webnovel

Hey, Kid! (TAGALOG)

"Hey, kid!" Sigaw ni Dice. "BAKIT. PO. SIR?" sagot ko naman. "Don't call me 'Sir', wala tayo sa school." Utos niya. "HMP." pagsusungit ko. "Ano na naman bang problema mo?" - Dice "WALA." "E bakit ang sungit mo na naman? Don't tell me it's because of that time of the month again?" "..." "Ugh. You're making me crazy." "..." "Just fvcking tell me already!" "You!" "What you?!" "You are my problem, Sir!" "Didn't I told you not to call me Sir? Aside from that, we're only seven years apart! At bakit naman ako ang pinoproblema mo ha?" "How about you? bakit mo ko tinatawag na kid? Im not a kid anymore!" Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya pero pumalag ako. "Bakit mo ko hinahawakan, pervert!" Sigaw ko, dahilan para magtinginan ang mga tao sa paligid namin. "Bakit, nakalimutan mo na ba?" He asked. Inilapit niya ang sarili niya sa 'kin. "YOU'RE MY WIFE." He whispered. Yes. This guy here, is my stupid husband. Akala ba niya ginusto ko din 'to?! Just- just, what am I gonna do with this stupid arranged marriage?!

emi_san · Teenager
Zu wenig Bewertungen
39 Chs

Chapter 26: Behind the Mask

"H-how?" Tanong ko kay Dice.

A prom date?!

Pero hindi naman ito prom night hehe. It's called a senior night. Ito na kasi ang Last year namin sa USJ as a high school student.

"If it's not me, then who else?" He raised one of his eyebrows.

Sino pa nga ba? Siya lang...

kahit pati sa puso ko.

Charot.

"Hindi kaya makahalata 'yung ibang estudyante?" Tanong ko pa.

"I don't care." Sagot niya. Hindi ba siya natatakot? Baka mawalan pa siya ng trabaho dahil doon.

"B-but—"

"Just say no kung ayaw mo, hindi naman kita pinipilit."

"No, gusto ko!" Sigaw ko. Napatakip na lang ako ng bibig. Baka kung anong isipin niya dahil sa pagtaas ko ng boses ko.

"Pfft" Nagpigil pa siya ng tawa. Akala ba niya hindi ko nakita?!

"Ano bang nakakatawa?" Tanong ko. Padabog.

"Ikaw." He answered.

I pouted. This guy is freaking annoying!

Weeks passed. The issue about me, Ciro and Erine is now forgotten. Well i guess hindi pa fully na nakakalimutan, pero at least malinaw na ang lahat. Alam na ng lahat na misunderstanding lang ang nangyari.

";Balita ko maeexpelled sina Aina." Ani Ciro.

"Yes pero depende pa rin sa desisyon ni Tito Shion, at ni Shihandra." Sabi ni Erine." Ikaw Shihandra ha, baka pairalin mo na naman 'yang kabaitan mo."

"Oo nga, ang swerte naman nila Aina kasi ikaw ang inargabyado nila. I know you will not let them get expelled." Dagdag pa ni Ciro.

"No, pumayag ako na ipaexpel sila." I said.

Parang natulala 'yung dalawa. Totoo naman, kung hindi dahil kay Lucy, baka nga hindi ako pumayag na ipaexpel sila. Instead na expulsion ay baka sa suspension lang ako umagree. Pero narealize ko rin na dapat nilang panagutan ang mga ginawa nila, hindi lang sa akin, pati na rin sa mga dati nilang biktima.

"Is that really you shi?!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Erine. "Hindi ako makapaniwalaaaa." She hugged me and i hugged her back.

I won't be the same as before. That weak girl from 4 years ago isn't me anymore.

_________________

Ang bilis lumipas ng panahon. Isang buwan na naman ang lumipas. Mamayang gabi na ang inaabangang "Senior Night" ng nga estudyante. Kasama ko si Mommy at si Mama na namili ng gown at masasabi kong sobrang chaotic kapag magkasama silang dalawa. They both want to doll me up. Pero nag eenjoy naman ako na kasama ko sila.

"My dear Daughter! you're so pretty, manang mana sa Mama!" Sabi ni Mama habang inaayos ang suot kong gown. Kakatapos lang ng HMUA na ayusan ako.

"Yes. I agree, Sandra. I hope kasing ganda niya ang magiging apo natin." Dagdag naman ni Mommy.

"A-apo?..."

Paulit ulit na nagplay sa utak ko ang salitang 'yon. Isn't it a bit early to say that?!

"At gusto ko kasing gwapo naman ni Dice ang susunod." Mama added.

May susunod pa?!

"Ma!" Suway ko kay mama.

"What's the problem, anak?" Tanong niya.

"B-bakit po apo agad ang pinag-uusapan niyo?" I asked. Kung magsalita kasi sila, parang mayroon na akong dinadala sa sinapupunan ko.

"'Nak, it's part of your life as a married woman." Sagot naman ni Mama.

A married woman daw. I'm too young kaya! They forced me into this marriage, maybe that's why.

"Di po ba sobrang aga pa para pag-usapan 'yan?" Tanong ko ulit.

"Tama ka, Shi." Mommy agreed. "Pero you'll get preggy eventually so you should prepare your mind."

Huh?! Akala ko naman naiintindihan ako ni Mommy. This is so embarrassing!

"We're just kidding, my dear daughter, haha." Mama said, laughing. "Alam naman namin na bata ka pa and you are to young for that kind of thing."

Nakahinga ako ng maluwag.

"That's right, you still have so many things to learn." Ani Mommy. "You don't even know how much my son is holding back."

What does she mean by holding back? Sino? Si Dice? About what?

"Speaking of your son, nasaan na ba siya?" -Mama

"He's on the way na daw." -Mommy

Kaagad kong tiningnan ako sarili ko sa salamin. Do i look pretty na?

Wala naman talaga akong interes sa mga ganitong bagay, at hindi ko naman ito pinaghahandaan. Pero knowing na pupunta si Dice, hindi ko maiwasang kabahan. I want him to think that I'm pretty. I want to be the prettiest girl in his eyes tonight.

"Oh! He texted me again. Sabi niya meron daw emergency, so..." Mommy paused. Nakikita ko sa mukha niya ang pagkadismaya, at kahit ako ay ganoon din. "You should go ahead na 'nak."

I couldn't help but feel sad. Inisip ko na lang na mas importante ang emergency na 'yon, for sure. Marami pa namang moments na pwede ko siyang makasama.

Inayos ko muli ang sarili, at kinuha ko na rin ang purse ko. Nagpaalam na ako kay Mama at Mommy, and sabi ko magpapahatid na lang ako kay Manong driver.

"Are you okay, my dear daughter?" Aniya pagkalabas namin sa mansion.

"Opo, I'll be fine." I answered.

Sumakay na ako sa kotse at nagpahatid sa venue. Medyo nanlalamya ako nang makarating na kami. Bukod kina Erine, si Dice ang dahilan kung bakit ako umattend dito. I hate this kind of events, because I'm awkward.

"Shi!"

I gasped. Bigla kasing sumulpot si Erine pagkababa ko ng kotse.

Tinitigan ko siya. She's so pretty. Kaya naman pala tumutulo na ang laway ng lalaking nasa tabi niya.

"Wipe your saliva, Ciro." Ani Snow na bigla bigla na lang ding sumusulpot.

"Huh?!" Agad agad namang pinunasan ni Ciro ang bibig niya. "Wala naman ah?!" Natawa kami bigla. We were just exaggerating, hindi naman kasi tumutulo yung laway niya. Baka lang tumulo kasi kanina pa siya nakanganga.

"Kung ayaw mo magkatotoo, close your mouth, you idiot!" Singhal ni Snow. "Stop making me feel so defeated!"

"Anong magagawa ko, she's so beautiful, aaaaack!" Nagtakip si Ciro ng mukha saka tumili ng mahina. Napangiti na lang ako. I never thought na magiging ganito ulit ang friendship namin.

"wtf. Dump this simp, Erine." Sabi pa ni Snow.

"Yan na nga din iniisip ko e." Dagdag ni Erine.

"Grabe ka naman, Erine, parang kagabi lang sabi mo sa 'kin lov— aray!" Binatukan ni Erine si Ciro bago pa man ito makatapos magsalita. Sayang, gusto ko pa naman malaman kung anong sinabi ni Erine.

"Ugh, tara na Shi, leave the lovebirds alone." Snow said. She linked her arms with mine then pulled me away.

Pero habang naglalakad kami palayo, napansin kong binibilisan ni Snow ang lakad niya at natatangay naman ako. Para bang ayaw niya kaming maabutan nina Erine at Ciro na kasunod lang namin. Tumingin ako sa kaniya, and when I saw her face...

I can tell that she was hurt. She has feelings for Ciro after all. Naiintindihan ko rin na hindi ganoon kadaling mawala 'yon. I know she's trying so hard.

"You did well." I said out of nowhere.

"So you noticed, huh." Sagot naman niya. "I swear, makakalimutan ko din siya someday."

"You don't have to forget him, you just have to move on." Dagdag ko. She just smiled at me, at ganon na lamang din ang ginawa ko.

---------------------

I was sitting the whole time. Pinapanood ko lang ang ibang mga estudyante habang sumasayaw. Lahat nang nag-aayang sumayaw sa akin ay tinatanggihan ko. I want Dice to be my first and last dance. Yes, umaasa pa rin ako na makakarating siya.

"Akala ko ba pupunta si Sir Dice? Inindian ka na ba ng lalaking 'yon?" Pabulong na tanong ni Erine. Malakas kasi ang music, at saka nag-iingat siya dahil baka marinig ni Snow. Hindi pa kasi niya alam yung tungkol sa amin, saka naghahanap pa ako ng tamang timing para sabihin sa kaniya.

"May emergency kasi." Sagot ko.

"Sigiraduhin lang niyang valid ang reason niya dahil kung hindi, talagang uupakan ko siya." Sabi pa ni Erine. Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Ganoon din ang gagawin ko. He deserves a punishment." Dagdag ko.

"Good evening, students of University of Saint Joseph! This will be your last chance to dance tonight, so don't be shy. If you haven't danced with your crush, take this chance na!" The MC announced.

Mukhang di na talaga makakarating si Dice. Okay lang, gusto ko na rin namang umuwi dahil sumasakin na ang pwetan ko kakaupo. Ako lang yata ang hindi tumayo sa aming apat. Ciro danced with Erine the whole time, habang wala namang tinatanggihan si Snow sa mga nag-aaya sa kaniya.

Halos lahat ng estudyante ay nagpunta na sa gitna at sumayaw sa mabagal na tugtog. Kahit yung mga hindi couples nagsasayaw na rin pati 'yung mga parehong babae. Kaunti lang kaming naiwan na nakaupo.

Ilang sandali pa ay biglang nahawi ang mga tao nang may dumaan na isang lalaki sa gitna. He was wearing a grey tux, with a black mask na natatakpan ang buong mukha niya. Hindi ko masabi kung sino siya pero habang palapit siya ng palapit ay di ko maiwasang kabahan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. He was heading towards me...

Is it you? Dice?

Inilahad niya ang kaniyang kamay nang tuluyan siyang makalapit sa akin. Hindi siya nagsalita pero hindi na ako nagdalawang isip na abutin ito at magpatangay sa kaniya papunta sa gitna. I can smell him, It's Dice's scent.

Inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya. At marahan naman niya akong hinawakan sa baywang. Nang magsimula kaming sumayaw ay hindi ko maiwasang magtaka. I can smell Dice's scent but his vibes is different.

Parang may mali.

"Who are you?" Tanong ko. Hindi na siya sumagot. I wish I'm not just dancing with a random guy.

May kinuha siya bigla sa bulsa niya... airpods?

Iniabot niya ito sa akin at sinenyasan akong isuot ito. Sinunod ko naman siya.

My heart skipped a beat when I heard something.

["Must be boring without me."]

It's Dice.

["Im sorry hindi ako nakarating. I know i was the one who said I'd be your date..."]

"It's okay. I understand whatever your reason is." Sabi ko.

["I'm glad I made it on time. Balita ko napako ka na sa upuan mo?"]

"Ha? Sinong nagsabi?"

["Meron akong spy among your friends."]

Tumingin naman ako sa kinaroroonan nina Erine at nakita ko si Ciro na naka peace sign sa akin.

"Woah, naghanap ka talaga ng accomplices." I said. "Honestly, h-hinihintay talaga kita."

["I know. That's I why I sent him."]

Is he talking about this guy in front of me?

["Babawi ako. Just wait. I'll— yes? oh okay, I understand, I still want it, yes, thank you."]

May kausap yata siya sa kabilang linya. I guess he's really busy.

"Dice?"

["Sorry, I need to hang up."]

"Okay lang..."

["Don't worry, I'll dance with you all night tommorow. Bye."]

And he hung up.

Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano. Ang dumi ng isip ko! Hindi ko alam kung paano ko ii-interpret ang sinabi niya. Sinasadya ba niya 'to?

Hindi ko namalayang natapos na pala ang event. Tapos na ang huling song at ilan sa mga estudyante ay umaalis na.

Hinila ako nang lalaking nakamaskara paalis hanggang makarating na kami sa parking. Kaagad kong nakilala ang kotseng hinintuan namin. Pinagbuksan niya ako ng car door kaya sumakay na ako.

"Key?" Tanong ko nang makapasok na kami sa kotse.

"That was suffocating." Aniya sabay tangal ng maskara. "Akala ko magcocollapse na ako sa dahil hindi ako makahinga sa mask na 'to... that guy is really shameless."

"So it really is you..."

"Disappointed?" -Key

"Hindi... i didn't mean it like tha—"

"I know, haha, may utang na loob na naman sa akin si Dice." Aniya saka bahagyang tumawa. He patted my head, and smiled at me.

"Paano ka nga pala nakapasok?" I asked.

"Ask your great husband." he giggled. "Alam mo ba kung anong sinabi sakin ng mokong na 'yon kung bakit niya ako napapayag?" -Key

"A-ano?"

"That kid is probably waiting for me..." Aniya habang ginagaya ang pananalita ni Dice. "Pinasuot pa nga niya sakin ang suit niya, sabi niya dapat iparamdam ko daw sayo nandito siya pffft."

Hindi ko alam kung bakit siya namumula. Kung sa pagpipigil ba ng tawa o dahil nainitan siya dahil sa mask na suot niya kanina. Napansin ko kasi na pinagpapawisan siya.

"Sinabi niya talaga 'yon?" I asked.

"Oo, sabi niya 'wag ko daw sasabihin sayo pero hindi ko na mapigilan e." He paused. "Ngayon ko lang siya nakitang gano'n." Dagdag niya sabay punas ng pawis gamit ang kamay niya.

Kaagad konaman kinuha ang handkerchief mula sa purse ko at iniabot ito sa kaniya. "Here." I said.

Tiningnan niya ako, sunod naman sa panyo at pabalik ulit sa akin.

"Hindi ko pa naman 'to nagagamit." Paninigurado ko kaniya. Grabe, maingat pala sa hygiene 'tong si Key.

"Oh, Thank you." He said awkwardly. "Gagamitin ko na ha..."

"I'll give it back kapag..." -Key

I cut him off.

"No need. You can keep it." Sabi ko naman.

"Thanks, saan nga pala kita ihahatid? To your parents house or...?" Tanong niya habang marahang nagpupunas ng pawis.

"Just take me home." Sagot ko.

"Home?"

"I mean sa condo namin..."

Natawa siya ng bahagya.