webnovel

Holymancer (Tagalog-English)

Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible ng mangyari ay magiging abot kamay niya sa isang iglap.

Kurogane_Hiroto · Fantasy
Not enough ratings
29 Chs

Chapter 3, part 2 : Penalty zone

Hindi! Hindi ako papayag na mamatay. Ngayon pa? Kung kailan nag-uumpisa ng umayon sa akin ang mundo?

Inisip ni Clyde ang paraan kung paano n'ya maiiwasan ang sobrang talas na mga kuko ng taong lobo sa mukha n'ya. Nagbunga naman ang pag-iisip n'ya.

Narinig n'ya ang tunog ng nabasag na salamin. Lahat ng mga taong lobo na humahabol sa kanya ay napilitang sumugod kay Alejandro.

Sinummon n'ya kasi si Alejandro at pinapunta sa lupon ng mga taong lobo. Doon sabay inutos ni Clyde sa utak n'ya na gamitin ang spiritual weapon ni Alejandro at ang kanyang pinakamalakas na crowd control skill, ang divine pull.

Hindi naman inalintana ng mga taong lobo ang shield ni Alejandro. Hiniwa nila ito na para bang ito ay tubig, walang resistance. Kasunod noon ay inatake nila si Alejandro hanggang otomatikong ma-unsummon s'ya dahil napatay na s'ya.

Hindi naman napagod ang mga ito dahil saglit lang nilang dinispatsa si Alejandro. Pero sa sakripisyo nito, nabigyan n'ya ng oras si Clyde upang makakuha ng distansya sa mga taong lobo.

"Pasensya na Alejandro." Pabulong na hingi ng dispensa ni Clyde sa nag-iisang partner sa kasalukuyan.

Isinakripisyo n'ya si Alejandro dahil, mamatay man ito, muli pa itong mabubuhay. Hindi nga lang n'ya alam kung masasaktan ito.

Ang mahalaga buhay s'ya, sa oras kasi na mamatay s'ya, pati si Alejandro ay mawawala na rin ng tuluyan.

Nag-umpisa na naman ang habulan.

Pero sa panahong 'yon may naisip ng paraan si Clyde kung paano makakaalpas sa napakadelikadong sitwasyon.

Inumpisahan na n'yang maghanap ng kahit anong skill na maaari n'yang magamit mula sa shop ng holymancer system.

.....

[Shop]

[Skills]

[Movement Skills]

.....

Dumeretso s'ya sa movement skills para makahanap ng skills na pantakas. Base kasi sa nakita n'ya sa atake nila kay Alejandro, hindi mananalo si Clyde kahit isa man sa mga taong lobo na humahabol sa kanya.

Sinummon n'yang muli si Alejandro. Naramdaman n'ya kasing nasa likuran na agad ang mga humahabol. At muli ay hindi man lang tumagal ang duwende.

Pakiramdam ni Clyde ay lalabas na ang puso n'ya sa kanyang dibdib. Hindi lang dahil sa pagod sa pagtakbo, maging sa kaba sa walang humpay na paghabol sa kanya ng kamatayan.

Lalo na nang mapansin n'yang mahigit sampung segundo lang bago ulit makalapit sa kanya ang mga lobo. Paano n'ya tatakasan ang mga taong lobo sa loob ng sampung minuto? Napakatulin ng mga ito. Wala pang isang minuto ay muntik na s'yang mamatay ng dalawang beses.

Matapos ang pangatlong pagkakataong pagtakas n'ya sa mga taong lobo, nakita n'ya na ang hinahanap.

.....

[Movement Skills]

Conceal

An excellent escaping skill. It perfectly conceals the user's presence. It erodes the senses of everyone around the user. From activation, the user would be ten times faster than his usual speed. After ten seconds, the conceal state would vanish.

Mana requirement : Half of the user's mana.

Cooldown : 10 seconds

Price : 10, 000 gold

.....

Para bang nakatadhanang bilhin ito ni Clyde, sapagkat sa umpisa ay merong bonus holymancer currency si Clyde para pambili n'ya ng kung anumang gusto n'ya. Sakto namang 10, 000 gold ang halaga noon.

Dahil sakto naman ang pambili n'ya, walang pag-aatubiling binili ni Clyde ang conceal skill. Tiningnan n'ya ito sa system storage matapos n'ya itong bilhin. Agad n'ya itong ginamit at piniling gamitin para sa sarili n'ya. Ito ang kauna-unahang skill ni Clyde liban sa mga skills na kaugnay ng kapangyarihan ng holymancer.

Inactivate n'ya ang skill at kumaripas ng takbo palayo sa mga taong lobo.

Napahinto ang mga taong lobo sa paghabol. Bigla kasing naglaho sa mismong harapan nila ang hinahabol nilang tao. Nalilito sila dahil sa biglang paglalaho ni Clyde. Nagpaikot-ikot habang pilit hinahanap ang presensya ni Clyde.

Alerto silang nakamasid. Paamoy-amoy sila sa paligid. Inililigid ang mga paningin. Pinakikinggan din nila ang mga kaluskos.

.....

Namangha si Clyde sa kapangyarihan ng conceal. Nang matapos ang activation ng conceal, sobrang layo n'ya na sa mga taong lobo. Hindi na n'ya sila matanaw sa kada paglingon n'ya.

Medyo nahirap lang si Clyde sa pagtahak sa dinadaanan n'ya. Hindi kalaunan ay may napansin s'ya. Bigla na lang bumigat ang bawat hakbang n'ya. Nahihirapan ang mga paa n'ya sa kada lakad. Kaya napilitan s'yang bagalan ang pagtakbo n'ya. Doon napagtanto n'yang pababa ang lupang dinadaanan n'ya.

Sa palagay n'ya ay isa itong talampas. Isang uri ng ayong lupang higit na mataas sa kapatagan. Kaparehas ng isang bundok, parehong hugis tatsulok o parang binaligtad na apa. Ang malaking pagkakaiba lang ng dalawa ay ang pinakatuktok. Sa isang talampas, ang pinakaitaas ay may malawak at patag na kalupaan.

Kahit na medyo may kalayuan na sa mga humahabol, hindi pa rin nagrerelax si Clyde. Nakuha n'ya siguro iyon sa pagiging isang hunter o sa pagiging mahinang hunter. Naging maingat siya dahil masyado s'yang mahina dati, sa bawat dungeon ay maaaring mawala ang buhay n'ya. Hindi n'ya sinasayang ang bawat segundo n'ya.

Naisip ni Clyde na mahihirapan s'yang takasan ang mga taong lobo dahil isa itong talampas. Babagal ang pagbaba n'ya rito. Hindi pa n'ya kabisado ang pasikot-sikot nitong lugar, samantalang teritoryo naman ito ng mga humahabol na taong lobo. Nag-umpisa na n'yang planuhin ang mga susunod na hakbang kung sakaling mangyari ng hindi inaasahan. Ang abutan s'yang muli ng mga ito.

Sinuri n'ya ang mga bagay na magagamit n'ya para makaligtas sa loob ng sampung minuto. Hindi na s'ya aasa na makakakuha pa ng bagong skills. Ang kanyang holymancer currency sa kasalukuyang zero na. Kanina naman habang tiningnan ang conceal skill sa system storage, hindi sinasadyang makita n'ya ang ilang pirasong potions. Limang health potions at limang mana potions. Pawang maliliit lamang na potions.

.....

[Storage]

Health potions(S) : 5

Mana potions(S) : 5

.....

Sa kabilang dako, ang konsumpsyon ng conceal skill sa mana ay masyadong malaki. Kalahati ng buong mana ng user. Buti na lang at nagkataong may mga mana potions s'ya sa storage. Pero sa tingin ni Clyde hindi rin tatagal ang mga potions dahil makai ang demand ng conceal skill. Labing-dalawa hanggang labing-tatlong beses, 'yan sa palagay n'ya ang limitasyon ng paggamit n'ya ng conceal. Maaaring marami o konti depende sa sitwasyon. Iaawas pa rin niya ang paggamit ng mana sa pag-summon kay Alejandro kung hindi ay labing-apat na gamitan iyon.

Kung isasaalang-alang ang kakayahan ng mga taong lobo, sa oras na makita ulit s'ya ng mga ito, mahihirapan s'yang ipagpag ang mga taong lobo.

Hindi kalaunan nakadiskubre si Clyde ng isang maliit na kweba sa talampas. Napagpasyahan niyang doon magtago at magplano ng susunod na hakbang.

Dahan-dahan at maingat s'yang naglakad sa loob ng makipot na kweba. Naniningkit ang matang nagmamasid habang binabaybay ang daanan. Medyo may kadiliman ang kweba dahil tanging kaunting liwanag lang mula sa labas ang pumapasok dito. Tinitingnan n'ya kung meron bang mapanganib na mga nilalang sa paligid.

Nang makita ang dulo ng maliit na kweba at makumpirmang walang panganib agad siyang nakahinga ng maluwag. Tinungo n'ya ang dulo ng kweba.

Pagkarating, sumalampak siya sa matigas na sahig sa isang sulok ng kweba. Sumandal s'ya sa pader ng kweba para makakuha ng komportableng posisyon habang nag-iisip, pero agad din n'yang inalis ang likod n'ya dahil sa mga nakausling matutulis na mga bato.

.....

[Holymancer System]

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 1

Stats :

Health : 100/100

Mana : 100/100

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 15

Intelligence : 10

Perception : 10

.....

Nadiskubre n'ya kanina lang ang hidden information sa status. Kapag clinick ang stats, lalabas ang information about sa health at mana. Doon n'ya rin binase kung ilang beses n'ya pang maggamit ang conceal skill. Pero dahil ang isang mana potion ay agarang nagrerecover ng isang daang mana, nakakahinayang dahil limampu lang ang marerecover n'ya dahil yun lang ang max mana n'ya sa ngayon. Pero wala naman s'yang pagpipilian dahil baka kapag tinipid n'ya, 'yon pa ang dahilan ng kapahamakan n'ya.

Naputol ang pagpaplano n'ya ng marinig n'ya ang mga tunog na 'yon. Alulong ng mga lobo. Hindi lang isa kundi marami. Sigurado s'yang sila na 'yon. Naghanda na s'ya para umalis. Sigurado s'yang nahanap na s'ya ng mga taong lobo base na rin sa lapit ng mga alulong. Kung hindi man nila alam ang kinalalagyan n'ya, mabuti na ring sigurado at alerto s'ya.

Sa kabilang banda, kahit papaano ay nakapagtago s'ya sa mga ito ng walong minuto. Dalawang minuto na lang ang kailangan n'yang tapusin.

Dahan-dahan s'yang lumabas ng kweba. Sinigurado n'yang wala s'yang ingay na magagawa. Nang makarating sa bungad ng kweba, unti-unti n'yang inilabas ang ulo. Nang inilinga-linga niya ang kanyang ulo at mga mata at walang nakita ni anino ng kahit isang taong lobo, ginamit n'ya ang conceal at nagpatuloy na sa pagtakbo palayo sa tunog na pinanggalingan ng mga humahabol. Nagpatuloy s'ya sa pagbaba ng talampas.

.....

Sa may 'di kalayuan sa kwebang pinanggalingan ni Clyde, isang lupon ng mga taong may mga katangian ng lobo ang matuling nagsisitakbo ng napakatulin. Sa harapan ng grupo ay isang matipunong lalaking may mahabang kulay pilak na buhok.

Habang binabaybag nila ang talampas, umihip ang hangin sa kinaroroonan nila. Sabay-sabay na napahinto ang mga taong lobo. Sabay-sabay silang napasinghot ng malalim.

Inalerto ng isang matandang lalaking lobo ang nasa una.

"Alexander! Naamoy mo ba 'yon?" Pagkuha nito sa atensyon ng taong lobong nagngangalang Alexander.

"Oo! Saglit ko lang naamoy 'yon pero naglaho rin agad. Tara doon sa kaliwa. Nandoon ang tagalabas." Saad ni Alexander sabay karipas papunta sa kaliwang direksyon n'ya. Sa direksyon ng kweba. Sa kwebang kakaabandona lang ni Clyde.

.....

Habang humahangos si Clyde ay kailangan n'ya pang bantayan ang balanse n'ya. Mas padausdos kasi ang lupang tinatahak n'ya. Kailangan n'ya ring bantayan ang hindi mga patag na lupa. May mga parteng bitak na natatago sa mahahalamang lupa. Maging ang mga ugat ng nagtatayugang puno na maaaring pumatid at magpabulusok sa kanya paibaba. Kaya naantala nito ang tulin ng pagtakas ni Clyde. Mas bumabagal ang kanyang takbo. Nang paglingon n'ya naaaninag n'ya na ang mga taong lobo. Kasalukuyan silang umiikot sa pinanggalingan n'yang kweba.

Dahil doon, napilitang lumiko ng daan si Clyde, pumunta s'ya sa direksyong hindi s'ya makikita ng mga taong lobo. Nagpunta s'ya sa isang may kalakihang puno. Doon nagtago s'ya sa likod kung saan eksaktong nawala ang bisa ng conceal.

Agad n'ya ulit itong inactivate. Sa pag-activate n'ya ng conceal, sakto namang narinig n'ya ang sigawan ng mga humahabol. Tumakbo s'yang muli, pero sa pagkakataong ito, sa bandang kaliwa n'ya, kung saan mas makakapal ang mga kapunuan.

Nagmamadali s'yang tumakbo sa hindi patag na lupa. Sa pagkakataong ito nga lang, napakalakas na ng kabog ng dibdib n'ya. Sa likuran n'ya kasi naririnig na n'ya ang mga yabag ng mga taong lobo. Nasa tamang direksyon na sila humahabol. Sa sandaling ma-deactivate ang conceal, siguradong dudumugin s'ya ng mga taong lobo para pira-pirasuhin.

Dumating na nga ang oras na kinatatakutan n'ya. Naglaho ang epekto ng conceal. Kasabay ng paglingon n'ya ay ang mga galit na galit na taong lobong papalapit na sa kanya.

Nakakatatlong beses na s'yang gumagamit ng conceal. Nabawasan n'ya na rin ng isa ang mana potions sa storage.

Pang-apat.

Lumagok muli ng isa pang mana potion si Clyde kasabay ng pag-summon n'ya kay Alejandro.

Muli na naman n'yang naiwasan ang kamatayan. Pero sa pagkakataong ito, nasugatan s'ya ng pinakapinuno ng mga humahabol. Kasabay ng pag-summon n'ya kay Alejandro ay s'ya namang atake nito. Pagkagamit n'ya ng crowd control skill na joker ay pabagsak na sa kanya ang atake. Kung medyo nahuli ng kaunti ang joker skill, malamang ang kanang braso ni Clyde ay nakahiwalay na sa katawan n'ya.

Nakatakbo ulit palayo si Clyde pero ngayon ay may naiiwan na s'yang mga bakas.

Dugo. Mala-gripong tumatagas sa kanang braso ni Clyde ang maraming dugo. May kalaliman din kasi ang hiwa ng mga kuko ng taong lobo.

Pilit n'yang hindi indahin ang sakit. Sapagkat pababagalin s'ya nito sa pagtakas. Ang mga taong lobo ay patuloy na sa pagsunod sa dugo n'ya. Ang tanging dahilan lang kung bakit hindi pa s'ya inaabutan ng mga ito ay dahil sa dagdag na bilis na pansamantalang dulot ng conceal.

.....

Nagpatuloy ang habulan. Hindi n'ya na nachecheck ang countdown. Wala na s'yang pagkakataon para gawin 'yon. Laging nakabuntot ang mga taong lobo sa kanya. Ang pakiramdam n'ya tuloy ay parang napakabagal ng takbo ng oras. Hindi n'ya ma-enjoy ang bagong experience sa pagkakaroon ng napakatulin na paggalaw.

Sa bawat pagkawala ng conceal ay ang pagharap sa delikadong sitwasyon ni Clyde. Pero kahit papaano ay buhay pa rin s'ya at ilang beses na nakatatakas. Talaga lang napakasama na ng sitwasyon. Nauubusan na s'ya ng dugo. Wala s'yang panahon para ayusin ang pagdurugo. At magkaroon man s'ya ng oras para ayusin ito, wala naman s'yang mga kagamitan para patigilin ang pagdurugo.

Pasama rin ng pasama ang lagay n'ya. Nanlalabo na ang mata n'ya sa patuloy na pagtapon ng dugo. Naubos na rin ang kanyang mana para gamitin ang conceal.

Tuluyan na ngang nakarating ang pinuno ng mga taong lobo sa harapan n'ya. Nakangisi ito. I-susummon na n'ya sana ulit si Alejandro pero hindi n'ya na nagawa. Masyadong matulin ang pangyayari. Masyadong matulin ang kilos ng taong lobo.

Bago pa s'ya maka-react, nasa may kaliwang ulunan n'ya na ang mga kuko ng taong lobong may mahabang pilak na buhok. Naramdaman n'ya ang sobrang sakit na pagbaon nito sa ulo, sa sentido, sa pisngi at tumagos sa kanyang bungo.

.....

"Aaaaaaa!" Napamulagat si Gaea gulat. Nagising s'ya dahil sa isang nakakapanindig-balahibong sigaw. Para bang ang may-ari ng boses ay talaga namang nasasaktan.

Nang matauhan na s'ya mula sa pagkakagising, doon n'ya na naalala kung nasaan s'ya. Napapiglas s'ya sa kinahihigaan n'ya. Agad n'yang dinaluhan ang nakakatandang kapatid na hanggang ngayon ay sumisigaw pa rin.

Napamaang s'ya sa gitla ng makita ang kalagayan ng kapatid.

Putlang-putla ito. Tila naliligo rin ito sa pagtagaktak ng pawis. Ang ekspresyon ng mukha n'ya ay parang takot na takot at puno ng sakit. Nanginginig din. Nakadilat pero parang wala sa ulirat.

Nang makabawi sa gulat ay agad na umaksyon si Gaea. Tinapik-tapik niya sa balikat ang kapatid para kunin ang pansin.

"Kuya! Kuya!" Paulit-ulit na tawag ng atensyon ni Gaea sa kapatid. May bahid pagkataranta sa tinig. Nang walang positibong reaksyon sa kanyang boses, inalog-alog n'ya ang braso ni Clyde. Nang wala pa rin ay sasampalin na n'ya sana ang kuya, pero biglang nag-iba ang itsura ng mata nito. Nabitin sa ere ang palad ni Gaea at nakahingang maluwag. Kumalma na ang kapatid.

"Kuya okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Gaea.

Napatingin ito kay Gaea at nakahingang-maluwag. Bahagya rin nitong niyapos ay kaliwang parte ng ulo. Matapos noon ay nawala na ang kanyang pamumutla. May napansin lang si Gaea. Magulo ang mga mata ng kapatid pabalik-balik sa hangin na para bang may kung anong inuunawa.

"Okay lang ako. Binangungot lang." Pagdadahilan ni Clyde. Nahimasmasan s'ya salamat na rin sa boses ng kapatid.

Ayon sa nabasa n'ya, matagumpay n'yang natapos ang penalty sa eksaktong panahon. Kung nahuli siguro s'ya kahit isang segundo man lang, paglalamayan na s'ya pagsikat ng araw.

Meron pang mga mensaheng nakapukaw ng pansin n'ya pero iisantanbi n'ya muna 'yon. Gising pa ang kapatid n'ya, gagawin n'ya na lang 'yon kapag mag-isa na s'ya.

"Kuya! Sigurado ka bang okay ka lang?" Sabay hipo nito sa noo ng kapatid. Sa tingin n'ya talaga kasi ay hindi bangungot 'yon. Halusinasyon siguro.

"Saglit lang kuya. Punta lang ako sa nurse station." Paalam ni Gaea sa kapatid. Pero bago pa s'ya makalabas ay may pumasok ng nars.

"Anong problema? Sino yung sumisigaw?" Tanong ng isang babaeng nars sa magkapatid.

"Si kuya po! Binangungot daw po s'ya. Pwede po ba kayong makausap ateng ganda?" Paliwanag at tanong ni Gaea na may halong pambobola sa nars na agad pinaunlakan ng may ngiti sa mga labi.

Lumabas sila ng kwarto at doon na nga nagpaliwanag si Gaea.

"Ateng ganda, ganito po kasi 'yan. Hindi po ako mapalagay eh. Kanina po kasi para pong hindi bangungot. Para pong hallucination yung nangyari kay kuya. Pwede n'yo po bang pakibanggit sa doktor ang nangyari?" Paghingi ng pabor ni Gaea sa nars.

"Ganun ba hija? Ako ng bahala!" Nakangiting pag-ayon nito kay Gaea.

.....

Samantalang sinamantala ni Clyde ang panahong wala sa kwarto ang kapatid.

.....

[Congratulations on passing the difficult test of the penalty zone.]

[For the success of avoiding death on the penalty zone, here is a reward for you.]

[You have gained a dungeon key.]

[A dungeon key is an item use to gain access to a specific dungeon.]

[You can only use it once to choose that specific dungeon.]

[After selecting it, the user can freely enter that dungeon anytime he want, whenever or wherever he is located by using this key.]

[Choose wisely.]

.....

Pinabayaan n'ya muna sa system storage n'ya ang dungeon key.

.....

Ilang oras matapos ang parusa at pagbibigay gantimpala sa kanya ng holymancer system, heto na si Clyde at palabas na sa ospital.

"Mr. Mercado, your friend insisted of going out of the hospital today. Wala na kaming magawa. Hindi naman namin s'ya pwedeng pigilan at i-hospital arrest hindi ba?" Pabirong turan ng doktor ni Clyde.

Nagkibit-balikat na lang si Jake rito. Kilala n'ya ang kaibigan. Kapag napagdesisyunan nito ang isang bagay gagawin at gagawin niya ito kahit na anong mangyari.

"Marami pa akong dapat ayusin. Ilang araw din akong natengga dahil nakatulog ako ng ilang araw. Kailangan ko ulit mag-schedule ng pasok sa dungeon." Pagpupumilit ni Clyde na lumabas.

Suhesyon kasi nila Jake, Angel at ni Gaea, maging ang doktor, ay manatili pa s'ya ng ilang araw para maobserbahan. Nalaman din kasi nila Jake ang nangyari kagabi. Pero mapilit itong si Clyde. Ang katwiran pa n'ya ay kung makakaramdam siya ng masama ay s'ya na mismo ang babalik sa ospital.

Binitbit ni Clyde ang bag damit na ginamit n'ya habang nananatili s'ya sa ospital. Kukunin pa sana 'yon ng kapatid at mga kaibigan pero hindi s'ya pumayag.

"Relax lang kayo. Kaya ko to. Magaling na ko. Wag kayong oa." Natatawang sabi n'ya sa tatlo.

"Salamat sa inyo dok, pati na rin sa inyo mga nurses, sa pag-aalaga n'yo sa'kin niton mga nakaraang araw. Alis na kami." Pagpapaalam ni Clyde sa mga staff ng ospital na nakahilerang dumalo bago s'ya umalis. Sa tingin ni Clyde, ang tunay na dahilan ng special treatment sa kanya ay dahil na rin sa kaibigang si Jake, mula s'ya sa isang makapangyarihang angkan. Marahil ganoon man ang tunay na dahilan ay minarapat n'ya pa ring magpasalamat ng bukal sa kanyang kalooban.

"Ano ba kayo sir, wala 'yon." Sagot nila sa pangunguna ng doktor.

.....

Sa labas, sumakay ang magkapatid sa isang tricycle pauwi. Inalok pa s'ya ni Jake na ihatid na sila sa bahay pero tumanggi si Clyde. Nahihiya na ito sa pagsagot ng mga gastusin sa ospital. Dapat si Clyde na ang magbabayad noon gamit ang kanyang mga ipon sa bangko. Pero mas maagap ang kaibigan. S'ya na ang nagbayad ng gastusin sa ospital ni Clyde.

Habang binabaybay ang daan patungo sa kanilang tahanan, sinilip ni Clyde ang oras sa kanyang cellphone. Namomroblema pa rin s'ya kung paano maglilinis ng isang daang kaluluwa kada araw. Hindi naman n'ya pwedeng gawin 'yon sa mga normal na dungeon.

Una sa lahat, ang minimum na participant sa isang dungeon raid ay lima. Hindi naman n'ya pwedeng ipakita ang kanyang bagong kapangyarihan. Napagdesisyunan niya ng isekreto ito sa ngayon. Hindi s'ya pwedeng pumasok mag-isa sa alin mang dungeon. Maliban na lang kung isa kang may mataas na ranggong hunter. O di naman kaya ay may matindi kang koneksyon.

Ikalawa, makapasok man s'yang mag-isa, wala s'yang kakayahang tapusin ang isang dungeon mag-isa. Pagdating sa depensa, nandiyan si Alejandro. Ang problema ay ang opensa. Ngayon pa lang sumasakit na ang ulo n'ya.

"Kuya, bakit hindi ka bumili ng bagong phone? Lumang modelo na 'yan at marami ng problema. Tsaka relos na rin para sa'yo. Mas magandang tingnan sa lalaki ang may suot na relo sa palapulsuhan. Ang lakas makagwapo." Puna ni Gaea sa cellphone ng kuya.

"Ganito kasi Gaea. Nag-iipon ako pangkolehiyo mo. Mapagtyatyagaan ko pa naman to sa ngayon. Kapag may sumobra na lang siguro." Sagot ni Clyde.

Walang balak si Clyde bumili ng bagong phone hanggat hindi pa naman tuluyang nasisira ang gamit n'ya. Lalo naman ang bumili ng relo. Para kasi sa tulad niyang dalita, sapat na ang makakuha ng pera para sa mga pangangailangan sa araw-araw. Pati na rin sa pagpapaaral ng kanyang kapatid. Wala s'yang balak o wala s'yang kakayahan upang bumili ng mga luho. Kalubusan ang pagbili ng mga bagay na hindi naman gaanong kaimportante.

"Napag-usapan natin 'yan hindi ba kuya? Maghahanap ako ng scholarship at part-time para makapag-aral. Hindi mo na kailangang intindihin 'yon. Sapat na 'yung ikaw ang kumakayod para sa mga pangangailangan nating dalawa para sa araw-araw." Medyo tumaas ang tono ni Gaea.

"Sorry kuya. Hindi ko sinasadya. Nakakahiya na kasi sa'yo. Laging nalalagay sa panganib ang buhay mo sa pagiging hunter mo. Kung papipiliin lang ako, pahihintuin na kita sa pagiging hunter." Malungkot na sabi ni Gaea sa kapatid.

"Huwag mong intindihin 'yon Gaea. Para saan pa at naging magkapatid tayo kung hindi tayo magtutulungan?" Nakangiting saad ng nakakatandang kapatid.

Gaya nga ng nabanggit noon pa, ulilang lubos na ang dalawa. Minalas ang mga magulang ng nila. Namatay sila sa panahong merong dungeon outbreak. Isang iregular na pangyayari, kung saan naglabasan ang napakaraming halimaw mula sa dungeon.

.....

Kasabay ng pag-uusap sa pagitan ng magkapatid at ng lihim na pag-aalala ni Clyde patungkol sa kanyang daily quest, meron ding nagaganap na usapan na kaugnay si Clyde.

Sa loob ng isa sa pinakakilalang gusali sa hunter era, ang Dark Resurgence guild house. Ang napakalaking gusali ay merong nakakasindak na vibes. Meron din itong istilo at tema ng pagiging show-off. Hindi mapagkakailang Dark Resurgence nga ang may-ari ng guild house.

Ito ay matatagpuan sa Sumapang Matanda, Malolos, Bulacan along Mcarthur Highway. Nagkataon din ito ang kanilang main base of operation.

Kaya naman madalas talagang makasalamuha ng mga hunter sa Bulacan tulad ni Clyde ang mga miyembro ng nasabing guild.

Ang kasalukuyang kinatatayuan ng guild house ay dating Robinson's Place Malolos. Ang pagkakabili ng lugar ay isa sa mga pinakakontrobersyal na bentahan sa buong Pilipinas. Maliban sa isa itong malaking transaksyon sa pagitan ng dalawang maiimpluwensyang grupo, meron ding umuugong na balitang sapilitan ang bentahan.

Kwestiyonable namang talaga ang transaksyon. Napataas kilay ang mga eksperto sa pagnenegosyo, maging ang mga matatalinong mamamayan. Nakakataka kasing talagang pumayag ang mga may-ari ng Robinsons sa bilihan.

Hindi lingid sa kaalaman ng masa na ang Robinsons Place Malolos ay isa sa mga strategic anchors ng Robinsons sa expansion plans nila. Isa ito magagandang lokasyon. Isa sa mga key cities, kalapit ng Metro Manila, sa bandang norte.

Developed at developing pa ang komersyo ng nasabing syudad. Maraming negosyo at mga establisyimentong kalapit nito.

Mga developing residentials at mga subdivisions tulad na lang ng, Malolos Heights Subdivions na mas kilala sa dating pangalang Alido, Dreamcrest Homes, Woodlands of Grand Royale, Grand Royale, New Hope, McArthur Village. Mawawala ba naman ang Camella na parami ng parami na parang kabute? Ilan lang 'yan sa mga bahayan sa kalakhang Malolos.

Mga malalaking eskwelahan at unibersidad tulad na lang ng Bulacan State University, Bulacan Polytechnique College, Centro Escolar University, STI Malolos, AMA Computer College.

Mga ospital na halos magkakadikit na. Malolos Provincial Hospital. San Vicente Hospital. Sacred Heart Hosptial of Malolos.

Mga simbahan gaya ng Jesus is Lord Church ng mga Born Again Christians. Ang Malolos Cathedral.

At mawawala ba naman ang batikang simbahan, Barasoian Church? Ang hitik na hitik sa kasaysayang simbahan. Nakatayo na ito simula pa ng panahon ng mga kastila, sa 19th century. Saksi ito sa trahedya at pasakit na sinapit ng ating mga ninuno sa kamay ng mga mananakop na kastila. Ang Barasoian ay ilang beses ng nasira bago pa ito naging ganap na Barasoin Church, sa taong 1888. Parte at simbolo rin ito ng muling pagbangon. Gaya ng simbahan, ilang beses mang mawasak at yurakan ang dangal, ang mga Pilipino ay babangon at muling tatayo para lumaban.

Sa taong 1898, habang namumuo ang tensyon sa pagitan ng mga rebolusyonaryong Pilipino at mga Amerikano, na dumating para agawin ang Pilipinas sa kamay ng mga Kastila, na makikila sa hinaharap bilang digmaang Kastila at Amerikano, ang pamahalaan ng rebolusyonaryong Pilipino ay lilipat mula sa Cavite patungo sa Malolos, Bulacan sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo.

Mabubuo ang mga plano rito sa pagsulat ng bagong konstitusyon na 'di maglalaon ay mapoproklama bilang Republika ng Pilipinas. Ang simbahan ng Barasoain ay mapipili upang pagdausan ng First Philippine Congress, pero mas kilala ito bilang Malolos Congress, na magaganap noong ika-15 ng Septyembre, taong 1898. Dahil dito kalaunan ay mabubuo ang Malolos Constitution sa taong 1899.

Sa mismong Septyembre 23, taong 1899, pormal ng maiinagurahan ang unang Republika ng Pilipinas kung saan maluluklok at iproproklama si Emilio Aguinaldo bilang unang Pangulo ng Pilipinas.

Sobrang yabong nga ng kasaysayan ng Barasoian na magiging isa itong tourist spot na may importansya sa bawat Pilipino. Ngunit maging ang mga banyaga ay pinupuntahan ito.

Dahil nadaraanan ang McArthur Highway kung saan nakatayo ang Robinsons Place Malolos, isa na naman itong oportunidad sa komersyo.

Kaya talaga namang kataka-taka ang bentahan ng loteng dating kinatitirikan ng Robinsons. Sa mga negosyante isa itong mangmang na galaw. Sa mga negosyante, isa itong cardinal sin, ang pagbitaw ng golden goose na nagpapakita sa kanila. Kumbaga sa mga minero ang Robinsons ay isang minahan ng gintong binenta sa iba.

Ang iba naman ay naunawaan ang galaw ng may-ari ng Robinsons. Ayon sa mga sabi-sabi, nagipit daw ang may-ari ng Robinsons dahil pilit na kinukuha ng magkapatid na rank S hunters na magiging mga lider ng Dark Resurgence ang lugar. Pinagbabantaan daw sila ng magkapatid. Maraming koneksyon ang dalawa sa underworld maging sa gobyerno na rin. Ang transaksyon ay punong-puno ng korupsyon. Nakuha ito ng legal ngunit dinaan sa masamang pamamaraan.

Hindi naman ipinagtaka ng mga tao ang bali-balita patungkol dito base na rin sa mga gawain ng guild. Ayon sa kasabihan, walang usok, kung walang apoy.

Ibalik natin sa mas importanteng senaryo.

Sa loob ng isang malamig at magarbong silid. Sa isang conference room ng guild, sa gitna nito ay may isang mahabang pa-oblong, makintab at simpleng mesa. Sa harapan nito ay may isang upuan kung saan nakaupo ang vice-guild leader.

"Guild leader, kami ng bahala sa mga babaeng hunters na 'yon. Hindi nila basta-basta mahahalatang binabantayan namin sila." Pagarantisa ng isang lalaking may suot na scarf sa noo n'ya.

"Fred! Una sa lahat, si kuya ang guild leader. Hindi ako." Sabay sandal nito sa kinauupuan. Bahagya pang tumagilid sa pagkakaupo upang magrelax. Kasabay noon ang matinis na tunog na nagawa ng swivel chair.

"Higit sa lahat Fred." Bahagya itong tumahimik at nanitig kina Fred at sa kasamahang si Pepe. Kasunod noon ang hindi mapigilang paghalakhak.

Nang medyo nakahalata na siyang hindi maganda ang ginawa ay nagpakawala ito ng pilit na ubo sabay taas ng kanyang salamin gamit ang dalawang daliri.

"Sa mga porma n'yong 'yan hindi mahahalatang nakasunod kayo? Noong isang linggo lang habang sinusundan n'yo ang misyon n'yo, may nag-tip sa inyo sa mga pulis. Nagresulta ng pagkawala n'yo sa sinusundan n'yo." Natatawa na lang na may halong pagkainis ng vice-guild leader ng dark Resurgence na si Raymond.

Paano ba naman, ang magka-partner na hitmen ay mag-ii-standout kahit saan mo dalhin. Si Fred ay laging nakasuot ng scarf sa may ulunan n'ya, samahan pa ng makulay na damit. Nagsusumigaw baduy.

Samantalang si Pepe ay naka-all black leather outfit. Merong mga silver chains suot sa katawan. May itim na eye-shadow, eyeliner at lipstick. May mahabang puting buhok hanggang bewang. Nagsusumigaw na rocker. Isama mo na rin ang tangkad at kapayatan n'ya. Hugis manga pa ang kanyang mukha.

Hindi sila nakasagot at natahimik na lang sa isang tabi.

Doon na biglang nagsalita ang huli at ikaapat na tao sa kwarto.

"Wag na wag n'yong sasaktan o gagawan ng masama ang mga babae, kundi ako ang mismong papatay sa inyo." Maangas na pagbabanta nito sa dalawa. Ginantihan siya ng dalawa ng matatalim na tingin.

"Tama na 'yan. Basta mag-ingat kayong dalawa sa pagsunod sa dalawang babae. Masyado kayong agaw atensyon. Ikaw naman Mark. Ngayong gising na ang misyon mo, alam mo na ang gagawin mo." Nakangiting utos nito sa huling lalaking nagngangalang Mark.

"Ako ng bahala sa lalaking 'yon. Pero kapag nagkamali s'ya at may kahina-hinalang kilos pasensyahan na lang, itutumba ko 'yang Clyde na 'yan." Malamig na sabi ng lalaking si Mark.

Pagkatapos noon ay may dinukot siyang dalawang papel sa bulsa. Mahina at pasimpleng tumawa habang tinititigan 'yon. Kung susuriing mabuti, ang mga papel ay mga litrato, kung saan ang nakalagay ay si Gen at Rachel.

"Makakalabas na kayo." Nakangiting sabi ni Raymond.

Medyo kinilabutan si Fred sa ngiting 'yon. Ang ngiti kasing 'yon ay parang maskarang suot nito. Sa tuwing iisipin n'ya ang ngiti ng vice-guild leader sa ibang pagkakataong gumagawa ito ng kahindik-hindik na mga bagay, kahit siya na isang halang ang kaluluwa ay bumabaliktad ang sikmura.

.....

Sa labas, ng makaalis na ang dalawa at magkaangkas na sa motor ay pinag-usapan nito si Mark.

"Ang yabang talaga ng singkit na 'yon. Porket miyembro lang s'ya ng top 5 hitmen ng guild ang yabang na n'ya. Paborito lang naman s'ya ng magkapatid. Siya lang ang rank C hunter sa top 5 hitmen. Bakit hindi tayong dalawa ang maging member noon? Mas magaling pa tayo doon eh." Reklamo ni Pepe kay Fred.

.....

"Sir, I've got an important intel. Ayon sa spy natin sa loob ng Dark Resurgence, si Mark Liu raw ang naatasang magmanman kay Clyde Rosario, sir." Sabi ng humahangos pang sekretaryang babae ni Joseph.

"Ganun ba? Make sure to inform him. Matakil na kaibigan 'yan ni Jake Mercado. Magkakaproblema ang asusasyon 'pag may nangyari d'yang masama at nalaman n'yang alam natin pero wala tayong ginawa." Walang paligoy-ligoy na utos ni Joseph sa sekretarya.

"I-inform lang natin sir? Hindi man lang tayo magpapadala ng bodyguard? After all sir, the guy is one of the Dark resurgence best hitman." Pagpuna ng sekretarya.

"Just follow me. I know what I am doing." Matigas na sagot ni Joseph.