Hindi mapigilang mapaisip si Rod kung bakit mula ng dumating sila sa syudad ay napadalas din ang paglabas-pasok nila sa Mage Guild. Ni hindi pa nakakalipas ang isang linggo mula ng makalabas siya ay bumalik nanaman sila doon.
Napatingin siya sa katabi. Kasalukuyang nakadantay sa kanya ang tulalang si Kurohana habang yakap-yakap nito si Jess na nakatulog na dahil sa pag-iyak.
Sa sobrang katahimikan ay rinig na rinig nila ang mahinang ugong ng hangin.
Wala sa sariling marahan na hinimas ni Rod ang ulo ni Kurohana, nagbabakasakaling makatulong ito upang mapakalma ang kasama, habang patulou sa pag-iisip kung ano na ang lagay ng mapang-asar na bata.
"Get some rest," bulong ni Rod sa babae na tanging iling lang ang sagot kasabay ng paghigpit ng yakap kay Jess, naimo dito kumukuha ng lakas ng loob.
Napabuntung-hininga na lang si Rod bago muling ibinalik ang tingin sa kaharap na saradong pintuan, nagdadasal na makakuha ng magandang balita.
Ilang oras ang lumipas bago tuluyang lumabas ang mage. Walang mababanaag na kahit anong reaksyon sa mukha nito habang hinihintay makalapit si Rod at Kurohana.
"He's safe," he said before the two uttered anything.
Tila ba nabunutan ng malaking-tinik sa dibdib ang dalawa para lang buhusan sila ng malamig na tubig sa sunod na sinabi ng kaharap.
"But, we need to observe him. Especially he's half beast~"
Hindi pa man natatapos ng lalaki ang sinasabi ay bigla itong sonugod at kinuwelyuhan ni Kurohana.
"What do you mean?"
Ngil ng babae na ngayon ay may mabangis na mukha.
Hindi sumagot ang lalaki na umiwas lang ng tingin, bakas sa mukha nito ang takot sa kaharap na babae.
Tuluyan ng lumapit si Rod na marahang tinapik sa balikat ang babae. Humugotnpa muna ito ng malalin na hininga bago pilit na pinakawalan ang lalaki.
Tila natuod si Kurohana si pwesto na hindi mn lang namalayan na nakatakas na ang knainang hawak na lalaki.
I don't understand. How did they find out?
"Kuro, dito ka muna, bibili lang ako ng makakain," mahinang bulong ni Rod na hindi pinnsin ng babae. Napabuntung-hininga na lang siya bago ito iniwan.
Wala sa sariling pumasok ang dalaga sa silid ni Sly saka ito binuhat. Mabilis ang sumunod na mga kilos niya na ang tanging nasa isip ay makaalis sila agad sa lugar na iyon, na maitago ang bata mula sa mga ito.
"Kuro~"
Gulat na napalingon ang dalaga sa may pintuan kasabay ng pagkunot ng noo. Nakatayo roon si Jade habang mariin na nakatitig sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?"
Napapiksi ang lalaki, hindi dahil sa tanong niya, kung hindi dahil sa napakalamig na tonong ginamit niya. Hindi agad ito nakapagsalita. Nagbukas-sara ang mga labi nito, pero ni hindi na ito tuluyng sumagot.
Matapos maalis ang mga nakakabit sa bata ay mabilis na nilagpasan ni Kurohana ang lalaki na ni hindi niya man lang tinapunan ng tingin.
Mabilis na naglalakad si Rod pabalik sa kwarto ni Sly. Saktong pagpasok niya sa loob ng silid ay siyang pagbagsak ng hawak niyang pinamili sa sahig at pagbilis ng tibok ng kanyang puso dahil sa kaba.
Wala sa sariling iniikot niya ang buong kwarto bago tumakbo sa front desk.
"Napansin niyo ba ang babaeng... sa room 202?" kinakabahang tanong niya sa babae.
"No sir. Sorry."
Mas lalo siyang nag-panic ng mapansing nawawala din si Jess.
Nagulat pa siya ng iglang may tumapik sa kanya. Mabilis siyng lumingon n amay matalim nantingin.
Agad na napalayo ito sa kanya habang nakaangat ang dalawang kamay.
"A-ano~"
Lalong dumilim ang mukha ni Rod ng pautal-utal itong nagsalita. Sa takot ng lalaki ay napadirestso ito ng tayo.
"Ikaw ang asawa ni Kuro?"
Lalong uminit nag ulo ni Rod sa tanong ng lalaki.
Kuro? Masyado naman iyong intimate para tawagin niya ito ng ganoon, saisip ni Rod habang pilit kinakalma ang sarili.
"Why?" iritado niyang tanong na sinabayan ng matalim na boses.
Lalong kinabahan ang lalaki.
"J-jade." he said, offering his hand.
Rod didn't bother to take his hand as he glared at him. Jade swallowed unconsciously, gathering some courage to continue. "I-I saw her..with the two kids..." He said. "S-she's in a h-hurry..."
Pagkarinig niyon, tila ba pinagbagsakan ng langit at lupa si Rod na tuluyang natigilan.
"Jess? Are you hungry?" marahang tanong ni Kurohana sa katabing bata, subalit ninhindi man lang ito nag-abalang nito sumagot.
Napabuntung-hininga na lang si Kurohana.
"I know, you're confused about what just happened, but I promise, I will protect you guys. From now on, I'll treat you as my own."
Marahan niyang hinimas ang ulo ng batang babae na walang kurap na nakatingin sa wala pa ring malay na si Sly.
Mag-iisang araw na mula ng umalis sila sa Mage Guild pero ni hindi pa rin ito nagkakamalay.
"Sly, gising ka na. Uuwi na tayo," wala sa sariling bulong niya habang hinahaplos ang ulo nito.
Hindi maiwasang maisip ni Kurohana ang nangyari ng umagang iyon. Akala niya mahihirapan silang makatakas, lalo na at may dalawang bata siyang kasama, mabuti na lang may dumaang mangangalakal na pabalik ng PraeaClara.
"Hija, magpahinga ka na muna. Ako na muna ang bahalang magbantay sa mga anak mo," biglang sabi ni Jose, ang mangangalakal.
Pilit na ngumiti si Kurohana sa sinabi nito. Hindi niya tuloy maiwasang maalala si Rod.
Ano kayang magiging reaksyon niya 'pag nakita akong nakangiti? Mamumula kaya siya, o mang-aasar?
She sighed as she brushed off the thought. She already felt guilty of leaving the man alone, without even saying a proper goodbye.
She knew that their adventure would end, that they'll go their own ways once they reach their destination, but she didn't expect it to be that soon.
"Hmm... Kuya Rod..."
Agad siyang napalingon kay Jess na mahimbing pa ding natutulog. Hindi niya man lang namalayan na inaayos na niya ang kumot nito kung hindi pa nito hinawakan ang kamay niya.
Hindi tuloy maiwasan ni Kurohana na maawa sa bata. Alam niyang mas malapit ito kay Rod, pero hindi niya naman pwedeng iwanan ito sa lalaking ni walang maalalang kahit ano. Mas mahihirapan lang ang bata at malalagay sa panganib kung iniwan niya ito.
Muli siyang napabuntung-hininga.
I don't know if he already realized, but I'm sure, him losing his memories is shrouded in mystery.