webnovel

Chapter 22

Muli kong tinignan ang lalaking kasalukuyang nakaluhod sa sahig saka tinanong, "ano nga ulit iyon?"

Biglang nagtindigan ang mga balahibo ng mga nakarinig sa kalmado kong pagkakatanong. Ang aking mukha ay said sa kahit anong emosyon, halatang wala akong pakialam sa nangyari sa lalaki o sa iniisip ng iba.

"Rod."

Kasabay ng pagtawag na iyon ay ang pagtapik niya sa aking hita na nakatago sa ilalim ng lamesa. Agad umakyat ang aking paningin sa mga mata niyang walang buhay.

Saglit ko itong tinitigan habang pilit na inaalam ang kanyang iniisip. Wala akong nagawa kung hindi ang mapabuntung-hininga saka inalis ang pansin sa lalaking namimilipit pa rin sa sakit.

***

Nakakailang baso pa lang ako pero pakiramdam ko tinamaan na ako ng iniinom. Ang aking paningin ay medyo nanlalabo na din kasabay ng pagkirot ng aking ulo.

"Rod, stay still."

Ipinatong niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking kamay habang tila wala lang na nagpatuloy sa pag-inom. Tahimik akong tumango at matamis siyang nginitian. Ang aking mga mata ay natuon sa napakaganda niyang mukha na wala pa ring kahit na anong bahid ng emosyon.

'Blood!'

Napakunot ako ng noo sa mahinang bulong na iyon pero hindi ko ito pinansin sa halip, ipinagpatuloy ko ang pagtitig kay Kurohana.

'Blood! I want Blood!'

Muli, hindi ko iyon pinansin saka marahang ininom ang laman ng aking baso.

'Give me blood!'

Tuluyan na akong napapikit dahil sa biglang pagkirot ng aking sentido. Kahit nakapikit ay pilit kong sinusundan ang mga bulong para lang matigilan dahil hindi iyon basta bulong, ugong iyon na nanggagaling sa mismong isip ko!

HIndi ko na napansin ang pagkawala ng aking baalanse mula sa pagkakaupo.

"Rod?"

Pilit kong pinapalis ang mga naririnig at nginitian ang babae.

"I'm fine."

Her POV

I felt something was not right as I looked at Rod. He almost fell off the stool, luckily, I immediately caught him.

"Rod?"

He smiled lightly as he said, "I'm fine."

Just after he spoke, his body staggered. I stared at Rod's leaning body but then, I saw a dark aura emanating from his body.

"Hoy!"

Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses. Isang grupo ng mga sanggano ang kasalukuyang nakapalibot sa amin. Mayroon itong matatalim at malalamig na mga mata habang maangas na nakatingin sa amin.

"Sila ang bumali sa braso ko!"

Pasimple kong tinapunan ng tingin ang boses. Para itong batang inagrabyado at halos mangiyak-ngiyak pa na nagsusumbong sa kasama. Napansin ko din na nakabalot na ng tela ang braso nitong kanina lang ay binali ni Rod.

Lalong tumalim ang tingin ng lider ng grupo matapos marinig ang sinabi ng kasama.

Hindi ko sila pinansin na muling tumingin sa lasing kong kasama. "Rod? Can you walk?" Pero ni hindi na ito nakasagot. Ngumiti lang ito ng matamis para bigyan ako ng assurance although I doubt na kaya pa niyang makapaglakad.

Napabuntung-hininga na lang ako saka siya inalalayang makatayo. Sa itsura niya, mas mabuti kung umuwi na lang kami.

Pero bago pa kami tuluyang makatayo ay hinarang na kami ng malaki at kalbong lalaki. Wala itong suot pang-itaas, halatang ipinagyayabang ang malaki nitong katawan na puno ng peklat. Kitang-kita ko ang kakaibang ngiti nito habang nakatitig sa akin kasabay ng pagdila nito sa ibabang labi. Halos masuka ako sa itsura niya. Para siyang asong-ulol kung makatingin!

Lalagpasan ko na sana sila pero isa nanamang lalaki ang humarang sa amin. Mayroon din itong malaking katawan na bakat sa 'fit' nitong sando. Sa kaliwang mata nito ay mayroong itim na 'eye-patch' pero ni hindi nito naitago ang naapakalaking peklat na halatang dahilan ng pagkabulag ng mata nito.

Katulad sa nauna ay balak ko din itong iwasan pero bigla nitong hanklit ang aking braso. Sa higpit ng pagkakahablot sa akin ay hindi ko napigilang mapaigik. Kasabay ng daing ko ay ang biglang pagdiretso ng tayo ni Rod.

Mabilis niyang hinablot ang pagkakahawak sa akin ng lalaki saka ito sinuntok sa mukha. Walang-malay na tumumba ang lalaki sa sahig. Halatang malakas ang paagkakasuntok dito ni Rod dahil sa nabali nitong ilong na kasalukuyan pang may tumutulong dugo.

Biglang natigilan ang mga taong kanina lang ay walang pakialam sa amin. Ang mga lalaking mga nakapalibot sa amin ay hindi din gumagalaw sa sobrang pagkabigla sa nangyari sa kasama.

Pasimple kong sinilip si Rod. Walang buhay ang kanyang mga mata na kasalukuyang nakatitig sa walang-malay na lalaki. Ang kanyang mukha ay wala ring kahit anong emosyon na animo hindi siya ang sumuntok sa tinitignang lalaki.

Hindi ko napigilang mapalunok habang pinagmamasdan siya. Para bang nakikita ko ang Rod na una kong nakita sa kagubatan. Ang lalaking walang kabuhay-buhay ang mga mata na tanging pagpatay laang ang gustong makita.

Agad kong sinamantala ang pagkatuod niya. Pilit ko siyang hinahatak palayo sa mga ito, palabas sa 'bar', subalit kahit gaano kalakas na pwersa ang gamitin ko ay hindi ko man lang siya mahatak maski isang pulgada paalis sa kinatatayuan.

Wala sa sariling napabaling ako sa grupo ng kalalakihang pumalibot sa amin kanina. Ang kaninang takot ay napalitan na ng galit. BIglang bumangis ang kanilang mga mukha habang pailalim na tinitignan si Rod na para bang gusto na nila itong lapain.

"No, don't~"

Bago ko pa man sila maawat ay sabay-sabay na silang sumugod kay Rod.

Just as they started to attack, Rod turned his head sideways, showing his eyes filled with bloodlust paired with his creepy smile. He effortlessly and swiftly dodged every attack they made. They were about to thrust their weapons to his sides but he lightly jumped up, forcing them to stab and kill each other.

Lalong kumislap ang kanyang mga mata kasabay ng paglapad ng nakakakilabot niyang mga ngiti nang makita ang pagbulwak ng dugo mula sa kanilang tiyan.

Biglang nagkagulo ang mga nag-iinuman sa paligid at nagkanya-kanyang takbo palabas ng inuman. May mangilan-ngilan na naiwan ang sumugod din sa kanya.

3rd Person's POV

Parang naglalaro lang si Rod sa tuwing iniiwasan ang halos sabay-sabay na pagsugod ng mga lalaki.

Ni hindi man lang ito kakikitaan ng kahit anong pagod sa lahat ng ginagawang pag-atake ng mga ito.

Sa kagustuhan na matamaan si Rod ay lalong nawala sa ayos ang mga sumunod na atake nila. Sinamantala naman iyon ni Rod upang sumugod sa mga ito.

Sa isang sipa niya lang ay napatumba niya agad ang mga ito at pareparehong nawalan ng malay. Pinulot niya sa leeg ang pinakamalapit sa kanya. Iniangat ito at itinutok ang kanyang kamay na parang kutsilyo.

"K-kuya?"

Ang kamay ni Rod na akmang itutusok sa dibdib ng lalaki ay biglang natigil sa ere.

Agad na napabaling si Kurohana sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo doon sa bukana ng pintuan si Jess. Nakatitig ito kay Rod na para bang naghihintay ng sagot.

"Get out!" puno ng takot at pag-aalalang sigaw ni Kurohana sa mga itobsubalit ni hindi siya pinansun ng bata. "Go!"

Biglang bumaling si Rod sa bata na lalong ikinatakot ni Kurohana. "What are you doing? Run!"

Habang pinapaalis ang bata ay pilit niya ring pinipigilan si Rod na makalapit dito. Pero kahit anong pilit niyang mapahinto ang lalaki ay ni hindi man lang ito natinag. Siya pa mismo ang nahatak ng lalaki palapit sa bata.

Iniangat ni Rod ang kanyang kamay papunta sa bata na siyang nagpatigil sa paghinga ng lahata ng nandoon, lalo na ni Kurohana.

"Jess!"

Natigilan si Kurohana sa nangyari habang nakatitig sa bata kasabay ng tuluyang pagbitaw naman sa lalaki.

The guy has a worried smile accompanied by longingness while caressing Jess' head.

Inosenteng nakatitig lang ang bata sa mukha ng lalaki na ngayon ay tumalungko na upang pantayan ang taas ng bata.

"Were you scared?" he asked while tapping her shoulders.

The little girl shook her head as she hugged him tightly.

Magkapanabay na naglalakad ang dalawa habang buhat buhat ni Rod ang bata.

"Come on, show yourself." Kurohana said out of nowhere while sighing.

From the shadows, Sly walks towards them while staring at the ground.

Biglang napaigtad si Sly ng makitang iangat niya ang kanyang kamay na agad din namang natigilan ng himasin niya lang ang ulo nito.

"You did a great job." She whispered.

***

Nagising si Rod ng makaramdam ng ngalay sa braso. Agad siyang napatingin sa kanyang kaliwa. Wala sa sariling bigla na lang umangat ang sulok ng kanyang labi.

Kasalukuyang nakabaluktot si Kurohana sa kanyang tabi habang nakaunan sa kanyang braso. Nakasiksik ito sa kanya at mahigpit na nakahawak sa kanyang damit na para bang pinipigilan siyang umalis.

Maingat siyang sumilip sa tabi nito para lang makitang wala dito ang dalawang bata.

Muli niyang pinagmasdan ang katabi habang may malapad pa ding ngiti.

Her POV

Agad akong natigilan pagkagising na pagkagising ko. Ni halos hindi din ako makagalaw mula sa pwesto ko dahil sa takot na magising ang katabi.

Dahan-dahan kong sinilip ang tulog. Kung hindi ko siya kilala, iisipin kong hindi siya gagawa ng kalokohan sa sobrang amo ng kanyang mukha.

Maingat kong inalis ang nakaangklang braso niya mula sa aking baywang upang tuluyang makabangon pero lalo pang humigpit ang pagyakap niya.

"Rod."

I tried waking him up but he just moaned. Gumalaw pa siya paharap sa akin saka iniyakap ang isa pa niyang braso.

"Rod, wake up."

"Hmm."

Naramdaman ko na lang ang biglang pagbukas ng pinto kaya pinilit ko itong silipin mula sa likod ni Rod.

Nakatakip sa mga mata ni Jess ang mga kamay ni Sly. "Didn't see anything!" Pagkasabi niya nito ay mabilis niyang sinarado ang pinto.

"Pfft."

Gulat akong napatingin kay Rod na nagpipigil ng tawa habang nakayakap pa din sa akin.

"Asshole!"

Sly's POV

Saktong pagkasara ko ng pinto ay biglang lumagabog sa loob.

"Anong mayroon, Sly?" tanong ni Jess na pilit kinukuha ang aking atensyon.

"Hmm. Nothing."

After a few minutes, waiting at the table, the two adults arrive. I almost laughed out loud when I saw the idiot with a slap mark.

"Kumain na kayo?" tanong ni Kurohana habang pumupwesto sa upuan sa tapat namin.

"Hmm."

Bigla silang natahimik habang nakatingin sa akin saka inilipat ang tingin sa kamay ko.

I followed their gaze and saw that I unconsciously wiped the crumbs off Jess' face. I immediately withdraw my hand while avoiding their gaze.

"Ahem. So, I just saw a job request earlier." Kurohana said, catching our attention. She then placed it in front of us.

My interest drifted when I saw what the job was.

"Herb Picking! Are you serious?" I huffed in disbelief. This job is a bore!

"Any problem with it?" Kurohana asked

"If you don't want it, then stay," she said without looking at it.

Upon hearing those, I couldn't help myself but roll my eyes. I think I'm no longer important to her, that's why she didn't even want me to come.

3rd Person's POV

Para kay Kurohana, mas gugustuhin pa niyang wag isama ang dalawa sa kahit anong trabaho kahit pa sabihing malakas si Sly. Hindi rin niya kasi masisiguradong mapoprotektahan niya ang mga ito lalo pa at nagpapagaling pa si Rod.

Matapos kumain ay naghanda na sila ng mga gamit saka dumiretso sa West Gate.

"I'm hungry."

"I'm tired."

Sabay pa ang dalawang nagsalita matapos maglakad ng higit isang oras pero halos hindi pa din nila nararating ang pinakagitna ng gubat.

Kurohana threw apples to each of them which they immediately caught.

Ilang minuto lang ang lumipas ng matigilan si Rod.

"Where's Jess?" maang niyang tanong sa dalawa. Nagkatinginan ang dalawa saka nilingon ang pinanggalingan nila.

"Shit!"

Rod's POV

Mabilis akong tumakbo pabalik para hanapin si Jess. She can't be left alone in this dangerous place.

"Ahh!"

Mas binilisan ko ang pagtakbo papunta sa pinanggalingan ng sigaw, papasok sa kasukalan.

Habang hindi ko nakikita ang bata ay mas tumitindi ang kaba ko.

"Ahh!"

"Jess!" Hindi ko na napigilang tawagin siya. "Nasaan ka?"

Hindi ko na alam kung saan na ako napunta o kung ano ang dinaanan ko, ang mahalaga makita ko siyang ligtas.

Napahinto ako sa pagtakbo pagkakita ko sa bangin paglabas ko sa gubat.

"K-kuya!"

I immediately scanned the surroundings and saw her at the edge of the cliff surrounded by wild hounds. She's holding a stick pointing towards the beasts.

Para bang biglang tumigil ang puso ko sa pagtibok nang makita kong dambahin siya ng mga ito.

3rd Person's POV

Pikit matang hinintay na lang ng bata ang pag-atake sa kanya ng mga aso pero ng ilang segundo na ang lumipas at wala pa rin siyang maramdamang sakit ay muli siyang napadilat.

She saw Sly shielding her from the beasts by hugging her. Blood gushes out of the corner of his mouth while still keeping himself steady from the attacks.

"S-Sly..." The girl called his attention in a terrified tone, tugging his shirt at the same time.

Halos hindi makita ni Jess ang nangyayari dahil sa pag-akap at pagharang sa kanya ni Sly mula sa mga ito.

Ilang minuto pa at tuluyan ng tumahimik ang paligid.

"You alright?" he asked her while caressing her face, not even minding his own condition.

"Sly!" nag-aalalang sigaw ni Kurohana na tumatakbo palapit sa dalawang bata.

Nang makitang ayos lang si Jess ay tuluyan ng bumitaw si Sly sa kanya saka tumumba.

Kurohana's POV

Mabilis kong nasapo si Sly bago pa man siya tuluyang bumagsak sa sahig. Pinunit ko ang suot kong damit at mabilis na tinalian ang sugat ng bata upang mapabagal ang pagtagas ng dugo mula sa kanya.

Jess on the other hand is crying while trying to heal him.

Once I'm done bandaging him, we hurriedly returned to the city.