatlong daan na. Kung susumahin ay binigyan siya ng isang daan kada sa isang nalinis na kaluluwa.

Pero imbes na matuwa s'ya ay hindi n'ya magawa. Kasi kinailangan pa n'ya maranasan na makita ang trahedya sa buhay ng mga aso na walang nagkalinga. Subalit may kumupkop sa kanilang mabuting mga tao, masyado ng huli para umayos ang kalagayan nila. Namatay na sila sa sakit na tinamo nila.

Pagkatapos noon ay nagpaalam na s'ya sa may-ari ng pound habang malungkot sa nasaksihan.

Pagkaalis sa pound ay ilang beses pa s'yang naglibot para humahap ng make-cleanse na mga kaluluwa. Hindi lang sa pound ngunit pati sa shelters ay napadpad s'ya. Nang matapos n'ya ang misyon ay bumababa na ang haring-araw sa kalangitan. Pinalitan na ito ng mahalumigmig sa matang buwan. Ang kanyang gold ay mahigit sampung libo na.

Ang hangin ay medyo maalinsangan pa rin. Ito ay hindi tama sapagkat Disyembre na. Sa buwang ito dapat presko at napakalamig na. Hindi na ito tulad noon. Ito ay dulot ng climate change at global warming. Ang sanhi nito ay ang walang pakundangang pagsira ng mga tao sa kapaligiran. Halimbawa na lamang ay ang paggamit ng mga bagay na may Chloro Floro Carbon. Isang uri ng kemikal na sumisira sa ozone layer.

Ang ozone layer ay isang parte ng stratosphere na sumasala sa ultraviolet rays na kasamang nilalabas ng sinag ng araw. Ang ultraviolet rays ay may masamang dulot sa mundo at mga nilalang dito.

Ang exposure sa UV rays ay maaaring magdulot ng sakit, tulad ng mga sakit sa balat. Ang isang grabeng halimbawa ay skin cancer.

Ang ilan mga halimbawa ng mga gamit na may CFC ay mga pabango, hairspray, at refrigerant na nagpapalamig sa ref at air-conditioner.

Idagdag mo pa ang pagsunog sa mga plastic at mga gulong. Ang pagsunog nito ay may masamang dulot sa hangin. Pinopollute nito ang hangin. Tulad ng CFC ang pagsunog ng mga ito ay sumisira sa kalikasan. Pinaninipis nito ang ozone layer.

At may masama rin itong dulot sa mga tao na mas matulin umepekto. Ang pagkakalanghap ng nasusunog na gulong at plastik ay napakadelikado. Ang mga basurang plastik ay merong carbon at hydrogen. Kapag sinunog ay nagpo-produce ng gas na masama sa katawan ng mga tao. Kahit malanghap lang ng konti noon ay maaring maubo, makahilo, kapusin ng hininga o mamatay. Ilan lamang 'yan sa mga halimbawa ng pagsira ng kalikasan.

Ang masakit pa rito, kahit alam na nilang masama ang mga bagay at gawi, patuloy pa rin sila sa pagtangkilik sa mga ito.

Hindi man lang ba nila naiisip ang magiging dulot nito sa susunod pang mga henerasyon? Puro na lang ba mga sarili nila? Puro na lang ba instant at convenience? Para hindi sila ma-hassle?

.....

Bago dumating ng apartment na nilalagian nilang magkapatid, napansin n'ya na ang isang pamilyar na kotseng itim.

Sa bungad pa lang ng kanilang unit rinig na n'ya ang boses ng isang lalaki at babae na magiliw na nag-uusap. Natigilan ang mga ito sa pagbukas niya ng pinto.

Ang tumambad sa kanya ay ang kapatid na si Gaea na nakaupo sa sofa ng kanilang apartment unit. Ang isa naman na nakatayo ay ang kaibigang si Jake. Sinalubong agad siya nito ng ngiti.

"Bro, kakalabas lang sa ospital gumala agad?" Pagbibiro ni Jake.

Hindi naman nakasagot si Clyde dahil sikreto ang pinuntahan n'ya. Ngumiti na lang s'ya.

"Gaea bakit hindi mo pinaupo ang kuya Jake mo?" Saway ni Clyde ng napansin n'yang nakatayo lang ang kaibigan.

"Naku bro 'wag mong pagalitan si Gaea. Kararating ko lang din. Wala rin naman akong balak magtagal kaya hindi na ko naupo pa. May sasabihin lang ako sa'yo." Seryosong paliwanag ni Jake kay Clyde.

Kabisado ni Clyde si Jake. Seryoso na ito kaya alam n'yang mahalaga ang pag-uusapan nila. Tiningnan ni Clyde ang kapatid. Nakuha naman nito agad ang pahiwatig ng kapatid.

"Sige kuya Clyde, kuya Jake, pasok muna akong kwarto. May gagawin pa pala ako." Pagdadahilan ni Gaea.

"Sige Gaea!" Sagot ni Jake.

"Jake maupo ka muna." Sabi ni Clyde.

"Hindi na Clyde. May lakad pa ako pagkatapos nito." Dahilan ni Jake.

"Sit." Tipid na ulit ni Clyde.

Natawa na lang ng mahina si Jake. Hindi na s'ya nakipagtalo. Alam n'yang matigas ang ulo ng kaibigan. Uupo lang naman. Naupo nga siya. Ganun din si Clyde.

"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin." Tanong niya kay Jake.

May inabot ito sa kanyang isang litrato. Doon, may isang maputi at singkit na lalaki. Sa tingin n'ya isa itong Intsik.

"Sino s'ya?" Takhang tanong ni Clyde.

"S'ya si Mark Liu. Isang sa limang pinakamagaling na hitmen ng Dark Resurgence." Pagpapakilala ni Jake sa tao sa larawan.

Naging seryoso ang titig ni Clyde sa larawan ng mapagtanto ang sitwasyon.

"May balak silang ipapatay ako? Dahil lang sa nangyari sa dungeon?" May inis na tanong ni Clyde kay Jake.

"Chill ka lang bro. Base sa sinabi sa'kin ng sekretarya ni Joseph, by the way, ang asusasyon ang nagtip sa'kin na may magmamatyag sa'yo, meron kasi silang espiya sa loob ng Dark Resurgence. Ang dalawang babaeng kasamahan n'yo rin ay may dalawang miyembro ng Dark Resurgence ang nagmamatyag." Mahabang paglalahad nito.

"Chill Jake? Dark Resurgence ang nagbabantay sa'kin. Isa sa tatlong pinakamalakas na guild sa bansa. Sila rin ang pinakamasama sa lahat ng guild. Paano ako kakalma?" Naiinis na tanong ni Clyde.

"Kaya nga sabi kong chill ka lang bro, kasi magpapadala ako ng mga hunter na magbabantay sa'yo kung sakali." Suhesyon ni Jake.

"Jake salamat pero si Gaea na lang ang pabantayan mo. Salamat ng marami Jake." Yumukod pa si Clyde sa harapan ng kaibigan, nagmamakaawa.

"Clyde umayos ka." Saway ni Jake kay Clyde. Pilit n'yang inalis sa pagkakayuko ang kaibigan.

"Parang kapatid ko na rin si Gaea. Hindi mo na kailangan makiusap lalo na at magmakaawa." Sabi nito sa kaibigan.

"Pero sana pasikreto lang ang pagbabantay sa kanya. Ayoko s'yang mag-alala o matakot." Pasubali ni Clyde.

"Kung 'yan ang gusto mo. Pero pati ikaw bro bibigyan ko ng bodyguard." Pagkumpirma at suhesyon ni Jake

Nauwi sa katahimikan ang dalawa. Tumayo na lang si Jake at nagpaalam.

"Well bro! Mauna na ko. May mga aasikasuhin pa sa guild." Paalam ni Jake.

Lumabas silang dalawa upang ihatid ni Clyde si Jake hanggang sa kanyang sasakyan.

.....

Pagpasok sa loob ay agad s'yang sinalubong ng tanong ng kapatid.

"Kuya anong pinag-usapan n'yo ni kuya Jake?" Si Gaea.

"Wala 'yon. Tungkol lang sa isang bagong bukas na dungeon. Tsaka tungkol na rin sa paparating na pasko." Palusot ni Clyde na mukhang binili naman ni Gaea.

"Oo nga pala. Ako na ang bahalang magluto sa pasko as usual." Masayang turan nito.

"Buti na lang nandyan ka Gaea. Paano na lang kung wala. Hindi pa naman ako marunong magluto." Natatawang biro ni Clyde.

"Andyan naman si ate Angel ayiee!" Panunukso ni Gaea sa kapatid sa kaibigang babae.

.....

Sa isang katamtamang laking animal shelter sa lalawigan ng Bulacan, may isang kakaibang pag-uusap ang nagaganap. May isang lalaking nakikipag-usap sa isang medyo may edad ng ginang.

Ang nilalaman ng kanilang talakayan ay tungkol sa pag-aalay n'ya ng dasal para sa mga namayapang hayop ng shelter. Sa umpisa, medyo naguluhan pa ang ginang. Subalit ng katagalan, natuwa siya sa nadiskubre, may mga taong tulad pa rin pala ng kausap. Maglalaan ng kanilang panahon upang alayan ng dasal ang mga hayop na kadalasan ay binabalewala lang ng iba.

"Mrs. Cruz, meron lang po akong request. Siguro po ay mawiwirduhan kayo rito pero kailangan ko po iyon. Sana po sa isang enclosed space ko sila dasalan. Kung okay lang po sa inyo." Kakaibang request ng lalaki.

Napamaang ng ilang saglit ang ginang. Pero nang makabawi sa gulat ay napagpasyahan niyang pagbigyan ang kakaibang hiling na iyon. Wala namang masasaktang tao sa request ng lalaki. Ang napagtanto lang ng ginang ay dahil kakaiba ang lalaki sa pangkaraniwan ay meron din itong kakaibang mga tendencies.

Nagkwentuhan si Clyde at ang ginang. Habang naghuhuntahan, kasalukuyang namang inaayos ang bodega. Doon dadalhin pansamantala ang mga kamamatay lang na hayop ng shelter. Dapat sana ay ililibing na sila pero dahil sa hindi inaasahang pagbisita ay naudlot ito.

"Ma'am Cruz nasa bodega na po ang mga hayop." Sabi ng isang maitim na lalaki. May kakaiba itong punto hindi gaya ng mga taga-Bulacan. Sa palagay ni Clyde isa itong Batangeno.

"This way Mr. Clyde." Hinaya ni Mrs. Cruz ang kanang kamay sa isang direksyon.

I-ginuide s'ya nito sa isang lumang bodega.

.....

Pagpasok n'ya sa loob iniligid n'ya ang paningin sa bodega. Kulay abong pintura. Punong-puno ng tambak na mga gamit. Higit sa lahat mainit. Wala kasing nakabukas na bintana rito. Isa pa mataas ang pwesto ng mga bintana. Sa madaling salita, amoy kulob. Okay lang naman sa kanya iyon. Hindi na s'ya magseselan pa. Saglit lang naman s'ya doon. Perfect nga ito para i-cover ang gagawin n'ya.

Pumunta s'ya sa isang sulok ng bodega. Sa lapag nakahilera ang pitong wala ng buhay na mga hayop. Tatlong aso at apat na pusa.

Walang pag-aatubili niyang inimpisahan ang cleansing. Pitong puting bilog na liwanag ang lumabas sa harapan ni Clyde.

Dahil kahapon pa lang ay maraming beses n'ya na itong nagawa, matulin at walang kahirap-hirap n'ya itong naisagawa. Kinausap n'ya ang mga hayop. Pinaalam n'ya ang kalagayan nila. Hinintay makapunta sa kabilang buhay. At sa huli inalayan ng dasal.

.....

Sa may hindi kalayuan, habang okupado si Clyde sa mga hayop, isang chinitong lalaki ang nagmamatyag sa shelter. O mas tamang sabihing minamatyagan ang bodega ng shelter kung nasaan si Clyde. Ang lalaking 'yon ay si Mark Liu. Ang unique hitman ng Dark Resurgence.

Naniningkit ang kanyang singkit ng mga mata sa pagtingin sa bintana ng bodega gamit ang binoculars. Napansin n'ya ang liwanag mula roon.

"Ano kayang ang liwanag na 'yon? Kahapon sa tuwing nasa loob s'ya ng mga tagong parte ng mga pound ay laging may liwanag. Anong sikretong tinatago mo Clyde?" Nakangising turan ni Mark sa sarili.

Napagdesisyunan nitong puntahan ng malapitan ang ginagawa nito. Gusto n'yang malaman ang sikreto ng lalaki. Marahan s'yang naglakad tungo sa shelter. Pero kahit mabagal at relax ang kilos n'ya, masyado pa rin itong matulin para sa mata ng sino mang makakakita.

Sa daan palapit sa bodega ng shelter, ng hindi sinasadyang mapalingon s'ya kung saan, may kumuha ng atensyon n'ya. Dali-dali n'yang iniba ang daan ng may ngiting parang tanga. Malamang ay nakalimutan n'ya na ang misyon sa kanya ng guild.

.....

"Sige po mauna na ako Mrs. Cruz. Salamat po at pinaunlakan n'yo yung kakaiba kong request." Nahihiyang sabi ni Clyde sa ginang.

"Naku Mr. Clyde, ako nga ang dapat magpasalamat sa'yo. Binigyan mo ng importansya ang mga hayop. Isa ka sa madalang na nakaka-appreciate sa ibang nilikha ng Diyos." Magiliw na tugon ng ginang.

"Sige po maraming salamat po ulit." Sabi ni Clyde bago tuluyang lumisan.

.....

Sa araw ding iyon, iba't-ibang mga pound at shelter ang binisita n'ya. Marami s'yang napasaya at naka-appreciate sa ginagawa n'ya.

Masyado n'yang na-enjoy ang appreciation na natatanggap mula sa ibang tao. Isang bagay na bago sa kanya.

Umuwi siya na may galak sa kanyang puso. Kinabukasan muli siyang naglibot-libot sa mga shelter na puno ng sigla.

Hindi n'ya tuloy namamalayan na lumipas na ang sampung araw.

.....

Natapos na n'ya ang ikahuling araw na balak n'yang pagpunta sa mga shelters at pound upang gawin ang daily quest. Pagod at hapo man, may galak naman sa kanyang puso.

Nakaipon na kasi s'ya ng mahigit isang daang libong gold. May balak s'yang bilhin sa skill shop.

.....

Mag-aalas-otso na ng gabi ng nakatapos s'ya. Naglakad-lakad s'ya sa mapuno at liblib na lugar. Ang konsolasyon lang ay gawa ng aspalto ang daanan. Hindi na ito mahirap daanan sa kadiliman ng gabi.

Masasabi mo ngang perpekto itong pagtayuan ng isang shelter. Hindi gaanong dama ang polusyon sa lugar. Dahil isa itong rural na lugar. Mapuno at ang mga bahayan ay malalaki ang agwat. Hindi masama sa kalusugan ng mga hayop.

May kadiliman din dito. Ang mga poste ng ilaw ay pundido na. Nagpatuloy lang s'ya ng lakad gaya ng sabi ng babaeng may-ari ng shelter. Inaalok pa nga itong samahan s'ya upang ihatid ngunit tinanggihan n'ya na ito. Isipin n'yo na lang, isang babaeng mag-isang babalik sa lugar n'ya mula sa isang liblib at napakadilim na kalsada. Hindi ba parang tinutukso noon ang masasamang loob para gawan s'ya ng masama?

Sabi ng babae dahil nga liblib ang lugar wala ng dumadaang mga sasakyan dito. Pero sa may pinakamalapit na kanto ay may mga de padyak na pedeng sakyan para maghatid sa kanya sa kabayanan.

Hindi naglaon ay may nakita na siyang isang masakit sa matang dilaw na ilaw sa di kalayuan. Iyon na nga ang kanto.

Yung pinakakanto nila ay simple lang. Meron lang isang malaking waiting shed doon. Maliban doon, yung bench lang ang makikita mo sa kanto. Sa may tapat ng waiting shed. May dalawang pedicab ang nakapila.

Nang nakarating siya, pasimple n'yang pinagmasdan ang mga driver ng pedicab. Ang nasa una ay isang matandang lalaking maputi na ang buhok. Medyo marami na rin itong kulubot. Ang ikalawa naman sa pila ay simpleng lalaki lang na hindi nahuhuli sa edad n'ya, sa kanyang palagay.

"Mga boss! Magandang gabi po!" Pagbibigay galang n'ya sa mga ito.

"Sir, magandang gabi rin po. Sasakay po kayo?" Ganting bati rin nitong dalawa.

"Opo mga boss." Tugon ni Clyde sa tanong.

"Ganun po ba? Sakay na!" Masayang paanyaya ng matandang lalaki.

"Mga boss! Mawalang-galang na po. Kung hindi naman oo masama, maaari po bang magtanong?" Paalam nito.

Sumang-ayon naman ang dalawa.

"Hindi ba delikado na rito kayo mamasada? Masyado pong liblib ang lugar, takaw-krimen. Hindi po ba kayo natatakot?" May concern na tanong ni Clyde.

"Takot? Hindi naman ho namin makakain 'yon sir. Hindi kami pwedeng matakot. May mga pamilya kaming binubuhay. Hindi namin sila pababayaang kumakalam ang sikmura." Natatawang sagot ng mas nakababatang pedicab driver. Pero halata sa tono n'ya ang pait.

Samantalang ang matanda ay tahimik lang na nakikinig.

"Pasensya na po sa tanong ko mga boss kung na-offend man kayo." Paghingi ng dispensa ni Clyde.

"Naku sir, wala po 'yon. Nadala lang po ng bugso ng damdamin." Pagpapabula ng lalaki sa tingin ni Clyde.

"Sir sakay na po kayo." May alon sa boses na anyaya sa kanya ng nakakatandang pedicab driver.

Medyo hirap itong maglakad.

"Okay po manong." Pero bago s'ya sumakay may pasimple s'yang inabot sa isa pang pedicab driver na nagpangilid ng luha nito. Ibubuka na sana nito ang bibig ng kinidatan ito ni Clyde kasabay ng paglagay ng hintuturo sa kanyang bibig.

Habang nagpapadyak si tatay, tahimik ang byahe ni Clyde. Dahil hindi n'ya na rin siguro matiis ang kuryosidad sa isip.

"Manong, nahalata ko pong medyo hirap na kayong maglakad. Hindi po ba kayo nahihirapang magpadyak n'yan? Tsaka bisperas na po ng pasko ngayon." Tanong ni Clyde sa manong.

"Nako ato! Sa totoo lang masakit. Pero gaya nga ng sabi ni Rudolph kanina, kailangang kumayod para sa pamilya. Sa hirap ng buhay ngayon hindi mo pwedeng indahin ang sakit. Kailangan kumayod hangga't hindi ka naman baldado." Paliwanag ng manong ng hindi tumitingin kay Clyde.

Naantig naman ang puso ni Clyde sa sinabi ng matanda. Naalala n'ya ang sarili n'ya sa matanda maging kay Rudolph. Maging kasi s'ya hindi pwedeng panghinaan. Responsibilidad n'ya kasi ang kinabukasan ng kapatid. Kaya kahit mga importanteng okasyon tulad ng pasko kailangan pa rin n'ya trumabaho.

Matapos ng usapang 'yon naging matahimik na ang buong byahe. Hanggang sa naaninaw na ni Clyde ang sakayan ng jeep.

Pinahinto n'ya ang cab ni manong medyo malayo pa sa sakayan. Medyo nagtaka pa ito at itinanong kung bakit.

Hindi naman n'ya sinagot ang tanong nito bagkus may inabot.

"Bayad ko po manong. Keep the change po." Nakangiting sabi ni Clyde sabay abot ng isang libong papel.

"Nako ato hindi ko matatanggap 'yan." Matigas na pagtanggi ni manong.

"Manong 'wag n'yo na po tanggihan. Pamasko ko na po sa'yo 'yan at sa kasipagan n'yo. Bilhan n'yo po ng masasarap na pagkain ang pamilya n'yo." Pangungumbinsi ni Clyde.

Madalang n'yang gawin ang pamimigay ng pera sa ibang tao. Masyado s'yang mahigpit sa pera dahil sa pangangailangan nilang magkapatid. Pero dahil nakarelate s'ya sa dalawa ay hindi s'ya nagdalawang-isip na bahagian ang mga ito. Isa pa pasko naman.

"Sige na manong tanggapin n'yo na po. Si Rudolph inabutan ko rin naman po." Mas masigasig na pangungmbinsi n'ya rito.

"Merry Christmas po!" Sabi n'ya sabay lakad patungo sa sakayan ng jeep.

"Maraming salamat sa'yo ato. Maligayang pasko rin sa'yo." Rinig n'yang sigaw ng manong. Halata sa boses nito ang labis na galak.

Habang binabaybay ng jeep ang highway, pinagmamasdan ni Clyde ang mga bahayan, tindahan at kung anumang matatanaw sa dinadaanan.

May ilan-ilang mga Christmas light at lanterns sa paligid. Naalala n'ya tuloy yung nakalipas. Mga labing-lima hanggang dalawpung taon na ang nakakaraan.

Wala pa noon ang mga dungeons.

Noon sa tuwing tutuntong pa lang ang ber months o simuli Syeptembre, mag-uumpisa mo ng maramdaman ang paparating na pasko.

Pagdating ng Nobyembre halos lahat ng bahayan ay may magagarbo ng mga Christmas decors. Makukulay na Christmas lights na ang iba ay nakapulupot pa talaga sa mga puno. Pagaraan na rin ng mga nagagandahan at naglalakihang parol.

Nag-uumpisa na ring mangaroling ang mga bata. Kada bahay galante magbigay. Ramdam mo talaga ang diwa ng pasko.

Sa pagtuntong ng Disyembre, parang araw-araw ay pasko na. Masaya ang bawat tahanan. Ang simoy ng hangin ay kay halumigmig. Ang mga Kristiyano'y hindi rin pumapalya sa simbang-gabi. Matapos ng misa ay magsisibilihan pa ng bibingka't-putobumbong.

Talagang ibang-iba ito sa kasalukuyan. Ngayon Disyembre na matumal pa rin ang mga Christmas decors. Madalang ang nangangaroling, dahil siguro nawalan na rin ng gana. Sapagkat tuwing sila ay tatapat sa bahayan, kung hindi papatayan ng ilaw, ikaw naman ay mabubulyawan.

Sa mismong araw naman ng pasko, ang ibang mga ninong at ninang ay nagsisipagluwasan para lang makaiwas sa mga namamasko. Ang mga bata naman o ang mga magulang ay mas gusto pang pera na lang at hindi makuntento sa regalong pinag-isipan pa talaga ng kanilang mga ninong.

Parang nawala na talaga ang espirito ng bigayan. Nawala na ang tunay na diwa ng pasko. Ang diwa ng pagmamahalan.

Hindi mo rin naman masisisi ang mga tao. Binago sila ng panahon. Binalot sila ng takot at galit sa dungeons at mundo.

Sa nakalipas kasing dalawang dekada. Ang estado ng bansa ay nag-iba. Mas humirap ang pamumuhay. Hindi tumataas ang sweldo pero ang mga bilihin sobrang taas na.

Sino ba ang dapat sisihin? Ang pamahalaan ba? Kung bakit mas lalong nababaon sa utang ang bansa? Totoo kaya ang mga alegasyong kaya lang nagsisipag-upo ay hindi dahil sa pagmamahal sa bayan kundi para magpakasasa sa kaban ng bayan? Sila ba ang tunay na dahilan ng lalo pang paghihirap ng mga dalitang mamamayan?

O ang mga tao rin talaga? Dahil sa walang habas na pagpaparami, na hindi rin naman ata kayang tugunan ang mga pangangailangan?

O may dapat ba talagang sisihin?

.....

Sa pagpasok n'ya sa apartment unit nila, naamoy n'ya agad ang mga paborito n'yang pagkain. Menudo, Lengua at Carbonara.

Dumeretso s'ya sa hapagkainan upang abutan ang mga handa nila para sa Noche Buena.

"Ang bango ng mga luto mo Gaea." Papuri ni Clyde sa nakatalikod na kapatid. Medyo napatalon at tili ito sa gulat.

"Ginulat mo naman ako kuya!" Inis na sabi nito.

"Chill ka lang Gaea!" Natatawang awat nito sa masamang tingin ng kapatid. Lalo pa itong nainis sa reaksyon ng kuya.

.....

Nagbihis si Clyde.

"Merry Christmas kuya!" Maligayang bati ng kapatid.

"Merry Christmas din Gaea." Ngiting tugon n'ya.

"Kuya, ilang beses ko ng napapansin na late ka ng umuuwi tulad ngayon. Saan ka ba nagpupunta?" Nag-aalalang tanong ng dalagita.

Nakaupo sila sa hapag. Kumakain na sila. Nagka-countdown para sa kapanganakan ni Hesokristong anak ng Diyos. Nakapagsimba na rin sila kaninang alas-nuebe.

"May mga inaayos lang Gaea. Wala ka dapat ipag-alala. Hindi ako gagawa ng delikadong bagay. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko. Hindi ba pangako ko sa'yo hindi kita iiwan hangga't di ka pa nakakapag-asawa?" Biro ni Clyde.

"Yuck kuya! Asawa ka d'yan. Hindi ako mag-aasawa. Ang mamanyak kaya ng mga lalaki." Matinding reaksyon nito sa biro ng kuya. Nakakuha ito ng paghagalpak ng tawa mula kay Clyde.

"Papadala na ba kita sa kumbento?" Biro ni Clyde.

"Ay grabe s'ya!" Sabi ni Gaea.

"Ikaw kuya ang mag-asawa na. Ang gurang mo na kaya. Pero bago mag-asawa mag-gf ka muna. NGSB ka eh." Tukso ni Gaea kay Clyde.

Tawa lang ang sinagot sa kanya ni Clyde. Lalo tuloy lumakas ang pang-aalaska n'ya sa kuya.

"Si ate Angel." Maikling sabi nito.

"Anong meron kay Angel?" Tanong ni Clyde.

"Ui! Concern na concern. Ligawan mo na kasi torpe." Pambwibwisit nito sa kuya.

"Magkaibigan lang kami ni Angel." Sagot ni Clyde.

"Nagmamaang-maangan pa s'ya. Lagi ko naman nahuhuling pasulyap-sulyap." Pangongorner nito sa kapatid.

"Hindi ko nga s'ya gusto." Sagot ni Clyde sabay tawang may kasamang iling.

.....

"Jake! May nasagap akong interesanteng balita tungkol sa kaibigan mo." Makahulugang ngiti ng isang balingkinitang lalaki.

"Ano 'yon Paul?" Tanong ni Jake sa lalaki.

"Ano sa tingin mo?" Pagpapasuspense pa nito.

Nagkibit-balikat si Jake. Hindi na n'ya pinansin ang lalaking taas-baba ang kilay.

Nawala ang ngiti ni Paul ng hindi s'ya pansinin ng kausap.

"Hindi mo man lang ba tatanungin?" Pangungulit nito kay Jake.

"Hindi na pwede ko namang itanong kay Clyde." Walang ganang sagot ni Jake sa kausap.

"Ang killjoy mo naman Jake." Parang naiiyak na sagot ni Paul.

"Ang oa mo naman guild leader. Sige anong interesanteng ginawa ni Clyde." Labas sa ilong na tanong ni Jake.

"Yun o! Ang tsundere mo talaga kahit kelan Jake." Magsasalita pa lamang si Paulo na guild leader pala ng pangalawa sa pinakamalakas na guild sa bansa ng umaray ito.

"Teka! Teka! Dina Manahan! Yung tenga ko mapuputol 'wag mo hilahin." Reklamo nito sa bagong dating na babae. Maganda ito, kayumanggi, pero masyadong seryoso. Pokerface.

"Pagpasensyahan mo na ang kumag na to Jake." Paghingi ng dispensa ni Dina sa kakulitan ni Paulo.

"Naku wala 'yon vice guild leader." Nakangising tugon ni Jake kay Dina sabay sulyap ng nakakaloko kay Paulo.

"Dina bitawan mo na. Magkwekwento pa ko." Sigaw na sabi nito. Hindi na napigilan ng mga tao sa paligid ang pagtawa dahil sa kakatwang eksena.

Nagsihagalpak ito ng mga tawa.

"Tsk! Ano kayang nakakatawa? Gusto n'yo sipain ko kayo?" Naiinis na banta ni Paul na lalong nagpatawa sa mga hunter sa paligid.

"Magsikain na kayo! Wag n'yo ng pansinin ang kulugong ito. Merry Christmas sa inyo mga hunter." Malamig na sabi ni Dina maging sa pagbati n'ya sa mga hunters ng Merry Christmas.

Nagsipulasan naman ang mga ito patungong magarbong hapag ng guild house. Takot sila kay Dina. Kabaligtaran ng trato nila kay Paul.

Christmas party ngayong hatinggabi ng The Company. Tradisyon na sa kanila na magsalo-salo ng Noche Buena tuwing kapaskuhan.

"Dina please alisin mo na." Pagmamakaawa ni Paul sa kaibigan. Binitawan naman siya nito at umalis na.

"Maligayang pasko sa iyo Jake." Bati nito sabay pulas. Hindi na nakabati pa si Jake dito sa tulin ng alis.

"Ganito kasi 'yan. Base sa mga source ko, mahigit isang linggo raw nagpupunta ang kaibigan mo sa mga pound at shelters." Kwento ni Paul.

"Wala namang nakapagtataka roon leader. Sobrang hilig talaga n'ya ang mga hayop." Sagot ni Jake.

"Hindi pa ako tapos. Eto ang mas interesante. Nang tinanong ng source ko sa mga staff ng mga pound at shelter kung ano ang ginagawa n'ya roon, pare-parehas lang ang sagot nito sa kanya, inaalayan daw ng dasal ang mga pumanaw na hayop nila." Masayang kwento ni Paul.

Napakamot na lang ng ulo si Jake.

"Merry Christmas Jake, guild leader!" Magiliw na bati ng isang boses. Nang lingunin ni Jake. Nakita n'ya ang magandang ayos ni Angel.

Nang mapansin ni Angel ang paninitig sa kanya ng kaibigan ay umatake na naman ang kapilyahan nito. Pumose ito ng parang isang model at nagtanong, "Nakakatulala ang ganda ko no, Jake?" Sabay pitik pa ng daliri nito sa tapat ng mukha ni Jake.

At napahagikgik ito ng sinagot ay oo.

"Loka-loka ka talaga Angel." Loko ni Paul sa dalaga.

"Mana lang sa'yo leader." Sagot nito.

Nagpaalam na si Paul sa dalawa. "Merry Christmas sa inyong dalawa."

"Anong pinag-uusapan n'yo Jake?" At ng sinaad nga ni Jake ang kwinento ni Paul sa kanya ay natawa na lang si Angel