Shannon Petrini Point Of View
"Zayn, samahan mo ako." Nilapitan ko agad si Zayn matapos ang klase ngayong araw.
Si Sheina na hindi pa lumalabas ng room ay nagulat sa sinabi ko kay Zayn.
"Shannon? Akala ko ba sasamahan mo ako?" She asked.
Tumingin ako sa kaniya. "Nakalimutan kong may importante pala akong gagawin. Pasensya kana, Sheina."
"Ang sama talaga." Malumbay na lumabas si Sheina sa classroom. Of course bulungan to the max ang mga kaklase namin.
Lumapit pa nga sa akin si Ruke ng may naiinis na ekspresyon sa kaniyang mukha.
"Hoy misfit! Anong koneksyon mo sa future wife ko?" Tanong niya sa akin.
Grabe talaga ang lakas ng apog ng taong 'to. Inisip na niya talaga na magiging asawa niya si Sheina.
"Do you know what you're saying? Sheina is 30 years old while you are 18. You're too young and immature to flirt her." Sabi ko kay Ruke na mas sumama ang mukha.
"Sumosobra kana talaga." He intended to punch. Kaya lang humarang sina Senju at South sa kaniya. Sa magkabilang gilid ng ulo ni Ruke ay nakatutok, ang kamao ni South na binalutan niya ng halamang maraming tinik habang si Senju naman ay binalutan ng apoy ang kaniyang paa na nakatutok sa ulo ni Ruke.
"Subukan mo lang, sa impyerno ang bagsak mo, feelingero." Galit na sabi ni South kay Ruke.
"Wala akong pake kung Royalty ka. Sa oras na dumaop ang kamay mo sa boss, papatayin kita." Malamig na sabi naman ng sumeryoso ang mukha na si Senju.
"TSK! Ang lalaki ng mga ulo niyong dalawa, mahihina naman kayo." Paglait naman agad ni Ruke sa kanila. "Gusto niyong masaktan?" He unleashed his aura. Nabalot ng bato ang kaniyang katawan. "Pagbibigyan ko kayo."
"Fine by us. Let's do this outside." Nanghahamon na sabi naman ni South kay Ruke.
"Hindi ako papayag na labanan niyo siya, Senju, South." Sinaway ko ang dalawa. "Ruke, get lost." I said to Ruke then unleashed a more intensifying aura compared to his. "If you value your life, don't meddle with us!!" Babala ko.
"Mayabang." Agad namang pinawalang bisa ni Ruke ang kaniyang mahika at lumakad paalis.
Ang mga kaklase naming nasa loob ay namutla lahat sa takot na naramdaman sa aura na pinakawalan namin ni Ruke.
Humarap muli ako kay Zayn. "Zayn, I need your response."
"Sige boss. Saan ba tayo pupunta?"
"To talk about business." Tugon ko sa kaniya patungkol sa dahilan ng pag-aya ko sa kaniyang sumama sa akin.
"Sige boss, sama ako." Pagpayag naman agad ni Zayn.
"Senju, South. Huwag kayong makipag-away dahil lang sa nangyari kani-kanina lang. Huwag niyong sirain ang araw niyo." Bilin ko sa dalawa na agad lumuhod.
"Opo, pasensya na po boss kung nawalan kami ng kalma namin dahil sa muntikan ng pagsuntok sayo ng pabebe na Ruke na iyon..." Paghingi ng paumanhin ni South sa akin.
"Pasensya kana talaga, boss. Hindi ko lang matitiis na makita kang sasaktan ng iba." Sabi naman ni Senju na hindi parin bumabalik ang ngite sa mukha.
"I'm not going to let that bastard hit me. Kung hindi kayo humarang kanina, baka nasuntok ko na 'yon at nabalibag siya sa malayong distansya." Pagpagaan ko naman kahit papaano sa nararamdaman nila.
Wala si Rialyn sa classroom dahil inutusan siya ni Sheina kaninang natapos ang klase na ibalik sa library ang mga libro na ginamit sa leksyon. Si Rum naman ay nagpunta sa Cr dahil masama daw ang timpla ng kaniyang tiyan.
"Zayn, let's go." Aya ko kay Zayn na agad tumayo sa kaniyang kinauupuan. "See you later, you two." Paalam ko kina Senju at South.
"Magiingat ka boss." Alalang sabi ni South sa akin.
"Don't dare to do anything stupid to our boss, Zayn. I will kill you!" Banta naman ni Senju kay Zayn na napakamot sa kaniyang ulo.
"Hayaan mo na siya, ganiyan lang talaga yan pagdating sa akin." Paalala ko kay Zayn.
*****
Nagtungo kami ni Zayn sa isang sira-sirang dating bentahan ng bigas na pwesto dito sa isa sa mga palengke na mayroon sa Palkia.
"I'm planning to buy this place, nadaanan ko ito minsan. Hindi masyadong maluwag pero perpektong pwesto para mag-negosyo dahil sa palengke nakalagay." Paliwanag ko kay Zayn.
"Indeed, it is a perfect place for business." Pag-sangayon niya sa akin.
"Gusto kong ikaw ang mag-manage ng itatayo nating bentahan ng bigas. Can you do that?"
"Pero boss, bakit bigas ang ibebenta?"
"Food is important before any other material things. Maraming nahihirapan na pagkasyahin ang kanilang mga pera sa bulsa dahil sa mahal na mga bilihin. We're going to buy this place and sell rice with cheap prices. Huwag kang mag-alala, hindi naman tayo malulugi sa gagawin nating ito."
"If that's what you think boss, I won't disagree. Tulong na din naman iyon sa mga mamamayan na nahihirapan sa pangaraw-araw na panggastos nila. Pero, saan naman tayo kukuha ng puhunan? Uutang ba tayo sa bangko? O magnanakaw?"
"Magnanakaw? We're gangsters Zayn but commiting crimes is prohibited for me. We're doing this in a legal way. I still have 1 million Gilden on my bank account, iyon ang gagawin nating puhunan. We will try out first if selling rice would benefit us or not."
"May alam kabang mag-iimport sa atin ng bigas na ibebenta natin?"
"May nabalitaan akong isang pamilya na nagsasaka sa kagubatan sa labas, ilang kilometro ang layo dito sa Palkia City. Maganda ang kalidad ng bigas nilang dinadala dito sa Palkia na hindi maayos na binibili ng mga negosyante ng bigas sa kanila. Tayo ang aangkin sa mga bigas nila, babayaran natin sila sa presyo na dapat nilang matanggap."
"I also heard about that family. They are talented farmers at marunong din silang gumamit ng magic. Pero boss, papayag kaya sila na bumuo ng kontrata sa atin? Mga gangsters tayo." He worriedly said.
"I see no problem with that. Tara at kausapin natin sila ngayon na mismo ng magkaalaman." Gumawa ako ng pakpak na apoy at lumipad. Hawak sa kaniyang likuran na bahagi ng damit ay nagtungo kami ni Zayn sa kagubatan, sa labas ng Palkia City para kausapin ang pamilya na mga bihasang magsasaka ng palay.
*****
It took me 5 minutes to reach the place. Sa kagubatan ay mayroon matataas na mga bakod na gawa sa kahoy. Hinarang kami agad ng apat na bantay na mayroong mga hawak na mga spears.
"Sino kayo? Anong kailangan niyo sa tahanan namin?" Tanong ng isa sa mga bantay sa amin ni Zayn.
"I'm Shannon Petrini, we're here to talk about business. We want to meet the head of your farmland." Paliwanag ko naman agad.
"Sumama kayo sa akin." Ang bilis nagtiwala sa akin ng mga bantay. Pinasunod kami ng sa isang kanila.
Sa pagpasok namin ni Zayn ay tumambad sa akin ang malawak na palayan. Mayroon bagong tanim na mga palay ngayon sa lugar na ito.
Nagtungo kami sa isa sa tatlong bahay na nandito sa lugar na ito. Ito din ang pinakamaling bahay sa tatlo.
Pumasok kami ni Zayn sa isang opisina at doon ay nakita namin ang isang matandang lalaki na nakaupo habang may inaasikaso na mga papeles sa kaniyang lamesa.
"Magandang umaga ginoo." Bati ko sa lalaki na ito at umupo kami ni Zayn sa mahabang upuan na nasa tapat ng lamesa.
"What can I do for you?" Tanong sa amin ng lalaki.
"We're here to sign a contract with you. Gusto naming mag-import ng bigas sa inyo at ibenta namin sa Palkia City."
"Mga Royalty, Noble ba kayo?"
"No we're not." Tugon ni Zayn.
"Then I don't have anything else to discuss with you. Get out."
Nagtaas ako ng kilay sa narinig ko. "Listen, it doesn't mean that we're not Royalty nor Noble we don't have money to buy rice from you."
"Hindi dahil hindi kayo mga Royalty o Noble. Kundi dahil sa, ang mga taong mga yun nga na maraming mga Gilden ay hindi kami mabayaran ng maaayos, kayo pa kaya?"
"Huwag mo nga kaming ipareho sa mga basurang tao. You wanted to profit the way you deserve right? We can give that to you. We will pay you the right price for the quality rice you produce in this farmland of yours." Zayn explain to him. Way to go to a business maniac.
"Paano naman kami makakasiguro sa sinasabi mo? Mukha kang isang hindi kilalang negosyante sa Palkia. Paano kita mapagkakatiwalaan?"
Hindi nakasagot si Zayn sa katwiran ng lalaki sa kaniya.
"I'm a close relative to the Mchavoc family." I have no choice but to lie. "Think you can consider signing a contract with us?"
"Anong kasinungalingan naman 'yan? Sa tingin mo maniniwala ako sayo?"
"You were once a member of Silver Panther Gang mister. The one who help you build a farming business is Rox Mchavoc, my master's father."
"You...how did you know that. Your master's father? Don't tell me you are Mary Mchavoc's desciple?"
"Mukhang si Mary Mchavoc agad ang naisip mong master ko ahh?"
"It's a given. Mary Mchavoc was not a member of Silver Panther Gang but she's always in our headquarters. That girl and his father taught me how to handle a business." He said with teary eyes.
I don't remember doing such thing. I can't even recall the face of this man. I only knew that he was a member of my father's gang that he helped found a business. Akala ko patay na ang lalaking ito at iba na ang nagmamanage ng business nila, nagkamali ako. Siya parin ang mayari ng lugar.
"Now that you know about it, feel like considering signing contract with us?" I asked him again.
"Papayag na ako. Ang mga Mchavoc ay isa sa mga pamilya na maraming natulungan na mga tao dito sa Vlade Empire. Kung ang desipulo ni Mary Mchavoc ay nangangailangan, hindi ako magdadalawang isip."
"Mabuti naman kung ganon." Nagalak na sabi ko.
"We still haven't got our business permit from the Imperial Palace. Could you wait for that before signing a contract?" Pakiusap naman ni Zayn sa lalaki.
"Siyempre naman." Tugon naman ng lalaki.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa lalaki at inilahad ang kamay ko. Tinanggap niya naman ito at nakipagkamay sa akin.
"I'm Nathaniel Sabado, nice to meet you, Shannon Petrini."
*****
Hindi inabot ng isang araw si Zayn para makakuha ng business permit kaya naman napirmahan namin ang kontrata namin sa Sabado Rice Corporation.
Binili ko ang pwesto ng bentahan ng bigas at hindi din natagalan sa pagpa-ayos nito.
Nakapag-import agad kami ng isang daang sako ng bigas na binayaran namin ni Zayn ng 800 Gilden kada sako.
Sa unang gabi na pagbukas ni Zayn sa tindahan ay 20 sako agad ang nabenta sa halagang 805 Gilden kada sako. Nagbenta din kami ng kilo-kilo lang na bigas. Sa susunod na linggo, magi-import pa kami ng maraming sako ng bigas para ibenta.
Dahil mahihirapan na mag manage sa ngayon si Zayn sa negosyo dahil studyante pa siya, nag-hire siya ng isang kakilala niyang mapagkakatiwalaan na bantay at magbebenta ng bigas sa shop. Sa shop narin tumira si Zayn kaya makakatulong siya tuwing uuwi siya galing eskwela.
Binigyan ko ng puhanan na 200,000 Gilden si Zayn, nasa sakaniya na kung paano niya papalakihin ang perang iyon.
Since the rice selling business was a success, I made my second move.
Ipinasok ko sa isang Martial Arts School si Rum dito sa Palkia City. Martial Arts School is highly recommended for people that have no magic but wanted to learn how to defend themselves.
I wanted to fix the anger issue of this man. Tuwing Sabado at Linggo ng gabi siya papasok. Pinagbawalan ko siya na makipag-away sa mga magiging kaklase niya doon, lalo na sa kaniyang guro.
Malaking Gilden ang binayad ko sa guro na magtuturo kay Rum ng Martial Arts. Mukha kasing magic dependent si Rum kaya kailan niyang matutong gumamit ng physical attacks.
Hindi lang iyon, Rum will also be the Financial Manager of Havoc Gang. Rum will provide our financial needs as I gave him 300,000 Gilden. Kapag naubos na ang 300,000 Gilden na iyon ay bibigyan siya ni Zayn ng Gilden. Of course, sinabihan ko si Rum na huwag basta-basta magbibigay ng pera kung walang katuturan naman ang paggagamitan.
Bumili na nga ako ng Financial Office ng Havoc Gang malapit lang sa Martial Arts School na papasukan ni Rum.
With this, I solved Senju and South's struggle doing part time jobs to provide their financial needs. Senju and South can just assist Zayn nor Rum if they wanted.
But of course, I still have plenty of Gilden left, a money I save 10 years ago for being an Adventurer.
Senju has a good voice, kaya plano kong magtayo ng isang concert hall pero baka hindi bumenta dahil hindi kilala si Senju sa Palkia at hindi din siya Royalty.
South is good at cooking so I'm planning to make him a head chef for the restaurant that we will established.
Pero dahil 3rd year na si South, hihintayin ko na muna na grumaduate siya sa Academy.
*****
I'm sitting at the sofa right now here in our house. I'm relaxing myself.
Senju who was sitting in the other sofa and was reading the book that I already finished reading suddenly asked me. "Boss, wala ka bang planong ayusin at palakihin ang bahay na ito?"
"Mayroon naman. Kung may kilala kang Foreman, pwede kong ipaubaya sayo ang pagpapagawa sa bahay na ito, I will lend you money to be able to do so kaya palakihin mo dahil ito na din ang gagawin nating headquarters. Kailangan mo ding magpa-alam kay South."
"Understood boss."
"Wala pa si South. Saan na naman kaya nagpunta 'yon?"
"Ewan ko nga boss."
"Nga pala Senju, hindi kaba maghahanda para sa War Game? Tutal walang pasok sa Academy bilang paghahanda kaya magsanay ka Senju. Isang Linggo na lang, War Game na."
"Nagsasanay ako tuwing umaga boss."
"Mabuti naman kung ganon. Baka nagsasanay din si South sa mga oras na ito."
*****
South Avalo Point Of View
"That's it Chibesfri, you're doing grear." Papuri ko kay Rialyn na mabilis napapatumba ang mga puno dito sa gubat na aming pinagtri-trainingan. Rialyn was permitted to stay and rent in Palkia for a while to prepare for the War Game by his parents. Mapride ang mga magulang niya kaya ayaw nilang mapahiya.
As a result, ilang araw at gabi na kaming nageensayo ni Rialyn. Rialyn wants to meet the expectations of future Havoc Gang members to join that the vice president is strong.
Hindi mahina si Rialyn. She have a strong magic power, sadyang nauunahan siya ng takot at pangamba kaya nagmumukha siyang mahina sa mata ng ibang tao.
"Pahinga muna tayo." She exclaimed after bringing bunch of trees down. Umupo siya sa madamong lupa.
"Marumi diyan, Chibesfri."
"Hindi naman ako maaarte." She pouted afterwards at talagang tumaray sa akin.
Hindi talaga ako masasanay sa ugali ng kababata ko na 'to.
Itutuloy.