Third-person Point Of View
Isang Linggo ang lumipas, araw na ng War Game sa Asteromagus Academy.
Suot ang kanilang gangster uniform, pumasok sa academy ang Havoc Gangsters nang sabay-sabay. Tanging si Shannon lamang sa kanila ang hindi naka-butones ang coat na suot kaya naman kita ng lahat ang bandage na tinali niya sa kaniyang dibdib upang matakpan ito.
"What the hell is with those guys."
"Wearing gangster uniform in this very day?"
"That misfit is out of her mind." Pinag-usapan agad ng mga nakakita sa kanila ang grupo ni Shannon.
"Ang daming sinasabi ng mga ugok." Asar na sabi naman agad ni Rum na uminit ang ulo sa narinig.
"Rum, kumalma ka lang." Saway ni Shannon sa kaniya.
Pumasok ang grupo sa kanilang classroom.
"Sabi na eh, mga gangster sila."
"Naimpluwensiyahan ng misfit." Siyempre, pati ang kanilang mga kaklase ay pinagusapan sila.
Matapos ang ilang sandali, tumayo si Ruke at nagpunta sa harapan ng lahat, sa may blackboard. Siya ang kanilang class president.
"Today's the day that we will surely crush the other 4 Mythical Glory Class." Paunang sabi niya sa kanilang mga kaklase na siyang nagbigay ng motibasyon sa mga ito. "Don't mess up guys. We will go into the Ultimate Virtual Battlefield to win. Nasa Asteromagus Academy, Watch room na ang Emperor at sigurado akong sa Mythical Glory Class Section 1 ang atensyon, kaya naman babaguhin natin ito at sa atin titingin at manonood ang Emperor."
"What a show off idiot." Reaksyon naman ni South sa kaniyang narinig na sinabi ni Ruke.
(Bida-bida parang Jollibee lang, bida ang saya.) Asar ding sabi ni Senju sa kaniyang sarile.
Ang War Game na ginaganap sa Asteromagus Academy ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalaban ng ibat-ibang mga sections sa isang Virtual Battlefield. Napupunta sa isang dimension ang mga magaaral kung saan maaari nilang patayin ang isat-isa roon. Kapag namatay ay bumabalik ng normal at buhay ang estudyante sa totoong mundo.
Ang nananalo sa War Game ay binibigyan ng papremyong malaking halaga ng Gilden ng Emperor na natutuwang panuorin ang mga labanan na nagaganap. Binibigyan din ng pagkakataon ang mga studyante na kabilang sa klaseng umabot sa top 5 na lumipat at pumili ng section na nais nilang pasukan.
Lumipas ang ilang minuto, pumasok ang isang teacher sa loob ng classroom nina Shannon na may dalang isang bolang crystal.
Ito ang Portal Crystal na magdadala sa kanila sa Virtual Battlefield sa oras na mahawakan ito.
"Line up, everyone." Utos ng teacher sa buong klase.
Pumili naman ang mga studyante at isa-isang hinawakan ang Portal Crystal, naglaho at napunta ang mga ito sa Virtual Battlefield.
*****
Shannon Petrini Point Of View
Ako ang huling studyante na humawak sa Portal Crystal. Napadpad kaming lahat sa isang mapuno pero malawak na patag na lugar. Mukhang ang lugar na kinaroroonan namin ay ang checkpoint ng section naming ito.
"Alright everyone, follow my lead. Basagin natin ang mga bungo ng mga kalaban!" Hindi naman masyadong halatang excited na sigaw ni Ruke sa aming mga kaklase niya.
Nagsigawan ang mga hangal na bilib sa kaniya. Tumakbo kalaunan si Ruke at sinundan naman siya ng mga hangal naming mga kaklase.
"Mabuti na lang at lumayas." Natuwa na sabi ni Senju.
"Wala ng epal." Sabi naman ni South.
"It doesn't matter if those bunch will be defeated as long as boss is here, we will win this." Kampante na sabi naman ni Zayn.
"Grabe, 13 na lang tayong natira dito sa checkpoint." Sabi naman ni Rialyn na inobserba ang mga kaklase naming hindi sumunod kay Ruke. Mukhang may anger issues sila sa ugaling mayroon si Ruke.
"That idiot. He lead our classmates again just to lose to the enemies." Isang babaeng may mahabang blueish black ang nagsalita sa inis na naramdaman nito kay Ruke. "Meryl, you're the number 10 Mythical Glory Class student of this Academy, you lead us who were left behind." Kinausap niya ang isang babaeng mayroong dark green na buhok na nagbabasa ng libro sa isang sanga ng puno.
"I'm not interested in this War Game. You lead the remaining classmates here, number 14 Mythical Glory Class student, Devorah Sullivan." Katwiran ng babaeng nasa puno sa babaeng may blueish black na buhok na ang pangalan ay Devorah.
"Hoy Devorah, huwag ka ngang mayabang diyan. Huwag mo kaming isama sa pamumunuan mong mga kaklase natin, kay boss lang kami susunod." Katwiran naman agad ni Rum kay Devorah Sullivan.
"Hah? Anong sinabi mo Rum Costco na mainitin ang ulo?" Nainis si Devorah sa sinabi ni Rum.
"Stop it Rum, huwag mo nang patulan." Saway ni Zayn kay Rum. "Our classmates are not our enemies in this Game, but the other sections."
"Dev, kumalma ka. Ikaw na ang mamuno sa amin. Hayaan mo na yung grupo ni Shannon Petrini." Isang babae naman na may brown na buhok ang lumapit kay Devorah at niyakap ito.
Siya ang kaklase kong palaging masaya tuwing nakikita ko siya sa classroom namin. I don't know her name though...
"Alena, pasensya kana." Sabi ni Devorah Sullivan sa babaeng yumakap sa kaniya.
So her name was Alena...
"Boss, what are we going to do now?" Tanong naman sa akin ni Senju.
"Let's split up. Zayn and Rum will go together, Senju and South will pair up too. Rialyn, sasama ka sa mga kaklase nating naiwan dito." I announce to my gang members.
Lumuhod silang lima matapos marinig ang sinabi ko.
"Masusunod po, boss." Sabay na sabi nila sa akin.
Tumango naman ako sa kanila at gumawa ng pakpak na gawa sa apoy at lumipad. Tinungo ko ang direksyon kung nasaan sina Ruke at ang iba pa naming mga kaklase.
*****
Rialyn Madzua Point Of View
Sumama ako sa natirang mga kaklase namin na pinamunuan ni Devorah Sullivan.
"What are we going to do Devorah?" I asked Devorah while we're walking.
"We're going to crush lower sections first before facing the 4 Mythical Glory Class Sections." Tugon niya sa akin. Simple pero mas mainam ngang gawin.
"I'm at your care, leader." Sabi ko naman na siyang ikinangite niya. Hindi naman siya suplada gaya namin ni Shannon.
"Haha. Don't worry, I won't disappoint your gang leader." Kampante na sabi niya sa akin. "Ang mga kaklase nating kasama natin ay sigurado akong kilala mo naman siguro ang ilan sa kanila?"
Tumango ako sa kaniya dahil kilala ko lahat ng mga kasama namin ngayon. May mga problema sa toxic na classroom namin sila lahat.
Si Meryl Davis, ang top 2 honor student ng classroom namin.
Si Frosh Beelze, ang loner na lalaki sa section namin.
Si Tinzel Zacha, na iritado palagi sa mga babae.
Si Que Zickayn, ang bibo na bakla. Matulungin siyang tao.
Si Moon Bay, na palaging nasa tabi ni Que Zickayn kahit na iritado ito palagi sa kaniya. Mukhang best frienemy sila.
Si Alena Waiters, jolly na babae kaya marami siyang kaibigan sa classroom. She always smiles and talk to anyone except for me and Shannon dahil hindi kami approachable. Haha.
Nakahanap kami ng mga kasamahan ko ng mga studyante na taga ibang section. Naghahanap siyempre ang mga ito ng kakalabanin.
"A lower section! Nice." Sabi ni Que Zickayn sa amin.
"Tahimik bakla." Saway agad sa kaniya ni Moon Bay.
"Susugurin naba natin sila, leader?" Tanong ko kay Devorah.
Nagulat naman kami sa biglang ginawa na pagpapakita sa mga kalaban namin ni Tinzel.
"Diyan na kayo mga babae." Sabi pa nito sa amin.
He activated his Iron Magic and attacked.
"That idiot!" Galit na sabi ni Devorah dahil sa ginawa ni Tinzel Zacha. "Let's go guys, attack the enemies." Napilitan na lamang na sumugod din si Devorah sa mga kalaban.
Tinzel Zacha is an idiot. He's not the type of person that Shannon will have patience with. Masasapak talaga siya ni miss president kung naging member man siya ng gang namin.
Sumugod kami sa mga kalaban namin, si Meryl Davis lang ang hindi gumalaw sa kaniyang kinaroroonan.
Hindi kami nagtagal na pataubin ang mga nakalaban namin. Isang buong section na napag-alaman naming Epic Class Section 5 na mayroong bilang na 230 ang pinatay namin. Sigurado akong asar na asar ang mga iyon sa kanilang pagbalik sa classroom nila.
Nang matapos kami ay agad nilapitan at kinwelyuhan ni Devorah si Tinzel Zacha.
"Tinzel, how do you want to die when we get back to the real world?" Malamig na boses na tanong ni Devorah sa matalim ang tingin sa kaniya na si Tinzel.
"Do it if you can, stupid woman." Sabi ni Tinzel kay Devorah.
Napagitgit sa ngipin niya sa Devorah, kalaunan ay binitawan niya din si Tinzel.
"Putangina mo, huwag kang sumama sa amin kung hindi ka marunong makinig sa leader."
"TSK! Kawawa kayo kung hindi ako sasama sa inyo." Mayabang na sabi naman ni Tinzel.
"Hoy, ang yabang mo ah. Kala mo kung sino kang malakas." Reklamo ko naman.
"Lame...may pa gangster uniform kapang nalalaman, hindi naman bagay sayo. Havoc Gang? Ang pangit na pangalan ng Gang yan." Paglait sa akin agad ni Tinzel.
"Hah?" Tanging ito lang ang sinabi ko at mabilis akong lumapit sa kaniya. Binalutan ko ng Wind Magic ko ang kamao ko at sinapak ko siya sa mukha at tumilapon siya, nabangga pa nga siya sa isang puno.
Tumayo din siya agad ngunit dumudugo ng walang tigil ang kaniyang ilong.
"You've done it, I'm going to kill you." He announced to me.
"No you're wrong, I'll kill you." Nanlaki ang mata at nawala ang ngite ko dahil lang sa lalaki na to. I want to kill him for insulting me just because I am wearing the gangster uniform of Havoc Gang. It is equavalent to mocking the person who save me. "Tinzel Zacha, I'm not going to forgive you." I channeled a strong amount of Wind and made it coat into my body.
"Sandali lang Rialyn, kumalma ka." Pag-awat ni Devorah sa akin.
"Pagpasensyahan mo na siya, Rialyn." Sabi naman ni Alena sa akin. "Tinzel, tama na. Hindi ka dapat nangiinsulto sa mga tao lalo na kung hindi mo alam ang kwento nila. Hindi ba't palagi mo 'yung pinapaalala sa akin? Sa ginagawa mong ito, tumutulad kana sa mga kapatid mong sina Unger at Zaikel.
I calmed myself down.
"Pasensya na, leader, Alena." Paghingi ko ng tawad saka lumakad palayo. Nagtungo ako sa kinaroroonan ni Meryl.
Si Alena naman ay lumapit kay Tinzel at kinausap ito. Nakinig naman si Tinzel sa kaniya himala. Mukhang kilala nila ang isat-isa ng sobra, maybe childhood friends.
"You're strong. Tinzel Zacha is dead if you didn't stop." Bigla akong kinausap ni Meryl kahit na nagbabasa ito ng libro.
"You're quite a observant person." Sabi ko naman sa kaniya.
Tumawa naman siya ng mahina. "Not really. Forgive Tinzel Zacha, he just want to prove to people that he is strong. He mocked your gang but the truth is he's jealous of you, because no gangs would accept him because of such origin he have." Meryl explain to me.
"You know Tinzel?"
"I'm from a Noble Family on the same City where Tinzel and Princess Alena came from." She answered.
Come to think of it, I read before a article about the Lier Family of Zacha that are protesting for the Guild to be abolished because of the evil secret leaders the Guild have.
"I think I'll just forgive him..." Sabi ko saka ako bumuntong hininga.
Itutuloy.
An; Start of a new arc hehe...hope you'll like it.