Chapter 445: Bakit Hindi Natin Baguhin ang mga Patakaran
"Kaya lamang magkarga ng 12 bala ng magasin bilang ito ay isa sa mga naunang mga disenyo. Kahit na hindi pa ako nakakahawak dati, madali lamang hulaan ang mga lumang disenyo tulad nito. Sigurado akong ito ay ang P229 na ginamit ng mga Germans noong 1991. Ito dapat ang SIG Sauer P229 na pistol, " patapos niyang sabi, habang binalik ang baril.
Nawalan na ng pag asa ang mga tauhan ni Shi Xiao at nagdarasal sila na may alam si Ning Xi tungkol sa baril mula sa mga dati niyang karanasan, gaya ng swerte niya noong nakaraang round.
Ngunitkatulad ng nakasanayan, handa sila sa laban. Kung ang mga bagay ay babaliktad, ang lahat ay lulusob sa mga dayuhan, patutumbahin ang lahat ng kanilang makakaya bilang hindi na rin naman sila mabubuhay.
...
"Tama ba ang sagot ko o hindi?" Tumingin si Ning Xi sa kalbong lalaki na walang kibo..
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com