webnovel

Ang Hindi Malirip na Dalubhasa (Ika-apat na Bahagi)

Redakteur: LiberReverieGroup

[Anong guro? Walang gurong umiiral!] Nanatiling kalmado si Jun Wu Xie, samahan pa ng seryoso nitong mukha.

"Huh! Sinasabi mo bang maging ikaw ay kumain ng binhi ng lotus? Ano ang nangyari? Ayos ka lang ba? Masakit ba ito?" Dahil nasaksahin ni Jun Xian ang dinanas ng anak, isang Heneral sa Digmaan ay nanliit sa sobrang sakit, hindi nito maiwasang mag-alala sa apong lalabin-apat na taong gulang pa lang, at higit sa lahat ay walang kahit anong katiting na ispiritwal na enerhiya sa katawan.

Umiling lang si Jun Wu Xie. "Ayos lang po ako, may kaunting pagkabalisa, ngunit hindi kasin-lala ng dinanas ni Tiyo. Masama ang kinalabasan ng proseso sa katawan niya dahil sa pagkalasong tinamo nito noon at nanuot na ang lason sa kaniyang buto ng matagal na panahon. Ang binhi ng lotus ay naglalayong luminis ng mga bone marrow na para bang binibigyan ka nito ng panibagong mga buto. Ang sakit na dinanas niya ay dulot ng pilit na pagpipiga ng mga lason hanggang sa kasuluksulukan ng kaniyang buto. Habang mas nanunuot ang lason, nagiging mas mahirap ang paglilinis at pagpapalabas ng mga dumi at lason. At ang lahat ng ito ay lalabas sa balat kasabay ng pawis, kung kaya't walang dapat alalahanin na kumplikasyon sa hinaharap.

Kung sakaling hindi niya nagawang iligtas si Jun Qing, wala nang dahilan pa upang manatili pa siya.

Halos lumuwa ang mata ni Jun Xian nang marinig nito na ang lahat ng dumi at lason at naipalabas sa katawan ni Jun Qing kasabay ng pawis nito.

"Nang magising ako, ramdam kong may nagbago sa aking katawan. Gumaan ang aking pakiramdam, at nang subukan kong umupo, napansin ko ring nakakaramdam maging ang aking mga binti." Sabik na kuwento ni Jun Qing.

Nitong mga nagdaang taon, wala siyang nararamdamang anuman, na tila wala rin siyang mga binti. Ngunit ngayon, kahit katiting lang na pakiramdam, masayang masaya na siya.

"Sabi ni Guro na matapos malinis ang lahat, at sa tulong ng ilang gamot at panligong may gamot para sa pangkondisyon ng katawan, maibabalik sa dati ang iyong mga binti sa loob lamang ng kalahating taon." Gamit ang pangalan ng kaniyang 'Guro', nailahad niya ang kaniyang kagalingan.

Tumahimik ang buong silid.

Ang mag-ama ay parehong halos lumuwa ang matang nakatingin kay Jun Wu Xie.

Matapos ang kanilang pakikibaka sa sakit sa loob ng sampung taon, sa wakas ay may nakikita na silang liwanag. Isang panibagong pag-asa.

"Wu Xie, ano ang ibig mong sabihing… maibabalik sa dati…? Posible kayang makalakad muli ang iyong Tiyo?" Hindi mapigilan ni Jun Xian ang kaniyang kagalakan. Nagpipigil lamang siyang mapatalon sa saya sa pangambang mabigla ang dalaga sa kaniyang asal.

Tumango siya. "Magagawa niyang makalakad muli gaya ng isang normal na tao. Kaya nga lang, matagal siyang nanatili sa kaniyang upuan, higit sa isang dekada, ang kaniyang mga kalamnan ay napabayaan. Kung nais niyang bumalik ang kaniyang katawan sa dati nitong kondisyon, kakailanganin niyang magsanay hanggang sa isang taon upang tuluyang mapaunlad ang pangbabang bahagi ng kaniyang katawan."

"Ah? Makakabalik ako sa dati kong kalagayan sa loob lamang ng isang taon?" Pakiramdam ni Jun Qing ay nananaginip lamang siya. Lubusan siyang namangha at nalulugod sa balita hanggang umabot na sa puntong nakaramdam na ito ng pagkahilo habang makikita sa kaniyang mukha ang saya at pagkagitla.

Buong akala niya ay mananatili na lamang siya sa kaniyang upuan habang-buhay. Ang makapaglakad ay mananatili na lamang isang pangarap para sa kaniya. Pangarap na handang ipagpalit sa kahit ano, matupad lamang.

At ngayon, ayon kay Jun Wu Xie ay makakapaglakad siyang muli, bukod pa rito ay maibabalik ang dati pa niyang kondisyon.

Hindi ba talaga ito isang panaginip?

Pinanood ni Jun Wu Xie ang dalawa na halos napapaluha. Ang kanilang mukha, namumula sa kasiyahan. Hindi niya maunawaan ang kanilang nararamdaman. Kailangan bang ganito sila kasaya?

Ang hindi niya maunawaan ay, ang mga binti ni Jun Qing ay kailanman hindi naging problema. Ang mapalabas ang lahat ng lason na nanuot sa kaniyang mga buto ang tunay na problema. At ngayong ang pinakamhirap na yugto ay nalutas na, bakit kaya sila sobrang nasasabik